Hindi napigilan ni Luna na pigain ang kanyang mga kamay nang marinig niya ito. Nakagat niya ang labi at inangat ang ulo para titigan si Jim. "Sumasang-ayon ka ba na sinadya ni Joshua na ipahiya si Christopher at ininsulto ang pamilyang Landry at ako?" Inakala ni Luna na bilang pinsan ni Joshua, magiging iba si Jim sa lahat, ngunit... "Well, ano pa sa tingin mo ang intensyon niya para gawin ito?" Napangisi si Jim at idinagdag, "Sinusubukan mo bang sabihin sa akin na ang isang matalinong tao na tulad ni Joshua Lynch ay hindi man lang mabatid ang isang pambihirang damo bukod sa ilang karaniwang damo, sa kabila ng pagkakaroon ng mga larawang makakatulong sa kanya? Kahit na ang isang bata ay naiintindihan ang mga larawan na ipinakita sa kanya ni Christopher, kaya ano ang nangyari?" Napakagat labi si Luna nang marinig ito. Nagpakawala siya ng buntong hininga at pumikit. "Hindi ako babalik sa tabi nyo pansamantala. "Gusto kong marinig ang paliwanag ni Joshua para sa lahat ng ito."
Naka-light makeup si Heather, at mukhang nagliliwanag ang kanyang balat. Halata na siya ang tagapagmana ng isang mayamang pamilya. Nang makitang napansin siya ni Luna, hindi mapigilan ni Heather ang mapangiti. Pagkatapos, matikas siyang umupo sa bakanteng upuan ni Jim at iniabot ang kanyang kamay kay Luna. “Luna, ngayon ang tamang panahon na magkita tayo ng pribado.” "Ang pangalan ko ay Heather Landry, at ako ay kapatid ni Aura, ang panganay na anak na babae nina Joseph at Natasha, ang iyong mga adoptive na magulang.” "Ayon sa ating edad, ipinanganak ka ilang araw bago ako, kaya dapat kitang tawaging 'Big Sister' gaya ng ginawa ni Aura." Hindi mapigilan ni Luna ang pagpikit ng mga mata nang marinig ang pagbanggit ng pangalan ni Aura. Naalala niya ang pag-uusap na narinig niya sa labas ng Blue Bay Villa nang may kausap si Aura sa telepono. Noong panahong iyon, may tinawagan si Aura, “Sis.” Si Heather siguro ang kausap ni Aura. Noong panahong iyon, inakala ni Luna na si Aur
Dumilim ang ekspresyon ni Luna nang marinig niya ito. Sumingkit ang mga mata niya at tumalikod siya, tumitig siya kay Heather. “Isang bwisit na walang tahanan?” Ngumisi si Luna habang nakatingin siya sa maputlang mukha ni Heather. “Heather, sa tingin ko ay dahil iniisip mo na bilang tagapagmana ng pamilya Landry, wala nang makakalagpas pa sa katayuan mo.” “Nakalimutan mo na ba? Kung inabandona talaga ako ni Joshua, dapat akong bumalik sa pamilya Landry. Kapag nangyari ‘yun, sino kaya ang magiging bwisit na walang tahanan na tinutukoy mo!” Tumalikod si Luna at naglakad siya palayo, gulat na nakatingin sa kanya si Heather. Paglabas ng restaurant at pagpasok ng kotse, napuno ng luha ang mga mata ni Luna. Tama si Heather. Kung inabandona ni Joshua si Luna… magiging bwisit na walang tahanan talaga siya. Nang maisip ito ni Luna, yumuko siya at nilabas niya ang phone niya at nagsend siya ng message kay Joshua. [Alam ko na busy ka, sa sobrang busy mo ay wala kang oras para pu
Gumanda na nga talaga ang kondisyon ni Rosalyn, pero ayon sa pamilya Landry, ang halaman na buwis-buhay na kinuha ni Joshua, ay si Malcolm ang nagbigay sa halip. Higit pa dito, nagannounce ng pamilya Landry at pamilya Quinn na magtutulungan sila para talunin ang ibang kumpanya na papasok sa Merchant City. Malinaw na ang tinutukoy nila ay ang Lynch Group. Gayunpaman, ang mahirap tanggapin para kay Jude ay… Nagannounce ang pamilya Landry na maghohost sila ng engrandeng party para ipagdiwang ang pagbabalik ni Luna, ang tunay na tagapagmana ng pamilya Landry. Nang marinig ito ni Jude, hindi siya makapaniwala. Magiging isang Landry na si Luna! Nagbuwis-buhay si Joshua para mahanap ang halaman mula sa dulo ng bangin para gumaling si Rosalyn at para hindi bumalik si Luna sa pamilya Landry at para hindi na siya maging kalaban ng mga ito. Anong nangyari pagkatapos nun? Kinuha ni Malcolm ang puri sa halaman na nahanap ni Joshua, at hindi nagtagal, ang mahal ng buhay ni Joshua ay
Sa Landry Mansion. Walang ekspresyon si Luna sa loob ng dressing room habang hinayaan niya ang mga katulong na maglagay ng makeup at alahas sa kanya. Ang karamihan ng alahas na sinusuot sa kanya ay inihanda ni Heather. Kahit na halos pambihira ang mga alahas na inihanda ni Heather, pangit at mura ang mga ito, na para bang ginagantihan niya si Luna para sa masamang sinabi nito. Dati, hindi man lang hahayaan ni Luna ang mga alahas na ito, ngunit sa mga sandaling ito, hinayaan niya ang mga katulong na isuot sa kanya ang mga alahas ng hindi man lang siya tumatanggi. Nakatitig si Luna sa imahe ng isang payat na babae sa salamin. Sa nakalipas na linggo, hindi siya makakain o makatulog dahil kay Joshua. Tuwing maririnig niya ang ingay sa labas ng Tea Cottage, tatayo siya at tatakbo siya papunta sa bintana para tumingin, ngunit laging hindi ito si Joshua. Wala sa kanila si Joshua. Dahan dahan na napalitan ng pagkadismaya ang pagasa sa puso ni Luna. Pitong araw siyang gumawa
“Dahil bagay talaga kayo, bakit hindi na ang ikaw ang magannounce ng engagement niyo sa seremonya?” Mainit at magaspang ang mga palad ni Charles. Kumunot ang noo ni Luna at yumuko siya para tumingin kay Charles habang walang ekspresyon sa mukha niya. “Desperado ba kayo na magpakasal ako sa ibang lalaki sa oras na bumalik ako?” Tumigil ng ilang sandali si Charles, pagkatapos ay umiling siya. “Hindi, hindi, engagement lang ito! Pwede mong ipostpone ang kasal ng hanggang gaano katagal mo gusto!” Ngumiti si Luna at ngumiti siya at sumagot, “Kung hindi naman namin kailangan magpakasal agad, hindi rin namin kailangan ma-engage agad.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim, tumayo siya, at lumabas siya ng pinto. Sa ikinagulat niya, ang unang nakita niya pagbukas niya ng pinto ay si Malcolm, nakaupo sa wheelchair. Nakatitig si Malcolm sa mukha ni Luna at sinabi niya, “Hinihintay mo pa rin si Joshua, tama ba?” May bahid ng pait at desperasyon sa mukha ni Malcolm habang sinasabi niya
Noong gabing ‘yun, bumuhos ang malakas na ulan sa Merchant City. Dumating ang isang eroplano sa airport. Si Joshua, na kakagising pa lang sa kanyang tulog, ay mabagal na bumaba ng eroplano, hirap siyang buhatin ang katawan niya. Dahil isang linggo siyang walang malay, mahina pa ang katawan niya, ngunit pilit niyang maglakad ng walang tulong palabas ng airport at papunta ng kotse niya. “Baka makaabot pa po tayo.” Si Neil, na sinamahan si Joshua sa mga panahong ito, ay yumuko at tumingin sa oras. May 30 minuto pa bago magsimula ang seremonya. Kahit na hindi pwedeng maging mabilis ang kotse sa mabigat na ulan, mabuti na lang at hindi malayo ang party venue sa airport, at makakaabot sila sa loob ng kalahating oras. “Kanina lang po, habang nasa eroplano po tayo, nagsend si Uncle Lucas ng text at sinabi niya na nandoon na po sila ni Uncle Luke.” Tumingin si Nigel sa message sa phone niya at sinabi niya, “Sinabi po nila na parang maling party po ang napuntahan nila.” Pagkatapo
“Sa huli, pumunta sina Charles at Luna sa entablado at idineklara nila ang pagbabalik ni Luna sa pamilya Landry, pagkatapos…” “Maaga nilang tinapos ang party.” Tinuro ni Lucas ang hall na walang laman at dinagdag niya, “Wala na po masyadong tao sa loob ngayon.” Nanginig ang buong katawan ni Joshua nang marinig niya ito. “Si Luna… Inannounce niya ba na siya na ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Landry?” Tumango si Lucas, pagkatapos ay mabilis siyang umiling. “Hindi po ang pinkamatanda… ang pangalawa po. Ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Landry ay si Heather pa rin.” Pumikit si Joshua at naramdaman niya na nauubos ang lakas sa katawan niya. Huli pa rin siya, ganun ba? Sa mga sandaling ito, may taong nagbukas ng pinto. Ang mga taong lumabas sa hall ay walang iba kundi ang nakasimangot na si Charles at ang isang tahimik na si Luna. Nang makalabas na sila ng pinto, nakita nila si Joshua na nakatayo sa entrance. Dumilat si Joshua nang marinig niya ang