“Di ba…nasa Lucky Den tayo ngayon?” “Sige, noted,” maikling sagot ni Jim at ibinaba ang telepono. Sa oras na ibinaba na niya ang telepono, kabababa lang din ni Joshua ang tawag kasama ang tatlong bata. Sa sandaling ito, nakaupo sila sa isang pribadong booth sa ikalawang palapag. "Nandito na si Master Quinn!" Biglang umalingawngaw mula sa ibaba ang malakas na bulalas ng isa sa mga waiter. Nagpalitan ng tingin sina Joshua at Jim, at agad na iniabot ni Jim sa kanya ang isang set ng bodyguard uniforms. "Itago muna natin ang iyong pagkakakilanlan, pagkatapos ay makikita natin kung ano ang kanyang ginagawa." Tumango si Joshua at pumasok sa washroom para magpalit ng damit. Paglabas niya ng washroom, nasalubong niya ang isa sa mga tauhan ni Malcolm. Ang lalaki ay nakatayo sa isang sulok sa labas ng banyo, tumatahol ng utos sa isang walkie-talkie, "Naaalala mo ba ang mga tagubilin ni Master Quinn? Pagdating ng babae... "Alpha, ikaw ang bahala sa paggawa ng aksidente at paglala
Hindi sinagot ni Joshua ang tanong ni Jim at sa halip ay tumitig siya kay Malcolm mula sa malayo. Nang makita na hindi sumagot si Joshua, hindi mapigilan ni Jim na magtanong, “Ayaw kang makita ni Luna, pero pumayag siyang makita si Malcolm… Sa tingin mo ba ay dahil mas may tiwala siya kay Malcolm kaysa sayo?” Nang marinig ito ni Harvey, kumunot ang noo niya at nagsalita siya, “Mr. Landry, sumosobra ka na.” Alam niya na masama na ang loob ni Mr. Joshua, pero binabanggit pa ito ni Jim. Ngunit, sa ikinagulat ni Harvey, sinabi ni Joshua na tila walang pakialam, “Tama ka. Mas… may tiwala siya kay Malcolm kaysa sa akin.” Nagkatinginan sina Jim at Harvey nang marinig nila ito. Hindi nila inaasahan na… aamin si Joshua dito. Lumingon si Joshua at tumitig siya ng nalilito sa mag-ama at tinanong niya, “Mahirap ba para maintindihan? Marami… akong ginawa dati na nakasakit kay Luna. “Anim na taon na ang nakalipas, naaksidente siya at nanganak siya, pero ako, ang asawa niya, ay wala doo
Sa isang palad, si Bonnie, dahil sa mungkahi ng tatlong bata, ay binantayan siya at pinagbawalan siya na makita ang kahit sinong mula sa labas. “Ayos lang.” Walang pakialam si Malcolm kung bakit tumanggi si Luna na magpakita sa kanya at sa halip ay inabot niya ang jewelry box habang nakangiti. “Tingnan mo.” Masyadong malayo sina Joshua at Jim sa mesa ng dalawa, kaya’t hindi nila malaman ang laman ng ng jewelry box. Sumandal si Harvey sa bintana at binulong niya, “Wow, wedding ring ba ‘yun?” Kumunot ang noo ni Joshua at inobserbahan niya ng maingat ang ekspresyon ni Luna. “Hindi.” Kung ito ay isang wedding ring, hindi magmumukhang seryoso ang ekspresyon ni Luna. Gayunpaman, ang ekspresyon niya sa ngayon… Tila may bagay siyang sinusuri na nawala sa kanya dati, at ngayon ay sinisigurado niya na ito ay ang bagay na nawala sa kanya. Tumingin si Harvey kay Joshua. “Paano mo naman nalaman na hindi?” Hinimas ni Joshua ang buhok ni Harvey at sinagot niya, “Alam ko lang.” “Da
Konti pa lang ang lumipas na oras at hindi pa uminom si Luna, pero gusto niya na agad umalis. Nagulat si Malcolm dahil dito. Hindi pa nailagay ng mga tauhan niya ang tracking device kay Luna! Nang maisip niya ito, mabilis na sinabi ni Malcolm, “Luna, alam ko na basta basta ang desisyon ko, pero dahil lang namiss talaga kita.” Lumapit siya sa tabi ni Luna at hinawakan niya ang braso nito. Puno ng pagsisisi at kalungkutan ang kanyang mga mata. “Dahil lumabas ka na rin naman… Bakit hindi mo ako samahan maghapunan?” “Sa sobrang miss ko sayo ay hindi ako makakain at makatulog ng maayos. Alam ko na hindi ka aalis ng bahay ng walang magandang rason, kaya’t ginawa ko ang dahilan na ito para makipag ktia ka sa akin…” Ang sabi niya ng nagmamakaawa. Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa mukha ni Malcolm. Kahit na tutol siya sa ideya na niloko siya ni Malcolm… Napansin ni Malcolm na gumaan ang ekspresyon ni Luna, huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak niya kay Luna, balak
Umikot ang mga mata ni Jim. “Nakikinig ba ang anak mo sa lahat ng sinasabi mo?” Pinag isipan ito ng saglit ni Joshua, pagkatapos ay sumagot siya, “Oo, nakikinig sila, at hindi nila ako tinatawag na Mr. Lynch.” Muling umikot ang mga mata ni Jim at sinabi niya, “Bahala ka.” Hindi nagtagal, dumating na ang chicken na inorder ni Harvey. Ang isa sa mga tauhan ni Malcolm, na nagbihis at nagpanggap na isang waiter, ay ‘aksidente’ na nabunggo kay Luna at naglagay ng maraming tracking device sa damit niya ng hindi napapansin ni Luna. Kumain si Harvey ng fried chicken at sinasadya niyang lagyan ng mantika ang damit ni Luna. Pagkatapos, kumuha siya ng tissue at tinulungan niya na punasan ang damit ni Luna habang palihim na tinatanggal ang mga tracking device. Kumunot ang noo ni Malcolm habang pinapanood niya na nililinis ni Harvey si Luna. “Harvey, hindi ka ba… tinuruan ng tatay mo ng tamang asal sa mesa?” Mayaman ang pamilya Landry, at bilang mga master ng pamilya Landry, paano nag
“Joshua Lynch!” Nang makita ni Malcolm si Joshua, sa sobrang taranta niya ay humigpit ang hawak niya sa tasa niya sa punto na namutla ang mga kamao niya. Tumingin si Joshua sa kamay niya at ngumiti siya ng maliit. “Mr. Quinn, matagal mo na akong hinahanap… HIndi mo inaasahan na darating ako sa harap mo, hindi ba?” Yumuko siya at tumingin siya sa phone niya. Sa mga sandaling ito, nakatanggap siya ng message mula kay Harvey na may nakasulat, [Tagumpay ang plano.] Ibig sabihin ay ang mga tao na pinadala ni Malcolm para sumunod kay Luna ay sa halip ay nakasunod sa kotse ni Harvey. Bukod pa dito, ang lahat ng tracking device na nilagay kay Luna ay tinanggal na at sa halip ay nakay Harvey ang mga ito. Nang makita ito ni Joshua, huminga siya ng malalim at lumingon siya para tumingin kay Malcolm, na siyang nakatitig sa kanya na tila gusto siyang patayin nito. “Kung hindi ka agad tumayo ngayon, Mr. Quinn, baka hindi ka na makakuha ng pagkakataon.” Pagkatapos, naglabas ng makinan
Suminghal ang lalaking namumuno sa grupo at sinabi niya, “Ang lakas ng loob ng lalaking ito na saktan si Master Quinn. Pupunuin natin ng bala ang ulo niya ngayong gabi!” Pagkatapos umikot ng Ring Road ng limang beses kasama ang mga kotse na humahabol sa kanya, lumitaw sa kotse ni Joshua na paubos na ang gasolina. Bukod pa dito, natamaan na ng ilang putok ng bala ang kotse niya. Biglang nagring ang phone ni Joshua. Ito ay isang message mula kay Bonnie. Nakauwi na ng ligtas si Luna. Sa sandali na matanggap niya ang message na ito, huminga ng malalim si Joshua at lumiko siya paalis ng freeway, papunta sa isang kalsada na walang laman. Ngumisi ang mga lalaki sa likod niya nang makita nila ito. Bobo ba ang lalaking ito? Bakit siya lumiko at pumunta sa ganitong lugar? Hindi lang nila mahahanap si Joshua, mahuhuli pa nila ito ng buhay! Inutos ng leader na sagarin ang bilis ng kotse at habulin ang kotse ni Joshua. Mahuhuli nila ng buhay si Joshua! Itinabi ng mga lalaki ang ba
Nang makarating si Luna sa Tea Cottage, sumapit na ang gabi. Si Bonnie, na nakaupo sa sofa, ay tumalon at niyakap niya si Luna nang makita niya na pumasok ito. “Ayos ka lang, mabuti naman!” Sa sobrang bilis at lakas tumalon ni Bonnie ay halos nawalan ng balanse si Luna. Muntik na siya natumba at inayos niya ang tayo niya bago niya tinanong, “Anong nangyari?” “Kanina lang, nakita ko sa balita na may barilan sa Lucky Den, at nasaktan si Malcolm. Akala ko ay—” Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumingin siya sa TV screen. Ipinapahayag ng newscaster ang breaking news sa barilan sa Lucky Den ng may malamig na boses, “Sa sobrang bilis ng pangyayari ay sa oras na mapansin na ito ng lahat, nasaktan na ang mga binti ni Master Quinn, at umalis ang shooter sa eksena. “Mabuti na lang at naaksidente ang mga binti ni Malcolm Quinn noong isang buwan na ang nakalipas, na nagresulta ng pagkaparalisado ng mga binti niya. Kaya naman, kahit na binaril siy