Share

MRF 81: Achilles' Heel

Ilang araw na ang nakalipas subalit hindi parin nagigising si Helios. Noong nakaraang araw nga ay nagkaroon ng seizure ang binata mabuti na lang naagapan agad at naging maayos din ito pagkaraan pero hindi parin sila kampante hanggang sa ngayon. Tanging dasal niya ay sana magising na ito para maibsan din ang pag-aalala ni Silvestre sa kapatid.

Muli siyang nagtungo sa hardin kagaya ng araw-araw niyang nakagawian. Nahihilig na siya sa kakatanaw sa bulaklak sa lugar na iyon. Nakakagaan ng loob. Siguro ay babae ang anak niya. Hindi naman siya mahilig sa bulaklak dati pero parang nagbago yata ngayon.

Abala rin ang mga tao sa loob ng mansyon ngayon. Mas dinagdagan pa nga ang seguridad magmula noong may mangyari kay Helios. Halos hindi niya rin mahagilap si Silvestre nitong mga nakaraan dahil masyado itong abala sa mga bagay na wala siyang alam. Pero nasisiguro niyang isa sa mga bagay na iyon ang tungkol sa mga ebidensyang hawak ng lalaki laban kay Valentino. Connor, together with the Vice pr
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status