¤Katerina¤Naglalakad siya palabas ng bahay dahil kikitain niya ngayon si Wilma para sa taong pinaimbestigahan niya na walang iba kundi ang kanyang sariling fiance na si Damon Castellanos. Pagkalabas niya ay naghihintay na si Silvestre sa tapat ng sasakyang gagamitin niya. Ipagdadrive siya ng binata dahil may trauma pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari noong nakaraan. Papasok na sana siya nang mapansing may mga pasa at putok sa labi ang kanilang bodyguard kaya hinarap niya ito at sinipat ng tingin. "Anong nangyari sa mukha mo Silvestre?" Nagtataka niyang tanong. Nahihiya naman itong tumingin sa kanya "...napaaway lang po Señorita." "Napaway? Saan naman? Tsaka ang dami nyan ah? Sino bang bumugbog sayo?" Sunod sunod niyang tanong. Nasanay kasi siyang laging malinis ang mukha ng binata mula ng maging bodyguard nila ito at ngayon ang unang beses na nagkaroon ng mga galos si Silvestre. "Uh…This is nothing Señorita, I'm afraid your friend is already waiting for you so we better go,"
¤Katerina¤Nagkikislapan ang camera ng mga ito upang kuhanan siya ng larawan at pahayag. Everyone wanted a scoop of how come that Senator Valentino Castellanos is having a son that will be marrying very soon. Kahit siya man ay shocked pa rin sa balitang iyon, agad na nagpunta ang iba pang bodyguards para hindi siya makuyog ng mga ito. Inanunsyo ng emcee ang kanyang pagdating. Lahat ng mga mata ng mga taong naroroon ay napunta sa kanya ang atensyon. Sa taglay niyang eleganteng kagandahan ay hindi maiiwasan ng mga naroon ang paghanga. She can even hear 'wows' in their whisper. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. The grand hall was in a dim light. Parang old classic ang tema ng engagement pero hindi maipagkakailang sobrang laki ng nagastos sa party na ito base sa mamahaling decorations at venue. Naroroon na sa stage ang kanyang mga magulang pati na rin si Don Valentino. Inalalayan siya ng organizer patungo sa backstage upang hintayin ang oras ng kanyang paglabas. Bakas ang
¤Katerina¤Parang nakalutang sa hangin ang kanyang pakiramdam hanggang sa natapos ang engagement party niya dahil sa halik na pinagsaluhan nila ni Damon. Luminga siya sa paligid pero hindi mahanap ng kanyang mga mata si Damon. Wala sa sarili siyang tumayo at tinahak ang hallway ng venue para hanapin ang binata.She was so sure what she felt. Damon was Achilles but how did it happen when they don't have the same eyes? Is he wearing some contact lenses? And if he does, what's the purpose of it? Did he regain his memory already or has he been deceiving her all this time? She wanted an answer from him but he's now nowhere to be found.Namataan niya ang isang pamilyar na bulto patungong parking lot at dahil sa desperado siyang makita ulit si Damon ay lakad takbo ang kanyang ginawa para lang maabutan ang lalaki. Mas lalo siyang nasabik nang makitang binalibag ng binata ang suot nitong maskara."Damon!" Hinihingal niyang sigaw.Tumigil ang lalaki ilang metro ang layo sa kanya. Bahagya pa siya
¤Damon¤ Mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang mini bar at hinagip ang kahit anong alak na nahawakan niya saka inisang lagok. He hated the scene he saw just an hour ago! He chickened out nang makita niya si Connor na papalapit kay Katerina kaya imbes na tulungan ang dalaga ay iniwan niya ito. Malakas ang kanyang pagkakalapag sa bote kaya lumikha iyon ng ingay sa buong paligid. "What's with that face?" Matalim ang mga mata niyang tumitig sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanya. "Fuck you! How did you get in here?" "Through the door I guess?" Nakangisi nitong sagot saka naglakad patungo sa couch at pabagsak na naupo. "You can pass as a thief, Rain." Ngumisi naman ang kaibigan niya habang prenteng nakaupo "...I guess Isaac didn't do his job properly this time about your security? Nicole even bypass it." "Yeah, as if hindi ko alam na nandito si Tuazon kasama mo," sarkastiko niyang tugon na naging hudyat para lumabas ang isa pang pigurang nagtatago sa likod ng wine shelves
¤Katerina¤ Mabilis na lumipas ang mga araw ng hindi niya namamalayan. Nagulat na lamang siya nang marealize niyang nakaharap na siya sa isang malaking salamin habang suot ang gown na si Psyche mismo ang gumawa. She's wearing a winter white long braide see-through sleeve gown. Hindi lang siya mukhang ikakasal, mukha na din siyang prinsesa sa suot niya. Dahan dahan siyang umikot sa salamin at tiningnan ang kanyang kabuuan. She only wore light make-up and her hair is in a crown braid bun. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanyang mga magulang. Happiness beamed in their eyes as they roamed their sight on her. "Ang ganda ganda mo anak," maluha luhang puri ng kanyang mommy Felice. Agad siyang lumapit sa ina at niyakap ito. "You're beautiful too Mom." Her mother was very elegant and gorgeous in her baby peach gown. Para itong bumata ng sampung taon sa edad na singkwenta anyos. "Ayaw nyo bang isali si daddy?" Natawa siya ng bahagya bago maingat na kinabig ng yakap ang kanyang daddy. H
¤Katerina¤ Hindi niya alam kung paano naganap ang seremonya ng kanilang kasal ni Achilles pero basta na lang niya namalayan na binuksan na nito ang kanyang belong nakatabing sa mukha. Narinig niya ang iilang impit na kilig na sigurado siyang si Wilma ang nangunguna. Achilles holds the side of her neck up to her cheeks before claiming her lips. Memory gushes through her mind of how passionate their first kiss is. Achilles lips started moving, slowly sucking her lower lip. Kusa niyang tinanggap ang masuyong halik ng kanyang asawa at gumanti sa kaparehong paraan. Asawa. What a very unusual thing to hear from her yet it's real. She's finally married! Nang bitawan nito ang labi niya ay hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi. "Mrs.Katerina Romano Castellanos…" Bahagya siyang pinamulahan ng pisngi sa tinuran nito. Napatingin siya sa kanilang kaparehong singsing at bahagyang nakaramdam ng tuwa kahit pa sa sitwasyong meron sila ngayon. Naninibago siya sa inasal ni Achilles sa buong recep
¤Katerina¤Little waves of sunrise hit her face that woke her up from her sleep. Inilinga niya ang paningin sa paligid at nasilayan ang hindi pamilyar na silid. Oo nga pala. Wala sa siya sa dati niyang kwarto dahil ikinasal na siya kahapon lamang. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, at ikinurap kurap ang kanyang namagang mga mata. Her eyes were swollen because of her nonstop tears last night. Kung ang iba ay masaya sa first night nila pagkatapos ng kasal, kabaliktaran ang nangyari sa kanya. They got into a heated confrontation instead of having honeymoon. Well, ano pa bang inaasahan niya? Hindi rin siya agad nakatulog dahil balisa siya sa huling katagang binitawan ni Damon bago siya tinalikuran kagabi. Gusto niyang maniwala na totoo ang sinabi ng asawa pero may isang parte sa kanya na ayaw tanggapin iyon. 'Niloko ka na niya noong nakaraan kaya paano mo nasasabing hindi siya nagsisinungaling ngayon?' Sigaw ng kanyang utak. Umiling na lamang siya at umunat saglit nang maka
¤Katerina¤Nang marinig ang papalayong ugong ng sasakyan ni Damon ay napagpasyahan na niyang umakyat sa silid upang tawagan ang ama subalit nakailang hakbang pa lamang siya sa baitang nang napalingon siya sa isang napakalaking frame na nakalagay sa bulwagan ng pamamahay ni Damon. It was a vintage family portrait she guess, bumaba siya ng hagdanan at nilapitan ang naturang frame. She looked at the man sitting on the chair who screams power in his aura—Senator Valentino Castellanos. Katabi nito ang isang maputi at magandang babae na may blonde na buhok. Maybe this was his late wife. She's wondering what's her name though. The woman had an overflowing elegance in her stance with very attractive electric blue eyes. Dito pala nakuha ni Damon ang kulay ng kanyang mata. And lastly, tiningnan niya ang maliit na batang kalong ng mag asawa. Damon is very handsome even in his little tuxedo. Hula niya ay nasa mga lima hanggang anim na taong gulang pa lang ang asawa. Kaya naman pala hindi kayang
Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka
Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o
Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h
Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili
"I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan
Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon
"Oh my God!" Natutop niya ang kanyang bibig sa naging rebelasyon ni Camila. Who would have thought that all this time niloloko lang pala sila ni Valentino? "Papaanong nangyari yun? Does Damon doesn't know this truth too?" Malungkot na umiling si Camila. "I didn't get a chance to tell him, Katerina. Everything happened so fast. On that night, my husband's men betrayed us. They killed my husband in front of me while I was shot. I didn't know how I survived, I just woke up here and I never got a chance to see the outside world again. As Valerian told me, My son is lucky for experiencing dissociative amnesia because of the emotional shock he experienced. Wala siyang naaalala sa nangyari kaya hindi niya ito pinatay bagkus ay pinakinabangan pa." Hindi niya napigilang mapaluha kagay nito. It must've hurt so much for her to live a life without seeing her son. Dqmon suffered with the thought of losing his mother too just because of someone's evilness. "But your husband is his twin. Paano niya
Ilang beses na kumurap ang ginang na nasa kanyang harapan. Confusion was written in her beautiful eyes lalo na at napahigpit ang kapit niya sa mga braso nito."Ikaw nga! I can't be mistaken," maluha-luha niyang sambit. Of all people she will see hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya."Kilala mo ako?" Maya maya ay tanong ng ginang nang makabawi na ito mula sa kanyang reaksyon."Of course! I know you though I've only seen you in pictures, sigurado akong ikaw nga yun pero…how come that you're here? Damon told me your dead a long time ago," kunot noo niyang pahayag.Nang marinig nito ang pangalan ni Damon, umaliwalas bigla ang mukha ng babae. "K—kilala mo ang anak ko? Nasaan na siya at tsaka kumusta na siya?" Sunod sunod nitong tanong. Umalpas din ang masaganang luha mula sa mga mata ng ginang."Ako ang asa—""Shhh…" Putol nito sa kanya sabay takip sa kanyang bibig.Napalingon ito sa pinto kung saan dinig nila ang tunog ng sapatos ng mga paparating. "Mag-uusap ulit tayo sa susunod
Masakit ang ulo ni Katerina nang magising siya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kasalukuyan siyang nakahiga sa isang malambot na kama. Purong puti ang kulay ng silid. Halos wala siyang nakitang ibang kagamitan sa loob bukod sa isang lamesa, upuan at isang aparador.Sapo ang kanyang noo, bumangon siya sa kama. Pinakirandaman muna niya ang sarili bago marahang tumayo at nilapitan ang aparador. May nakahanda na doong mga damit. Para ba sa kanya ang lahat ng iyon? Nasaan nga ba siya sa ngayon? Nadismaya siya ng mapagtantong walang kahit na isang bintana ang silid. Anong klaseng lugar kaya ang pinagdalhan sa kanya?Naramdaman niyang may mga tunog ng sapatos na paparating kaya naman mabilis siyang bumalik sa kama at doon umupo habang hinihintay na bumukas ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Valentino ang pumasok kasama ang ilan sa mga tauhan nito. Nakapaskil sa labi nito ang isang masaya at matagumpay na ngiti."Hindi ka tumupad