Dineploy ko ang Wingster sa pagbabantay kay Sage ng patago at pagsunod sa mga lalaking banta sa buhay ng pogito ko. Sa tulong ng Wingster ay malalaman ko ang galaw ng kalaban. Sila ang magiging mata ko sa mga dayong lintik na ‘yon.Subukan lang nila na kunin at saktan si Sage, kami ang makakalaban nila.Hindi na ako nag-abalang kumuha ng magbabantay sa akin dahil alam kong hindi naman ako ang target nila kundi ang jowa ko.Wait, hindi naman ako damay, diba? Bigla tuloy akong nangamba sa safety ko pero huli na dahil busy na ang lahat ng mga tauhan ko. Wala nang available kung hihingi pa ako ng magbabantay sa akin. Hindi naman kasi ganun kadami ang Wingster club. Bilang lang sila sa daliri ng kamay at paa ko.Infairness, nagugustuhan ko ng bangit-banggitin ang pangalan ng gang ko. Assemble Wingster club! Hehe!Ang cute!‘Ni minsan ay hindi ko pinangarap na maging gang leader pero ngayon, may sarili na akong mga tauhan na magiging sunod-sunuran sa akin. Kahit mga mukha silang rugby boys
“B-Boss g-ganda,” tawag sa akin ni Gonza. Para s’yang tuta na natatakot na lumapit sa akin dahil sa matapang na tinging ibinibigay ko ngayon sa kanila. Nakahalukipkip ako habang isa-isa silang sinasamaan ng tingin. Kulang na lang ata ay may lumabas na angil sa bibig ko dahil sa inis na nararamdaman ko.“Tell me what happened. Bakit umuwi sa akin si Sage ng bugbog sarado? Simple lang naman ang ipinapagawa ko sa inyo pero hindi n’yo pa nagawa. I’m very disappointed.”"G-Ganito kasi ‘yon, b-boss ganda,” panimula ni Gonza. “M-May humarang kasi sa kanyang tatlong ahmm. Sino nga ulit ang humarang kay boss Sage?” pabulong n’yang tanong kay Lito.“Tambay tanga,” balik na bulong sa kanya ni Lito.Ano ba ang ginagawa nila at parang lutang sila? Sigurado ba silang nandoon sila ng masapak si Sage. Ang fishy nila.“Tatlong tambay―”“Tatlong tambay lang naman pala ‘e! Bakit hindi n’yo nagawang tulungan ang jowa ko?!”Hay naku! Mapapabuga ata ako ng apoy nang wala sa oras dahil sa mga lalaking ‘to.
Pagkatapos naming maligo ay kaagad akong binuhat ni Sage papasok sa kwarto. Maingat n’ya akong inihiga sa papag na tinutulugan namin bago pumwesto sa magitan ng hita ko. Kitang-kita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata n’ya at siguradong ganun din ako sa kanya.Goodluck sa’yo perlas ng silanganan-slash-bataan-slash-pogita the second. Magtitirik na lang ako ng kandila para sa’yo mamaya.“You’re beautiful,” pahayag ni Sage.“Hindi mo na ako kailangang bolahin, Sage. Pumayag naman na ako.”Ngumisi s’ya. Halatang nagpipigil ng tawa. Natuto lang s’yang ngumiti at tumawa ay kinarir na n’yang silawin ako sa mala-perlas n’yang ngipin.Mahigpit akong napakapit sa magkabila n’yang braso nang maramdaman ko ang pagkiskis ng kahabaan n'ya sa hiyas ko. Juskolord! Sa ginagawa n’ya pa lang ay parang lalabasan na naman ulit ako.“I just can’t help but praise your beauty,” pahayag n’ya saka s’ya dumukhang at humalik sa leeg ko.Habang abala s’ya sa paghalik sa leeg ko ay hinawakan n’ya ang magkabilan
“Sage,” inaantok kong pagtawag sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang mapansing wala s’ya sa tabi ko. Napansin kong may suot na akong damit kaya hindi ko mapigilang kiligin. Napakamaalagain talaga ng pogito ko.Kinusot ko ang inaantok kong mga mata at hinanap si Sage sa apat na sulok ng kwarto ko.‘San naman kaya nagpunta ang isang ‘yon?Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang matinding paghapdi ng pagitan ng hita ko. Sheyt! Ang sakit. Dalawang round lang naman ‘yon pero parang naka-sampu kami. Ang weak mo naman, Tabitha!Kahit nananakit si pogita the second ay pinilit kong itayo ang sarili ko. Bubuksan ko palang ang pinto nang bumukas na ito mula sa labas. Bumungad sa harap ko si Sage kaya naman lumawak ang ngiti ko.“Sage!” I beamed. “A-Aray!” daing ko nang muling humapdi ang pagkababae ko dahil sa pagtalon ko paputan sa kanya.Mabilis s’yang yumakap sa akin bago n’ya ako buhatin na parang pangkasal. Dinala n’ya ako sa kusina at iniupo sa upuan. Nakita ko na may mga nakah
“Huwag ka ng magmatigas, Tabitha. Kapag hindi nasunod ang napag-usapan namin ni Ramon ay sisiguraduhin kong buong pamilya n’ya ang magdurusa. Ayaw mo namang mangyari ‘yon, diba? Kahit papaano ay pamilya mo rin sila kaya mag-isip kang mabuti.”Nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi n’ya. He’s blackmailing me just to have me. Mahal ko sina mama Delilah pero hindi ko naman hahayaang ako ang maagrabyado rito. Hindi ko sila hahayaang mapahamak pero hindi ko rin ilalagay sa kapahamakan ang sarili ko.“Pa, ako na r’yan. Patulugin natin para hindi na makapalag,” pahayag ni Jake na pumasok na ngayon sa loob ng bahay.“Hindi ba’t sinabi ko sa’yong sa labas ka lang at magmanman!” Sigaw ni Tiyo Manolo kaya naman walang nagawa si Jake kundi ang lumabas ulit pero bago s’ya umalis ay binasa n’ya muna ang labi n’ya habang nakangisi sa akin.Hindi ko na kailangang marinig ang ibigsabihin ng ginawa n’yang ‘yon para malaman ang gusto n’yang iparating sa akin.Over my dead s*xy body!Katulad ng sinabi k
Nang maramdaman ko ang pag-inahon ng katawan ni Sage ay kaagad kong inalis ang pagkakabaon ng mukha ko sa likuran n’ya. Kinalas n’ya ang pagkakayakap ng mga braso ko sa bewang n’ya saka s’ya humarap sa akin.“S-Sage,” mahinang pagtawag ko sa pangalan n’ya habang wala pa ring tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.Nanlambot ang ekspresyon n’ya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ramdam ko ang panginginig ng kamay n’ya habang masuyo itong humahaplos sa pisngi ko.He came back! Bumalik na ang pogito ko!“S-Sorry,” saad n’ya. “Hindi ko napigilang―F*ck! D-Did I hurt you, hmm?” Hinawakan n’ya ang magkabila kong pisngi. Mababakas sa mukha n’ya ngayon ang matinding pag-aalala sa akin.Umiling ako bilang sagot sa kanya saka s’ya inambahan ng mahigpit na yakap.“I-I’m sorry. I’m sorry,” paulit-ulit n’yang paghingi ng tawag habang mahigpit din ang yakap sa akin.“You saved me, Sage. Wala kang kailangang ikahingi ng sorry sa akin.”“B-But…I-I thought,”“Kung hindi ka dumating ay baka nagawa na
“Aray! Inaano ka ba?!” reklamo ni Basilyo nang paghahampasin ko s’ya with matching sipa pa.Nakuuu! Nanggigigil talaga ako sa kanya. Gusto ko s’yang tanggalan ng ulo dahil sa pang-iistorbo n’ya sa amin ni Sage. Wrong timing ang lintik!“Ba’t ka ba nandito?!” Inis na tanong ko sa kanya.“Ba’t galit? Ako na nga ‘tong nag-aalala sa’yo ‘e! Nalaman ko ang nangyari, beshhy and I’m so worried.”“Ang bilis naman ng chismiss.”“May wings kasi ang balita. Sana all pa-fly-fly na lang, kaya nga pinangarap kong maging bird noon ‘e,” pahayag ni Basilyo.Parang tanga naman ‘to.“Sumali ka na kasi sa Wingster club ko. Ikaw ang gagawin kong muse tapos ang costume mo ay manok. O ‘di ba, matutupad na ang pangarap mong maging bird,” pabirong pahayag ko na ikinangiwi n’ya.“Mukhang okay ka naman pala, nag-worry pa ako.”“Oo, okay naman talaga ako kaya lumayas ka na, t*ngina ka!”“Bakit ba excited kang paalisin ako? Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Wala namang ibang tao sa loob bukod sa’yo, diba―Ayy w
He told me that I changed him but for me it was the other way around. Bukod sa mas naging manyak ako―sheyt, sorry na, ay mas naging totoo at masiyahing tao rin ako dahil sa kanya. I became genuine of my own feeling. Dati kasi ay pina-plastic ko lang ang sarili ko. I kept telling myself that you’re fine, you’re happy and everything would go smooth for you but I knew for myself that I’m lying for my own sake. When I witness my parent’s death, it changed me. Hindi na ako ang dating Tabitha Rose na kilala ko. Pakiramdam ko ay nasa isang malalim at madilim akong balon. Drowning at the very deep and crying. Depress and no one knows. Kahit si mama Delilah at ang bestfriend ko na si Basilyo ay walang alam sa totoong nangyayari sa akin kapag mag-isa na lang ako. Akala ng mga taong nakapaligid sa akin ay wala akong dinadalang problema dahil palagi akong nakangiti sa harap nila pero walang silang ideya na para akong nasasakal sa sarili kong hininga. Breathing and living every single day, know
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Nagtungo ako sa parking lot para hanapin si Evan. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad kong nakita ang sasakyan n’ya pero bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan n’ya ay may malakas ng kamay ang bigla na lang humila sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahang pagkaladkad n’ya sa akin.“Sage, ano ba! Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. “Nasasaktan ako!”Napadaing ako nang bigla n’ya akong itulak. Tumama ang likuran ko sa isang itim na kotse at laking gulat ko nang bigla n’ya na lang akong marahas na halikan.Anak ka ng!Pinilit kong ilayo s’ya sa akin pero masyado s’yang malakas para magawa ko iyon. Napadaing ulit ako nang bigla n’yang kagatin ang ibabang labi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa sugat na ginawa n’ya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak.This is harassment!Napahikbi ako hindi lang dahil sa ginawa n’yang pananakit sa akin kundi pati na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.Sumalubon
“Order anything you want, hija. Ako na ang bahalang magbayad,” nakangiting pahayag ni Tita Mayumi. Tipid akong ngumiti sa kanya bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.How did I end up here again?Paalis na ako sa trabaho nang makita ko ang paglabas ni Sage sa elevator. Nag-panic ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na may plastic na halaman. Nagawa kong s’yang takasan pero nanay n’ya naman ang kumorner sa akin and that’s when she invited me for dinner and who I am to refuse?Nakita ko pa ang masamang tinging ipinukol sa akin ni Ms. Hera kanina nang masaksihan n’ya ang pagbeso sa akin ng asawa ng boss n’ya at doon pa lang ay alam ko nang inggit na naman s’ya sa beauty ko.I shouldn’t get close to Tita Mayumi. Hindi tama ‘to lalo na’t paghihiganti sa pamilya nila ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon. Mabilis akong ma-attached at iyon ang hindi ko dapat maramdaman sa mga taong naging dahilan ng pagiging ulilang lubos ko.This will be th
“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.Bahala na talaga si Batman.Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.Para
“Kill Sage Magnus. Kung kailangan mo s’yang akitin bago mo itarak sa puso n’ya ang kutsilyo mo o ‘di naman kaya ibaon sa sintido n’ya ang bala ng baril mo ay gawin mo. I will give you a month or maybe 2 to kill him, if you’re too coward, I have no other choice but to do it myself.”Tinatakot n’ya lang ako. Sigurado akong hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon. Tama! Akala n’ya siguro ay madadala n’ya ako sa pananakot n’ya.Pero paano nga kung totohanin n’ya?Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Winakli ko ang takot sa isipin bago marahas na bumuga ng hangin. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi ay masasayang ang lahat ng mga pinaghandaan ko para sa pagpasok ko sa kompanyang ito.“Fighting! Just stick to your plan, Tabitha,” bulong ko sa sarili ko.“Ginagawa mo?”“Ay butiking baog!” tili ko nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Seul. “Ano ba! Bakit ba ang hilig mong manggulat!” Reklamo ko sa kanya na ikinatawa n’ya. Hahampasin ko na sana s’ya nang mabilis s’yang naka
Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
“Sayaw Dora, sayaw Dora. Ipakita mo ang iyong galing! Kendeng bebeng bulol!” Pa-kantang saad ko habang pinapalakpakan si Ariella. Kanina pa s’ya todo sayaw nang i-play ko ang paborito n’yang nursery rhyme pero nang sabayan ko ito ng sarili kong lyrics version ay napangiwi ito at napatigil sa pagsayaw.“No no!” Maktol ni Ariella saka s’ya padabog na sumalampak sa sahig. Lihim akong natawa dahil sa ka-cute-an n’ya. Kaya gustong-gusto kong iniinis s’ya dahil ang cute-cute n’ya.Hahaha! Ang bad ko.“Bakit?” natatawang tanong ko sa kanya.“Aaway mo kow. ‘Di akow, Dora. Ayella akow. Ayella name kow.” Humalukipkip s’ya habang nakausli ang mapupula n’yang nguso.Natawa rin si Nanay Inday ng makita ang inasal ni Ariella. Napahinto s’ya sa nagtutupi ng mga damit at sinabayan ako sa pagtawa.Kapag tinatawag s’yang Dora ayaw n’ya pero kapag bulol ay okay lang sa kanya.“Ikaw talaga, Tabitha. Iniinis mo na naman ang bata.” Napapailing na lang na pahayag ni Nanay Inday.“Bad sissy! Bad naynay!” sig