Share

Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me
Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me
Author: Amber Stories

Chapter 1

last update Last Updated: 2024-05-30 11:17:17

Masyadong abala ang pamilya Buenaflor para sa paghahanda sa pagdating ng panganay na anak mula sa Maynila. Magkatulong sina Lalaria at ang kanyang ina sa pagkakabit ng mga bagong kurtina, na binili pa sa tiangge kahapon.

Ang ate Ynessa ni Lalaria ay ang breadwinner ng kanilang mapamilya. Hindi lang ito matalino, maganda rin ito. Natatandaan pa ni Lalaria na nong nag-aaral sila ng High School ang ate Ynessa niya, at siya naman ay nasa elementary, parati silang pinagkokompara dahil walang-wala raw ang ganda ng ate niya sa kanya.

Ang ate niya rin ang paboritong anak dahil ito parati ang honor student. Walang ginastos ang mga magulang nila sa pag-aaral ng ate Ynessa niya sa kolehiyo dahil scholar ito. Kaya naman mabilis din nakapasok sa maganda kompanya matapos maka-graduate ng kolehiyo.

Matapos ang ilang taon pagtatrabaho sa Maynila ay uuwi ito. At kasama pa raw ang mayaman nitong boyfriend. Napunta na ata lahat sa ate Abala Ynessa niya ang swerte.

Hindi tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng inggit si Lalaria. Dito lang kasi siya nagkolehiyo sa probinsya nila. Sa office lang ng barangay Captain siya nagtatrabaho bilang Secretary roon. Maliit din ang sweldo kaya buwan-buwan pa rin nagpapadala ng pera ang ate Ynessa niya.

Ang dati nilang bahay na kawayan ay bato na rin at pintura na lang ang kulang. Tiyak na pagdating ng ate Ynessa niya ay papapinturahan na nito ang buong kabahayan.

Matagal na sana tapos ang bahay nila kung hindi lang nagkasakit ang kanilang ama at limang buwan namalagi sa hospital. Umasa silang gagaling pa ito, pero sa huli ay kinuha rin sa kanila. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi agad natapos ng ate Ynessa niya ang bahay nila.

"Ayos na ba ang lamesa, Lala?" Napabalik si Lalaria sa kasalukuyan nang magsalita ang kanyang ina sa tabi niya.

Bumaling siya rito at nakangiting tumango. "Opo, inay. Naayos ko na ang lahat."

"Mabuti kung ganon. Baka maya-maya ay nariyan na rin ang ate Ynessa mo at nobyo niya." May kilig sa tono ng pananalita ng kanyang ina.

Bumalik si Lalaria sa kanyang ginagawa at mabilis iyong tinapos. Tanghaliang tapat ay maraming masasarap na gulay ang niluto nila. Pinabili rin siya manok at baboy para sa paboritong ulam ng ate Ynessa niya at gumawa pa siya ng paborito nitong malunggay juice.

Minsan lang umuwi ang ate niya kaya gusto nila ay maging masaya ang pag-uwi nito rito. Gusto rin nilang magpa-impress sa nobyo nito. Ayaw naman nilang isipin na hindi man lang nag-effort ang pamilya Buenaflor.

Nasa ayos na ang lahat sa katamtaman nilang lamesa at si Ynessa nalang ang hinihintay. 

Mabilis na napatayo ang ina ni Lalaria nang may marinig silang ugong ng sasakyan sa labas ng bakuran nila. Tumayo rin si Lalaria at sumunod sa may pinto para tanawin ang dumating.

 May isang kulay pula at magandang sasakyan ang pumarada sa tapat ng bakuran. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto sa unahan sa gilid banda. Lumabas si Ynessa, na nakasuot nang magandang damit at hapit sa katawan. May salamin din siya sa mata nito na panagga sa sikat ng araw.

Nasaan ang noybo ng ate niya? Mukhang wala ito dahil walang kasunod na lumabas sa sasakyan.

Dali-daling sumalubong ang ina ni Lalaria kay panganay na anak niyakap niya ito nang mahigpit, habang si Lalaria ay nakatayo lang dito sa pinto. Masaya siyang naka-uwi ang ate niya ng ligtas.

"Inay..." mangiyak-ngiyak na yakap pabalik ni Ynessa.

"Nagagalak akong makita ka, anak. Mas lalo kang gumanda."

Nakita ni Lalaria ang bakas na saya sa mukha ng kanilang ina habang yaka ng ate niya. May tumulo ring luha sa magkabila niyang pisngi kaya agad niya iyon pinahid.

Nakita niyang papasok na ang kanyang ina at ate dito sa loob kaya napaayos siya ng sarili niya.

Mabilis naman siyang dinaluhan ng ate niya at niyakap din. "Lala... Naku, mas matangkad ka na sa akin ngayon ah!"

Sabay silang nagtawanan ng ate niya. Noon ay maliit lang siya, pero nang magkaroon siya ng buwanang dalaw ay mas naging mas matangkad na siya.

"Lalamig na ang pagkain, halina kayo para makakain." Inaya na sila ng kanilang ina, pero mabilis na huminto si Ynessa at lumingon sa sasakyan.

"Sandali, inay, may kasama ako. Kasama ko ang boyfriend ko, may kausap lang siya sa cellphone, hintayin natin sandali."

Naglakas pabalik si Ynessa papunta sa kotse at kumatok sa bintana nito. Pinanood naman ni Lalaria ang ate niya kausapin ang noybo nito mula roon sa loob. 

Isang matangkad na lalaki ang lumabas ng sasakyan. May salamin din ito mata pangga sa araw, kaya hindi maaninag ni Lalaria ang kabuoan ng mukha nito. Pero base sa tindig nito ay matikas itong lalaki at matangkad. Kung matangkad siya sa ate niya ay mas matangkad pa ang nobyo ng ate niya.

Mukhang nag-uusap ito at ang ate niya dahil napasulyap ang dalawa dito sa kinaroroonan niya.

Hindi naman maintindihan ni Lalaria ang sarili niya dahil sa nararamdaman niyang kaba, kasabay ng mabilis na pintig ng puso niya habang papalapit dito sa kinaroroonan niya ang lalaki. Pakiramdam niya rin ay nasa kanya ang kanyang tingin nito at pinag-aaralan ang itsura niya.

Inalis ng lalaki ang suot nitong salamin nang makarating ito sa tapat ng pintuan. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Napakaganda ng mga mata nito, parang dagat na asul. Makapal ang mga kilay at matangos ang ilong. Mapula din ang labi na para bang kumagat ng mapulang prutas.

"Inay, Lala... si Orlando po, boyfriend ko." Nakangiting pagpapakilala ni Ynessa sa kasamang lalaki.

Naglahad ng kamay ang kanilang ina, na agad naman tinanggap ng lalaki at hinalikan.

"Kinagagalak kitang makilala, iho." Nahihiyang napailing ang matandang Buenaflor sa inasal ng lalaki.

"It's my pleasure to meet you also, Tita." Matapos nitong halikan ang kamay ng kanilang ina ay napasulyap ito sa kanya, kaya mabilis siyang umiwas ng tingin. 

There's something in his stares na hindi maipaliwanag ni Lalaria. Kapag tititigan mo asul nitong mga mata ay para kang dinadala nito sa ibang lugar. Nakakawala iyon sa wisyo, katulad ng dagat.

"Your sister seems didn't like to see me," walang pag-aalinlangang sabi ni Orlando sa harapan nilang tatlo.

Siniko naman ng kanilang ina si Lalaria at sumenyas na ngumiti, pero hindi magawang pumeke ng ngiti ni Lalaria sa mga sandaling iyon.

"Pagpasensyahan mo na, Love. Hindi kasi yan lumalapit sa mga lalaki. Masyadong ilag, baka nga tumandang dalaga yan ayaw man lang tumanggap ng maliligaw," natatawang sabi ni Ynessa, pati ang kanilang ina ay natawa rin.

"Ate," suwag ni Lalaria at binalutan ng hiya.

"Really?" tawa rin ni Orlando at muli siyang binalingan. "Ilang taon ka na ba, Lala?"

"Twenty-two," tipid kong sagot.

"At wala ka pang nagiging boyfriend, tama?"

Hindi maiwasan ang hindi pagtaas ng kilay ni Lalaria sa narinig. "I don't need a man."

Muling nagtawanan Ang ate Ynessa niya at ang kanilang ina. Pati si Orlando ay natawa rin sa sinabi niya. Ano bang nakakatawa roon? Tama naman ang sinabi niya, hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya.

"Ganyan din ang sinabi ng ate mo sa harapan ko noon," tila proud na sabi ni Orlando at hinawakan ang kamay ni Ynessa para halikan iyon. "Pero tingnan mo naman kami?"

Kinikilig naman na nanood ang kanilang ina, para bang tuwang-tuwa ito sa noybo ng anak at boto-boto talaga.

"That's a different story," giit ni Lalaria sa sariling pananaw. Ano ba kasi ang gustong iparating ng lalaking ito?

"No, it's not. Nasasabing mo yan dahil hindi mo pa nakikila ang para sayo. Maybe, kapag nakilala mo siya magbago ang pananaw mo, Lala. Huwag ka magsalita ng tapos."

Bumilis muli ang tibok ng puso ni Lalaria sa huling limang salita na binitawan ni Orlando. There's something in his words, na para bang sigurado ito na magbabago talaga ang pananaw niya.

"Kanina pa naghihintay ang pagkain, halina kayo!" Nauna nang tumalikod ang kanilang ina at pumunta sa kusina.

Mabilis naman sumunod si Ynessa, nasa likuran si Orlando na mabagal naglalakad. Nang dumaan ito sa harapan ni Lalaria ay ngumisi ito at pinitik ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis itong hinabol ng tingin.

What the hell?

Related chapters

  • Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me   Chapter 2

    "Lala, kanina ka pa hindi kumakain, anak. May masakit ba sayo? Nag-aalala na ang ate mo sayo..."Naalimpungatan si Lalaria sa boses ng kayang ina. Napakusot ako siya ng mga mata at nakita niya ang ina na nakaupo sa gilid niya habang sinusuklay ng daliri nito ang buhok niya.Nang magising siya kaninang alas sinko ng umaga ay masama ang pakiramdam niya. Parang binibiyak ang ulo niya. Pati rin ang katawan niya ay parang binugbog, hindi niya iyon maigalaw. Kaya natulog siya ulit at hindi na inabala pa ang kanyang ina, pero maghahapon na ngayon pa siyang babangon.Napahawak siya sa noo niya. Bigla na naman iyong sumakit."Masakit ba sa ulo mo?" Nag-alalang tanong ng kanyang ina. Mabilis siyang umiling at sumenyas rito nna ayos lang siya.Tumango ang kanyang ina, bago siya nito iniwan at sinabing sumunod na siya palabas.Bumangon siya at inayos ang sarili niya. Medyo nakalihis kasi ang suot niyang damit. Napatingin din siya sa mga dibdib niya dahil tumitigas ang mga ito. Ngayon lang tumigas

    Last Updated : 2024-05-30
  • Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me   Chapter 3

    "Bakit naman aalis kayo agad bukas, Ynessa?" malungkot na tanong ng kanilang ina. "Ang akala ko pa naman ay magtatagal kayo rito."Ngumuso naman si Ynessa at dinaluhan ang ina para lambingin. "Maraming meeting na kailangan puntahan si Orlando, inay. Ako naman, hindi naka-leave. Gusto naman sana naman magtagal dito, pero hindi talaga pwede.""Ganun ba, anak? Naku, ngayon palang ay namimiss na kita. Pati itong si Orlando. Napakabait, at maalagang ng noybo mo Ynessa."Natawa naman si Orlando sa sinabi ng matanda. Buong-buo at malalim ang boses nito, Iyong tipo ng boses na nakakahalina sa pandinig na kahit hindi mo tingnan ay alam mo talagang makisig at gwapo itong lalaki.Ano ba naman yang iniisip mo, Lala?Pagalit niyang sermon sa sarili. Iwinaksi niya ang ulo sa mga pumapasok sa utak niya dahil kung ano-ano na lamang iyon. Nakakahiya sa ate Ynessa niya kapag nalaman nitong nag-iisip siya ng ganong mga bagay sa nobyo nito."Ikaw ba, Lala, mamimiss mo rin ba kami?" tanong ng ate Ynessa n

    Last Updated : 2024-05-30

Latest chapter

  • Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me   Chapter 1

    Masyadong abala ang pamilya Buenaflor para sa paghahanda sa pagdating ng panganay na anak mula sa Maynila. Magkatulong sina Lalaria at ang kanyang ina sa pagkakabit ng mga bagong kurtina, na binili pa sa tiangge kahapon.Ang ate Ynessa ni Lalaria ay ang breadwinner ng kanilang mapamilya. Hindi lang ito matalino, maganda rin ito. Natatandaan pa ni Lalaria na nong nag-aaral sila ng High School ang ate Ynessa niya, at siya naman ay nasa elementary, parati silang pinagkokompara dahil walang-wala raw ang ganda ng ate niya sa kanya.Ang ate niya rin ang paboritong anak dahil ito parati ang honor student. Walang ginastos ang mga magulang nila sa pag-aaral ng ate Ynessa niya sa kolehiyo dahil scholar ito. Kaya naman mabilis din nakapasok sa maganda kompanya matapos maka-graduate ng kolehiyo.Matapos ang ilang taon pagtatrabaho sa Maynila ay uuwi ito. At kasama pa raw ang mayaman nitong boyfriend. Napunta na ata lahat sa ate Abala Ynessa niya ang swerte.Hindi tuloy maiwasan na hindi makaramda

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status