CHAPTER 1
"Maya, Maya!" Sigaw ni Emilia nang makita siya ng kaibigan habang sakay-sakay ng pedicab.
"O, bakit? Naku naman at marami pa akong paninda na kailangan mabenta!" Bulalas ni Maya habang kinakamot ang ulo.
"Halika na! Baka ito na ang pagkakataon para makapang-asawa ka ng foreigner!"
"Ha? Sira ka ba? Ang dami pang utang ni Mama at Papa sa pinagtatrabahuhan nila tapos mag-aasawa na ako? Baliw ka ba?"
"Maya, hindi mo alam kapag US Navy ang na pang asawa mo, siguradong hihiga ka na lang sa salapi!"
"Talaga?"
"Oo! Hindi mo ba nababalitaan ang ilang mga kababaihan dito? Nasa ibang bansa na sila! Siguradong mababayaran mo ang utang ng magulang mo kung sasama ka sa akin at susubok din!"
"Baka may sakit sila? Nakakatakot naman."
"Kahit kailan talaga! Tinutulungan na nga kita, aayaw ka pa? Tsaka ako rin naman susubok ha? Malay mo ito na ang Prince Charming natin!" Bulalas ni Emilia at tinulak ang pedicab ni Maya upang ibalik sa kanilang tindahan.
Ilang saglit ay narating nila ang puwesto sa palengke. "Ma!" Tawag ni Maya at agad tumakbo papalapit sa kanyang ina.
"Ano iyon?"
"Ma, aalis muna kami ni Emilia. Mabilis lang po ito. Pagkatapos maglalako po ulit ako ng gulay."
"Ha? Ang dami pa nating kailangan ibenta anak. Saan naman kayo pupunta?"
"Eh diyaan lang. Baka po kumita ako ng mas malaki!"
"Nako, Maya! Huwag na huwag kang tutulad sa ilang dalaga rito na ibinibenta ang dignidad kapalit ang pera! Dibale ng mahirap!"
"Mama, opo. Promise iyon, aalis na po ako!" Paalam ni Maya at tuluyang tumakbo papalapit kay Emilia.
"Halika na!" Aya niya
"Halika't maligo ka na muna, tingnan mong napakarusing mo!"
"Ha? Okay na ito, halika na!"
Kinurot ni Emilia ang tagiliran ni Maya at tuluyan silang umalis papunta sa padaungan ng mga dayo.
Tila nagkakasiyahan ang mga kalalakihan habang bitbit ang kani-kanilang mga maleta. Ang ilang mga US Navy ay marunong ng mag tagalog gawa ng paulit-ulit na pagbalalik sa Subic. Ganoon din ang iba na nanirahan ng ilang taon sa bansa dahil nakapang-asawa ng Filipina.
"This place seems to be the most beautiful places in Asia. Oh... Also, Filipina girls are beautiful and hot!" Saad ng isang banyaga sa kapwa.
Dinig ni Dave ang ilang batuhan ng kwento mula sa mga kasamahan. Hindi naman din makakaila na tunay na magaganda ang mga Filipina at tunay na maalagain.
"Dave!" Isang sigaw mula sa hindi kalayuan lugar.
"Fred! Damn, bro! I miss you!" Pabalik na pagbati ni Dave.
"Grabe at halos hindi ko akalain na matatagpuan kita rito!"
"Aba? You can talk tagalog very fluent! Your wife is a good teacher!" Masayang tugon ni Dave.
"She is! Kaya ikaw, ang baluktot mong pagtatagalog at didiretso na rin once you marry a loyal, beautiful and sexy Filipina!"
He smirked and tapped his friend's arm. "Hoping that you do the same with your wife."
"Wait, do you have an apartment to stay in?"
"I will look for one. Maybe in Barangay..." tumigil sa pagsasalita si Dave nang makalimutan ang pangalan ng Barangay na dati'y kanyang tinutuluyan.
"Nah! Sa bahay ko na lang."
"Nope, nakakahiya."
"Hindi ka naman iba!"
"I'll find some flat."
"O—okay."
Sinamahan ni Fred si Dave upang makapaghanap ng matutuluyan. Destino sa loob ng tatlong buwan si Dave sa Pilipinas kaya heto at tuwang-tuwa rin siyang bumalik sa bansang ito.
"Okay, dude. This is the last flat that. I'll recommend. Aling Sale, he is my friend Dave William, and Dave— she is Aling Sale, the land day of this whole apartment."
"Magandang hapon po!" Bati ni Dave.
"Aba'y maalam din sa pagtatagalog!"namanghang sinabi ni Sale.
"But I hate my Tagalog pronunciation," naging tugon ni Dave habang tumatawa.
"Hay, halika na mga tisoy at tumuloy na kayo! Come inside."
Sa pagpasok nilang tatlo sa loob ng apartment, kitang-kita ni Dave ang ganda ng paligid. Ma-puno at tahimik lamang ang lugar. Kumpleto rin ang loob at hindi mainit.
"Ohh, Dave! I need to go, my wife is waiting for me in the public market!" Paalam ni Fred.
"Yeah, sure! Thanks for helping!"
Sa pagsara ng pintuan, itinapon ni Dave ang sarili sa kama at tuluyang ipinikit ang mga mata.
"Three months away from home again," bulong ni Dave hanggang sa tuluyan na itong makatulog.
Patuloy ang malalakas na tibok ng puso ni Maya habang nakatingin sa paligid. Napakaraming banyaga ang dumaong sa Subic at ilang Filipina rin ang sumalubong sa kanilang kasintahan.
"Ang gugwapo naman nila," saad ni Maya.
"Gwapo na, mayaman pa! Halika na at kunwari'y magpalakad-lakad tayo!"
"Talaga? Eh baka naman wala tayong mapala."
"Kapag wala, may plan B pa tayo! Maniwala ka sa akin!"
Sa patuloy na paglalakad nila Maya at Emilia, laking gulat nilang may humarang sa kanilang dinadaanan lalo na't malagkit ang pagtingin nito kay Emilia.
"Hi! I'm Goerge Mcwaine!" Pagpapakilala ng binata at inilahad ang kanyang kamay.
Nagkatinginan si Emilia at Maya na tila'y nag-uusap ang mga mata.
"Kausapin mo, hindi ako marunong mag-ingles," pasimpleng sinabi ni Maya at tinulak si Emilia gamit ang kanyang balakang.
"I'm Emilia Dimagiba!" Bulalas ng dalaga at nilahad ang kanyang kamay.
"May I talk to your friend for a while? I am new here in the Philippines," paalam ng binata kay Maya.
"Sure! Sure!" Saad ni Maya kaya ipinagtulakad ang kanyang kaibigan.
Bago tuluyang sumama si Emilia, muli siyang humarap kay Maya at kumindat. “Hindi ka kasi naligo kaya wala kang tisoy!” Bulalas ni Emilia kaya ngumuso na lang si Maya.
Sa patuloy na paglalakad ni Maya, tila’y walang nabibighani sa kanyang ganda. “Hay, dapat hindi na ako sumama. Sayang ang oras na lumipas. Hindi talaga para sa akin ang ganitong bagay. Si Emilia, kahit nagtitinda sa palengke at least nag-aaral naman. Eh ako? Grade six lang ang tinapos ko, hirap pang magsalita ng ingles bukod sa hindi naman din ako katalinuhan. Hay… talagang sa talipapa na lamang talaga ang bagsak k—”
Hindi natpos sa pagsasalita si Maya nang mabunggo niya ang isang matanda at nataob pa ito sa kalsada kasama ng bitbit na basket lulan nito’y mga tuwalya.
“Naku, pasensya na po!”
“Maya!” Bulalas ni Sale.
“Hala, sorry po at hindi kita napansin Manang Sale!”
Binilisan ni Maya ang pagtangkap ng ilang kumot at punda ng unan papasok sa basket.
“Halina’t tutulungan na po kita.”
“Eh pwede bang makisuyo na lang? May bago kasing umuupa sa apartment ko. Room seven lang naman.”
“Ah, o sige po!”
“Dalhin mo lang doon ha? Nagmamadali kasi ako dahil may isa pang gustong umupa at kikitain ko na,” pagmamadali ni Manang Sale at iniwan kay Maya ang isang basket.
Papalapit nang papalapit ang bawat hakbang, narating ni Maya ang sinabing apartment ni Manang Sale.
“Tao po?” katok ni Maya ngunit walang sumasagot. “Tao po? May bitbit po akong bedsheet at punda ng unan!” Pasigaw niyang sinabi ngunit wala pa rin sumasagot. Unti-unting pinihit ni Maya ang doorknob at laking gulat niyang hindi nakalock ang pintuan. Dumiretso ang dalaga papasok at namangha nang makita ang ganda ng apartment.
“Maganda pa ito sa tinitirahan namin ni Mama at Papa,” bulong niya at inilapag sa gilid ang bitbit na basket.
Patuloy na nilibot ni Maya ang paligid hanggang sa mapadpad siya sa bintana kung saan matatagpuan ang magandang paligid. Muli niyang pinukaw ang atensyon sa kwarto na nakasiwang at pumasok ng walang paalam si Maya.
Bumilog ang mga mata ng dalaga nang makita niya ang ilang imported chocolates. Agad niya itong nilapitan at kumuha ng isang piraso. “Pasesnya ka na, gutom na talaga ako. Hindi pa ako nag-aalmusal at nanananghalian,” giit niya at kumagat sa tsokolate.
Tuwang-tuwa na parang bata si Maya habang kinukuyakoy ang paa at walang pakialam kung sino man ang nagmamay-ari sa pagkain na ito.
“Hey thief!”
Halos dumagundong ang mundo ni Maya nang marinig ang isang malaking boses na halos kainin ang buo niyang pagkatao.
“No! Sorry! No tip!” Alinlangan niyang tugon.
“I said, you are a thief, you stole my food. How did you get inside my room?! I will call the police and put you in jail!” Sigaw ng banyaga.
“Ha? Ang dami niyang sinabi? Hindi ko na maintindihan? Pero teka Police raw?” bulong ni Maya sa sarili.
“No! I-I tang ina ang hirap mag ingles! Hindi ako magnanakaw!” Sigaw ni Maya.
Hindi alam ng banyaga kung tatawa ba siya o magagalit sa babaeng kaharap. Bakas sa ngipin nito ang tsokolate habang namumutla pa ang mga labi nito. He also understand what the woman said to him.
“You are a thief! I will teach you a lesson!” Asik ni Dave at hinawakan ang braso ni Maya.
“No! Teka! Hindi nga kasi! Your bedsheet! Bedsheet outside!” Sigaw ni Maya at kahit napakaliit lamang niya’y pilit siyang kumawala sa binata.
“What? My bedsheet? I don’t understand you.”“Come here!” Hinatak ni Maya ang kamay ng binata at dinala sa harapan ng basket.
“I-I-, ay nako! Dinala ko ang bedsheet mo rito sabi ni Manang Sale!”
“Sale? Oh the landlady? Oh, damn.”
“Huwag mo akong murahin ha! Namumuro ka na!” Pinandilatan ni Maya ng mga mata si Dave.
“I’m sorry. I thought that you were a thief. You just entered my room without my permission and aside from that, you just ate my favorite food!”
Hinawakan ni Maya ang kanyang ilong at kinapa kung may dugo na ba ito. “I’m go out! Go there!” Barok na ingles ni Maya at tinalikuran ang binata.
“Wait, wait,” pigil ng binata at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“What? Uuwi na ako, ang sakit mo sa ulong kausap!”
“You have chocolate in your teeth. You better use tissue to remove it,” saad ng binata at inabutan siya ng tissue.
“Tissue? Why?”
Dave demonstrated how gross she was. Kaya naman heto at nanlumo sa kahihiyan si Maya at yumuko habang nakasalpak sa bibig ang tissue mula sa binata.
“I’m out! Bye!”
Mabilis na tumakbo si Maya at kahit hingal na hingal, pilit pa rin siyang humahakbang. “Ano ba Maya! Boba ka na nga ang baboy mo pa! Nakakahiya naman!” Bulalas niya at pinagsasampal ang pisngi ng paulit-ulit.
Ngiti ang na iwan na marka sa mukha ni Dave habang nakatingin sa tsokotaeng may malaking kagat.
“She’s cute, I forgot to ask her name.”
CHAPTER 2“Oh, anak? Akala ko bang kasama mo si Emilia?” tanong ng kanyang ina.Nagkakamot ng ulo si Maya at tumabi sa kanyang ina. “Eh, hindi na ma. Dito na lang muna ako at magtitinda muli ng gulay.”“Sige at sumakay ka na sa pedicab. Mukhang maniningil na ng upa ang may-ari. Baka palayasin na tayo kung ‘di pa rin tayo makakabayad,” giit ng kanyang ina at sumunod naman si Maya.Tirik ang araw at diretso lang sa paglalako ng paninda si Maya hanggang sa hindi niya namalayan na ang banyaga na kanyang hinatiran ng gamit ay nakatitig sa kanya habang umiinom ng buko.“Oh my gosh! You again!” Sigaw ni Maya at mabilis na dinuro ang lalaki pagkatapos ay pinadyak ng mabilis ang pedal.
CHAPTER 3PANAY ang padyak, ngunit hindi pa rin makakawala si Maya sa bisig ng binata.“Ano ba?! Bitiwan mo sabi ako!”“No, you stay in my apartment! You have a wound, how can you go home? Your parents might scold you!”“Do not english me! You can tagalog!”Habang tumatagal sa paglalakad si Dave, narating nila ang apartment at ibinaba si Maya sa kanyang kama.“Bastos ka! Gagahasain mo ako!”“No! I will not do that to you! You think ahead!” Bulalas ni Dave. “You stay here. I will get some meds for your wound.”Natahimik at
CHAPTER 4Pagtapak ng madaling araw, payapang natutulog si Maya sa kama ni Dave. Habang ang binatang banyaga ay nakahiga lamang sa sahig. Tila naghihintay ito sa isang bituin na bumagsak sa kanya. Nakalaylay na ang katawan ni Maya sa gilid ng kama kaya heto at hindi alam ni Dave kung paano sasaluhin si Maya.“I should be a gentleman. Paano if she will fall? Masakit sa sahig?” Kinamot ni Dave ang ulo hanggang sa makita niyang bumiling si Maya at unti-unting nahuhulog papunta sa kanya.“Hmm,” ungol ni Maya at hinatak ang t-shirt ni Dave pagkatapos pinunasan ang basang bibig.Natunganga si Dave dahil ginamit pampunas ng laway ang kanyang damit.“Are are gross,” bulong niya at inayos ang puwesto
CHAPTER 5Nagdaan ang ilang araw at nanatiling mainit ang mga mata ng mga nanghuhusga kay Maya. Hindi natigil at mas lalong uminit pa ang mga mata ng mga naniningil sa kanilang pamilya.“Dang Pipay! Dang Pipay!” Sigaw ng naniningil.“Ano po iyon?”“Nasaan na ang sampung libo na utang mo sa renta? Isang buwan pa lang ang nabayaran niyo sa anim na buwang pagkakautang!”“Naku, hinihintay ko pa kasi ang sweldo ng asawa ko. Sa susunod na buwan pa kasi iyon,” tugon ni Pipay.“Ay hindi! Balitang-balita na nakapang-asawa ng mayaman iyang anak mo. Bakit hindi ka magbayad!”“Hindi ginagat
CHAPTER 6Maghapon naiwan sa bahay ni Dave si Maya gawa ng pagtatrabaho nito. Lalo si Dang Pipay na naghahanap din ng iba pang pagkakakitaan. Kinalkal niya ang refrigerator ni Dave at nagluto ng pagkain para sa kanilang hapunan.Wala siyang nagawa maghapon kundi ayusin ang damit nila ng kanyang ina pati ang paglalaba sa maruming gamit ni Dave."Maya! I'm home!" Bungad ni Dave at may bitbit pa itong bulaklak. "For you, mahal.""Hala? Nag-abala ka pa… ah Dave, pinakialaman ko pala ang pagkain mo.""Yeah, it's okay. Sa atin iyan.""Salamat naman at nagtatagalog ka. Ang hirap mo kasing sagutin
CHAPTER 7"Saan mo dinala ang pera?!"Isang malakas na sigaw mula sa isang lalaking takip ang mukha at may hawak na sigarilyo."Wala po talaga akong alam. Napag-utusan lang po ako! Parang awa niyo na po!" Sigaw ng matanda dahil ang sigarilyo na hawak ng kanyang amo ay akmang dadapo sa bala nito. "Ahh! Boss! Tama na!""Magnanakaw ka! Tatlong milyong piso ang laman nun! Saan mo dinala?!""Boss, matagal na po akong naglilingkod sa pamilya niyo. Ni pisong duling wala akong ninakaw."Walang habas na sinaktan si Mang Pidong ng mga alagad ng kanyang amo. Hawak nila ang dos por dos na kahoy at bast
CHAPTER 8 PAGTAPAK ng ilang minuto, walang ginawa kundi magpabalibalik si Dang Pipay sa telepono ng kanyang ama. Patuloy siyang tumatawag sa numero ng kasamahan ng kanyang asawa. "Ma'am, uuwi na muna po ako sa anak ko. Babalik din po ako mamaya." "Sige at mag-ingat ka. Sasabihan na lang kita kapag tumawag si Pidong pabalik, okay?" "Salamat po." Sa pagtapak ni Dang Pipay sa hagdanan pababa ng tindahan, umalingawngaw sa kanya ang sigaw ng kanyang amo. "Dang Pipay! Dang!" Paulit-ulit na sigaw. "Ano po iyon?" Tila sasabog ang puso ni Dang Pipay sa sobrang kaba.
CHAPTER 9Madaling araw na't gising pa rin si Dave. Hawak niya ang dog tag at paulit-ulit na binabasa ang kanyang pangalan."Dave Gray, Dave Gray…"Mahigpit niyang hinawakan ang alak at halos mabasag na ito sa kanyang kamay. "I left… I left that organization for my freedom. Bakit hindi pa rin siya tumitigil? My biological parents died because of this organization. I left this nightmare. Matagal na akong tapos bilang assassin ng Black Eagle. Pero bakit nilapit pa ako ng tadhana kay Maya? Anong rason kung bakit si Maya pa ang babaeng mahal ko. I know… walang ni isang tao ang nakakakilala sa akin. Pero nandito pa rin ang takot sa dibdib ko na baka sakaling mabunyag ang tunay kong pagkatao. Si Fred lang anv naging takbuhan ko dahil naiintindihan niya ang pinagdaanan ko. I've been hiding as a US Navy s
FINALEISANG tili at napakalakas na tawa ang nagpagising kay Maria. Paglingon niya sa orasan, alas singco pa lamang ng umaga. Kaagad bumangon si Maria at nakitang suot niya ang damit ni Victor. Napakagat labi siya dahil naalala niya ang nangyari."Damn, hindi ito panaginip."Mabilis na naglakad si Maria at nakita si Luciano na lumalangoy habang nakaantabay si Victor."Mama!""Good morning, Maria," nahihiyang bati ni Victor"Good morning, anak, Victor. Kumain na kayo? ang aga pa?""Yep, nagutom siya kaya I ordered food. Kumain ka na roon."Sumunod naman si Maria at dumiretso sa hapagkainan. Panay ang kagat niya sa mga labi habang pangiti-ngiti."Mabuti na rin maging marupok. Lalong sikat ka na, marami akong kaagaw," na pa-irap sa ere si Maria habang kinukuyakoy ang binti.Sumagi sa kanyang isipan ang kanilang ginawa kagabi. Ilang beses silang nabitin dahil sa pagbiling ni Luciano kaya tumitigil din sila. Mas lalong natawa si Maria habang kumakain ng burger."Anong tinatawanan mo?""Ay
CHAPTER 86HINDI makahinga ng maayos si Maria habang nakasakay sa loob ng sasakyan. Para bang nagig tuod ito at diretso lang ang paningin sa kalsada."Where are we going po?" "Ah, to my hotel. You can play there.""Talaga po Victor?""Uuwi rin tayo.""No, both of you will stay with me," mala-awtoridad niyang utos.Hindi umalma si Maria at hanggang sa pagbaba nila ng sasakyan, sumunod lamang siya kay Victor. Bitbit pa rin nito ang anak nila kaya natatakot siya sa mga sasabihin ni Victor."Sa pagdating nila sa loob ng kwarto. Nagtatalon si Luciano sa kama na napakalaki. Tuwang-tuwa ito dahil may pool sa loob ng kwarto."Patulugin mo siya after he takes a bath. Marami tayong kailangan pag-usapan.""O—okay."Sumunod naman si Maria at pinunasan si Luciano. Ang nag-iisang pares ng shorts at sando lamang ang pinangpalit ni Maria sa anak."Mama, sleep na po ba agad?""Oo kasi diba pagod ka. Bukas naman mag swim tayo sa pool."Nakikiramdam lamang si Victor sa pinag-uusapan ng mag-ina. Panay a
CHAPTER 85A few weeks ago, rinding-rindi na si Maria na marinig ng paulit-ulit mula sa kanyang mga estudyante ang patuloy na pag-uusap ng mga ito sa pagpunta ni Victor sa Pilipinas. Pilit na naman niyang isinasara ang puso't isipan dahil itinatak niya ang maling pagkakaintindi na kasal na si Victor.Napaisip si Maria at biglang nilapitan ang dalawang estudyante."Anong ending niyan?"Napanganga ang dalawang dalaga dahil nagulat sila sa paglapit ni Maria. Strikto kasi ito sa pagtuturo kaya nabigla silang maamo na parang tupa si Maria."Kinasal ba siya?"Kunot noo ang kanyang estudyante. "Naku, hindi ma'am. Single pa rin iyong bida. Hanggang doon lang kasi open ending. Nakakabitin nga po.""Oo nga eh! Kasi pagkahiwalay nila ni Marie, doon na nagsimula ang buhay niya sa ibang bansa pagkatapos nun, ang sabi sa ending. Nanatili siyang single kasi nga una't huling babae lang daw si Marie sa buhay niya."Para bang may paru-paru sa t'yan ni Maria nang marinig ang kwento ng kanyang estudyante
CHAPTER 84MAAGANG natanggap ng sekretarya ni Victor ang napakaraming email. Inuna nito ang importante hanggang sa mabasa ang email ni Maria. She immediately deleted it bukod sa hindi naman niya ito maintindihan."Steff, do I have a meeting today?""Ah, yes sir. The filipino coaches will wait for you at eight in the morning.""Okay."Bumalik si Victor sa kanyang lamesa at doon nakita ang isang wedding ring."You are just a design. Bakit ko ba binili ang wedding ring na ito kung wala naman akong syota?"Nagkamot ng sentido si Victor at tiningnan ang meeting niya. Until he saw the proposal and subject of the meeting."Book launch in the Philippines?" Napangiwi si Victor at sumandal. Nilalaro niya ang pluma habang nag-iisip kung tatanggapin niya ba ito."Do I need to visit my country? Okay— I will just just visit. Wala naman rason to stay there."Tumakbo ang oras hanggang sa sinimulan ang pagtitipon. Pinag-usapan ang book launching ng binata sa iba't ibang parte ng mall. Victor accepted
CHAPTER 83"MAMA!"Isang malakas na sinigaw ni Luciano nang makita ang kanyang ina na paparating."I've got five stars po!""Naku, ang galing naman ng anak ko.""Where's papa Leo? Sabi niya sa kanya ang pang six star ko?"Natuwa naman si Maria at hinalikan sa noo si Luciano"Luci, nasa work pa rin si Papa Leo. Mamaya pupunta siya sa bahay.""Oh, Okay Mama."Nagmadali na sumampa si Luciano papasok sa kanilang sasakyan. It has been five years since Maria gave birth. Natapos ni Maria ang kurso at nagpatuloy sa pagtuturo. Naibaon sa limot ang pait ng kahapon at napalitan ng labis na saya, sagana sa buhay si Maria at ang kanyang anak.Leo and Maria became friends. Lumapit si Leo kay Maria nang malaman pa niya ang totoong istorya sa buhay ni Victor. Leo felt sorry for his friend. Kaya nang malaman nitong buntis si Maria kay Victor, dito bumawi ang binata sa naging pagkukulang sa kaibigan."Papa Leo!""Hey!""Akala ko busy ka pa?" tanong ni Maria."Ohh, no! I am not. Kumusta ang baby boy nami
CHAPTER 82MABIGAT ang katawan at bumiling si Maria. Ngunit sa kanyang paglingon, wala na siyang katabi. Napabangon ang dalaga at dumiretso sa banyo upang tingnan ang damit."Nasaan ang damit k—"Natigilan si Maria sa pagsasalita nang makita niya ang isang paperbag. She immediately opened it and saw a shirt and shorts including an undergarment.Sa paglabas ni Maria ng mga damit, nahulog ang kapirasong papel. 'Maria, I thank you for trusting me with a short period of time. This one night made me realize that, if you truly love someone, you need to set them free. Love is genuinely a mix of sacrifice and selflessness. And by this time, gagawin ko na ang hiling mo. I will forget everything about us, everything about you. You are the biggest lesson I have ever learned in my life. We were like cigarettes, it would burn, it would give you satisfaction, it would make you addicted but in the end, we became smoke, everything will fade away. Please take care of yourself. Thank you for lending
CHAPTER 81Lumipas ang linggo magmula nang makakawala si Victor. Ayaw man niyang tanggapin ang mga perang ibinigay ni James, pero nagpumilit ito. He wanted him to start a new life. Siniguro ni James na wala ng kawala si Cheng sa impyerno. Labag man sa batas pero tinapos niya ang buhay nito.Siniguro rin niyang mababantayan ang kaligtasan ng kanyang ate at si Victor kapag ito at tuluyan ng makaalis ng PilipinasVictor is still waiting for his passport and clearance. Nang sagayon ay makaalis siya ng Pilipinas. Nililinis ang record ng pangalan niya upang hindi magkaproblema immigrations.Limang beses na paulit-ulit na katok ang nagpagising sa kaluluwa ni Victor. Binitawan niya ang laptop at sinimulang tumayo upang buksan ang pintuan. As he found out, it was Liam who is knocking on the door."Liam!""Sir!""Glad to see you again. Halika at pumasok ka."Tumuloy naman ang binata at doon nakita ni Liam ang simpleng pamumuhay ni Victor. A simple interior design in a peaceful subdivision."Mabu
CHAPTER 80"Sir! Maria is inside the hospital!" panimula ni Cindy sa kabilang linya."What?!"Nag-alala si James sa kung anong gagawin ng kanyang ate. Tinimbrihan kaagad ng binata ang mga tauhan upang maalarma kay Maria.Maria is slowly walking using the fire exit going to the rooftop. Wala ito sa sarili at luha lamang ang pumapatak sa kanyang mga mata.Habang ang mga tauhan ni James ay nililibot na ang buong ospital, they found Maria. Hindi naman umalma ang dalaga kaya tumayo lang siya sa harapan ng mga gwardya."Ate! Damn, bakit ka umalis ng basta-basta? Alam mo kung gaano kadelikado, huhulihin pa lang namin si Cheng."Walang imik si Maria at hinugot ang nakuhang baril mula sa kanyang bulsa.""I don't need this. Hindi ko rin siya kayang barilin o patayin. All I can do is to free him.""Ate."Naawa si James sa kanyang kapatid kaya naman hinagkan niya ito ng napakahigpit. Mas tumuloy ang pag-iyak ni Maria."Re-open his case. Gusto kong mabuhay ng payapa James. Ayoko ng ganitong pakira
CHAPTER 79INIPON lahat ni James ang kinakailangan niyang dokumento para mahuli na ng tuluyan si Cheng. Inilapag ni Cindy ang piniga niyang sagot mula kay Liam."Kanino galing ito?""Kay Liam po.""Seriously? Saan mo siya nahanap?""I made a secret plan, I am sorry sir. Kasi kating-kati ang mga paa ko at kamay ko sa katotohanan. Alam kong mabuti si Victor. Pumunta rin po ako ng Mariveles at Subic. Nakita ko si Leo. Hindi ko po inaasahan iyon pero sort of this research was from him. Kinuha ko ang mas maselan pang kaso na hindi niya alam. Hanggang sa makita ko rin si Liam na nagtatago. Papatayin siya ni Leo dahil hanggang ngayon, bulag pa rin si Leo sa maling mga nahanap na ebidensya. Kulang lahat iyon. May malaking galit siya kay Victor because his parents died. At ang Black Eagle ang may gawa nun. Katulad niyo ni Maria, galing din siya sa mga magulang na alalay ng Mafia Boss. He faked his identity para hagilapin kung sino ang kalaban. Malaki po ang galit niya kay Victor, sagad hanggan