CHAPTER 48"She is... She was the young girl I helped in Iloilo. Funny that destiny brought us together," bulong ni Vladimir habang pinanonood sa surveillance camera kung paano kunin ni Maria ang litrato sa loob ng kanyang libro."And that was the day I started to kill... To kill the woman I love at the very young age," he whisperedInalala lahat ni Vladimir ang mga panahon na nandoon sila ng buong pamilya dahil sa pagsunod kay Victor.It was a big mission for their family to kill the last assassin who was a former member of their Mafia Organization. And this was the day of his first blood.Her name is Rose, she was older than Vladimir. Ang nagturo sa kanilang magkapatid ni Victor kung paano humawak ng baril bago sila turuan ng kanilang ama. Inggit ang dahilan kung bakit pinatay ni Rose si Victor. Since we was a kid, may kakaiba na sa ugali ni Vladimir. Bayolente, matigas ang ulo at kapag hindi nakukuha ang gusto, para itong demonyo kung magalit. When he found out that Rose has
CHAPTER 49BINUBULABOG ng masamang panaginip si Maria hanggang sa tuluyang magising ng pawisan. Napatakbo ang dalaga sa banyo dahil sa sikmura niyang umiikot. Panay ang suka kaya naman napaupo sa lapag ng palikuran ang dalaga. Sumasakit ang sentido niya at puson, kaya naman heto at hindi makabangon ang dalaga.Ilang minuto niyang pinalipas ang oras hanggang sa hilamusan niya ang sarili."Ilang beses na akong nagsusuka. Kumakain naman ako?" Pagtataka niya at bumalik sa higaan.Sa pagyakap niya sa kanyang unan, unang sumagi sa isip niya'y si Victor. Napapikit ang dalaga at biglang tumalbog ang kanyang puso.Muli siyang bumangon at kinabahan na hinawakan ang sinapupunan."Buntis ba ako?"She closed her eyes again and tried to think when was the last time of her period. "Irregular naman ako dahil sa puyat at pagod?"Hindi mapakali si Maria at kumuha ng dalawang daan sa kanyang pitaka. Kahit madaling araw ay napagdesisyonan niyang maghanap ng 24 hours pharmacy."Manong!" Tawag ng dalaga sa
CHAPTER 50 LABAG man sa loob ni Maria na makipagtalik kay Vlaidmir, muli niya itong ginawa upang hindi mahalata naa siya’y nagdadalang tao. Pabalik na sila ng Manila dahil sa narinig niyang emergency meeting ni Vladimir. “Sa pagbabalik natin sa Manila. All you have to do is to stay at your new home. Huwag na huwag kang babalik sa penthouse.” “Babalik ako, hindi pa naman ako pumayag sa gusto mo diba?” Mariin na hinawakan ni Vladimir ang braso ni Maria kaya naman nabigla siya sa inasal ng binata. “You work for my company.” “Pero iba ang gusto mong kapalit. Hindi ako papayag sa ganoon.” “Wala kang choice kundi iyon.” Marahas na pumalag si Maria. “Ilang beses kong sinabi iyon sa’yo. Bayaran ako pero hindi mo mabibili ang buong pagkatao ko. It’s just for a sex. Iyon lang return to your favor dahil kay ate Cindy.” “Eh kung bawiin ko kaya ang pagtulong sa kapatid mo?” Napalunok si Maria. “Fine! Nakakapagtrabaho naman ako sa penthouse.” Nagpipigil at gustong-gusto ng hawakan ni Vladi
CHAPTER 51TUTOK ang mga mata ni Liam sa kanyang laptop habang naghihintay ng abiso kung anong oras niya makakausap ang bilanggo na runner ng mga droga ni Mr. Wong."It was Black Eagle. Kahit ninakaw lahat ni Mr. Williams ang lahat ng kapangyarihan sa pamilya ng Ex-fiance niyang si Zella, hindi pa rin natatapos ang problema niya. Binabalik-balikan siya ng iba pang organisasyon na may sariling mga interes. Hindi ko alam kung sino ang kalaban, kinakailangan ko talagang makita si Sir Victor. Alam kong alam niya ang mga ito, lalo na ang bagong droga. Siya lang ang nagbibigay impormasyon nu'n sa akin."Nagpatuloy si Liam sa paghihintay hanggang sa marinig na niya ang tawag mula sa loob ng kulungan. He changed his physical features. Tunay na nagpanggap siya bilang abogado ng bilanggo na si Kitty.Sa pagpasok ng binata, nabigla siyang makita ang napaka laking diperensya sa mukha ng dalaga versus sa mukha nito sa litrato. Napaka ganda pero ngayon na kaharap niya na ito, para bang hindi ito pi
CHAPTER 52TUMAAS ang sinag ng araw. Maagang bumangon si Kitty para sa kanyang misyon. Tumatalbog ang kanyang puso sa sobrang kaba. Isang kalampag sa nagpapanggap na pulis ang lumapit sa kanya kaya naman sumunod lang ang dalaga.Takot din ang dalaga dahil baka ito na ang kanyang katapusan. Kinakabahan sa puntong baka magkamali sila ng plano at malintikan din ang ibang preso sa loob. Siguradong bartolina na may daga ang aabutin kunsakaling sila ay mabigo sa misyon."Hawakan mo lang ito."Inabot kay Kitty ang isang maliit at bilog na tracker. Panay ang lakad ng dalaga hanggang sa makarinig ng pagsabog sa loob ng kulungan."Nagkakagulo! Tulong!""May nasabugan!""Yuko-yuko!"Paulit-ulit na sumisigaw ang mga tao sa paligid dahil sa nangyaring gulo. Hinawakan ng pekeng pulis si Kitty at lumusot sa isang lagusan. Laking gulat niyang pinagtulakan siya nito papasok sa isang kotse.Halos atakihin sa puso ang dalaga nang makaupo siya sa sasakyan."Marunong ka naman pa lang sumabay sa agos," si
CHAPTER 53UNANG araw sa trabaho ay sumabak na si Maria sa meeting ni Vladimir. Iba't ibang foreign investors ang bumabati sa kanya dahil sa taglay na ganda. Hindi rin makatingin si Maria kay Vladimir dahil nagseselos na naman ito sa mga kalalakihan na pumapaligid kay Maria."Wala naman siyang ginagawa, bakit ba napakalikot ng mga lalaking ito at palaging siya ang unang pinapansin. I'm the boss at investments ang pag-uusapan, not her personal information!" paghihimutok ni Vladimir habang siya'y palipat-lipat ng paningin kay Maria.Seryoso lamang itong nakikinig at lahat ng schedule na sinasabi ni Vladimir ay kanyang pinakikinggan. Hindi man nakapagtapos si Maria sa pag-aaral, ngunit ang nananalaytay na talino mula sa dugo ng magulang ang kanyang namana. Tagalog man o ingles kaya niyang makipagsabayan."How about your gorgeous secretary, Mr. Vladimir Williams? Do you have any suggestions in our topic?" tanong ng isang matanda na panay ang titig kay Maria."Ah—much better if we will hav
CHAPTER 54UMUWING lasing si Vladimir kaya naman naghihimutok ang kanyang ina sa sobrang galit. "Bakit ka nag lasing?! Anong problema mo?""Ma, I'm fucking tired. I need to rest, bukas na kita sasagutin."Hinablot ni Emilia ang polo ni Vladimir hanggang sa dumapo ang malakas na sampal sa kanyang mukha. "Ilang beses mo na akong binabastos! Nanay mo ako! Hindi ko na gusto ang inaasal mo! Sa makalawa na ang kasal mo! You need to impress the drug lords coming from Rigo's business proposal! Anak, noong nakaraan lang may sumabog na drug factory sa Iloilo! Hindi ka ba na aalarma dahil may iilan ng mga organisasyon ang lumalaban sa negosyo ng tatay mo? Look, mas mabenta ang produkto nu'n kesa sa atin! Paano pa ang pribado nating negosyo?!""I will not marry her daughter. I will manage this drug transaction, I promise. Pero walang kasalanan na magaganap.""No! You need to marry her! Gusto ko siya bilang asawa mo! Elite, class, may dignidad at higit sa lahat napaka talino.""She's not smart if
CHAPTER 55"AH!" Isang malakas na sigaw ang dumagundong sa buong paligid. Panay ang palag niya ngunit hindi siya pinakakawalan ni Frederico."Bakit ayaw niyo akong paalisin?! I need to shutdown that fucking business!""You are damn injured tapos lalaban ka?""Marami tayong namatay na kasamaahan. Kaya kailangan kong malaman kung sino ang may gawa nito!”“Sa palagay mo makakalaban ka ng ganyan ang itsura mo? Bakal na lang ang nakakonekta sa siko mo tapos lalaban ka?” Asar na sagot ni Leo.“Whatever. I can be the head of the plan.”“Sige! Lumaban ka at magpakamatay ka! Tiago! Pakawalan mo si Victor at hayaan mong lumabas ng Bureau!” Sigaw ni Frederico sa kanyang mga tauhan. Tinanggal nila ang posas sa kabilang kamay ni Victor kaya naman sapilitan itong napatayo. “Kakampi niyo ako. Bakit parang ako ang kalaban niyo kung makaasta kayo sa akin?” asar na tanong ni Victor. Bumuntong-hininga si Leo at binagsak sa harapan ni Victor lahat ng dokumento tungkol sa tatay niya. Umigting ang ka
FINALEISANG tili at napakalakas na tawa ang nagpagising kay Maria. Paglingon niya sa orasan, alas singco pa lamang ng umaga. Kaagad bumangon si Maria at nakitang suot niya ang damit ni Victor. Napakagat labi siya dahil naalala niya ang nangyari."Damn, hindi ito panaginip."Mabilis na naglakad si Maria at nakita si Luciano na lumalangoy habang nakaantabay si Victor."Mama!""Good morning, Maria," nahihiyang bati ni Victor"Good morning, anak, Victor. Kumain na kayo? ang aga pa?""Yep, nagutom siya kaya I ordered food. Kumain ka na roon."Sumunod naman si Maria at dumiretso sa hapagkainan. Panay ang kagat niya sa mga labi habang pangiti-ngiti."Mabuti na rin maging marupok. Lalong sikat ka na, marami akong kaagaw," na pa-irap sa ere si Maria habang kinukuyakoy ang binti.Sumagi sa kanyang isipan ang kanilang ginawa kagabi. Ilang beses silang nabitin dahil sa pagbiling ni Luciano kaya tumitigil din sila. Mas lalong natawa si Maria habang kumakain ng burger."Anong tinatawanan mo?""Ay
CHAPTER 86HINDI makahinga ng maayos si Maria habang nakasakay sa loob ng sasakyan. Para bang nagig tuod ito at diretso lang ang paningin sa kalsada."Where are we going po?" "Ah, to my hotel. You can play there.""Talaga po Victor?""Uuwi rin tayo.""No, both of you will stay with me," mala-awtoridad niyang utos.Hindi umalma si Maria at hanggang sa pagbaba nila ng sasakyan, sumunod lamang siya kay Victor. Bitbit pa rin nito ang anak nila kaya natatakot siya sa mga sasabihin ni Victor."Sa pagdating nila sa loob ng kwarto. Nagtatalon si Luciano sa kama na napakalaki. Tuwang-tuwa ito dahil may pool sa loob ng kwarto."Patulugin mo siya after he takes a bath. Marami tayong kailangan pag-usapan.""O—okay."Sumunod naman si Maria at pinunasan si Luciano. Ang nag-iisang pares ng shorts at sando lamang ang pinangpalit ni Maria sa anak."Mama, sleep na po ba agad?""Oo kasi diba pagod ka. Bukas naman mag swim tayo sa pool."Nakikiramdam lamang si Victor sa pinag-uusapan ng mag-ina. Panay a
CHAPTER 85A few weeks ago, rinding-rindi na si Maria na marinig ng paulit-ulit mula sa kanyang mga estudyante ang patuloy na pag-uusap ng mga ito sa pagpunta ni Victor sa Pilipinas. Pilit na naman niyang isinasara ang puso't isipan dahil itinatak niya ang maling pagkakaintindi na kasal na si Victor.Napaisip si Maria at biglang nilapitan ang dalawang estudyante."Anong ending niyan?"Napanganga ang dalawang dalaga dahil nagulat sila sa paglapit ni Maria. Strikto kasi ito sa pagtuturo kaya nabigla silang maamo na parang tupa si Maria."Kinasal ba siya?"Kunot noo ang kanyang estudyante. "Naku, hindi ma'am. Single pa rin iyong bida. Hanggang doon lang kasi open ending. Nakakabitin nga po.""Oo nga eh! Kasi pagkahiwalay nila ni Marie, doon na nagsimula ang buhay niya sa ibang bansa pagkatapos nun, ang sabi sa ending. Nanatili siyang single kasi nga una't huling babae lang daw si Marie sa buhay niya."Para bang may paru-paru sa t'yan ni Maria nang marinig ang kwento ng kanyang estudyante
CHAPTER 84MAAGANG natanggap ng sekretarya ni Victor ang napakaraming email. Inuna nito ang importante hanggang sa mabasa ang email ni Maria. She immediately deleted it bukod sa hindi naman niya ito maintindihan."Steff, do I have a meeting today?""Ah, yes sir. The filipino coaches will wait for you at eight in the morning.""Okay."Bumalik si Victor sa kanyang lamesa at doon nakita ang isang wedding ring."You are just a design. Bakit ko ba binili ang wedding ring na ito kung wala naman akong syota?"Nagkamot ng sentido si Victor at tiningnan ang meeting niya. Until he saw the proposal and subject of the meeting."Book launch in the Philippines?" Napangiwi si Victor at sumandal. Nilalaro niya ang pluma habang nag-iisip kung tatanggapin niya ba ito."Do I need to visit my country? Okay— I will just just visit. Wala naman rason to stay there."Tumakbo ang oras hanggang sa sinimulan ang pagtitipon. Pinag-usapan ang book launching ng binata sa iba't ibang parte ng mall. Victor accepted
CHAPTER 83"MAMA!"Isang malakas na sinigaw ni Luciano nang makita ang kanyang ina na paparating."I've got five stars po!""Naku, ang galing naman ng anak ko.""Where's papa Leo? Sabi niya sa kanya ang pang six star ko?"Natuwa naman si Maria at hinalikan sa noo si Luciano"Luci, nasa work pa rin si Papa Leo. Mamaya pupunta siya sa bahay.""Oh, Okay Mama."Nagmadali na sumampa si Luciano papasok sa kanilang sasakyan. It has been five years since Maria gave birth. Natapos ni Maria ang kurso at nagpatuloy sa pagtuturo. Naibaon sa limot ang pait ng kahapon at napalitan ng labis na saya, sagana sa buhay si Maria at ang kanyang anak.Leo and Maria became friends. Lumapit si Leo kay Maria nang malaman pa niya ang totoong istorya sa buhay ni Victor. Leo felt sorry for his friend. Kaya nang malaman nitong buntis si Maria kay Victor, dito bumawi ang binata sa naging pagkukulang sa kaibigan."Papa Leo!""Hey!""Akala ko busy ka pa?" tanong ni Maria."Ohh, no! I am not. Kumusta ang baby boy nami
CHAPTER 82MABIGAT ang katawan at bumiling si Maria. Ngunit sa kanyang paglingon, wala na siyang katabi. Napabangon ang dalaga at dumiretso sa banyo upang tingnan ang damit."Nasaan ang damit k—"Natigilan si Maria sa pagsasalita nang makita niya ang isang paperbag. She immediately opened it and saw a shirt and shorts including an undergarment.Sa paglabas ni Maria ng mga damit, nahulog ang kapirasong papel. 'Maria, I thank you for trusting me with a short period of time. This one night made me realize that, if you truly love someone, you need to set them free. Love is genuinely a mix of sacrifice and selflessness. And by this time, gagawin ko na ang hiling mo. I will forget everything about us, everything about you. You are the biggest lesson I have ever learned in my life. We were like cigarettes, it would burn, it would give you satisfaction, it would make you addicted but in the end, we became smoke, everything will fade away. Please take care of yourself. Thank you for lending
CHAPTER 81Lumipas ang linggo magmula nang makakawala si Victor. Ayaw man niyang tanggapin ang mga perang ibinigay ni James, pero nagpumilit ito. He wanted him to start a new life. Siniguro ni James na wala ng kawala si Cheng sa impyerno. Labag man sa batas pero tinapos niya ang buhay nito.Siniguro rin niyang mababantayan ang kaligtasan ng kanyang ate at si Victor kapag ito at tuluyan ng makaalis ng PilipinasVictor is still waiting for his passport and clearance. Nang sagayon ay makaalis siya ng Pilipinas. Nililinis ang record ng pangalan niya upang hindi magkaproblema immigrations.Limang beses na paulit-ulit na katok ang nagpagising sa kaluluwa ni Victor. Binitawan niya ang laptop at sinimulang tumayo upang buksan ang pintuan. As he found out, it was Liam who is knocking on the door."Liam!""Sir!""Glad to see you again. Halika at pumasok ka."Tumuloy naman ang binata at doon nakita ni Liam ang simpleng pamumuhay ni Victor. A simple interior design in a peaceful subdivision."Mabu
CHAPTER 80"Sir! Maria is inside the hospital!" panimula ni Cindy sa kabilang linya."What?!"Nag-alala si James sa kung anong gagawin ng kanyang ate. Tinimbrihan kaagad ng binata ang mga tauhan upang maalarma kay Maria.Maria is slowly walking using the fire exit going to the rooftop. Wala ito sa sarili at luha lamang ang pumapatak sa kanyang mga mata.Habang ang mga tauhan ni James ay nililibot na ang buong ospital, they found Maria. Hindi naman umalma ang dalaga kaya tumayo lang siya sa harapan ng mga gwardya."Ate! Damn, bakit ka umalis ng basta-basta? Alam mo kung gaano kadelikado, huhulihin pa lang namin si Cheng."Walang imik si Maria at hinugot ang nakuhang baril mula sa kanyang bulsa.""I don't need this. Hindi ko rin siya kayang barilin o patayin. All I can do is to free him.""Ate."Naawa si James sa kanyang kapatid kaya naman hinagkan niya ito ng napakahigpit. Mas tumuloy ang pag-iyak ni Maria."Re-open his case. Gusto kong mabuhay ng payapa James. Ayoko ng ganitong pakira
CHAPTER 79INIPON lahat ni James ang kinakailangan niyang dokumento para mahuli na ng tuluyan si Cheng. Inilapag ni Cindy ang piniga niyang sagot mula kay Liam."Kanino galing ito?""Kay Liam po.""Seriously? Saan mo siya nahanap?""I made a secret plan, I am sorry sir. Kasi kating-kati ang mga paa ko at kamay ko sa katotohanan. Alam kong mabuti si Victor. Pumunta rin po ako ng Mariveles at Subic. Nakita ko si Leo. Hindi ko po inaasahan iyon pero sort of this research was from him. Kinuha ko ang mas maselan pang kaso na hindi niya alam. Hanggang sa makita ko rin si Liam na nagtatago. Papatayin siya ni Leo dahil hanggang ngayon, bulag pa rin si Leo sa maling mga nahanap na ebidensya. Kulang lahat iyon. May malaking galit siya kay Victor because his parents died. At ang Black Eagle ang may gawa nun. Katulad niyo ni Maria, galing din siya sa mga magulang na alalay ng Mafia Boss. He faked his identity para hagilapin kung sino ang kalaban. Malaki po ang galit niya kay Victor, sagad hanggan