“DR. JACOBS, puwede ba akong magtanong tungkol sa kapatid mo?” Kusa na lamang lumabas mula sa bibig ko ang tanong na iyon.Ngumiti naman siya sa akin. “Sure. Anong gusto mong malaman tungkol sa kanya?”“Uh. Close ka ba sa kanya?”Panandalian siyang nag-isip. Inilapag niya ang ballpen niya sa desk sa ipinagkrus ang mga braso niya. “Actually, close naman kami noong mga bata palang kami. Kaya lang isang araw bigla na lang siyang nag-rebelde. Noong maging teenagers na kami, parati ko na siyang pinagagalitan at tingin ko naiinis siya ro’n. Galit siya sa akin, at pati na rin sa mga magulang namin.”“Kasama mo pa ba siya sa bahay?”“Hindi na. Pinalayas siya ng mga magulang namin nang malaman nilang naging leader siya ng isang gang. Ano nga ba ang tawag doon?”“Mukhang kalat na talaga ang mga mafia, huh,” bulong ko sa sarili. Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka tumingin sa kanya. “Galit ka ba sa kaniya?”“Huh? Galit? Hindi, kahit na kailan ay hindi ko nagawang magalit sa kaniya. Ang totoo,
VINCENT’S POV“WHERE’S Sophie?” I asked one of my maids as soon as I entered the house.“W-Wala pa po siya, boss.”I squinted at my wristwatch. “It’s already eleven o’clock and she’s still out there? What the hell is Venom doing?”I reached for my phone and dialed Sophie’s number. It rang a few times before she answered it. “Hello?”“Hello? Sophie?”“Oh, ikaw ba ‘yan, Vinshent?! Ang mafia boss kong asawa na si Vincent na walang pakialam sa feelings ng mga tao sa paligid niya? Ikaw ba ‘yan?” she sounded drunk.“Where the hell are you? How many times do I have to tell you to go home on time?”“Puwede bang tumigil ka na sa pagpapanggap na may pakialam ka sa akin? Hayaan mo akong gawin ang gusto ko, okay? Goodbye, lalaking mas malamig pa sa yelo!” she yelled then hung up the phone.“Sophie! Damn it! Where the hell is that woman and why is she drunk?!”I dialed Venom’s number this time and she answered it immediately. “Boss.”“Where’s Sophie?”“Nandito po siya.”“Where are you?”“Sa Dark
SOPHIE’S POVPARANG mabibiyak sa sobrang sakit ang ulo ko pagkagising ko. Naupo ako sa kama saka roon na-realized na nasa loob na pala ako ng kuwarto ko sa mansyon ni Vincent. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi, pero tandang-tanda ko pa rin kung paano nadurog ang puso ko nang makita ko si Lance na halikan ang babaeng iyon. Hindi ko alam na may girlfriend na pala siya dahil hindi niya naman nabanggit.Sa bagay, nasabi naman niya sa aking may babae siyang nagugustuhan.“Miss Sophie.”Nagulat na lamang ako nang biglang lumabas si Venom mula sa banyo. “V-Venom. Nagulat naman ako sa ‘yo.”“Pasensiya na po, Miss Sophie. Naihanda ko na po ang panligo ninyo. Puwede na po kayong maligo, dahil ang sabi ni Boss ay gusto niya kayong makasabay mag-almusal.”“Huh? Nandiyan pa si Vincent?”Tumango siya. “Opo.”Tumayo ako saka lumapit sa kanya. “Okay. Oo nga pala, salamat sa pag-uwi sa akin. Hindi ko na maalala ang eksaktong nangyari kagabi, pero natatandaan ko namang kasama kita.”“Hindi ako ang n
PANAY ang buntong-hininga ko habang naglalakad papunta sa infirmary. Bakit kasi kailangang ako pa? Hindi ko pa gustong makita si Lance. Ayaw ko pang makita ang mukha niya dahil maaalala ko lang ang nakita ko noong nakaraan. At paano kung kasama rin niya ang babaeng iyon ngayon?Huminga ako nang malalim nang marating ko na ang infirmary. Naglakad ako palapit sa pinto at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob.Kailangan ko ba talagang ibigay ang mga papel na ito sa kanya?Pero hindi ko kaya.Paano kaya kung iwanan ko na lamang ang mga ito rito sa sahig? Sigurado naman akong makikita ito ni Lance sa oras na lumabas siya. O kaya ay sabihin ko na lang sa lecturer namin na wala si Dr. Jacobs?Tama. Sasabihin ko nalang na—”“Sophie.”Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagbukas ang pinto ng infirmary at lumabas doon si Lance habang diretsong nakatingin sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “D-Dr. Jacobs.”“Mabuti naman at nakita na ulit kita, Sophie. Hinaha
“SOPHIE, puwede mo ba akong samahan sa mall sa Sunday? May dress kasi akong gustung-gusto kong bilhin since last month pa, kaya lang si Mommy gustong parati akong nakikitang nag-aaral kahit na hindi ko naman maiintindihan ang pinag-aaralan ko.” Naka-pout na sabi ni Sabrina habang naglalakad kami papunta sa school cafeteria.“Hindi ako sure, e. Sasabihin ko muna kay Vincent.”Nang-aasar naman siyang tumingin sa akin. “Ang hirap magkaroon ng asawa, ano? Kailangan mong sabihin sa kanya kung anong gusto mong gawin at saan ka pupunta.”“Hindi naman ito dahil asawa ko siya, ito kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang kunin niya ako mula kina Daddy.”“Ah, naiintindihan ko na.”“Speaking of Daddy, kumusta na kaya siya ngayon?”“Well, for sure nagpapakasaya na sila ngayon dahil wala na silang utang kay Vincent na kailangan nilang bayaran.”Napayuko ako.Siguro nga ay tama si Sabrina. Ipinangako sa akin ni Daddy noon na babawiin niya ako mula kay Vincent, pero tingin ko naman ay wala na siya
“I want you to file a divorce.”Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong kape nang bigla na lamang sinabi iyon ng mommy ni Vincent. Nagtataka akong tumingin sa kanya. “P-Po?”“Do you love him?” bigla niyang tanong.”Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya. “A-Asawa ko siya, kaya naman —““You don’t. You are probably not in love with that jerk.”“Bakit gusto n’yo po akong mag-file ng divorce?” tanong ko.“Gusto kong ma-realize ni Vincent na walang magmamahal sa kanya.”“A-Ano?”Tumayo siya. “Walang magmamahal sa kanya dahil isa siyang demonyo, at walang utang na loob. I want him to live miserably. I want him to realize how much he needs us in his life. I want him to regret leaving us behind.”“P-Pasensiya na po, pero hindi ko kayo maintindihan.”“Mas pinili niyang magtayo ng sarili niyang kompanya kaysa tulungang palaguin ang kompanya ng Daddy niya. What an ungrateful son he is, right? Huminto siya sa pag-aaral at lumayas nang hindi man lang inisip kung gaano kami naghirap sa
“THIS is my parents’ house. I came here to visit them today.” pagpapaliwanag sa akin ni Lance nang may napakalaking ngiti sa mga labi.Napanganga ako. “B-Bahay ng mga magulang mo? I-Ibig sabihin—si Mrs. Hastings ang mama mo?”“Oo. Ganoon na nga.”“Oh my God,” naibulong ko.“Ikaw ba, Sophie. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” bigla niyang tanong sa akin.Tumingin naman ako sa kanya. “Uh. K-Kasi. Actually —”“Lance!”Bigla-bigla na lamang lumabas si Mrs. Hastings mula sa loob ng mansyon saka patakbong lumapit kay Lance saka ito binigyan ng isang napakahigpit na yakap. “Oh my God, Lance! I missed you so much!”“I missed you too, mommy.”Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa habang magkayakap. Mukhang close sila sa isa’t isa.“Gutom ka na ba? Sinabihan ko na ang chef na iluto ang mga favorite food mo,” dagdag pa ni Mrs. Hastings.“Really? Sure! Na-miss ko rin talagang kumain dito.” Nagulat ako nang bigla na lamang lumingon sa akin si Lance. “Estudyante siya sa pinagtatrabahuhan kong u
“WHERE have you been?”Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Vincent na nakaupo sa may kama pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kuwarto ko.“A-Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?”“Waiting for you.”Tumayo siya saka naglakad palapit sa akin. “You didn’t answer any of my calls. Didn’t I tell you to go home early? Are you really that bull-headed?”“Sorry, hindi ko namalayan ang oras. Nagpunta lang ako sa mall kasama ang best friend ko.”“Oh, really?”“O-Oo. Oo nga pala, pupunta ako sa bahay ni Sabrina bukas. Tutulungan ko siyang magluto para sa birthday ng mama niya.”Tumitig siya sa akin nang salubong ang mga kilay. “Do you think I believe you? Are you seeing some other guy? Do you have a boyfriend, perhaps?”“H-Ha? W-Wala akong boyfriend. Nagsasabi ako ng totoo.”“If that is true, then good for you, but if you have a boyfriend, make sure I won’t see him. I don’t like sharing what’s mine,” sabi pa niya saka hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. “You sho