THIRD PERSON’S POV:
Alas kuwatro imedya na nang matapos sa paghahanda para sa kaganapan mamaya ang lima. Nagtraining ulit sila gaya nung ginagawa nila noon bago sila makipaglaban at makikipagsapalaran sa ganitong kaganapan.
Pitong Taon na silang sumali at nakikipagsapalaran sa kaganapang ito. Simula noong sila pa’y nasa walong taong gulang ay kasali na sila sa magaganap sa Underground Arena pero sa pitong taon nilang pagsali rito ay walang ni-isa sa kanila ang pinili dahil sila’y sobrang bata pa. Alam ng mga nakakataas doon na sila ay may angking galling sa pakikipaglaban pero sila’y masyadong bata pa.
Kaya huminto sila ng dalawang taon para maihanda ang sarili nila sa kanilang pagbabalik. At ngayong nasa labingwalong taong gulang na’y alam nilang mananalo sila sa paligsahan.
Ang magaganap sa Underground Arena ay isang Battle ng iba’t-ibang gangs kung saan ang mananalo ay pipiliin ng Mafia King bilang ka-alyado nila. Aabot sa higit isang daang gang ang sasali sa kaganapan ngayong taon at isa na sa isang daang grupo sina Angela.
Natulog muna sina Angela at gigising mamayang alas syete upang maghanda ulit sa kanilang pagpunta sa Underground Arena. Nang magising ay inihinda na nila ang kanilang mga kagamitan na gagamitin sa Arena katulad ng Katana, Machete, Cutlass, Model 1832, Trench Knife, Bollock Dagger and Scottish Dirks pero tatlong kagamitang panlaban lang ang kanilang pinili.
Ang Bollock Dagger, Trench Knife at Scottish Dirks na kanilang inilagay sa kanya- kanya nitong Sheaths o lalagyan. Ihahanda rin nila ang kanilang mga susuotin mamaya. Alas otso sila lumarga patungong headquarters nila na malapit lang sa Arena. Ang gang lang nila ang siyang pinayagan ng nakakataas ng Arena na magpatayo ng headquarters na malapit sa Arena, walang ni ibang grupo ang nakakaalam ng HQ nila kundi sila lamang at ang mga tauhan sa Arena.
Aabutin ng tatlong oras ang kanilang magiging biyahe dahil malayo ang lokasyon nila patungong HQ. Si Nicole naman ang nagdrive ngayon habang katabi niya si Angela at ang tatlo ay nasa likod, natutulog.
“Marami yatang bagong grupo ang sasali ngayong taon, Gel.” Pagsisira ni Nicole sa katahimikang namamagitan sa kanila. Napatingin naman si Angela sa kanya at napatango.
“May usap-usapan na may isang grupo mula sa mga lalaki daw na mga magagaling ang sumulpot noong tayo ay huminto sa pakikipaglaban. Tama ba ako Nicole?” tanong ni Angela sa kaibigan. “Oo nga! X Lethal daw yung pangalan ng gang nila, Gel. Naiko- kompara nga sila sa atin, yun bang magkalevel lang daw ang galling natin, yun ang sabi- sabi nila.”
Biglang tumahimik si Angela at bigla ring nagsalita. “Tsk, imposible.”
Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na byahe ay nakarating na rin sila. Pinasok ni Nicole ang sasakyan nila sa isang liblib na kagubatan at pumasok din sa tunnel na di-diretso sa parking lot ng kanilang HQ. Ginising na ni Nicole ang apat niyang kaibigan at sinabihang nakarating na sila. Hindi nakabukas ang ilaw sa parking lot nila kaya binuksan ng apat ang kani- kanilang flashlight sa cellphone.
Iba’t-ibang klase ng sasakyan ang nakaparada sa kanilang parking lot.
“Nailagay na raw ni Kuya Chase rito ang mga big bikes na gagamitin natin mamaya eh. Ano, tignan na natin?” pag-aaya ni Kylie at sabay tungo sa direksyon kung saan ipinarada ang big bikes ng lima.
“Ano nga yung model niyan?” tanong ni Bea sa apat. “It’s the Ducati Panigale V4 R” sagot ni Angela na patuloy pa ring pinagmamasdan ang mga nakaparadang sasakyan. “Mine will be this color balck.” Dagdag niya habang nakalapit na sa motorbike at hinahawakan ito na akala mo’y ngayon lang nakakakita nito.
“Yes, Boss!” sagot ng apat.
“Akin yung red!” sigaw ni Nicole at lumapit sa pinili niyang color ng motorbike.
“Akin yung Orange!” sigaw din ni Bea.
“Akin yung Yellow” segunda ni Kylie.
“Sa akin naman ay…” napatingin naman ang apat kay Tiffany. “Syempre yung pink.” Bea rolled her eyes kaya napatawa na lang sila. Pagkatapos nilang tignan at suriin ang kanilang mga sasakyan ay dumiretso kaagad sila sa itaas, may elevator sila since para na ring underground ang HQ nila.
May apat na palapag ang HQ ng lima, ang basement ay yung parking lot, sa first floor naman ay matatagpuan ang iba’t-ibang kagamitang pandigma o panlaban nila at may mini gym din ito. Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang iba’t-ibang computers na ginagamit nila upang maghack ng kung ano-ano. Sa pangatlong palapag ay matatagpuan ang kanilang kwarto, mini-kitchen, may CR at may mini-sala rin habang sa ikaapat na palapag ay ang kanilang rooftop na kung saan makikita ang kabuoan ng Underground Arena at mga mumunting bahay na nasa ilalim ng kabukiran. Ang panghuling palapag ay ginagawa nilang spying area sa kung sino-sino ang mga darating sa sinasabing labanan at ginagawa rin nilang tambayan.
Alas dose na ng tanghali kaya pinindot na ni Tiffany ang button papuntang 3rd Floor. Nagreprisinta si Bea na magluto since hindi naman siya sobrang napagod sa biyahe. Dumiretso kaagad ang tatlo sa kani-kanilang kwarto habang si Bea ay dumiretso sa kusina para simulan na ang pagluluto. Binuksan niya na muna ang gas at saka naman yung stove, naiready na rin ni Bea ang pan at nang uminit ay nilagyan niya ng mantika.
Since nagmamadali sila at gutom na ang bawat isa ay ready to cook na lumpia na lamang ang nailuto ni Bea at saka nagluto rin ng noodles. Nagsaing din ng kanin si Bea sa rice cooker para maging mas madali matapos.
Habang hindi pa naluluto ang mga niluluto niya ay dali-dali niyang inihanda ang mga plato, kutsara’t tinidor saka mga baso sa lamesa. Hindi humigit kinse minuto ay naluto na ang mga kanyang niluto.
“Guys! Magsilabasan na kayo, luto na ang pagkain.” sigaw na pagtawag niya sa apat. Unang lumabas si Tiffany, as expected. Pagkatapos ay sumunod na rin ang tatlo na nakapambahay na. Since mamayang alas singko pa ng hapon ang opisyal na pagbubukas ng sinasabing Underground Battle.
Magbibihis na sana si Bea pero pinigilan siya ni Angela. “Mamaya ka na magbihis, sabay na muna tayong kumain.” Napatango si Bea sa sinabi ni Angela at umupo na kasama ang kanyang mga kaibigan. Masayang napapalakpak si Tiffany dahil sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan. “Thank you for this oh so yummy food, Bea!”
Nagdasal na muna sila bago nilantakan ang mga pagkain. “Oo nga pala, sinabi na ba kung sinong una nating makakalaban?” pagpuputol ni Kylie sa katahimikan. Uminom muna ng tubig si Nicole bago sumagot. “Sa Arena lang sasabihin kung sino ang mga makakalaban natin, Ky.”
Napahinto ang lahat sa pagkain pati na rin si Angela na tinitigan na rin ang kaibigang si Nicole. “Siguradong marami tayong makakalaban nito.” Mahinang sabi ni Bea na nakapaglingo ni Nicole sa direksyon niya. “Isang malaking posibilidad iyon Bea lalo na’t maraming gang ang makakasalamuha natin mamaya.”
“Hindi niyo na dapat pang alamin ang mga bagay na iyan. Kahit marami o kaonti lang ang mga magiging kalaban natin ay kailangan lang nating maghanda at aktibo. Walang dapat ikatakot sa pagiging marami, dahil tayo ang dapat kinakatakutan. Wala nang iba pa, tayo lang. Get that?” mahabang alintana at pagpapalakas loob ni Angela sa kanyang mga gangmates.
Kaya ganito na lang makapagreact ang mga kaibigan niya dahil ngayon lang ulit sila nakabalik sa Arena at ngayon lang ulit sila makikipaglaban sa daan-daang tao mamaya. Pero walang makapagpigil sa layunin ng lima, kung kaya nila ay kaya nila. Walang makakahadlang sa plano nila, maging ang sinasabing napakalakas man na gang ngayong kasulukuyan.
Sa pagbabalik nila ay susungkitin nila ang pagkakataon, isang pagkakataon na inaasam ng karamihan, inaasam nilang gangsters. Kaya habang sigurado sila na kaya nila, habang may kakayahan silang sungkitin ang pagkakataong iyon ay kanila iyong agad dadakwitin para mapasakanila.
Habang kumakain ang limang magkakaibigan ay sinulit na nila ang oras na para bang anong oras ay mawawalay na sila sa isa’t-isa, habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan sila. Nang matapos sila ay napag-isipan nilang bukas na lang lilinisin ang kalat nila pero nagreprisinta si Angela na siya na ang maglilinis ng kinainan nila.
Ang apat ay pumunta na sa kwarto at nagpapahinga, si Bea naman ay nagshower at nagbihis ng pangbahay para magiging komportable ang kanyang suot. At dahil sa alas singko pa magsisimula ang labanan, naghanda rin si Angela sa mini gym ng HQ nila pagkatapos niyang maglinis sa kusina.
Kaliwa- kanan, kaliwa-kanan. Yun lamang ang ginawang panununtok ni Angela sa punching bag niya at patuloy niyang ginawa yun hanggang siya’y napagod, maya-maya’y nagtreadmill din siya at saka pinaglalaruan ang mga dumbbells at kettlebells. Nang mapagod ay napatayo at lumabas siya sa mini gym at tinungo ang kanyang kwarto upang magpahinga saglit.
Alas tres na nang natapos si Angela sa mga ginawa niya at mahigit isang oras na lang ang magiging oras ng pahinga niya. Unang nagising sa kanilang lima ay si Kylie at kaagad naman nitong ginising ang mga kaibigan upang makapaghanda na. Ang isinuot ng lima sa pang-ilalim ay jeggings dahil may pangkapit na ito ng mga Sheaths ng mga kutsilyo nila. Habang sa pang-itaas naman ay iba’t-ibang kulay ng mga fit, plain shirts na naayon sa kulay ng kani-kanilang motorbikes na gagamitin.
Si Angela ay naka all Black, yung kulay ng damit ni Nicole ay Pula, ang kulay ng damit ni Bea ay Orange, kay Kylie naman ay Yellow at Pink naman kay Tiffany. Naalarma sila bigla nang tumunog ang kanilang mga computer na nasa ikalawang palapag. Nagtinginan muna ang lima bago sumakay sa elevator patungo sa ikalawang palapag.
Nang makarating ay iniscan ng pinto ang kanilang mga mukha dahil may face recognition ito. Noong sila’y nakapasok na ay nakita nila sa kanilang mga computer ang mga kaganapan sa labas ng HQ. Iba’t-ibang sports car ang nagsidatingan, kaagad ini-zoom ni Bea ang mga nakasulat sa sasakyan na may nakalagay na ‘X Lethal’.
Lumapit si Angela sa isang computer kung saan naikokontrol nito ang CCTV, gumalaw pakaliwa ang CCTV at nakita na ngayon ang nakaparadang mga sasakyan sa labas ng Arena. Nang makaparada ang grupong X Lethal ay humandang magtilian ang mga babae. “Diyos ba sila para tingalahin ng ganyan na lang mula sa mga babae?” tanong ni Angela na siyang nakapukaw atensyon ng apat na magkakaibigan. “Mga guwapo daw.” Maikling sagot ni Kylie na nakatutok din sa screen ng mga computer.
“Let’s not waste our time here. Grab your weapons and proceed to the parking lot. “ unang lumabas mula sa kwarto si Angela at sumunod din ang apat. “Gagawa na naman ulit tayo ng isang bonggang entrance! Magaling, magaling.” Masayang sabi ni Tiffany kaya napa- tsk na lang ang apat sa sinabi niya.
“Huwag niyo ring kalimutin ang mga maskara natin.” Napatango ang apat sa sinabi ni Kylie. Dali-dali silang kumilos nang makarating sa kani-kanilang kwarto at hindi pa nag-aksaya ng oras dahil malapit ng mag alas-singko. 4:56 na at sila’y natapos na sa paghahanda, naisuot na rin nila ang kanilang dapat isuot at naidala na rin nila ang mga dapat dalhin.
Sabay ulit silang sumakay sa elevator at pumunta kaagad sa basement para ihanda ang kani-kanilang motorbikes.
Sumakay na sila sa kani-kanilang motorbikes at inihanda ito, automatic na nabuksan ang saradong steel gate at kaagad din nilang ipinaharurot ang kani-kanilang mga motorbikes. Syempre hindi aabot ng dalawang minute ang pagpunta doon sa Arena pero nakakasigurado silang walang sino man ang nakakakita sa kanilang lumabas mula sa maliblib na kakahuyan.
Nang nasa daan na sila ay kitang-kita na ang mga gang na nasa kani-kanilang sasakyan, nakasuot na rin sila ng mascara katulad nilang lima. Mas binilisan pa ni Angela ang pagpapatakbo making a “vroom” sound that made everyone turn their heads to them.
Hindi pa sila nakarating pero rinig na rinig nila ang bulungan patungkol sa kung sino sila at kung anong gang sila. Nang makarating ay agad nilang pinarada ang kanilang motorbikes katabi sa sasakyan ng X Lethal. May dalawang tagapagbantay ang lumapit sa kanila at tinanong kung ano’ng pangalan ng kanilang gang na sinagot naman kaagad ni Angela. “We are the Deadly Royalties”
At napasinghap ang dalawang tagapagbantay nang marinig ang mga katagang iyon.
THIRD PERSON’S POV:Nagtaka ang lahat pati ang X Lethal kung bakit nagulat at napasinghap ang dalawang tagapagbantay sa mga kababaihang dumating. Napapaisip ang lahat kung anong espesyal sa limang babae na naging ganoon na lamang ang reaksiyon ng dalawang tagapagbantay sa kanila, pero napahinto ang kani-kanilang mga katanungan sa kanilang isip nang marinig ang pagbubukas ng malaking pintuan ng Arena.Alas singko na at ang pagbubukas ng malaking pintuan sa Arena ay hudyat ng pagsisimula ng gagawing Underground Battle, nagsipasok ang higit limang daang tao kasali na sina Angela. Nakita pa nila ang panunutok ng tingin ng ibang gang sa kanila habang sila’y papasok.Siguradong iilang gangs na lang ang nakakakilala sa kanila lalo na’t karamihan sa mga grupo na kasali ngayon ay bago pa lamang. Yung mga gangs na nakasalamuha nila noon ay nakasali na sa iba’t-ibang Mafia Org habang yung iba naman ay humint
ANGELA’S POV:Nagulat ako nang lumapit ang kanang kamay ng Hari sa amin at naghatid ng mensahe na tinatawag daw kami. Syempre ayaw kong iwan kaagad ang battle, kapag kasi hindi ako mananatili rito ay mawawalan ako ng gana. Napatango na lang ang matanda at kaagad umalis, alam kong nirerespeto niya yung desisyon ko at alam ko ring alam niya kung bakit ayaw ko pang pumunta sa itaas.“Ang mean mo talaga, Gel!” malungkot na saad ni Tiffany habang naka-crossed arms kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “What’s wrong with what I’ve said, Tiffany?”Nang makita niya ang seryosong tono ng pananalita ko ay tumingin siya kaagad sa battle grounds kung saan ay may naglalaban na ngayon. “Wala po, wala.”Ang labanang ito ay hindi lamang natatapos ng isang araw, may possibility na maitutuloy ang susunod na labanan sa susunod na lingo dahil na rin
ANGELA’S POV:Nang malaman ko ang balitang iyon mula sa Hari ay kaagad akong umuwi sa HQ namin at magdamag na gising. Kaagad din naman sumunod ang mga kaibigan ko sa kadahilanang nag-aalala sila sa akin. Nang mag-usap kami kanina ay inabot niya sa akin ang letter na naglalaman noong sinasabi niya.May iba’t-ibang codes doon pero ang mas naintindihan ko kaagad ay yung Morse Code. Yung iba ay Binary, Atbash and yung Dice Cipher pero kaagad kong nabasa iyong sa Morse Code.- -| . . -|-.|- -.|. .|-.-|. .The code means Mungiki which means multitude. So marami talaga sila, marami silang may hawak sa kambal ko? Bakit ngayon lang sila nagparamdam at nagsabi na nasa kanila ang kakambal ko? Are they trying to fool me?Walang katok-katok na pumasok si Kylie sa kwarto ko kaya napatingin ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata. “Gel, I think they are just tryin
Angela's POV:Kanina pa ako nakatunganga sa bintana at hindi man lang nakikinig sa kung ano-anong binabanggit ng prof namin sa unang subject para sa araw na ito. I was preoccupied, very.Kahit anong pilit kong huwag na muna isipin ang mga mangyayari at sa kay kambal ay hindi ko pa rin magawa-gawa. One time, naiinis ako kakaisip na baka wala talagang pakealam si Mom at Dad sa kakambal ko, kung may pake man sila sa nangyayari ay sana noon pa ay kapiling na naming ulit si Craine.How can they even assure me that they are doing things right? 'Cause right now, nagdududa na ako sa mga pinangggagawa nila, something's really wrong that's why I also needed a plan to move on my own in finding him.Dad... he is a very secretive person and I can'
THIRD PERSON’S POV:Pang-apat at panghuling subject na nina Angela iyon sa araw na iyon at laking pasalamat niya na wala pa silang schedule na hanggang alas syete ng gabi since unang semester pa naman. Naiinip na siya dahil sa katagalan ng oras, gustong-gusto na nitong umuwi kasama ang mga kaibigan upang mapag-usapan ang impormasyong nakuha ni Kylie mula sa kasamahan nitong hacker din.Hindi na sila nakapag-usap noong lunch sa kadahilanang may pinapagaawa kaagad ang prof ng second subject nila, ang terror daw kasi nito. Alas dose na sila nakapaglunch at ang bell time para sa pangatlong subject nila ay ala una. Bago sila dinismiss ng prof nila sa Arts & Humanities ay nag groupings sila para sa reporting na magaganap.Sa kasamaang palad, dalawa sa kagrupo niya ay ang dalawa sa limang prinsipe sa paaralan nila, maisip niya lang ulit ito ay nag-iinit kaagad ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit ganoon na laman
THIRD PERSON'S POV:"Oh ba't nakabusangot 'yang mukha mo?" salubong ni Bea sa kaibigan na nakapagpalingon ng iba sa gawi ng kakapasok lamang na si Angela.Angela shrugged her shoulders at lumapit sa kinaroroonan nila at umupo sa malapit na sofa."I bet it was your dad?" tanong ni Kylie na nakapagpatango sa kaibigan. "Nah, don't mind me. What's important ay ang pagsang-ayon ni dad sa request ko na pahiramin tayo sa private plane."Kinuha ni Angela ang laptop na nakapatong sa katapat niyang maliit na round table at saka nagtipa ng kung ano."Talaga? So it's settled then! Dustin, sasama ka talaga diba?" tanong ni Bea na mas lalong isiniksik ang sarili sa binata.Kylie rolled her eyes at lumayo sa dalawa na animo'y may sariling mundo at lumapit na lamang kay Angela."Gel, let's start brainwashing?" wika ni Nicole na ngayon ay naka-squat at ipinatong ang kamay sa mesa.Tumango naman si Angela at gumaya kay Nicole ng pagkakaupo
ANGELA’S POV:“Madame, wala po kaming kinalaman sa pagkamatay niya. Our only intention is the Mayor’s son and the right hand of the Organization that we’re chasing, that is all.” Sagot ko sa nagtatanong na ginang mula sa kabilang linya.“Miss Ciamco, this will be very important to us since this is a matter regarding of our daughter’s death. How can you assure of the alliance with you would be successful?” seryoso nitong tanong na nakapagpabuntong hininga sa akin.Bazin’s are very dangerous, I maybe a daughter of the powerful Mafia King but I can’t change the fact that their family’s organization are one of the biggest among the world holding millions of connections and personnels.“We’ve done missions a hundred times, Madame. Nous attendons avec impatience le soutien total de vos subalterns ici dans le pays.” Ma
“Right! I think we also have to discuss about that, too. As one of the island’s investor, I am very thankful that you took interest about the island at kay daming mas magaganda pang isla maliban sa Sumilon, ba’t ito ang inyong pinili?” he interrogated again, I think Tito Leo is really talkative and very inquisitive about matters like this. “We’ve already done a lot of research tito and as what you say na mas marami pang mas maganda sa island na ito, yes tama ka po and natanong din namin sa isa’t-isa ba’t ito ang aming pinili but we’ve been to a lot of resorts pero there’s something about Sumilon that you can’t just stop going back. We were also very thankful knowing na isa ka po sa investors and that madali lang maiprocess ang gusto naming iinvest since Tiffany has a connection with you.” Pagpapaliwanag ko kay tito na mas lalong nakapagpangiti nito. “Magaling ka, iha! Oh siya magpahinga muna kayo at mahaba pa ang byahe natin pauwi. Iyang
ANGELA'S POV:"Stop staring at her, you dickheads!" galit na untag ni James sa kanyang mga kaibigan, natawa naman ang lahat sa sinabi niya at napapailing naman ako."Ang seloso ni loverboy!" panunukso ni Rain na ikinabusangot nito.Tumayo na rin ito at magbibihis na, binigay na ni ate KenKen sa kanya ang susuotin niya na nakabalot pa rin sa transparent na plastic."Fuck you, Lim." Binigyan pa nito ng malutong na mura si Rain bago siya pumasok sa banyo, sinita naman siya ni Ms. Cordova kaya napatawa ang lahat.Pagkatapos ayusin ni ate Tina ang aking buhok ay binigay niya sa akin ang isang White Nike Swoosh Headband at sinuot agad ito.Naka-high ponytail lang ako at bumagay talaga siya sa attire ko, natapos na rin si James at hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya.NANG makita nitong nakatitig ako sa kanya ay napataas ito ng kanyang kilay at napangisi kaya
ANGELA'S POV:Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako, lumabas na ako ng bahay at kinatok ang bahay ng aking mga kaibigan na siya namang binuksan ni Tiffany na kinukusot-kusot pa ang mga mata at humihikab pa."Gising na ba ang tatlo?" tanong ko habang sinusuklay-suklay ang aking buhok na sobrang buhaghag.Pinapasok ako nito at nakita ang mga kaibigan kong nakaupo na sa sofa sa sala habang si Bea naman ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Nicole."Ang aga pa, Gel!" pagmamaktol ni Bea at dahan-dahang napaayos ng upo, para itong lasing dahil sa ayos nito.Napapailing ako at isa-isa silang hinatak patayo, hindi na pumalag pa si Nicole at Kylie pero itong si Bea talaga ang sobrang tigas at bigat hatakin."Umayos ka nga, kabigat mo, oink!" pang-aasar ko rito na nakapasimangot sa kanya at padabog na umayos ng tayo at napakabit balikat."Ako na lamang ang susundo sa kanila since sobrang aga pa, ayusin niyo nga ang mga naka
JAMES' POV:Nang maitawag na ang grade level namin ay may maraming nagsitilian, hindi ko alam kung bakit ang sunod kong napag-alaman ay dumami na ang taong nasa gym at pinapanuod kami.Napatingin ako sa direksyon ng katabi ko nang kinalabit ako nito. "Ang daming tao oh, hindi ka ba kinakabahan?" umiling lamang ako rito kaya napabusangot ang kanyang mukha."You don't have to be nervous, beautiful." Hinapit ko ang bewang niya papalapit sa akin at saktong tinawag na kami. Binitawan ko rin agad nang maglakad na kami, I saw in my peripheral vision how uncomfortable she is right now.Narinig ko ulit ang samot-saring tilian, walang emosyon lamang akong naglalakad at minsa'y napapangisi.Nasa tabi ko pa si Angela since sa gitna naman k
JAMES' POV:Bukas na ang gaganaping opening ng Intramurals at nandito kaming lahat sa gym parehong abala sa practice.Naaninag ko naman ang paparating kong mga kaibigan na parehong nakangisi sa akin."Tol, ang ganda ng tanawin dito ah." Taas- babang kilay na wika ni Liam habang nakatingin sa stage.Pinagpahinga muna kaming male participants at todo practice ngayon ang mga babae sa paglalakad na suot ang kani-kanilang mga sapatos na may takong."Boss, kamukha niya ba?" biglaang tanong ni Rain na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.Nasa bleachers kami ngayon at parehong nakaharap sa stage, tinignan ko panandalian ang babaeng nakakuha ng
ANGELA'S POV:"Do you have a problem with me?" tanong ko rito na nakapagpaiwas sa kanya ng tingin. Duwag pala 'to eh, hindi man lang makatagal sa titig ko."I shouldn't have taken the glasses. Damn it!" bulong nito sa sarili na rinig na rinig ko naman.Ngayon ay naglalakad na kami sa may ramp kaya napahawak ako sa railings bilang suporta, dahan-dahan lang ang ginawang lakad namin at nalalayo na ng kaonti si Ms. Cordova."Oo, maling-mali iyong ginawa mo! Hindi sana kami pumorma ng ganito ngayon. But it's fine, our teacher even complimented me." Nakangiti kong saad at napahinto naman ito bigla kaya nabunggo ako sa may balikat niya."What now?" naiinis kong bulalas dito. "Others are even complimenting you through their stares and I can't bare that—shit!" bigla nitong ginulo ang buhok at binilisan ang paglalakad.Hinabol ko naman siya at sinadya ko ang pagbangga sa kanyang balikat
ANGELA'S POV:Naging maayos ang lahat ng nangyari kahapon, pagktapos naming kumain ay hinatid ako ng mga kaibigan ko at nina James sa clinic pero pagkatapos no'n ay nagtaka ako kung bakit hindi na sila bumalik sa klase at sabi'y sasamahan daw nila ako kaya hindi na rin ako natulog at nakinig at nakisali sa mga kwentuhan nila.Mostly na nag-oopen up ay ang mga kaibigan ni James kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit biglaan na lamang nagkasundo ang aking mga kaibigan sa kaibigan ni James na sa pagkakaalam ko'y hindi naman kami close, pero hinayaan ko na lamang dahil who doesn't even want to have friends right?Nasa sasakyan na kami ngayong lima at papunta na sa aming paaralan, nasa shotgun seat ako ngayon at tinignan ang sariling repleksyon sa mini mirror na nandito sa loob ng sasakyan namin.I'm a little bit nervous since I'll be going to school without wearing eyeglasses but to be clear, kaming lima ay hindi na nagpakamanang at tinanggal na namin ang ami
ANGELA'S POV:Napatango-tango lang si James sa sinabi ni Ms. Cordova, may sinasabi pa ito at may pinag-usapan pa sila pero hindi ko na maituon pa ang aking pansin dahil biglang umikot ang aking paningin at para akong nahihilo.Napapikit ako sa aking mga mata, pinipisil-pisil ko ang aking mga kamay at napakagat sa aking labi.Nagdadasal na sana ay matapos na agad itong diskusyon na ito para makalabas na kami at makapag-idlip ako sa room.Napabalik ang pansin ko sa pinag-usapan nila nang marinig ko ang finalization sat ono ng aming guro."So I suggest sa inyong dalawa na maghanda na kayo bukas at magpractice na sa kung paano kayo maglakad ng maayos and such in stage. Also, I will be talking to our handlers bukas para sa kung anong themes na dapat isusuot niyo sa actual na. This will be all for today, thank you ver much for the participation." Tumayo na ito at nagpaalam na since may susunod na klase pa raw siyang pupuntahan.Agad na rin akong t
ANGELA'S POV:Martes na ngayon at ngayon ang araw kung saan kami sasabihan ni Ms. Cordova patungkol sa final events na magaganap sa Intramurals at kung pwede ba kami sumali sa mga palaro at syempre ang actual na magaganap sa pageant day.Lakad takbo ang ginagaw ko ngaon papuntang classroom dahil sobrang late ko na sa unang asignatura na papasukan ko, nang matanaw ko na ang room ay natanaw ko rin si James sa may pintuan nakasandal at nakapamulsa pa.Agad ko siyang nilapitan at napalingon naman siya sa direksyon ko nang makita ang kinalalagyan ko, huminto muna ako at hinahabol ang hininga ko at saka napangiwi ko siyang tiningala."Andyan na ba 'yong guro natin?" tanong ko rito at napatingin sa relo sa aking palapulsuhan at nakitang tatlumpong minuto na akong late. Napapikit ako at napasabunot sa buhok."Oo kanina lang, ba't ngayon ka lang?" usisa nitong tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin."None of your business." Maikli kong sagot at pumas
ANGELA'S POV:Kinakalikot ko lamang ang cellphone ko dahil sobrang nakakabingi ung katahimikan sa loob ng kotse at idagdag mo pa itong super weird na kasabwat ni Dad.Bakit pa kasi nalaman ni Dad yung nangyari, sana naman hindi itong kanang kamay niya ang nagreport.Bigla itong tumikhim kaya bigla rin akong napatingin sa kanya kaya napakunot ako sa nook o nang hindi man lang ito nagsalita."A-ah, Ma'am." Pagsisimula nito kaya napatingin ulit ako rito, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho habang ito'y nagsisimula na sa pagsasalita at paminsan-minsa'y napapatingin sa akin sa rear view mirror."Mag-ingat ka." Bigla itong napaseryoso nang sabihin iyon, napatitig naman ako sa kanya at napakamot sa aking pisingi habang ang isang kilay ko'y naka-arka. Pinagsasabi nito?"Mag-iingat saan, kuya?" tanong ko pa rito. "Hindi natin alam." Maikli nitong sagot at nagpatuloy na sa pagmamaneho nang maging green light na."Mamamatay ba ako?