THIRD PERSON’S POV:
Nagtaka ang lahat pati ang X Lethal kung bakit nagulat at napasinghap ang dalawang tagapagbantay sa mga kababaihang dumating. Napapaisip ang lahat kung anong espesyal sa limang babae na naging ganoon na lamang ang reaksiyon ng dalawang tagapagbantay sa kanila, pero napahinto ang kani-kanilang mga katanungan sa kanilang isip nang marinig ang pagbubukas ng malaking pintuan ng Arena.
Alas singko na at ang pagbubukas ng malaking pintuan sa Arena ay hudyat ng pagsisimula ng gagawing Underground Battle, nagsipasok ang higit limang daang tao kasali na sina Angela. Nakita pa nila ang panunutok ng tingin ng ibang gang sa kanila habang sila’y papasok.
Siguradong iilang gangs na lang ang nakakakilala sa kanila lalo na’t karamihan sa mga grupo na kasali ngayon ay bago pa lamang. Yung mga gangs na nakasalamuha nila noon ay nakasali na sa iba’t-ibang Mafia Org habang yung iba naman ay huminto. Kaya kampanteng napaupo sa mga upuang naka-assign sa kanila ang lima. Ipapakilala isa-isa ang mga gangs mamaya.
“Kung ang pangalan ng gang ay itinawag, dapat ang mga miyembro ay tatayo. Ganyan ang gagawin ninyong lahat.” Aniya ng emcee sa labanan. Isang sigaw ng pagsang-ayon lamang ang nakuha ng emcee mula sa mga gangsters na nakapalibot sa kanila. Ang hindi lamang alam ng lahat ay may dalawang taong nagmamasid sa kaganapang nagaganap mula sa isang kuwarto na nasa itaas.
Kitang-kita sa kuwartong iyon ang mga nagaganap lalo na’t may malaking glass wall na nakapalibot dito. “Balita ko nagbalik na ang limang babae?” tanong ng isang lalakeng nasa kaedaran na na nakadiretsong tingin pa rin sa ibaba.
“Opo, master. Sabi- sabi nga ng dalawang tagapagbantay sa labas na wala pa ring nagbago sa lima, sila pa rin ang limang babaeng nakilala natin noon.” Sagot ng isang lalake na katabing nakaupo sa kanyang master.
“Sigurado ba kayong sila talaga iyon?” paniniguradong tanong ng kanyang master. “Oo master, kilalang-kilala pa ng dalawang tagapagbantay ang boses ng lider nila.” Napatango na lamang ang kanyang master sa kanyang sinabi kaya itinutok na lang din niya ang kanyang pansin sa nangyayari sa ibaba.
Nakaupo lang ng prente ang lima habang nakikinig sa mechanics na sinasabi ng emcee para sa gagawing battle. “It’s okay to use your knives ‘pag hindi niyo na talaga kaya but ang hindi puwedeng gamitin dito ay baril.” Page-explain ng emcee. “Sasabihin namin mamaya ang mga maglalaban pero sa ngayon ay ipapakilala muna natin ng panandalian ang bawat isang gang na nandito. Let’s start with the Bloody Gang!”
Pagkatawag na pagkatawag ng unang pangalan noong gang ay kaagad nagsitayuan ang anim na myembro saka kumaway sa lahat, tatlong lalake at babae. Nagpatuloy lang ang pagpapakilala ng mga gang at sina Angela ay walang pake na winiwili ang sarili nila sa kakacellphone at paglaro ng sandata nila. Maya-maya’y may biglang nagsidatingang limang lalake sa pwesto nila at tumabi kay Tiffany.
Sumiksik ang isang lalake kay Tiffany saka siya inakbayan, “Ba’t kailangan niyo pang itago ang magagandang mukha niyo? Nahihiya ba kayo o sadyang pa- misteryoso lang?” natatawang tanong nung umakbay ni Tiffany. Kinuha naman ni Tiffany ang nakaakbay na kamay ng lalake saka pinilipit ito.
“Anong karapatan niyong lapitan kami? You’re invading us and our privacy, you know?” mataray na wika ni Tiffany saka napaupo ulit sa upuan. Nagpigil sa kanyang tawa si Kylie dahil sa ginawa ni Tiffany at sa naiinis na ekspresyon nito. Mas lalong nainis si Tiffany dahil patuloy na umupo sa tabi niya ang limang lalake.
Tawang-tawa ang limang lalake sa kanilang ginagawang kalokohan sa limang babae, nang tumangkang tatayo si Angela ay napahinto na lang siya dahil may limang kalalakihan ang nagsidatingan na siyang nakapagpatigil sa tawanan ng naglolokong mga lalake.
“Anong problema rito, Niko?” diretsong tanong ng lalake na parang lider ng lima. “Don’t tell me na mangingialam ka na naman sa mga gagawin ko, James? Oh c’mon bro!” natatawang saad noong Niko na kaagad sinamaan ng tingin ni James.
“You’re doing this everytime this yearly battle comes, kating-kati ka na ba?” seryosong wika ni James na nakapagpigil ng tawa sa kanyang gang mates. “Tsk, we’re just having some fun with these girls at wala kaming ginagawang masama sa kanila. We know each other. Right, girls?” tumingin siya sa limang babae at nakita ang ngisi ni Angela.
Lumapit si Angela kay Niko saka dahan-dahang kinuha ang kutsilyo sa may bewang niya at pasimpleng tinutok iyon kay Niko. “You are trespassing, you stepped unto someone’s territory without their permission and you dared test our temper. Who are you to do that?” Angela coldly said at mas diniinan pa ang panunutok sa kutsilyo.
“Whoa, whoa. Easy ka lang, baby. Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Who are you to do this to me? Hindi mo alam kung sino ang tinutukan mo niyang kutsilyo mo.” Umatras at lumayo si Niko mula sa kutsilyo ni Angela kaya inis na napatalikod si Niko at bumalik sa kanilang puwesto dahil sa pagngisi ni Angela.
“Scaredy cats. The show’s over girls.” Napatingin si Angela sa grupo ng mga lalakeng umawat sa grupo noong Niko na ngayon ay nakatingin din sa kanya. Tinaasan niya lamang ang mga ito ng kilay saka umupo.
Napabuntong hininga na lamang si James at saktong pagtawag ng emcee sa kanila ay nakatayo na sila. “And here is the X Lethal!” nang sinabi iyon ng emcee ay siya naming paghiyaw ng malakas ng mga kababaihan maliban sa grupo nina Angela.
Nagbow lang ng kaonti ang X Lethal at pagkatapos ay napaupo ulit sa kanilang mga upuan. Nang makaupo ang grupo ay pasimpleng sumulyap si James sa direksyon nina Angela na ngayon ay walang pakealam sa kanilang narinig at patuloy pa ring nakikinig sa emcee kaya ibinalik na rin ni James ang kanyang atensyon sa emcee.
Pagkatapos tawagin ang X Lethal ay ang grupo nina Angela ang itinawag na siyang nagpagulat sa iilan. “Itong kasunod naman ay ang gang na noon pa sumasali sa labanang ito, ang gang na tinatawag na ‘legendary’ ang siyang nagbabalik ngayon. Let us welcome, the Deadly Royalties!”
Dahan-dahang tumayo sina Angela na siyang nakapagpagulat din ng grupo nina James. Katulad ng nakakarami ay nagbow din sila saka umupo pagkatapos.
Napatango-tango ang lalaki na nakamasid sa itaas nang makita ang pagtayo ng limang babaeng kanilang tinatawag bilang “Deadly Royalties”.
“Wala pa ring ipinagbago ang kanilang aura still deadly as always. Hm, if we talk about physical appearance ay maraming nagbago sa kanila, mas tumangkad sila at mas naging kita ang hubog ng kanilang mga katawan.” Wika ng lalaki. “Master, syempre tamang alaga mula sa kanilang mga magulang? Balita ko pinaghahandaan daw talaga nila itong labanan na ito para makapasok ang gang nila sa Organization natin.”
Napatawa naman ang lalaking nasa kaedaran sa sinabi ng kanyang kanang-kamay. “They really wanted a low profile, as expected from their leader.” Wika niya habang nakatitig sa nakaupong si Angela.
Alas sais na natapos ang pagpapakila sa bawat gang na kasali sa battle. Magsasalita na sana ang emcee nang bigla siyang naputol ng isang sigaw mula kay Niko.
“Mga impostor ang mga babaeng iyan! Hindi sila ang totoong Deadly Royalties!” nagsimulang magbulungan ang mga tao sa loob ng Arena dahil sa pagsigaw na ginawa ni Niko. Napatingin si Niko sa direksyon ng grupo nina Angela at nang makitang nakatingin din si Angela sa direksyon niya ay nginisihan niya ito.
But then Angela mouthed, “Watch us.” Pagkatapos ay inilihis na nito ang paningin niya sa ibang direksyon. Nanatili namang nakatitig si Tiffany sa direksyon ni Niko at itinaas ang gitnang daliri nito sa kanya.
NAPATIGIL sa pagbubulungan ang lahat dahil sa pagtawa ng emcee, syempre kilala nito ang limang kababaihan nito noon pa kaya alam na alam nito ang kanilang kakayahan. “Kung hindi talaga kayo naniniwala, problema niyo na iyan. If you really believe in the saying ‘to see is to believe’ then watch them.”
Hindi na sinayang pa ng emcee ang oras at sinabing magsisimula na ang labanan kaya inanunsyo niya na kaagad kung sino ang unang maglalaban. “Ang unang maglalaban ay ang Indominous Gang at ang X Lethal.”
Napatayo naman ang grupo ni James at saka ang grupo ni Niko. Masayang pumunta sa gitna si Niko kasama ang kanyang gang dahil sa wakas at makakalaban nila ulit ang grupo ng kanilang karibal. Mahinahon namang pumunta sa gitna ang grupo nina James na para bang kampante sila na sila ang mananalo.
Bago magsimula ay uminom na muna sila ng tubig at hinanda ang kanilang mga kagamitan para sa labanan. Nagplano at nagdasal din ang grupo nina James.
“Indominous Gang pala ang pangalan ng gang nung Niko. Ang bulok naman.” Natatawang saad ni Tiffany na tinawanan din ng apat dahil totoo naman, bulok nga ang pangalan nila. “Pero mas bulok yung mga miyembro. Hahaha!” dagdag pa ni Tiffany na mas nakapagpatawa ng kanyang mga kaibigan.
Napahinto na lang sila sa kanilang tawanan nang tumunog ang pagputok ng baril hudyat na magsisimula na ang unang labanan. Napatahimik ang buong paligid dahil walang ni isa pa sa kanila ang kumilos at sinimulan ang pag-atake. Nakikita at nararamdaman ng mga tao ang intense na titigan na meron ang mga naglalaban.
“I won’t go easy on you, James.”
Mabilis na tumakbo si Niko papalapit kay James at saka tumalon ng konti para masipa ang ikaliwang pisngi ni James pero kaagad napaatras si James at nasangga ang atake saka hinawakan niya ang paa ni Niko saka ito pinilipit hanggang sa matumba ito. Out of Balance. Kaagad ding napatayo si Niko at akmang susuntukin ulit si James pero naunahan na siya, sinuntok siya ni James sa mukha at sinipa ang binti nito na naging dahilan ng pagluhod ni Niko at pagkawala ng kutsilyo ni Niko sa kanyang binti.
Si Rain naman na gang mate ni James ay nakikipagtulungan kay Kairo na labanan ang dalawang kalabang nakatutok ang tingin sa kanila. Hinawakan ni Rain ng mahigpit ang kamay ni Kairo at tumalon saka nagswing upang masipa ng sabay ang papalapit na kalaban, nagmistulang support si Kairo sa ginawa nila ni Rain. Napahiga ang dalawang lalake kaya di na sila nag-aksay ng oras pa, si Rain at at Kairo ay dali-daling lumapit sa dalawang lalake at hinawakan sila sa kanilang kamay at ang isang kamay naman nila ay hinawakan ang buhok ng mga lalake.
Sa kabilang banda naman ay bugbog sarado na ang kalaban ng dalawang sina Liam at Jimmy dahil sa kanilang ginawang kalokohan. Habang tinatali ni Jimmy ang mga kamay ng kalaban nila sa isang damit na hindi na nagagamit ay kumakain ito ng lollipop saka mas diniinan pa ang pagtatali para siguradong di na makakawala.
Habang ginagawa iyon ni Jimmy ay di inaasahang matamaan ang bibig niya sa sipa ng lalakeng tinatalian niya kaya yung lollipop na kinakain niya ay biglang nahulog. Sinamaan ng tingin ni Jimmy ang lalakeng nasa tapat niya at sinampal ang pisngi nito na malapit sa bibig ng pagkalakas-lakas. “Tangina mo ah, nasayang yung piso ko sa paninipa mo.”
Napapalakpak at napapahiyaw ang lahat ng kababaihan sa bawat panununtok, paninipa at pag-atake ng X Lethal. Napabilib din ng konti si Angela sa angking galing ng limang lalakeng lumapit at tumulong sa kanila kanina.
“Siguradong sila ang mananalo dyan, boss.” Biglaang wika ni Nicole na nakatutok din sa labanan. Napatango si Angela at napatingin sa orasan na nasa malaking screen malapit sa emcee.
“Siguro totoo ang sabi-sabi nila, na magkatulad lang ang galing natin.” Wika ni Angela at di makapaniwala na sa walong minutong iyon ng labanan ay napatumba na ng X Lethal ang Indominous Gang. “Pero hindi pa rin mawawala ang katotohanang may pagkakaiba tayo mula sa kanila.”
Ngayon naman ay ang bell ang pinatunog hudyat na tapos na ang labanan pagitan sa dalawang gangs. Hinihingal na napatayo ng maayos ang X Lethat at saka tinignan ang orasan. Walang minuto lang ang tinagal ng labanan nila, which is good.
“At ang nanalo sa round na ito ay ang X Lethal!” napabow ulit ang X Lethal at nagpalakpakan ang mga tao. “May ikalawang round pa ba?” tanong ni Angela sa kanyang mga gangmates.
“Di ka si—“ naputol ang sasabihin sana ni Nicole nang may isang lalakeng lumapit sa kanila at napatingin kay Angela. “Kayo po ay ipinatawag ng Hari at gusto niya kayong papuntahin sa itaas.”
“Tsk. Sabihin mo sa kanya na ‘pag tapos ng labanan kami pupunta sa kung saan man siya.”
ANGELA’S POV:Nagulat ako nang lumapit ang kanang kamay ng Hari sa amin at naghatid ng mensahe na tinatawag daw kami. Syempre ayaw kong iwan kaagad ang battle, kapag kasi hindi ako mananatili rito ay mawawalan ako ng gana. Napatango na lang ang matanda at kaagad umalis, alam kong nirerespeto niya yung desisyon ko at alam ko ring alam niya kung bakit ayaw ko pang pumunta sa itaas.“Ang mean mo talaga, Gel!” malungkot na saad ni Tiffany habang naka-crossed arms kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “What’s wrong with what I’ve said, Tiffany?”Nang makita niya ang seryosong tono ng pananalita ko ay tumingin siya kaagad sa battle grounds kung saan ay may naglalaban na ngayon. “Wala po, wala.”Ang labanang ito ay hindi lamang natatapos ng isang araw, may possibility na maitutuloy ang susunod na labanan sa susunod na lingo dahil na rin
ANGELA’S POV:Nang malaman ko ang balitang iyon mula sa Hari ay kaagad akong umuwi sa HQ namin at magdamag na gising. Kaagad din naman sumunod ang mga kaibigan ko sa kadahilanang nag-aalala sila sa akin. Nang mag-usap kami kanina ay inabot niya sa akin ang letter na naglalaman noong sinasabi niya.May iba’t-ibang codes doon pero ang mas naintindihan ko kaagad ay yung Morse Code. Yung iba ay Binary, Atbash and yung Dice Cipher pero kaagad kong nabasa iyong sa Morse Code.- -| . . -|-.|- -.|. .|-.-|. .The code means Mungiki which means multitude. So marami talaga sila, marami silang may hawak sa kambal ko? Bakit ngayon lang sila nagparamdam at nagsabi na nasa kanila ang kakambal ko? Are they trying to fool me?Walang katok-katok na pumasok si Kylie sa kwarto ko kaya napatingin ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata. “Gel, I think they are just tryin
Angela's POV:Kanina pa ako nakatunganga sa bintana at hindi man lang nakikinig sa kung ano-anong binabanggit ng prof namin sa unang subject para sa araw na ito. I was preoccupied, very.Kahit anong pilit kong huwag na muna isipin ang mga mangyayari at sa kay kambal ay hindi ko pa rin magawa-gawa. One time, naiinis ako kakaisip na baka wala talagang pakealam si Mom at Dad sa kakambal ko, kung may pake man sila sa nangyayari ay sana noon pa ay kapiling na naming ulit si Craine.How can they even assure me that they are doing things right? 'Cause right now, nagdududa na ako sa mga pinangggagawa nila, something's really wrong that's why I also needed a plan to move on my own in finding him.Dad... he is a very secretive person and I can'
THIRD PERSON’S POV:Pang-apat at panghuling subject na nina Angela iyon sa araw na iyon at laking pasalamat niya na wala pa silang schedule na hanggang alas syete ng gabi since unang semester pa naman. Naiinip na siya dahil sa katagalan ng oras, gustong-gusto na nitong umuwi kasama ang mga kaibigan upang mapag-usapan ang impormasyong nakuha ni Kylie mula sa kasamahan nitong hacker din.Hindi na sila nakapag-usap noong lunch sa kadahilanang may pinapagaawa kaagad ang prof ng second subject nila, ang terror daw kasi nito. Alas dose na sila nakapaglunch at ang bell time para sa pangatlong subject nila ay ala una. Bago sila dinismiss ng prof nila sa Arts & Humanities ay nag groupings sila para sa reporting na magaganap.Sa kasamaang palad, dalawa sa kagrupo niya ay ang dalawa sa limang prinsipe sa paaralan nila, maisip niya lang ulit ito ay nag-iinit kaagad ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit ganoon na laman
THIRD PERSON'S POV:"Oh ba't nakabusangot 'yang mukha mo?" salubong ni Bea sa kaibigan na nakapagpalingon ng iba sa gawi ng kakapasok lamang na si Angela.Angela shrugged her shoulders at lumapit sa kinaroroonan nila at umupo sa malapit na sofa."I bet it was your dad?" tanong ni Kylie na nakapagpatango sa kaibigan. "Nah, don't mind me. What's important ay ang pagsang-ayon ni dad sa request ko na pahiramin tayo sa private plane."Kinuha ni Angela ang laptop na nakapatong sa katapat niyang maliit na round table at saka nagtipa ng kung ano."Talaga? So it's settled then! Dustin, sasama ka talaga diba?" tanong ni Bea na mas lalong isiniksik ang sarili sa binata.Kylie rolled her eyes at lumayo sa dalawa na animo'y may sariling mundo at lumapit na lamang kay Angela."Gel, let's start brainwashing?" wika ni Nicole na ngayon ay naka-squat at ipinatong ang kamay sa mesa.Tumango naman si Angela at gumaya kay Nicole ng pagkakaupo
ANGELA’S POV:“Madame, wala po kaming kinalaman sa pagkamatay niya. Our only intention is the Mayor’s son and the right hand of the Organization that we’re chasing, that is all.” Sagot ko sa nagtatanong na ginang mula sa kabilang linya.“Miss Ciamco, this will be very important to us since this is a matter regarding of our daughter’s death. How can you assure of the alliance with you would be successful?” seryoso nitong tanong na nakapagpabuntong hininga sa akin.Bazin’s are very dangerous, I maybe a daughter of the powerful Mafia King but I can’t change the fact that their family’s organization are one of the biggest among the world holding millions of connections and personnels.“We’ve done missions a hundred times, Madame. Nous attendons avec impatience le soutien total de vos subalterns ici dans le pays.” Ma
“Right! I think we also have to discuss about that, too. As one of the island’s investor, I am very thankful that you took interest about the island at kay daming mas magaganda pang isla maliban sa Sumilon, ba’t ito ang inyong pinili?” he interrogated again, I think Tito Leo is really talkative and very inquisitive about matters like this. “We’ve already done a lot of research tito and as what you say na mas marami pang mas maganda sa island na ito, yes tama ka po and natanong din namin sa isa’t-isa ba’t ito ang aming pinili but we’ve been to a lot of resorts pero there’s something about Sumilon that you can’t just stop going back. We were also very thankful knowing na isa ka po sa investors and that madali lang maiprocess ang gusto naming iinvest since Tiffany has a connection with you.” Pagpapaliwanag ko kay tito na mas lalong nakapagpangiti nito. “Magaling ka, iha! Oh siya magpahinga muna kayo at mahaba pa ang byahe natin pauwi. Iyang
ANGELA’S POV:“Gel, there are 2 bodyguards sa may main door at may kakarating lang din na sasakyan. I’m now checking the owner through its plate number.” Biglang saad ni Kylie na nasa kabilang linya ng earpiece namin.Alas onse pa lamang ay nandito na kami, nakaabang ‘di kalayuan sa villa pero sina Kylie ay nasa kotse pa habang kaming apat ay naglalakad ng diretso papunta sa kinaroroonan ng main door ng villa.“Kay Harry Ramirez, Gel.” Dagdag nito ilang saglit ang makalipas. Nakita naman namin si Harry na lumabas ng kotse niya at kinausap nito ang mga bodyguard, nang matugunan kami nito ay saka lamang siya humarap at ginawaran kami ng isang malaking ngiti.“Glad to see you girls, again!” salita nito at kumindat pa. Nakasuot ito ng white long-sleeve polo sa ilalim ng tuxedo niya at kitang-kita mo agad ang kumikislap nitong hikaw sa magkabilang tenga nito, pati p
ANGELA'S POV:"Stop staring at her, you dickheads!" galit na untag ni James sa kanyang mga kaibigan, natawa naman ang lahat sa sinabi niya at napapailing naman ako."Ang seloso ni loverboy!" panunukso ni Rain na ikinabusangot nito.Tumayo na rin ito at magbibihis na, binigay na ni ate KenKen sa kanya ang susuotin niya na nakabalot pa rin sa transparent na plastic."Fuck you, Lim." Binigyan pa nito ng malutong na mura si Rain bago siya pumasok sa banyo, sinita naman siya ni Ms. Cordova kaya napatawa ang lahat.Pagkatapos ayusin ni ate Tina ang aking buhok ay binigay niya sa akin ang isang White Nike Swoosh Headband at sinuot agad ito.Naka-high ponytail lang ako at bumagay talaga siya sa attire ko, natapos na rin si James at hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya.NANG makita nitong nakatitig ako sa kanya ay napataas ito ng kanyang kilay at napangisi kaya
ANGELA'S POV:Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako, lumabas na ako ng bahay at kinatok ang bahay ng aking mga kaibigan na siya namang binuksan ni Tiffany na kinukusot-kusot pa ang mga mata at humihikab pa."Gising na ba ang tatlo?" tanong ko habang sinusuklay-suklay ang aking buhok na sobrang buhaghag.Pinapasok ako nito at nakita ang mga kaibigan kong nakaupo na sa sofa sa sala habang si Bea naman ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Nicole."Ang aga pa, Gel!" pagmamaktol ni Bea at dahan-dahang napaayos ng upo, para itong lasing dahil sa ayos nito.Napapailing ako at isa-isa silang hinatak patayo, hindi na pumalag pa si Nicole at Kylie pero itong si Bea talaga ang sobrang tigas at bigat hatakin."Umayos ka nga, kabigat mo, oink!" pang-aasar ko rito na nakapasimangot sa kanya at padabog na umayos ng tayo at napakabit balikat."Ako na lamang ang susundo sa kanila since sobrang aga pa, ayusin niyo nga ang mga naka
JAMES' POV:Nang maitawag na ang grade level namin ay may maraming nagsitilian, hindi ko alam kung bakit ang sunod kong napag-alaman ay dumami na ang taong nasa gym at pinapanuod kami.Napatingin ako sa direksyon ng katabi ko nang kinalabit ako nito. "Ang daming tao oh, hindi ka ba kinakabahan?" umiling lamang ako rito kaya napabusangot ang kanyang mukha."You don't have to be nervous, beautiful." Hinapit ko ang bewang niya papalapit sa akin at saktong tinawag na kami. Binitawan ko rin agad nang maglakad na kami, I saw in my peripheral vision how uncomfortable she is right now.Narinig ko ulit ang samot-saring tilian, walang emosyon lamang akong naglalakad at minsa'y napapangisi.Nasa tabi ko pa si Angela since sa gitna naman k
JAMES' POV:Bukas na ang gaganaping opening ng Intramurals at nandito kaming lahat sa gym parehong abala sa practice.Naaninag ko naman ang paparating kong mga kaibigan na parehong nakangisi sa akin."Tol, ang ganda ng tanawin dito ah." Taas- babang kilay na wika ni Liam habang nakatingin sa stage.Pinagpahinga muna kaming male participants at todo practice ngayon ang mga babae sa paglalakad na suot ang kani-kanilang mga sapatos na may takong."Boss, kamukha niya ba?" biglaang tanong ni Rain na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.Nasa bleachers kami ngayon at parehong nakaharap sa stage, tinignan ko panandalian ang babaeng nakakuha ng
ANGELA'S POV:"Do you have a problem with me?" tanong ko rito na nakapagpaiwas sa kanya ng tingin. Duwag pala 'to eh, hindi man lang makatagal sa titig ko."I shouldn't have taken the glasses. Damn it!" bulong nito sa sarili na rinig na rinig ko naman.Ngayon ay naglalakad na kami sa may ramp kaya napahawak ako sa railings bilang suporta, dahan-dahan lang ang ginawang lakad namin at nalalayo na ng kaonti si Ms. Cordova."Oo, maling-mali iyong ginawa mo! Hindi sana kami pumorma ng ganito ngayon. But it's fine, our teacher even complimented me." Nakangiti kong saad at napahinto naman ito bigla kaya nabunggo ako sa may balikat niya."What now?" naiinis kong bulalas dito. "Others are even complimenting you through their stares and I can't bare that—shit!" bigla nitong ginulo ang buhok at binilisan ang paglalakad.Hinabol ko naman siya at sinadya ko ang pagbangga sa kanyang balikat
ANGELA'S POV:Naging maayos ang lahat ng nangyari kahapon, pagktapos naming kumain ay hinatid ako ng mga kaibigan ko at nina James sa clinic pero pagkatapos no'n ay nagtaka ako kung bakit hindi na sila bumalik sa klase at sabi'y sasamahan daw nila ako kaya hindi na rin ako natulog at nakinig at nakisali sa mga kwentuhan nila.Mostly na nag-oopen up ay ang mga kaibigan ni James kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit biglaan na lamang nagkasundo ang aking mga kaibigan sa kaibigan ni James na sa pagkakaalam ko'y hindi naman kami close, pero hinayaan ko na lamang dahil who doesn't even want to have friends right?Nasa sasakyan na kami ngayong lima at papunta na sa aming paaralan, nasa shotgun seat ako ngayon at tinignan ang sariling repleksyon sa mini mirror na nandito sa loob ng sasakyan namin.I'm a little bit nervous since I'll be going to school without wearing eyeglasses but to be clear, kaming lima ay hindi na nagpakamanang at tinanggal na namin ang ami
ANGELA'S POV:Napatango-tango lang si James sa sinabi ni Ms. Cordova, may sinasabi pa ito at may pinag-usapan pa sila pero hindi ko na maituon pa ang aking pansin dahil biglang umikot ang aking paningin at para akong nahihilo.Napapikit ako sa aking mga mata, pinipisil-pisil ko ang aking mga kamay at napakagat sa aking labi.Nagdadasal na sana ay matapos na agad itong diskusyon na ito para makalabas na kami at makapag-idlip ako sa room.Napabalik ang pansin ko sa pinag-usapan nila nang marinig ko ang finalization sat ono ng aming guro."So I suggest sa inyong dalawa na maghanda na kayo bukas at magpractice na sa kung paano kayo maglakad ng maayos and such in stage. Also, I will be talking to our handlers bukas para sa kung anong themes na dapat isusuot niyo sa actual na. This will be all for today, thank you ver much for the participation." Tumayo na ito at nagpaalam na since may susunod na klase pa raw siyang pupuntahan.Agad na rin akong t
ANGELA'S POV:Martes na ngayon at ngayon ang araw kung saan kami sasabihan ni Ms. Cordova patungkol sa final events na magaganap sa Intramurals at kung pwede ba kami sumali sa mga palaro at syempre ang actual na magaganap sa pageant day.Lakad takbo ang ginagaw ko ngaon papuntang classroom dahil sobrang late ko na sa unang asignatura na papasukan ko, nang matanaw ko na ang room ay natanaw ko rin si James sa may pintuan nakasandal at nakapamulsa pa.Agad ko siyang nilapitan at napalingon naman siya sa direksyon ko nang makita ang kinalalagyan ko, huminto muna ako at hinahabol ang hininga ko at saka napangiwi ko siyang tiningala."Andyan na ba 'yong guro natin?" tanong ko rito at napatingin sa relo sa aking palapulsuhan at nakitang tatlumpong minuto na akong late. Napapikit ako at napasabunot sa buhok."Oo kanina lang, ba't ngayon ka lang?" usisa nitong tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin."None of your business." Maikli kong sagot at pumas
ANGELA'S POV:Kinakalikot ko lamang ang cellphone ko dahil sobrang nakakabingi ung katahimikan sa loob ng kotse at idagdag mo pa itong super weird na kasabwat ni Dad.Bakit pa kasi nalaman ni Dad yung nangyari, sana naman hindi itong kanang kamay niya ang nagreport.Bigla itong tumikhim kaya bigla rin akong napatingin sa kanya kaya napakunot ako sa nook o nang hindi man lang ito nagsalita."A-ah, Ma'am." Pagsisimula nito kaya napatingin ulit ako rito, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho habang ito'y nagsisimula na sa pagsasalita at paminsan-minsa'y napapatingin sa akin sa rear view mirror."Mag-ingat ka." Bigla itong napaseryoso nang sabihin iyon, napatitig naman ako sa kanya at napakamot sa aking pisingi habang ang isang kilay ko'y naka-arka. Pinagsasabi nito?"Mag-iingat saan, kuya?" tanong ko pa rito. "Hindi natin alam." Maikli nitong sagot at nagpatuloy na sa pagmamaneho nang maging green light na."Mamamatay ba ako?