IMINULAT ni Beatrice ang mata, kita niya ang pagpasok ni Doc Chavez at Don Vicenti sa private room niya sa hospital na iyon kung saan siya itinakbo matapos na mawalan siya ng malay pagkatapos niyang masaksihan ang nangyari kay Rudny."May nararamdaman ka pa bang hindi maganda iha?"tanong ng Doctor matapos na pakinggan nito ang heartbeat niya ng mga sandaling iyon gamit ang stethoscope."W-wala na po," sagot niya."Good, bukas na bukas ay maari ka ng lumabas. Sige na kumpare at kailangan ko pang mag-rounds, kung may kakailanganin kayo just call some nurse staff in the station okay." Bilin pa nito."Salamat Chavez," tugon ni Don Vicenti matapos itong tapikin ang balikat niya.Maya-maya ay tuluyan na rin naman naupo ito sa malambot na sofa na nasa silid ng anak. Mamahalin at moderno ang silid na kinuha ni Seth para kay Beatrice. Sa kadahilanan na rin na malaki ang naging atraso ng ama nito sa pamilya nila."Bea, anak, sobra akong nag-aalala sa nangyari. A-akala ko ay mawawala ka na sa a
AFTER he said that ay kitang-kita niya ang napakatamis na ngiti ng batang paslit. Maging ang pagkikislapan ng mata nito'y hindi nakaligatas sa paningin ni Rudny.Ewan ba niya nang dahil sa ngiti lamang nito ay tila may nabubuhay na sa loob niya.Maya-maya ay biglang umangat ang mukha niya, laking gulat niya dahil ang puno na pinagtiya-tiyagaan na diligan ay tinutubuan na rin ng dahon.Muling bumaling ang pansin niya sa bata ng magsisigaw ito. Hudiyat niyon na may kumagat na sa pain nito.Dali-daling nilapitan ito ng binata, laking-tuwa rin naman niya may nahuli itong sariwang isda. Hindi niya rin matukoy kong anong klaseng isda iyon, ngayon lang siya nakakita ng ganoon."Kita mo may mahuhuli ako, wala kang bilib sa akin eh!""Aba! Ang yabang mo huh! kanino ka ba nagmana.""Siyempre sa tatay ko!" Pagmamalaki nito."Kung ganoon ano ba iyong hiling mo na gusto mong tuparin ko. Laruan ba 'yan, pagkain o baka naman pera. Don't worry kung ano man iyan ibibigay ko kapag oras na makaalis ako
INILAYO din niya agad-agad iyon."Ano bang problema Bea, can you tell me straight to my face, hindi iyon pinapahulaan mo pa sa akin" malamig niyang ani."Tigilan na natin ito Rudny, you know for the last time ay napag-isip isip ko na mas makakabuting maging magkaibigan na lang tayo. Please Rudny tama na, ayuko na..."Tinitigan lamang niya si Beatrice ng mga sandaling iyon, as usual ay hindi niya agad pinaniwalaan ang narinig."Is this kind of joke Bek-Bek, dahil kung oo. Hindi magandang biro iyan," sabi niya."Hindi ako nagbibiro Rudny, please understand m-my decision." Nakikiusap ang tinig ni Beatrice.Kaya upang mag-umpisang mamuo sa kaloob-looban ng binata ang labis na sakit."W-why you sudden change hmmm... Hindi ba't mahal mo rin ako diba? Heto na tayo bakit ngayon ka pa mag-aalangan. Andami na natin pinagdaanan ngayon ka pa bibitiw. Huwag naman ganyan." Nagpigil si Rudny na panginigan ng boses."I'm sorry Rudny." Patuloy lang ng babae na nakayuko."Sige nga! Tell me that you won
"S-SORRY." Iyon lang ang nadinig niyang sinabi nito."Iyan lang ang sasabihin mo ate, maibabalik ba niyan sa dati ang kapatid ko. Pasensya na hindi ko lang mapigilan mainis, nakikita ko naman na okay kayo. As in maganda ang chemistry niyo pero bakit bigla ay iniwan mo siya. Gayong ngayon mas kailangan ka niya." Pilit man pinapakalma ni Rodjun ang boses at iwasan magalit rito ay hindi siya makapagpigil."Sorry talaga Rodjun k-kung sa tingin mo ay ang sama-sama ko kung bakit ko piniling iwan si Rudny. Pero para naman sa kanya iyon." Dahilan ni Beatrice, dinig ni Rodjun ang pag-iyak nito mula sa kabilang linya. Nagui-guilty man siya ay wala siyang pakialam, sa ganoon na paraan ay maiganti man lang niya ang nakatatandang kapatid."Makakabuti? kainis ka naman ate pero ano sinaksaktan mo siya.""Malalagpasan niya rin ito.""Paano kung hindi.""Believe me Rodjun, he will kilala ko siya," ani ni Beatrice."Fine! sige na ibaba ko na ito and please ate Bea ito na sana ang huling tatawag ka para
TULUYAN ikinabit sa mata ni Beatrice ang itim niyang sun glass. Inalis na rin niya ang pagkakaseatbelt ng anak niyang si Jaxx Rube.Isang stewardess ang lumapit sa kanilang dalawa ng anak niya."Thank you,"maiksing sabi lang niya matapos na kuhanin sa kamay niya ang ilan mga laguage na dala niya.Nasa isang vip seats sila sa airplane na iyon. Ito rin ang unang flight nila ng anak niya mula ng umalis siya ng Pilipinas.Sa pagtapak pa lang ng paa niya mula sa arriving area ay nakaramdam na si Beatrice ng kakaibang pagkasabik."Welcome back Bea!"salubong sa kanya ng kuya niyang si Novice."Thank you kuya!"magiliw niyang sagot. Nagkayapan na muna sila nito at nagkamustahan ng ilang segundo. Maya-maya ay agad bumaling ang pansin nito sa anak niya."Sa'yo rin little Jaxx, welcome home!"Napatitig ito kay Novice at inungusan lang siya."Naku! ganyan ka ba bumati sa Tito Novice mo hmmm... aray!"Saka ito napatitig sa kamay na pinalo ng pamangkin niya."Jaxx!"Saway ni Beatrice pinanlakihan pa
NANG tuluyan maitulak pabukas ni Rudny ang pinto ang unang tumambad sa kanya ay ang batang nasa lapag lang naman.Dahil nakatalikod ito mula sa direksyon ng pinto ay hindi niya makita ang mukha nito.Ngunit, labis niyang pinagtakhan na bigla na lang lumukso ang puso niya pagkakita pa lamang rito."Jaxx Rube anong nangyari?" tanong naman ni Novice sa niece nito matapos itong tuluyan makapasok sa silid.Tinulungan na nitong makatayo ang bata matapos itong makalapit."Okay lang ako tito, nagtatalon lang ako sa bed kaya ho ako nahulog sa kama," explain ng bata."Ikaw talaga sa susunod mag-iingat ka na dahil baka sa susunod ay mas grabe pa mapala mo." Paalala ni Novice rito."Okay tito," sagot naman ni Jaxx Rube. Napagawi ang tingin nito sa may pinto kung saan lang naman nakatayo si Rudny."Sino siya?" tanong ng bata na hindi inaalis ang tingin dito."Ahhh, siya ang tito Rudny mo. His my best friend at malapit din siyang kaibigan ng mommy mo." Pakilala ni Novice rito."Kaibigan ni Mom? per
NAMIMILI na ng isusuot ng mga oras na iyon si Beatrice sa pupuntahan niyang pagtitipon."Ano bang mas magandang isuot iyong pula o blue?" Pakikipag-usap ni Beatrice sa sarili habang pinapasadaan niya ang dalawang imported na long gown na nasa ibabaw ng kama niya ng mga oras na iyon.Tapos na siya sa paglalagay ng make up sa mukha at nakapili na rin siya ng mga jewerly set na gagamitin niya sa gabing iyon. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nakakapag-decide si Beatrice."This is so frustrating!" angil ni Beatrice na hinawakan pa ang magkabilang sentido para bang biglang nanakit iyon na hindi niya mawari.Hanggang isang katok ang narinig ng dalaga sa pinto. Nang buksan niya iyon ay ang dalawa niyang bestfriend na si Penelope at Farah iyon."Bii! gosh! wala ka pa rin pagbabago sa personal huh! magandang-maganda ka pa rin!" Puri ni Penelope na nakipag-appear pa kay Beatrice."Sinabi mo pa bii, kita mo parang hindi nanganak!" Segunda naman ni Farah na naglakad na papasok a
LUMIPAS ang ilang araw, magmula ng gabing aksidenti silang magkita ni Rudny at Beatrice sa party ay hindi na muling nakita pa ng babae ang binata.Pabor kay Beatrice iyon dahil mas okay na hindi na ito magpakita sa kanya. Wala rin naman pupuntahan ang ginagawa nitong pagsunod-sunod sa kanya.Natatawa na lang si Beatrice kapag nakikita niya kung saan-saan si Rudny magmula ng umuwi siya galing States. Sa mall isang beses na ipinasiyal niya si Jaxx Rube, sa labas ng mansiyon nila at kahit sa D.G Empire kung saan nag-umpisa na rin siyang magtrabaho ay naroroon ito.Naging instant stalker ito."Hindi ko talaga maisip na magiging ganito kapursige si Rudny sa'yo beh," sabi ni Farah ng minsan magpunta ito sa sariling office niya para maghatid ng isang dokumento na kailangan ng pirma niya."Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ni Beatrice na nasa binabasang papeles ang atensyon. Ni hindi nito makuhang tapunan ng tingin si Farah dahil bukod sa kailangan pa niyang basahin ng maigi iyon ay marami
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga