"W-WALA ka bang nararamdaman sa kapatid ko ni katiting na pagmamahal. I mean... don't you find her interesting perhaps, you know what I mean Rudny. Nag-iisa ko siyang kapatid at babae pa, not to mention na may kapatid ako sa mom ko. But Beatrice is special I want her to be happy someday, lalo't hindi na ako laging makakasama niya. Sa'yo lang ako may tiwala, kung kayo man ang magkatuluyan tinatanggap ko ng bukal sa loob ko." Mahabang paliwanag ni Novice.Hindi naman makapaniwala si Rudny, maya-maya ay nagtatawa na lang ito.Kung hindi pa siya binatukan ni Novice ay hindi matitigil ito."Sorry bro, mahal ko si Beatrice pero pagtingin kaibigan o kapatid lang ang kaya kong ibigay sa kanya. One of a kind siya kaya alam ko na makakatagpo rin siya ng tamang lalaki. Saka alam mo naman na hindi ko gugustuhin makipagrelasyon ng seryusuhan dahil sa klase ng buhay na meron ako," explain ni Rudny.Napagtango-tango naman si Novice, naunawaan nito ang kaibigan. Ngunit naroon na labis siyang naawa par
ARAW ng engagement nina Novice at Shaina sa Tagaytay nasa "Norshan Pamoso Resort" sila, pag-aari lang naman ng babae iyon. Iba't ibang mga t.v personal sa media ang naka-attend sa p?unexpected at prestiyusong engagement ngayong taon ang "Monuz-De Guzman Engagement party". Isang sunset theme ang napili ng groom to be ni Shaina na si Novice. Tuluyan umibis sa sinakyan si Rudny. Agad niyang tinanggal ang suot na itim sunglass, ang ilan malalapit na tao' y napapasulyap sa kanya. Pinabayaan niya lang ang mga iyon, tahimik siyang naglakad papasok. Napangiti siya nang maalala niya ang pinagka-abalahan ng matalik niyang kaibigan na si Novice sa lumipas na tatlong araw lang naman. Agad niyang tinapik ang balikat ni Lawrence na nakatayo habang hawak nito sa magkabilang-kamay ang kambal nito na nakatutok din ang tingin sa nag-uusap na si Shaina at Novice sa may gilid ng pool. "Naks! may paganito pa palang nalalaman si Novice huh!" nabigkas ni Rudny habang sumasabay na pumapalakpak sa mga taon
Isang pag-irap na lang ang ginawa ni Beatrice kay Rudny bago ito tuluyan nagtatakbo palayo. Napabuga naman ng hangin ito, sinipat niya ang sarili. Mabuti na lang at may extra clothes pa siya sa sasakiyan. Ipapa-dryer na lang niya ang suot para matuyo agad. "Nangyari sa'yo?" Ang biglang pagsulpot ng tinig. Nilingon naman niya iyon at si Novice ang nakita niya kasama si Lawrence. " Basang-basa ka,"dagdag ng isa."Obvious ba tiyak kong si Bea na naman ang may kagagawan niyan. Am I right?" wika ni Novice. "Yeah, bakit ba kayo narito?" tanong ni Rudny. "Hinahanap ka namin at tama nga ang sinabi ni Novice na baka magkasama kayo ng kapatid niya," sagot ni Lawrence. "Ganoon ba pwedi favor Novice, pagsabihan mo nga iyang kapatid mo na palitan ang suot niya, s-sobra daring kasi," suhestiyon ni Rudny sinabayan na siya ng dalawa sa paglalakad hanggang sa may sasakiyan niya. Tuluyan na niyang kinuha ang mga ipamamalit niya sa nabasang damit. "Pati ba naman iyon pinu-problema mo. Ako nga hi
BIGLA ang ginawang pagtayo ni Beatrice mula sa pagkakaupo niya sa sofa na naroon. Nagpupuyos ang kalooban niya na napatitig siya sa sariling ama."Daddy! what is the meaning of this! Ang ibig sabihin lang ba nito ay hindi ako a-ang pinapaniwalaan mo? at si Camilla pa talaga ang mas kinampihan mo kaysa sa sarili mong anak! kahit kailan ay hindi ako magso-sorry sa babaeng iyan!" galit na galit niyang sabi kasabay ng pag-alis niya."Excuse me po," wika ni Camilla na tumayo rin."Saan ka pupunta iha?" tanong ni Donya Clarisse."Kakausapin ko po si ate, hindi ko gusto na nanatiling may galit siya sa akin," wika ni Camilla. Nang tumango si Donya Clarisse ay tuloy-tuloy na itong lumabas.Naiiling naman na napasapo sa noo si Don Vicenti."Iyan ang sinasabi ko sa'yo dati pa kung ako ang nagpalaki sa batang iyan ay hindi sana siya lalaking ganito." Parinig ni Donya Clarisse."Sinasabi mo ba na mali ang pagpapalaki ko sa sarili nating anak?" Hindi makapaniwalang sambit ng Don."Ikaw ang nagsabi
NAIILING at lalong bumuhos ang luha sa magkabilang mata ni Beatrice. Unang beses na ganituhin siya ng ama at sa harap pa ng babaeng kaaway niya."I-I hate you Dad! never kong gagawin ang ipinag-uutos niyo! all my life ay naging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto niyo para sa buhay ko kahit hindi naman talaga ako masaya, pero umayon pa rin ako... because mahal ko kayo at inirerespesto. Pero dahil tila wala na kayong pakialam sa akin ngayon ay nagawa niyo pa akong talikuran, sige! mas mabuti pa nga na umalis na ako ng tuluyan sa buhay niyo! I'm old enough to raise myself without the help of your f*cking money! Iyan naman ang mahalaga lang sa inyo ang kayaman niyo! kaya nawala ang Mommy! kaya nasira ang pamilya natin! dahil makasarili ka!""Ingrata!" bulyaw ni Don Vicenti. Akmang pagbubuhatan niya si Beatrice nang inawat siya ni Rudny."Umalis ka riyan Rudny, huwag kang makialam sa usapan ng pamilya," malamig na usal ng matandang lalaki."Alam ko po, pero kalabisan naman na sasaktan niy
PASADO alas dos na ng madaling-araw sila nakarating sa condominium. Napili ni Rudny na sa bagong unit sa Roxas muna niya patuluyin ang dalaga. Habang hinihintay niyang makapag-decide ito kung anong magiging plano nito. Ayaw niyang pangunahan ang babae dahil wala naman siyang karapatan kung iyon ang pagbabatayan.Nagising si Rudny sa maliwanag na sikat ng araw na nagmumula sa bintana na nabuksan ang blind curtain."Bea... a-anong ginagawa mo?" iritang usal ni Rudny na napaungol pa dahil sa naramdaman na bigat ng ulo.Unti-unti na siyang bumangon habang nakapikit pa ang mata at sapo-sapo pa rin niya ang noo. Hindi niya gustong may umiisturbo ng tulog niya. Kaya nga walang sino man ang maaring pumasok sa silid niya sa mansyon. Maging ang ama at kapatid ay counted sa mga restrictions na ipinapatupad niya."C'mon Rudny it's past nine 'o clock in the morning na, late na para mag-almusal. Kaya bangon na,"nasabi ni Beatrice na naupo sa may tabi ng kama kung saan nakaupo pa rin si Rudny."Ang
"OF COURSE I will do that, lalo ngayon... napapadalas na laging nakikitang magkasama kami ni Beatrice. Sa dami ng katunggalian ko pagdating sa business natin ay tiyak kong maari siyang madamay kaya nag-iingat lang ako. Hindi natin alam kung sino-sino pa ang mga kalaban,"sagot nito.Nagpatango-tango naman si Rodjun at tuluyan ng nagconcentrate sa laro nilang dalawa ni Novice. Ang huli naman ay tila nagagalak sa pagbibigay ng importansiya ni Rudny sa kanyang kapatid na si Beatrice."Ikaw Lawrence, ayaw mo bang uminom sige na." Baling ni Rudny sa tahimik na kaibigan."Umiling lamang ito habang pinanunuod nito ang paglalaro nina Novice at Rodjun sa may billiards table."Kumusta ka naman pre? It's been seven years nang mawala si Esteffany. Wala ka bang planong humanap uli ng bagong mama ng kambal. Alam mo iyon, mahirap magpalaki ng anak ng nag-iisa." Aminado siya roon dahil nakita niya kung gaano nahirapan ang Dad niya, bukod sa lagi itong naglalasing dahil sa pangungulila sa Mommy niya ay
PAGPASOK pa lamang ni Rudny sa condominium niya ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng nilulutong ulam ni Beatrice."Ano iyan?" tanong niya sa dalaga na abala sa ginagawang paghahalo nito sa kaserola na nakasalang.Inilagay na lang ni Rudny ang susi ng kotse sa kabinet at ang baril niyang nakasuksok sa likuran niya."Hulaan mo," pambibitin ni Beatrice."Kung alam ko lang iyan magtatanong ba ako. Sige na sabihin mo na!" Pangungulit ni Rudny habang pinagmamasdan ang laman niyon. Kita niya ang ilang karne ng baboy."Adobo lang iyan,"tuluyan sabi ni Beatrice."Talaga? bakit kulay puti naman ang sabaw niyan. Ang alam ko na adobong baboy hindi naman ganyan ang itsura," namamangha pa niyang saad. Napalunok na siya ng ilang beses dahil bigla siyang nagutom sa amoy niyon."Secret, speciality ko ito sa tuwing wala ang Daddy," wika ng dalaga. Vegetarian kasi ang ama. Kapag magkakasama sila ay puro dahon lang sila.Sa pagkaalala muli rito ay nakaramdam na naman ng lungkot si Beatrice. Ngunit mab
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga