Shon POV One week ago. kakaiba ang kilos ni Rhian nitong mga nag daang araw mula ng sa akin sya nag tatrabaho, para syang biglang nag bago ng pag katao kakaiba nung mga nag daan araw. Dati para syang tigre ngayon parang maamong tupa, ewan ko na sa babaeng to kong ano ang trip. Mukang iniba nya ang pakikitungo sa akin. Na papansin ko din na pag patak ng 5pm ay agad itong umaalis, minsan nga balak kong sundan ngunit napakabilis mawala sa paningin ko, alam mo yon para syang bulang nag laho kahit bakas nya hindi mo makikita hay. Panibagong umaga nanaman ang aming kahaharapin, ano nanaman kaya ang mangyayare?. Nagulat na lang ako ng may kumatok sa pinto. "Come in!" I said in a cold voice. Pumasok naman ang isa sa mga kasamahan ni Rhian na palaging kumakain, nag init nag init ang ulo ko sa taong to kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili. "Sir eto na po ang report ko!" Anito sa takot na boses. Tinignan ko naman ito maayos naman ang lahat ngunit na ngiba
Rhian POV Mukhang masusungitan nanaman ako ni Tanda neto. Pano ba naman late nanaman ako tss. Tinanghali ako ng gising, dahil sa mission namin kagabi. Dahil don ilang oras lang ang naging tulog ko. Papasok na ako ng company ni Tanda ng makasalubong ko si Bea. "Bilisan mo masasabon ka nanaman kay Sir" natatawang anito. Inirapan ko lang ito sabay talikod. Nag mamadaling sumakay ako ng elevator. Sa loob ng elevator narinig kong mag uusap ang kapwa ko employee. "Pinatawag daw si Gibo?" Tanong ng isa, malapit sa tabi ko. "Siguro deadline na ng report nito!". Ani naman ng tao sa harap namin. "Sana wag nyang ma-tyempuhan ang pangit na ugali ni Sir!" Nag aalalang tanong ng malapit sa tabi ko. Dahil don napakunot ako, at pinag patuloy ang pakikinig sa kanila. "Sana, naririnig ko na mainit ang ulo ni Boss kay Gibo!" Anito. Napatingin sila sa gawi ko at biglang natahimik. Bakit naman kaya mainit ang ulo ni Tanda kay Gibo?. Bukod kay Bea si Gibo ang una
Rhian POV Sakay ng aking ducati mabilis akong nakarating sa Rhian Mall, nag lalakad ako papuntang entrance ng may makabangga akong babae, kaya agad akong humingi ng paumanhin at napatingin sa kanya. May kasama itong lalake na mejo katandaan na pero hindi mo mahahalata na matanda na ito dahil sa tindig ng katawan nito. Nag tama ang mata namin ng babae na medyo may edad na. "Sorry po" aniko at akmang pupulutin ang nahulog na bag nito ng hawakan nya ang kamay ko na kinabigla ko. Nanginginig ang kamay nito at nanlalamig na dumapo ang kamay nya sa palapulsuhan ko. Bigla ay parang nakaramdam ako ng kakaiba sa pag dapo ng kamay nito sa balat ko. "Anak!" Anito sa nanginginig na boses, medyo na iiyak na din sya dahil namumula na ang mga mata nya. Napatingin ako sa kasama nitong lalake, pero napakaitim na awra ang makikita mong bumabalot sa kanya. Medyo kinilabutan ako sa awra ng lalakeng ito. Nakatingin lang sa akin ang lalake na blangko ang ekspresyon! Napakalam
Shon POV Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman sa babaeng yon. Kakaiba sya sa lahat, nakakapanlambot ang kanyang mga titig na animoy inaarok ang buong kalamnan ko. Pag katapos nyang umalis nanatili ako sa office na mag isa. Nang bigla nalang pumasok ang dati kong secretary na si Basty. "Yow Boss!. Kamusta ang bago mong sexytary?" Anito sa nang aasar na boses. Nanatiling nakatingin ako sa pinto kong saan lumabas si Rhian, binalewala ko ang sinabi nito. "Boss mukhang tamado ka yata sa babaeng yon ahh!" Muling anito at sinabayan pa ng nakakalokong ngiti. "Kakaiba sya sa ibang babaeng nakilala ko!" Wala sa sariling aniko. Totoo yon napakahiwaga ng babaeng yon, hindi ko alam kong saan sya nag mula. Lahat ng information na gusto kong malaman hindi ko makuha. "Pano mo nasabe Boss?" Anito na may halong pag tataka. "Yung kilos nya hindi pang ordinaryong tao. Para syang ahh... nevermind!" Inis na aniko. Hindi ko maipaliwanag kong ano ba an
3rd person pov Tama ang hinala ko. Pinaimbistigahan ko ang babaeng yon at lumalabas na ampon sya ng mag asawang De Guzman hindi ko lang alam kong paano nangyare yon. Kung pano nakalabas si Malia mula sa kotse. Kailangan kong makausap ang mag asawang iyon upang makumpirma ang lahat. Upang lalong makasigurado na sya talaga ang anak ko na inakala naming mag asawang patay na. Nag utos ako ng tao upang makakuha ng buhok nya, at agad kong pina DNA test ang buhok na iyon at ang sa akin. Ngayon makukuha ang resulta, hindi ko na sinama si Alia para maging maayos ang lahat. Baka mapano pa sya, nong araw na nawala si Malia yun din ang araw na nalaman naming nag dadalang tao sya ngunit sa kasamaang palad nakunan sya dahil mababa ang kapit ng bata, mula non hindi na sya nag buntis. Dahil na din siguro sa stress kaya nawala ang pangatlong baby namin. At kasalanan ko yun kung sana nag ingat ako edi sana hindi nawalay sa piling namin si Malia, kami sana ang kinalakihan nyang magulang.
Rhian pov May kotse na nahulog sa bangin at may batang laman iyon, umiiyak ang batang laman ng kotse habang paulit ulit na humihingi ng tulong at tinatawag ang Daddy nya. --- Nagising ako sa masamang panaginip. Lagi ko na lang napapanaginipan ang eksenang yon, napapadalas na piling ko ako yung batang laman ng kotse at ama ko yong lalake na tinatawag ng batang Daddy. Ano ba Rhian wag mo kasing isipin palagi yon. Naalala ko ang pang aasar na ginawa ko kay Tanda napangiti ako dahil don tss. Napatingin ako sa orasan, damn nakatulog pala ako ee 2pm pa lang. Buti na lang hindi ako inasar ni Tanda haha. Pag baling ko nakita ko itong malawak ang pag kakangiti. "Good morning Sleeping Beauty!" Anito ng nakangiti sabay balik sa table nya tss. Hindi ako kumibo nag inat lang ako at baka inisin nanaman ako nito. "May pupuntahan ako pag hindi na ako nakabalik isara mo nalang ang office!" Seryosong anito at mabilis na umalis tss. Tignan mo ang isang yon moo
Rhian pov Tama ang hinala ko hindi nga matandaan ni tanda ang ng yare sa amin kagabi. Kaya nag desisyon akong umalis na sa trabaho. Dahil may malaking mission na binigay sa amin si Boss. Mga ilang weeks kaming mawawala oh baka abutin pa ng month. Baka mag taka si Tanda pag hindi ako pumasok ng isang bwan haha. Ginamit ko nalang na dahilan ang nakita kong blood stain sa kama nya kahit alam kong ako ang dahilan non. Hindi nya naman matandaan eh kaya ayos lang. Inayos kona ang lahat ng gamit ko sa pag alis sinigurado ko talagang walang maiiwan. "Are you serious? Aalis kana talaga?" Tanong nito sa malungkot na boses. "Yeah! Mamimiss ko yang pangit mong mukha Tanda!" Aniko sabay tawa. Nag salubong naman ang kilay nito. "Aalis kana nga lang mang lalait kapa tsk!" Anito. Nang maigayak ko na lahat ng gamit ko ay tumingin ako sa kanya na nakamasid lang sa bawat galaw ko. "Don't worry, I will return to my work when I have time!" Aniko. Nakita kong nag liwanag
Shon POV Isang linggo ng wala si Rhian, nakakapanibago. Papunta kami ngayon sa Beach dahil nga kada taon ang Christmas party ng companya! Excited ang lahat maliban sa akin tss. Namimiss ko yung babaeng palaging tumatawag sa akin ng Tanda. Yung babaeng hindi takot sa akin!. Sana gumawa ako ng paraan para wag syang umalis kaso huli na tss. Wala akong balita kong nasan sya ngayon, ang hirap kumuha ng information tungkol sa kanya. Hindi naman kami natagalan sa byahe dahil hindi traffic. Sana lang maging maayos ang lahat. Nang makarating kami, private room ang kinuha kong kwarto tss, alangan namang makisama ako sa mga empleyado ko. Dahil madaling araw na nga kami nakarating kaya walang masyadong tao. Lahat sila makikita mong masaya akala mo naman hindi sila nakakapuntang beach tss. Nahiga na ako sa kama at natulog. *** Rhian POV Nandito kaming tatlo sa private room sa isang sikat na beach. Sana mapabilis ang mission namin. Isang linggo na namin dito,
FiNALE (happy ending) NARRATOR'S pov Pag harap ni Rhian sumalubong sa kanyang paningin ang lahat ng mga mahalaga sa buhay nga ng nakangiti! medyo malayo man ay hindi sya maaaring mag kamali na parents at mga kapatid nya yun maging sila Kaira at Eula nandoon, Maging ang kanyang anak na si Sheldon kasama nito si Brianna na malawak ang pag kakangiti. Sa harap ng altar nakita nya si Shon ng malawak ang pag nakangiti, Halo halo ang kanyang nararamdaman. natutuwa sya na naiinis may pa surprise pala si Tanda sa kanya. "Ano pang hinihintay mo go mag lakad kana baka agawin ko pa yan!" Pang iinis ni Lea sa kanya sabay tawa, Natawa sya sa sinabi ni Lea. Habang nag lalakad pinipigilan nyang tumulo ang luha, inisip nya na wag iiyak! Dapat maganda sya sa paningin ni Tanda. Nang makalapit sya sa tabi ni Shon kinurot nya ito na kinatawa lang si Shon sabay sabing, "Akala ko iiwan mona ako!" Anito ng nakanguso. Kinabig ni Shon si Rhian sabay hinalikan ng mabilis na
RHiAN POV Abala ako sa pag aayos sa aking sarili, para lalong mabaliw sa akin si Tanda haha. Naka suot ako ng white dress na off shoulder na hapit sa aking katawan. Lalong lumabas ang hubog ng aking katawan. Ilang oras akong nag isip kong ano ang aking susuotin kaya natagalan talaga ako. Nang makuntento sa aking suot at makita kong maayos na ang lahat nag pasya na akong bumaba. Baka nag hihintay na sa akin si Tanda. Habang pababa ako nakasalubong ko si yaya. "Nasa baba na po si Sir kausap ang parents mo ma'am!" Magalang na anito kaya nag madali ako, sa sobrang pag mamadali ko kamuntikan pa akong madapa haha. Pag baba ko wala akong makitang Tanda, nag palinga linga ako sa paligid pero wala talaga. Ang nandito lang si Mom and Dad. Napatingin ako sa kanila ng nakakunot ang noo bago nag salita. "Mom nasan napo si Tanda?" Tanong ko natawa sya pero si Dad ang nag salita. "He said he won't marry you" ani Dad na nag palungkot ng sobra sa akin. "K
Shon POV Eto ang araw na ipapakilala ako ni Rhian sa parents nya. Natatakot na kinakabahan, damn nakakabakla pala pag ipapakilala ka ng taong mahal mo sa parents nya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Namamawis ang kamay ko habang nag mamaneho, ngayon lang ng yare ito damnit!. What happened to me? Sh*t! Sana lang maging maayos ang pag uusap namin ng parents nya!. Nag mamaneho ako papunta sa sinabing address ni Rhian sa akin, damn! Dapat pala nag tanong ako kay Steve kong ano ang pakiramdam pag ipapakilala kana. Hindi ko tuloy alam kong ano ang dapat kong gawin sh*t, bahala na jan basta patutunayan kong mahal ko si Rhian. Isa pa may anak na kami siguro naman hindi na sila tututol pa sa aming dalawa. Ang buong akala ko wala na syang parents, siguro naman magugustuhan nila ako para sa anak nila. Kaya ko namang buhayin ang mag ina ko. Wala akong ideya kong sino ang kanyang magulang!. Nalibang ako hindi ko namalayang nandito na pala ako sa hara
Narrator's POV hindi mapakali si Jen sa hospital, nananalangin ito na sana maging maayos si Dymon. Napatingin si Jen sa gawi ni Rhian, lumapit si Jen kahit alam nyang may galit si Rhian sa kanya. "Rhian patawarin mo ako sa nagawa ko sa anak mo! Hindi ko gustong gawin yon maniwala ka napilitan lang ako!" Ani Jen habang na nginginig ang boses. Hindi kumibo si Rhian, nanatili lang syang nakatingin ng blangko kay Jen. Naniniwala sya kay Jen na nag sasabi ito ng totoo. "Nag papasalamat ako sayo, sakabila ng lahat ng kasamaan ni Dymon nag malasakit ka parin sa kanya! Alam kong masakit na nalayo sayo ang anak mo. Ngayon ko naiintindihan!" Ani Jen sabay hawak sa tiyan nito. Sumama sya sa hospital para malaman ang kalagayan ni Dymon, "Pinapatawad na kita Ate Jen!" Ani Rhian nanlaki naman ang mata ni Jen at hindi makapaniwala sa narinig mula kay Rhian. Natuwa si Jen kaya bigla nyang nayakap si Rhian, hindi nya namalayan nakayakap na din si Rhian sa kanya. Gumaan ang
3rd Person POV Galit ang makikita sa mukha ni Supremo sa taong nasaharapan nila ngayon. Nakahandusay ito at wala ng laban. "Save your life! What is your reason for doing this sh*t?" Malamig na sabi ng Supremo habang nag aapoy ang dalawang mata sa galit. Kanina pa sya nag titimpi na wag p*tayin ang taong wala ng buhay. "Ang isang malaking kasalanan ko lang, nag mahal ako ng isang taong hindi na dapat. Kaya ako nakagawa ng maling gawain!" Sabi ng lalaking nakahandusay sa hirap na boses. Hindi maintindihan ni Supremo ang sinasabi ng lalake kaya nag salubong ang kilay nito. Nanatiling nakikinig ang mga tao sa paligid maging ang asawa ni Supremo. "What do you mean?" Kunot noong tanong ni Supremo. "You're wife is my first love, mag kababata kami! halos hindi kami mapag hiwalay ng mga panahong mag kasama kami, pero nag bago ang lahat ng makilala ka nya. Nawalan sya ng oras sa akin, na aksidente sya at nawalan ng memorya kasama ako sa nakalimutan nya, kaya nagalit ako
Shon POV Maayos naman ang pag uusap ni Rhian at Bri. Nag kasundo sila pag dating kay baby. Nagulat lang ako ng mag pakilala sya kay Bri ng Malia. Tss Umuwi na sila. mag isa ko dito sa condo, sana lang maging maayos na ang lahat!. Alam kong hindi pababayaan ni Bri si Baby Gavenn, nasanay na akong Gavenn ang itawag sa kanya since un ang nakasanayan ko. *** Nandito kami ngayon sa harap ng gate, nalaman ng mga tauhan ni Supremo na dito mismo matatagpuan ang taong matagal nya ng hinahanap, ang taong may gawa ng lahat ng gulo sa pamilya nya. Ang taong naging dahilan ng pag kamatay ng kaisa isa nyang anak. Tahimik ang lugar na animoy walang nakatira sa bahay, dahil liblib ito mukhang mag isa nya lang dito wala syang kasama. Napapaligiran namin ang bahay, wala na syang kawala!. Nagulat ako ng may dumating na sasakyan at lumabas doon si Supremo at isa pang babae na medyo may katandaan na pero maganda pa rin. Nag lakad ito patungo sa gawi namin, bago nag salita. "D
RHiAN POV Yumakap ng mahigpit ang anak ko sa babae na parang takot sa ibang tao, kailan kapa naging mailap sa iba Sheldon ko?. Hindi ko tinuruan ang anak kong maging mahiyain kaya nag taka talaga ako sa pinakita nya ngayon. "Come to Daddy?" Ani Tanda nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, Daddy agad ang tawag ni Sheldon ko sa Tandang to haha. Sumunod naman ang anak ko, agad syang lumapit kay Tanda habang sa akin nakatingin ang mga mata. "Baby Gavenn this is your real mother!" Panimulang sabi ni Tanda. Nanatiling nakatingin ang anak ko sa akin habang nakayakap sa ama nito. "Pag pasensyahan mo na! Mula ng saktan sya ng babae naging ganyan na sya sa ibang tao." Paliwanag nung babaeng kasama ng anak ko. "Brianna nga pala!" Pakilala nito sabay abot ng kamay, inabot ko naman yon ng nakakunot ang noo mahirap na baka sabihan ako ng bastos tss. Sino kayang tao ang nanakit sa anak ko? Anong karapatan nyang saktan ang baby ko! Galit kong sabi sa aking isip.
Rhian POV Sinagot ko ang tawag pero hinintay ko syang mag salita Nanatiling tahimik sa kabilang linya kaya nainis ako. Akmang ibababa ko sana ng mag salita ito. "I know you're listening, Come here to my condo!" Aniya kaya nag taka ako. Anong gagawin ko dun tss, "What should I do there?" Aniko ng nakataas ang kilay kahit alam kong hindi nya ako nakikita. "Make love to me!" Aniya kaya natahimik ako at nanlaki ang mga mata ko habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ng mag salita syang muli. "Tss stupid! Come here! Baby Gavenn is here!" Aniya hindi ko namalayan tumulo na pala yung luha ko sa sobrang galak. Napansin siguro ng dalawa yun kaya napahinto silang mag bangayan, parang gusto kong lumipad para agad makarating doon. Agad kong pinatay ang tawag, pupuntahan ko si Dale ang anak ko. "Hey what happen?" Tanong nilang sabay pero hindi ko na sila pinansin bahala silang mag patayan jan basta ung anak ko pupu
Rhian's POV Hindi na ako makapag hintay na makita at mayakap ang aking anak! Hindi kopa sinabi ang nalaman ko kila Mom and Dad alam kong masasabon ng husto si tanda pag nag kataon. Sabi ni Mom gusto nyang makilala ang ama ng anak ko ganon din si Dad. Hindi kopa nasasabi yon kay Shon saka na pag nakita kona si Baby Dale. Nandito ako sa condo na pag aari ko kasama sila Eula at Kaira ng biglang sumulpot si Bogs. Malawak ang pag kakangiti nya ng makita ako, bihis na bihis ang loko, ehh pag tatrabaho lang naman kami tss. Saktong pag bukas ko ng pinto sya namang pag baba ni eula sa hagdan, pupungay pungay pa sya habang nag lalakad pababa nakasuot sya ng maluwang na white t-shirt at maikling short! Mukhang wala pang bra ang loko. Natawa ako sa reaksyon ni Bogs. Nakita ko si Bogs na naka nganga habang titig na titig kay Eula haha, mukhang tinamaan. "Nagugutom ako Rhian. Hindi kasi ako nakapag dinner kagabi" anito habang nililidlid ang mata. Malawak ang ngiti kon