Home / Romance / Made a Wish / His Name’s Akio

Share

His Name’s Akio

Author: Ukiyoto Publishing
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
 

ALTHEA'S POV

 

"So, you're real?" 'di makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Prente itong nakaupo sa silya, naka-krus ang mga binti at hawak sa isang kamay ang kanyang milktea. Para siyang isang senyorito sa pagkakaupo at kala mo talaga nasa isang royal tea party. He's doing the 'Don't touch the cup with your five fingers' thing.

Nakaupo lang naman ako sa dulo ng kama ko, naka-indian seat at naka-krus ang mga braso. Nasa tabi ko lamang ang bakal na patpat–or should I say, fresh patola na. Di ko alam kung paano nangyari basta bigla nalang yun naging gulay ng tinangka ko siyang hampasin.

"Damn right. Why else would I be here in this filthy room of yours?" singhal niya na ikinasama ko naman ng tingin.

"Has anyone told you that you have a dirty mouth?" balik ko dito. At himala, biglang tumawa ang mokong.

"Magugulat ka ba kung sasabihin kong wala?" natatawang turan nito. Napaikot naman ako ng mata at nagbuga ng hangin.

"I doubt." depensa ko. "Baka nga sinusumpa ka na nila."

"Sinusumpa mo, kamo." pagtatama nito. Sa inis ko ay dinampot ko ulit ang patpat– I mean, patola pala.

"Kung wala kang magandang sasabihin, lumayas ka!" pambubulyaw ko.

At kung di lang ako nanghihinayang sa pagkain, ay talagang ibinato ko na iyon sa kanya. Pero dahil kapos ako ngayon, ibinaba ko nalang ulit iyon.

"Psh. Ba't ba sigaw ka nang sigaw? Ang sakit sa tenga." aniya at nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang tenga. "Tsaka, di mo ba bubuksan ang ilaw? Ang dilim kaya."

"Ikaw ba nagbabayad ng kuryente ko, ha?" angil ko rito. "Tsaka ba't ba nandito ka pa? Umalis ka na nga."

Anong oras na kaya. Mapupuyat na naman ako neto, baka pagnagkataon ma-late pa ako sa klase. At iyon ang pinakaayaw ko. Buti sana kung mabait prof namin sa unang subject, pero hindi. Mauna lang siya sa loob ng classroom, absent na agad yung mga nasa labas. Hindi na makakapasok pa.

"Just tell me what you want." bagot na wika nito.

"Wala. Isa pa, hindi naman sa gusto talaga kitang tawagin. It was an accident." sagot ko rito saka nahiga sa kama. "Si Marylou lang naman may kagagawan nito."

"Mary-who?"

"Marylou. Kaibigan ko." ulit ko saka ito sinipat. "She told us about the legend. About you, by the way."

"And?"

"And I was forced to called you. That's why you're here." naupo akong muli. "Nga pala, di ba sabi 11:11? Eh, 11:30 na. Hindi ba dapat wala ka na dito dahil lagpas na sa oras. Tsaka dapat wala na ding bisa yun."

I heard him let out an annoyed huff before standing on his feet. Naglakad ito tungo sa nakasarang bintana. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa idaitil niya ang palad niya roon. Napasinghap ako ng parang nagkaroon ng spark sa pagitan ng kamay niya at bintana.

"What was that?" nababahalang tanong ko.

"I can't get out unless I'm done with my business here." naiiritang sabi nito at namulsa pa. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin na ikinasimangot ko. "As for your question. Oo, dapat wala ng bisa pa dahil lumagpas na sa takdang oras. Isang minuto lang ang meron para magawa ang kahilingan. Pero dahil tanga ka, eto ang nangyari."

At talagang ako pa ang na-tanga dito!? Malay ko ba namang totoo siya! Tsaka si Marylou ang may kasalanan nito!

"So, anong gagawin mo ngayon?" pagtatanong ko.

"Malamang dito magpapalipas ng gabi hanggang sa susunod na gabi." kibit-balikat na sagot niya na tila ba buong mundo alam ang sagot na iyon.

"Ha? Makikitulog ka rito? Hindi pwede!" angal ko sa kanya. "Lumayas ka na!"

"May I remind you na kasalanan mo ito dahil di ka kaagad humiling! Kaya manahimik ka!" sigaw din niya sabay higa sa tabi ko.

Ameee!! Pati ba naman sapatos dala niya? Di ba niya pwedeng tanggalin yan?

"Hoy, ano ba! Wala ka ba talagang magagawa para makaalis dito?" sita ko sa kanya. Umusog ako sa kabilang dulo ng kama at hinila ang kumot. "Kahit ano! Gawin mo!"

"Ang ingay mo." reklamo nito. Saka lang siya naupo at inis akong binalingan. "A damn request then."

"Request?"

"Yeah, a request. I grant every kind of wishes by 11:11 to 11:12. The person who summons me must make a wish by that amount of time, if not, I'll be stuck with them for the next hours till the next 11:11pm." matabang na paliwanag nito na kulang nalang talaga ay makatulog siya habang nagsasalita.

"And, what's with the request?" tanong ko ulit.

"A request is like a wish, but in a lower caliber. If you ask me to do something, and I comply, I can get out of this forsaken place." humikab siya saka tumayo. Nagpagpag ng sarili at muling namulsa.

"Marylou did not told me that." bulong ko sa sarili ko. "I didn't know it was complicated like that."

"So, tell me what you want." pagmamadali nito.

"I don't have anything I want in particular." sabi ki rito. Ipinilig ko ang ulo ko at tumitig sa kisame saka nag-isip. "Maybe a hug, then?"

"A-what?" dismayadong napabuga ako ng hangin sa tinuran niya at tinaasan siya ng kilay.

"Saang lupalop ka ba nagmula? O sadyang bingi ka lang? Kailangan paulit-ulit, ha?" iritableng tugon ko rito. Nakita ko ang pagganti niya ng taas-kilay.

"Gusto mo bang masapak, ha?" banta nito na iniamba pa talaga ang palad.

Itinaas ko din ang mga braso ko bilang panangga sakali mang gawin niya talaga. Sa itsura pa naman niya parang isa siya sa mga pumapatay sa past life niya. Katakot.

"May alam ka ba sa respeto?" pabalang na tanong ko.

Ngumisi naman ito. "Yeah. And I also know the word equality."

"Equality?"

"Oo. Kapag sinapak ako, gaganti ako. Mapababae o lalaki pa man iyan. Equality!" dismayadong napabutong-hininga ako at napahilamos pa ng mga palad sa mukha.

"Hindi mo alam ang ibig sabihin ng equality! That's pure stupidity!" singhal ko. "Sino bang nasa tamang pag-iisip ang mananapak ng babae, ha?"

Tumawa lang naman ito at muling naupo sa gilid ng kama. Nakasimangot na naghalumbaba naman ako at tinitigan lamang siya. May kung ano siyang kinakalikot sa kanyang daliri, tila babaeng bagong daan sa manikurista.

May pagkasamaarte din pala 'tong kumag na ito. I wonder, bakla ba ito?

"Oh, ano na?" untag nito. Napakurap naman ako ng mata at nakamaang na sinundan siya ng tingin.

Tumayo kasi ito at naglakad hanggang sa may pwesto ko. Tumayo sa harap ko ng nakapamulsa, tinitigan ako ng kanyang matatalim na matang kulay asul.

"What?" tanong ko sa kanya.

"A request. Quick."

"Madaling-madali? May lakad lang?" pang-aalaska ko rito. Lalong sumama ang tingin nito kaya napalabi ako. "Psh. K, Fine. Give me a hug."

"Heck, no!" mabilis na angal niya. Ako naman itong napasama ng tingin. "I would never!"

"What? You're supposed to comply! That's what the legend says!" asik ko din.

"Pero ayuko!" tanggi pa din niya. "I am not going to hug anyone. Especially, you!"

"Aba-aba!" inis na turan ko. "Grabe ka, ha! Kung ayaw mo, ‘di ‘wag! Para namang gusto kong mayakap ng tulad mo. FYI, ‘di kita type!"

"Like wise. ‘Di ko gusto ang mga flat!" asik din nito na lalo kong ikinainis.

Wala sa sariling nai-krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa kahihiyan at pagkairita sa kanya. Oo nga't ‘di kalakihan ang hinaharap ko, pero ang ipagdikdikan sa mukha ko ang pagiging flat!? Aba'y sobra na ‘yun, ah!

"FYI, ‘di ako flat! May umbok kaya!" depensa ko.

Heaven's sake! ‘Wag na ‘wag na ‘wag na ‘wag mong babanggitin ang hinaharap ng mga babae! Takte, nakakababae ‘yun! At itong pesteng mokong na ito!

"At saan banda? Umbok, my ass. Foam lang ‘yan ng bra mo, uy!" nakangisi niyang turan.

At, talagang nakangisi pa siya? Asan ang hustisya!?

Dinampot ko ang unan at saka iyon binato sa kanya. ‘Di pa ako nakuntento't dinampot ko din ang bag ko sa sahig at ibinato iyon sa kanya.

"Asan ang equality na sinasabi mo, ha? Nanglalait kang hayop ka!"

"Am not! Its the truth!"

"Walangya ka! Sino ka para sabihin iyon!?"

"Psh. Flat is justice, you know?" matapos sabihin iyon ay bigla siyang naglaho mula sa kinatatayuan sa may bintana.

I made a 360° turn to scan the whole room. Pero wala akong nakitang pesteng mokong sa kwarto. Saan naman kaya napunta ang isang yun?

Ha! Sana nakalayas na ang mokong na iyon dahil pagnakita ko pa siya, talagang masisipa ko siya!

Hmp! Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng flat. Kala naman niya! FYI, mas may hinaharap ako kesa kay Marylou! ‘Di man sobrang laki, at least meron! At least may dibdib! At least humihinga at–

"Ameee!!" pagpalahaw ko sa gulat ng may mga brasong pumulupot sa akin mula sa likod.

"It’s Akio, dummy." bulong niya sa may tenga ko. At mas ikinagulat ko ng marahas niya akong itulak.

Napadapa ako sa kama at kasabay ng malakas niyang pagtawa ay ang muling pagbugso ng malakas na hangin. Sa lakas nito ay bumukas pa ang bintana. Naglaho na din ang tawa niya at nang lingunin ko kung saan siya nakatayo kanina, naningkit ang mata ko ng makitang wala na siya roon.

"Akio, my ass!" inis na bulong ko. Marahas kong isinara ang bintana ng kwarto ko at nahiga sa kama. "’Wag ka na magpapakita sa akin, mokong ka!"

 

-wish11:11-

 

Nakaupo lamang ako sa couch na madalas upuan ni Ms. Levi. Tulala. Nakatitig sa kawalan. Nakatayo sa tapat ng cash registrar si Ms. Levi, kausap niya sa labas ng counter si Mio na antok na antok ang itsura.

Pansin ko na maya't-maya ang pagsipat niya sa akin pero di ko siya magawang tingnan. Kanina pa ako nakaupo, walang ginagawa. At parang wala akong ganang kumilos.

Nang makita ko si Manager Anne ay wala sa sariling napasipat ako sa kanyang dibdib. Hindi rin iyon ganoon kalaki, pero mas malaki kesa sa akin. Maski si Ms. Levi may ipagmamalaki ding hinaharap, sexy din siya. Tapos ako?

"’Di ko gusto ang mga flat!"

"Umbok, my ass! Foam lang ‘yan ng bra mo, uy!"

"Walanghiya siya!" anas ko at sa ‘di ko malamang dahilan ibinato ko ang hawak kong notebook. "Titirisin ko talaga siya!"

Ang sama niya. Super sama! Sa dami ng pwedeng mapuna, hinaharap ko pa talaga!? Matatanggap ko pa kung sasabihin niyang ang pangit ko. O ‘di naman kaya, pandak ako. O kaya, mataba ako! Pero ang laitin ang dibdib ko? Ibang level nang kasamaan 'yun!

"Anong problema, Thea?" biglang sita ni Manager Anne. At ng sandaling lumapit ito sa akin, dumapo ang mata ko sa harap niya.

Ameee! Kainis! ‘Di ako mapakali!

"Wala naman." nakaiwas na sagot ko sa kanya. "May naalala lang ako."

Kainis kasi! Ba't ko nga ba iniisip yun? Haist!

Umayos siya ng tayo at marahang tinapik ang balikat ko. Umalis din siya pagkaraan kaya tumayo na din ako at lumapit kay Ms. Levi na may kausap sa cellphone. Lumayo naman ito ng kaunti sa’kin.

Gaya ng dati, bilang lang din ang nasa cafe ngayong araw. Mukhang mga kolehiyo pa ang mga ito dahil sa mga laptop na nakabukas. May mga folder din sa lamesa nila. Maski ang antukin na si Kuya Mio ay nakita ko sa isang table sa gilid at tutok sa kanyang laptop.

Nagsisimula na ata siya sa kanyang thesis. I wonder kung about sa ano ang thesis na ginagawa niya.

"Maaga tayong magsasara. May kailangan akong asikasuhin." anunsiyo ni Ms. Levi pagkalapit sa akin. Nagsenyas din siya sa iba about sa anunsiyo niya na kanila naman ikinatango.

Palihim lang akong napangiti dahil doon. Dahil ibig sabihin lang din niyon ay maaga akong makakauwi at makakapagpahinga din ako ng matagal-tagal. Makakapag-aral din ako ng ilang oras.

At gaya nga ng sinabi ni Ms. Levi, maaga kaming nagsara. At by 7pm ay nakauwi na ako ng bahay. Dumaan din ako sa grocery store para makabili ng maluluto sa bahay. Ilang araw na din kasing laging fast food ang kinakain ko.

Habang nasa kusina ako at naghahanda ng makakain, bigla kong nasipat ang kabuuan ng bahay. Mula rito sa counter ng kusina ay tanaw ko ang aking kama. Nakalapag sa ibabaw nito ang bag ko.

Pero hindi iyon ang nakapagpangiwi sa akin. Kundi ang mga kalat sa sahig. Ngayong nakabukas ang ilaw at maliwanag ang buong silid, kitang-kita ko ang nakakalat na mga damit sa sahig, ang ilan sa mga papel na nilamukos ko at mga plastic ng junkfoods.

Makalat. Sobrang kalat. Parang basura ang lagay ng sala ko. Kung saan-saan nakasabit ang mga gamit na damit, magulo ang mga libro sa study table at..

"Medyas ko ba yun?" bulong ko sa sarili ko nang mapansin ang nakasabit na tela sa may hook ng jacket.

Psh. Wala na pala akong oras para makapaglinis ng bahay. Maaga kasi akong umaalis para pumasok, tapos gabi na din kung makauwi dahil sa trabaho. Hindi ko na nga nabubuksan ang ilaw kapag dumadating ako, eh. Sa sobrang pagod ay natutulog na 'ko agad kapag uuwi.

Hindi naman sa makalat akong tao, di rin naman ako malinis na tayo. Siguro 50-50, ganun. Kapag tinamad ako, makalat talaga ang bahay. Pero kapag good mood naman ako, buong bahay makintab. Sadyang ngayon talaga ay ‘di ko nagagawa iyon.

Napabuga ako ng hangin. Naiiling na binalikan ko ang ginagawa ko. Siguro gagawin ko nalang iyon mamaya pagkatapos kong kumain.

"Kung sipagin ako.." wala sa sariling naibulong ko at napahagikhik sa huli.

Tinapos ko na din ang ginagawa ko at naghanda ng makakain. Hindi naman iyon ganoon kadami dahil isa lamang ako at ng matapos ako ay naupo ako sa aking study table at binuksan ang aking libro.

Ganito talaga ako kapag kumakain. Pinagsasabay ang pag-aaral. Dahil kasi sa kakaunting oras na mayroon ako, kinakailangan kong doblehin ang ginagawa ko lalo na kapag ‘di naman iyon mabibigat na gawain. Sana'y naman ako sa ganoong lagay kaya ‘di na ako nahihirapan pa.

At dahil nakaramdam na naman ako ng labis na katamaran, iniwan ko sa lamesa ang pinagkainan ko pagkatapos at dumapa sa kama. Dala ang mga libro at notebook para simulan ang aking mga assignment. Pinatay ko na din ang ilaw at tanging bed lamp lang ang binuksan ko para tipid din sa kuryente.

Ngunit nabulabog ang tahimik kong pag-aaral dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone. Inis na dinampot ko iyon sa aking bag at ‘di ko naiwasang ‘di mapaikot ng mata nang makita ang pangalan ni Marylou sa screen nito.

At ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito sa akin ng ganitong oras?

Muli akong dumapa sa kama at sinimulan ulit ang naudlot kong pag-aaral. Bagama't naiinis ay sinagot ko nalang din ang tawag niya dahil alam ko na hindi siya titigilin. At kapag nangyari iyon, tuluyang masisira ang mood ko ngayon.

"Anong kailangan mo?" bagot na sagot ko rito.

"Babae! Anong balita sa 'yo?" sagot niya mula sa kabilang linya. Nahimigan ko pa ang pagkasabik sa tinig nito na aking ipinagtaka.

"Nagkita tayo ilang oras lamang ang nakakalipas, anong klaseng tanong naman iyan?" kunot-noong sagot ko rito.

Buntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya. Napangiwi ako. Ngunit di dahil sa pagkadismayang pinaabot niya kundi sa mga nakasulat sa libro na inaaral. Isa sa pinakaayaw at pinakanahihirapan kong subject ay physics. At kung minamalas ako ay may mahabang pagsusulit kami bukas.

"Gumana ba iyong kwento?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundong pananahimik.

"Anong kwento?" wala sa sariling sagot ko. Nasa libro ang atensiyon ko kaya ‘di ko siya masyadong maintindihan.

"Yung tungkol sa alamat! Iyong wish granter sa 11:11!"

"Ah?"

"Althea!" pagpalahaw niya. Nailayo ko pa ang cellphone ko sa tenga ko para maiwasang mabingi sa lakas ng boses niya.

"Ano ba kasi iyon?" may pagkairitang tugon ko. "Alam mo bang ginugulo mo ang pag-aaral ko? Tsaka, kung wala kang magawa, matulog ka na lang."

Hindi kami magkapareho ng klase ni Marylou kaya ‘di ko alam kong may pagsusulit din sila bukas gaya ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang schedule niya, dahil nasa ibang klase niya. Tsaka sa school namin, magkakaibang araw ang schedule ng bawat subject namin kahit pa pare-pareho kaming nasa huling taon ng highschool.

Pero knowing Marylou, wala naman siyang pakialam kahit bumagsak siya sa klase. Sabi nito, basta maipasa niya ang taong ito, ayos na siya. Sapat na daw sa kanya kahit pasang-awa lang. Minsan gusto ko siyang batukan sa ganoong pag-iisip niya. Wala ba siyang pangarap sa buhay?

"Banggitin mo na." biglang utos niya. Tila nagtatampo ang boses nito kaya nahinto ako sa pagsusulat.

"Sorry?" alanganing sagot ko. Muli itong sumigaw kaya muli ko ding inilayo ang cellphone sa tenga ko.

"Nakakaasar ka! Pati sina Manager Anne, Ms. Levi at Kuya Mio, nakakaasar kayo! Ba't ba kayo ganyan?"

"Ano ba kasing problema?"

"It's almost 11:11. Call out his name." pag-uutos muli niya.

Napatihaya na ako sa kama at nagbuntong-hininga. Napatitig ako sa kisame.

Alas-onse na pala. ‘Di ko man lang namalayan ang oras. Ang bilis naman ata. Pakiramdam ko ilang minuto palang ako nakakapag-aral pero heto, maghahating-gabi na. Ba't ba ang bilis ng oras?

"Thea! Few seconds before 11:11. Call him!" sigaw niya sa kabilang linya. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?

"Who?" inaantok na sagot ko. Napahikab pa ako pagkatapos at narinig ang sigaw niya.

"The name's Akio!" nanahimik siya ng ilang segundo. "Now! Say the name I said!"

Nangunot ang noo ko. "Uh.. Akio..? Kaninong pangalan ba 'yun?"

"Psh. Goodnight!" pag-dadabog nito saka ako binabaan. Napapangiwing tinitigan ko naman ang screen ng cellphone ko bago nailing.

"Wala talagang alam kundi ang mangbulabog. Nag-aaral ako, eh." reklamo ko.

Ibinaba ko ang cellphone sa kama saka muling dumapa para ligpitin ang mga gamit ko. Dahil sa pangbubulahaw ni Marylou, nawalan na ako ng gana para makapag-aral ulit. Matutulog nalang siguro ako ngayon.

"Gaaah! Istorbo talaga ang babaeng iyon!"

"At may gana ka talang magreklamo sa ginawa mo?"  angil ng isang tinig na ikinatigil ko.

Did I just.. Did I just hear that voice?

"Hoy!" Ameee! Andito nga siya!

Nanlalaki ang mga matang dahan-dahang umikot ang ulo ko para lingunin siya. At sa kabila ng madilim na silid, kita ko ang pamilyar na bulto na nakatayo sa paanan ng kama ko. At malinaw sa paningin ko ang matalim at asul niyang mata na nakatitig sa akin.

"Ameee! Ba't ka nandito!?" gulat na sigaw ko rito. Napaayos pa ako ng upo ng sipain niya ang paanan ng kama.

"Humiling ka na, bilis! Mauubos na ang oras!" utos niya ng pasigaw at kung pwede nga lang sirain na niya ang kama ko sa kakasipa niya.

"Teka! Wala naman akong wish, eh! Aksidenteng natawag kita!" depensa ko rito.

Pero ‘di siya nakinig. Tuloy lang siya sa pagsipa sa paanan ng kama ko. Uwaaah! Ano bang problema ng lalaking 'to? Sisirain niya ba ang kama ko?

"Aksidente na naman!? Ako ba'y pinaglololoko mo, ha, flat-chested na babae!?" singhal nito kasabay ng pagtigil sa paninipa.

Naningkit naman ang mata ko at napasimangot ako sa itinawag niya sa akin. Sa inis ko ay dinampot ko ang makapal na libro ng chemistry at saka iyon ibinato sa kanya.

"Hindi ako flat-chested, mokong ka!" sigaw ko.

Pero bago pa tumama sa kanya ang libro ay naglaho na ito sa hangin. At bago pa ako makasigaw ng kung anu-ano, lumitaw ito sa taas ko at nahulog. Noon ako napasigaw sa sakit ng bumagsak iyon, sapol sa bunbunan ko.

"Ang tanga-tanga mo, eh, noh?" angil nito at naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Nakita kong naupo na siya sa dulo nito at pinag-krus ang mga braso. "Ubos na naman ang oras ko! At ikaw, sa sobrang katangahan mo, naiwan ko pa yung milktea na binibili ko!"

"Ginusto ko ba ‘yun!?" asik ko rito at binalak siyang sipain pero tumagos lang ang paa ko. "’Di ko alam na multo ka! ‘Wag mo akong sasapian!"

Bakit ganoon!? Kahapon lang ay nahawakan niya pa ako. Nayakap niya pa ako. Pabalang na itinulak tapos ngayon para siyang hangin!? So ano, kapag siya nananakit, ayos lang? Tapos pag-ginagantihan, hindi pwede?

Asan ang hustisya!?

"Manahimik ka! Masama mood ko ngayon. Tsk." padabog itong naghalumbaba. "Dahil sayo nagsayang ako ng pera para sa milktea na iyon. Psh. ‘Di ko man lang nakuha." pagrereklamo niya sa sarili. "Ba't kasi ang bagal kumilos ng pesteng babae na nandun?"

‘Di ko naiwasang ‘di mapangiwi sa mga sinasabi niya. Gaano ba siya kaadik sa milktea at iyon ang pinuputak ng butsi niya? Mas mahalaga pa ba iyon kesa sa lagay niya ngayon? At infairness sa kanya, ha, may pera pala siya pangbili ng ganoon?

"At kasalanan mo din iyon!" biglang baling nito na dinuro pa ako.

"Ba't ako?" angil ko saka umatras. Baka mamaya hablutin na naman ako ng isang 'to at daganan.

"Kasi kung ‘di mo ako tinawag, ‘di ko sana maiiwan iyon!" napasimangot naman ako. Malay ko bang bumibili pala siya nun. "At sa katangahan mo, hindi ka agad humiling kaya naubos na naman ang oras! ‘Di ko na mababalikan kaagad ang milktea ko!"

Napaikot ako ng mata at padabog na niligpit ang mga gamit ko. Inis ko ding hinila ang kumot ko saka inayos ang mga unan ko.

Psh. Milktea lang nagkakaganyan siya? So unreasonable!

"Kung ‘yun lang naman ang ikinagagalit mo, doon!" anas ko saka itinuro ang maliit na ref ng kwarto. "May dalawang medium size ng miltea roon. Laklakin mo na!"

At wala pang isang segundo ay nandun na siya sa harap ng nakabukas na ref at naghahanap. Taas-kilay ko lang itong tinitigan ng ilabas niya ang dalawang milktea na ibinigay ni Ms. Levi.

‘Di naman kasi ako mahilig sa ganyan, eh, buti nalang wala akong nakitang pulubi kanina dahil baka naibigay ko na. At kapag nagkatoon, baka hanggang ngayon ginigisa niya pa din ako sa naiwan niyang milktea. Tsk.

"Jeez, this taste sucks." komento nito. ‘Di ko naiwasang pagtaasan siya ng kilay dahil halos mangalahati na ang laman ng isa sa unang lagok niya lamang.

Ameee, ginawang tubig?

"Kung ayaw mo, ‘wag mong inumin!" singhal ko sabay bato ng isang unan.

Pero bago pa iyon umabot sa kanya ay sumabog ito kaya nagkalat ang laman-loob niyon. I mean, bulak na laman pala.

"Wala akong sinabing 'di ko iinumin." angil nito.

Prente siyang naupo sa kitchen counter, naka-krus ang binti at hawak sa isang kamay ang milktea. Ayan na naman siya sa senyorito vibe niya at sa 'Don't touch the cup with your five fingers' thing. Lakas ng amats nitong mokong na ito.

"Hoy, mokong!" tawag ko pero inirapan niya lang ako.

"The name's Akio. A-K-I-O. Akio." pagtatama niya na siya namang ikinaikot ko lang ng mata.

"Aki-whatever. Kailan mo balak lumayas? Matutulog na ako." pagtataboy ko saka ako nahiga sa kama. Though nakatagilid ako para kaharap ko siya na nakaupo pa din sa kitchen counter.

Para siyang bakla sa pagkakaupo niya, eh.

"Kung nag-wish ka lang agad, edi sana walang problema." bagot na sagot niya saka inilapag ang wala ng lamang cup. Dinampot niya naman ang isa. "So, unless you request something I need to do, I can't get out of here."

"Wala naman akong kahit anong gustong ipagawa sa 'yo." mahinang wika ko sabay tihaya at titig sa madilim na kisame. "Sadyang aksidenteng natawag kita at–"

Napalingon ako sa kanya ng makarinig ng kalabog. At sa kakaunting ilaw ng silid ay nakita kong nakasalampak siya sa sahig. Pero himala at di natapon ang hawak niyang milktea. Nakataas pa ang kamay niyang nakahawak roon.

Ameee, ingat na ingat sa inumin, ah! Doon ba nakasalalay ang buhay niya?

"What the fuck! Ang kalat!" reklamo nito na nakaupo pa din sa sahig. "Kwarto ba 'to o tambakan ng basura? Dinaig mo pa ang lalaki sa sobrang kalat!"

"Psh. Sorry, ah. ‘Di ko knows na sobrang arte mo pala." sabi ko rito. "Tsaka busy ako kaya ‘di ko nagagawang makapaglinis at–"

"..unless you request something I need to do.."

"Actually, I think I know my request." wika ko pagkaraan. Kasabay ng pagngisi ko ay ang pagmumura niya.

"Oh, hell no! Tell me it’s not what I think it is!" sigaw nito. Nagkukumahog na tumayo ito pero tinalikuran ko lang siya at nagkumot.

"Akio, I want you to clean my house. From the buttom to the top."

"F*** you!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

  • Made a Wish   Cindrella

    AKIO'S POVThis is crazy.This day is the worst!Nagsayang ako ng pera sa pagbili ng large size na milktea dahil bago ko pa iyon makuha, napunta na ako sa kwarto na ito. Badtrip na nga ako sa nangyari, ngayon naman paglilinisin pa ako mg babaeng 'to.Ano ba ako sa akala niya? Maid niya? Katulong!? Takte yan, ah!Ako 'to. Si Akio! The Great Wish Granter in the history. I've given every person who knew me what they wished for. I've lived for so many years! I've been good with this!And this? This is what the universe will give me? Chores!? A fucking chores!? Seriously, asan ang hustisya!?"Hoy!!" untag ko sabay sipa sa paanan ng kama niya. "Hoy, gising! Babaeng flat-chested, gumising ka!"Napapalatak naman ako ng wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. Nagtalukbong lamang ito ng kumot at dumapa sa kama niya. Naghihilik pa ang babaeng 'to!Gaaah! Talaga bang tinulugan niya ako!?"Hoy, ano ba! Gumising ka nga!" untag ko ulit.Hinila ko na ang binti niya para

  • Made a Wish   Unfortunate Events

    ALTHEA'S POV Napasigaw ako nang makita ang oras sa alarm clock. Lagpas 7am na naman! Ba't na 'di na naman 'to tumunog kanina!? Mali-late ako neto, eh!Mabilis akong bumangon at humugot ng damit sa closet ko. Mabilis na naligo at nagsipilyo na din. Kahit tumatagaktak pa ang tubig mula sa basa kong buhok ay lumabas na kaagad ako ng banyo suot ang uniform ko. Inilagay ang mga gamit sa bag saka isinukbit sa balikat ko.‘Di na ko nag abalang sipatin ang sarili sa salamin at kaagad na isinuot ang aking sapatos. Bitbit ang suklay na lumabas ako ng apartment at patakbong bumaba ng hagdan. Nagsusuklay ako habang tumatakbo sa daan tungo sa malapit na bus station. Sana talaga makaabot ako dahil pag hindi, talagang lagot ako sa prof namin ngayon. Patay din long quiz ko kapag na-late ako dahil di na ako papapasukin pa.Kainis. Kainis. Kainis. Kainis!"Sandali po! Sandali!" pagsigaw ko nang makita ang kakaandar palang na bus. "Pasakay ako! Sandali!"Ameee!! Tumigil ka please

  • Made a Wish   Big Bully

    AKIO'S POV A big bully.Bahagya akong natawa ng maalala ang sinabi ng babaeng iyon. Natatawa pa din ako kapag naaalala ang sinabi niya kagabi. Psh. Para yun lang ang ginawa ko naisip agad niya ang bagay na iyon. Ang bilis naman.Pero nakakatawang inabot pa siya ng maghapon bago ma-realize na ako ang may kagagawan sa kamalasan niya. Hello, gumaganti lang naman ako. Paglinisin ba naman ako ng buong bahay niya na mukha ng tambakan ng basura. Tapos pinaghugas pa ako ng sandamakmak na hugasan.And worst; she called me a fucking Cinderella. A boy version to be exact. Not that it matters though. I still don't like that name.Hindi ko malaman kung trip niya lang bang tulugan ako lagi kapag tinatawag niya ako. Ilang beses na din kasi niyang ginagawa iyon, at hanggang ngayon ay wala pa din siyang actual wish. Lahat puro request lamang siya. At puro naman walang kwentang request.At heto nga, nangyari na naman. Tinulugan na naman ako kaya wala akong nagawa kundi ang manatil

  • Made a Wish   Bad Guardian

    AKIO'S POV The things I hate the most is when someone or something messes up with my things. Someone sticking their noses in my business. And above all, touching what's mine.I may have live for a longer times than any normal human did. But even so, I am still me. After all the years wondering in this forsaken planet; watching how the world changes and evolve. The me before, never once change.I am territorial. I hate it when anyone comes close to what's mine. Hate it when they try to pry on my properties. It always ticks me off when they touch anything I claims or owns. It irritates me when they stalk at my prey.As I've said, I am a bully. Once a bully to be precise. And I pick out my targets meticulously. And when I did, I always calls dibs on them. When I did, they are my prey. And no one is allowed to touch them unless I gave permission to.My shoulders perks up upon hearing the ringing of the school bell. Students started to swarm the classroom, loud chatter

  • Made a Wish   Our Wishes And Desires

    ALTHEA'S POV "This is boring." biglang reklamo niya sabay higa sa kama sa gilid ko. Inabot nito ang isang unan at mahigpit na yinakap. "I can't believe you could stay here all day without doing anything.""I'm studying." tipid na sagot ko saka ibinalik ang mata sa libro na binabasa ko. "Studying is actually fun.""Books aren't fun. Its just a bunch of words." he answered deadpanned, rolling on his side. "There isn't interesting on those. And beside, don't you have anything to do other than reading? Like, going out with your friends or dating?"Napangiwi ako sa sinabi niya sabay sandal sa headboard ng kama. Nanatiling nakabukas ang libro na hawak ko kahit pa napasipat ako sa labas ng bintana. Hindi gaanong mainit sa labas at pumapasok din ang malamig na hangin."I don't have any friends other than the people at the cafe," sagot ko saka siya muling sinipat. Nakahiga pa din ito at bahagya lang akong binalingan kaya ngumisi ako. "I don't date anyone, because none had

  • Made a Wish   What A Heart Wants

    ALTHEA'S POV I stared vacantly at the faraway flickering lights on the faraway houses. The leaves and branches of the trees dancing along the gust of cold wind. My window was wide open, and I inhalled the cold wind that came inside.My eyes was heavy from wanting to sleep already. I felt tired. My mind was foggy from all the thoughts swarming in my head. I can't stop chewing my lower lip as my fingers tap anxiously on my knees. I can't stop.I feel giddy. And at the same time, scared. Anxious. I can't really think properly right now. The only thing thats running on my head is that, for the first time; I'll be able to talk to my mother. Finally.But what am I going to do when I'm in front of her? What should I say? How should I react? What is she like anyway? Will she be glad? Will she recognized me?I don't know anything about her. Nor my father, too. Since wala naman silang relasyon at 'di rin sila magkakilala noon, walang kaalam-alam si Papa sa kanya. Ang madala

  • Made a Wish   Remnants Of Our Loved One’s

    ALTHEA'S POV "May exam ka bukas, hindi ba?" biglang sabi ni Marylou na ikinahinto ko. Marahan akong tumango na kanyang ikinangiti. "Sabi ni Manager Anne, umuwi ka daw ng maaga para makapag-aral. Wag ka mag-alala 'di naman daw ibabawas sa sweldo mo."Isa sa mga rules and regulations na meron ang cafe namin ay iyong pag-uwi ng maaga kapag may exam kami kinabukasan. Since 'di naman magkakapareho ang schedule namin at magkakaiba din ang course ng tatlong nasa college, hindi rin sabay-sabay ang mga exam. Kapag ganoon, talagang pinapauwi kami para may oras kami na mag-review."Ayos lang ba? Eh, wala si Ms. Levi, baka.." nahinto ako sa sinasabi ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay sinalubong ako ng mga gamit ko."Sige na, maaga din naman magsasara ang cafe." inaantok na sabi ni Kuya Mio. Halos itulak pa ako palabas ng cafe sa ginawa niya. "Pagnalaman 'to ni Levi, ako naman ang mayayari."Wala na din naman akong nagawa kundi ang umuwi na lamang lalo na nang ibiga

  • Made a Wish   A Life For A Life

    AKIO'S POV Nakahalumbabang tinitigan ko ang malalayong kabahayan habang hawak ang litrato noong araw na iyon. Napabuga ng hangin at muling ibinaling ang mata sa sariling litrato na hawak ko. Pinakatitigan ang gilid nito kung saan ko nakita ang malabong imahe na iyon.Sobrang labo niyon kaya 'di ko nakita ang mukha niya. Ang matamis na ngiti lamang sa labi nito ang nakita ko. At hanggang ngayon, sa 'di ko malamang dahilan ay nakarehistro pa din iyon sa utak ko. 'Di maalis.Ngunit gaya noong araw na iyon, wala na ang imahe ngayon. Naglaho iyon ng sandaling mapabaling ako sa ibang direksiyon. At mula noon, 'di na iyon bumalik. 'Di ko na nakita pa.'Di ako sigurado kung sino iyon. Pero malakas ang pakiramdam kong siya nga iyon. My mother who died few months after (they thought) I died. As I said, it was already 200 years ago, and the memory was already lost. I can't remember her. Or anyone. I can barely remember my own life before I became like this.May mga kapatid b

Pinakabagong kabanata

  • Made a Wish   About the Author

    About the AuthorHenry C., also known as Beniochaaaan in wattpad is a big fan of anime. In her free time, she mostly spends it at home watching anime series, listening to Avril Lavigne’s songs or reading mysteries. An incoming college student who found peace and comfort on writing and reading mystery stories. For someone who’s still new in the field of writing, she’s still exploring every genre to find the right theme for her.

  • Made a Wish   Made a Wish at 11:11

    (AFTERMATH)ALTHEA'S POV"Cinderella!!""What the–don't call me like that!""Come on, I'm already starving. Give me my food.""Ba't ba kasi nandito ka?" naiiritang wika ko sabay lapag ng pagkain sa mesa. "The hell are you barging here in my apartment?""Tambay." tipid at bagot na sagot naman ni Marlou na nakaupo sa kama ko. "At makikikain na din.""Oo nga! Tsaka, you promised to go shopping with me today." nakangising sabat ng kapatid kong si Melanie na naghahalungkat sa drawer ko. "And I know, kung hindi kita pupuntahan rito para kaladkarin papunta roon, your damn ass bitch will ditch me.""Language, please." saway ko na may pag-ikot pa ng mata. "Tsaka, kaya ayaw kong sumama mag-shopping dahil alam kong gagawin mo akong taga-dala ng mga pinamili mo.""Hindi kaya!" angil naman nito sabay nguso sa lalaking nakaupo sa kama. "Kaya nga sinama ko 'yan, eh. Para may katulong tayo.""Teka!" angil na din ni Marlou. "Akala ko ba si Thea ang Cinderella dito? Ba't ako magiging k

  • Made a Wish   Epilogue

    ALTHEA'S POV"It's almost time." mahinang wika ko bilang pukaw sa atensiyon niya.Habang palalim ng palalim ang gabi, lalong lumalamig ang paligid. Ngunit sa mga karaniwang pagkakataon, kapag ganitong magkasama kami ay madalas akong antukin. Ngunit ngayon, mukhang ayaw akong dalawin ng antok."Cinderella?" muling tawag ko nang hindi siya sumagot. "Umuwi na tayo. Baka mamaya maiwan mo 'ko rito at–""I'm not going anywhere." putol niya at mas yinakap pa ako. "I'm not leaving. So stay still.""What does that mean?""I'm starting to slip away. But don't worry, I've got plenty of time." wika niya.For some reason, that words had gave me a strange relief. A bubble of satisfaction erupted in my inside that I can't help but to smile. I feel rather light."Let me spoil myself." dugtong pa niya dahilan para mapatawa ako ng mahina."Hey, I want to take advantage of it. So, can you spoil me, too?" tumingala ako para makita ito at sinalubong naman kaagad ako ng nakangiti ni

  • Made a Wish   Our Life Memories And Wishes

    ALTHEA'S POVNapahawak ako kaagad sa dulo ng suot kong malaking sombrero nang umihip ang napakalakas na hangin. Naipikit ko pa ang mata ko't kulang nalang ay magtago ako sa likod ng kasama ko.Nang tuluyang humupa ang malakas na hangin ay saka ko naman nadinig ang hampas ng alon sa dalampaaigan kasabay ng mga ingay ng mga tao. Tawanan ng mga bata at huni ng ibon sa himpapawid.Ibinukas ko na ng tuluyan ang mga mata ko at kusang sumilay ang malapad na ngiti sa labi ko nang tuluyan kong mapagmasdan ang asul na karagatan. 'Di ko pa naiwasan ang mapatalon sa kinatatatuan dahil sa tuwa."I'm really here!" bulalas ko. "Boracay!! Here I am!!""Ingay mo." biglang reklamo ng katabi ko kahit pa halata namang natutuwa din siya sa paligid. "Baka isipin ng mga tao, eh, taong-gubat ka sa ginagawa mo."Sinipat ko siya't inirapan."Wala akong paki sa sasabihin nila. We live to express not to impress. Beside, we live in a judgemental world, kaya kunting galaw mo lang pag-iisipan

  • Made a Wish   Memories Of The Past

    AKIO'S POV"A-KI-O!"Bagot akong lumingon sa may-ari ng tinig na iyon. Sumilip naman sa may pinto ang nakangiting mukha ng isang batang babae na limang taong gulang pa lamang."May kailangan ka, Bea?" wika ko saka inilapag ang hawak kong baso ng juice. "Tsaka, ba't ka ba bumangon? Sana tinawag mo na lamang ako. Ano na naman ba ang gusto mo?"Lumapad ang ngiti nito bago lumabas sa pinagtataguan at palundag na lumapit sa akin. Nagniningning ang mga mata nito at may pagbungisngis pa bago sumampa sa kama na kinauupuan ko."Birthday ko na bukas," aniya nang nakangiti matapos maupo sa kandungan ko.Kaagad ko naman itong yinakap at hinagkan sa buhok. Humagikhik naman ito kaya napangiti nalang ako sa kabila ng pag-aalala ko."Hmm, birthday mo na pala? May wish ka ba? Pwede kong tuparin 'yun, gift ko na din." sabi ko."Talaga?" bulalas niya ngunit nasundan iyon nang malalim na paghinga hanggang sa humilig ito sa dibdib ko. "Kung ganoon, gusto kong pumunta roon sa laging

  • Made a Wish   Beyond The Boundary

    ALTHEA'S POVCinderella:For real? That's annoying.Me:Yeah. Sorry nakalimutan ko ding sabihin. It actually slipped my mind.Cinderella:Whatever.Me:Saan ka ba ngayon?Cinderella:I am currently having tea party with Queen Elizabeth.Me:Like it's going to happen.Cinderella:Truth?I am having a blast here in Palawan.Me:What!?Kainggit naman! Gusto ko ding mag-swimming sa Palawan!Cinderella:Too bad you're not with me. This could be more enjoyable.Me:Jeez..Hey, bring me something. Or else I'm not letting you in.Cinderella:I'll take you on the weekend. Promise."Thea!"Napapitlag ako sa sigaw na iyon na kamuntikan ko pang maitapon ang cellphone ko sa labis na gulat. Masama ang tinging ipinukol ko kay Marylou na siyang katabi ko rito sa bus."Naninigaw ka d'yan?" inis na tanong ko naman."Aba'y ikaw pa may ganang magalit? Kanina pa bumaba ang iba, ano, rito ka lang?" asik naman niya with matching taas-kilay pa.Napatingin naman ako sa bintana sa tabi k

  • Made a Wish   Me, You And The World

    ALTHEA'S POV"I'm really sorry, Althea. But, you know the situation, right?" pilit na ngumiti si Papa sa akin. "Pero, huli na 'to. The next time, you'll come with me.""Okay lang po." nakangiting sagot ko.It's not that it bother's me. Hindi ko naman hinahabol na kilalanin ako ng mga relatives niya, masaya na ako sa ganitong set-up. At least wala akong problema liban sa step-mom at step-sister ko."Uuwian nalang kita ng pasalubong." sabi ulit niya. "Pababantayan na din kita sa secretary ko para naman–""'Wag na po, 'Pa." mabilis na tanggi ko. "Bibisita naman po ako kay Tita Amelia. Baka din po doon muna ako ngayong sembreak."Actually, 'di 'yun totoo. Hindi ko nga ma-kontak si Tita dahil busy din ito."Ganoon ba? Mag-ingat ka, ah." tumango ako at saka naman niya ginulo ang buhok ko. "I love you."My heart swells by his sincere words that I threw myself into his arms. Me and my father has a strange father-daughter set-up. But, with this visit before leaving the c

  • Made a Wish   Cold Hands, Warm Hearts

    ALTHEA'S POV"Be sure to finish your homeworks even with this short vacation." sabi ni Ma'am pagkapalag ng kanyang memopad sa mesa. "Projects are essentials since graduating students kayo. Kaya hangga't andito pa kayo, mag-ask na kayo sa ibang teachers niyo kung may mga kulang kayo para magawan niyo ng paraan while on vacation."Bagot na tango ang isinagot ng mga kaklase ko sa mahabang paliwanag ni Ma'am. Mukhang lahat hindi gusto ang take-home activities sa gitna ng sembreak. Mas gusto kasi nilang mag-saya lang at 'wag alalahanin ang mga school works.Napabuga nalang ako ng hangin saka dinampot na ang bag ko. Tapos na din naman ang klase kaya mas maiging tumungo na ako sa cafe para makapagsimula na din ng trabaho. At para masabihan din si Manager Anne na magtatrabaho ako sa buong sembreak ko.Mas maganda na ang may kita kesa naman sa tumunganga ako sa bahay. Mahirap umasa sa allowance na binibigay ni Papa."Althea," huminto ako sa paglalakad dahil sa pagtawag na i

  • Made a Wish   In Your Embrance

    ALTHEA'S POVI stirs from my deep slumber upon hearing faint sounds in the background. Light footsteps on the floor and clanking of utensils. I even heard an annoyed huff and grumbles which was strangely familiar.I crack open an eye only to be meet by the blinding light coming from my window. I took a breath and adjust my sight before turning to my back. The noise took a halt and I felt an intense gaze towards me."Hmm.." a soft moan escape my mouth when a delicious smell fills my nostrils. My stomach followed with a loud grumbles.Nakarinig ako ng mahinnag pagtawa kaya tuluyan ko nang ibinukas ang mga mata ko. Una kong nahagip ay ang mga pagkain na nakahain sa maliit na dinig table. Umuusok pa ang mga ito, halatang bagong luto.Nakadinig ako ng mga yabag kaya hinanap ko iyon. Sakto namang nakita ko ang pamilyar na sapatos palapit sa akin na nanggaling sa kusina. Nag-angat ako ng tingin para makita siya at sinalubong naman ako ng nakakaloko niyang ngisi."Oh, the

DMCA.com Protection Status