Home / All / Made a Wish / Unfortunate Events

Share

Unfortunate Events

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:48
 

ALTHEA'S POV

 

Napasigaw ako nang makita ang oras sa alarm clock. Lagpas 7am na naman! Ba't na 'di na naman 'to tumunog kanina!? Mali-late ako neto, eh!

Mabilis akong bumangon at humugot ng damit sa closet ko. Mabilis na naligo at nagsipilyo na din. Kahit tumatagaktak pa ang tubig mula sa basa kong buhok ay lumabas na kaagad ako ng banyo suot ang uniform ko. Inilagay ang mga gamit sa bag saka isinukbit sa balikat ko.

‘Di na ko nag abalang sipatin ang sarili sa salamin at kaagad na isinuot ang aking sapatos. Bitbit ang suklay na lumabas ako ng apartment at patakbong bumaba ng hagdan. Nagsusuklay ako habang tumatakbo sa daan tungo sa malapit na bus station.

Sana talaga makaabot ako dahil pag hindi, talagang lagot ako sa prof namin ngayon. Patay din long quiz ko kapag na-late ako dahil di na ako papapasukin pa.

Kainis. Kainis. Kainis. Kainis!

"Sandali po! Sandali!" pagsigaw ko nang makita ang kakaandar palang na bus. "Pasakay ako! Sandali!"

Ameee!! Tumigil ka please! Pasakayin mo na naman ako!

Hinabol ko ang bus na ‘di pa naman ganoon kabilis ang takbo. Sigaw ako nang sigaw at kaway nang kaway sa pagbabakasaling mapapansin ako ng sasakyan at hihinto ito.

"Sandali! TIGIL!" pagpalahaw ko.

At 'di ko alam kung ikatutuwa ko ng huminto ang sasakyan 'di kalayuan. Mas binilisan ko ang takbo ko para abutan iyon, at kung minamalas nga naman ay may kasabay pa ako. Ameee! Mukhang puno na, ah!

"Kuya, pasakay naman ako. Kahit tayo nalang, may long quiz po kami ngayon, eh." hinihingal na pakiusap ko sa driver. Nagpunas ako ng pawis sa noo or baka tubig lang galing sa buhok ko. "Please po?"

Maawa ka naman sa akin, Kuya. Pagbigyan mo na ang kawawang babae na ito.

"O siya, sige. Pasok na." napipilitang turan niya. Ngumiti nalang ako at pumasok sa bus, kahit alam kong ayaw ni Kuya Driver.

Ayos na 'yun. Basta makasakay ako at makarating sa school. Basta mauna ako sa prof namin na makapasok sa classroom, titiisin ko na lang 'to.

Tinamaan din naman ata ako ng kaunting swerte dahil may bumabang pasahero kaya nakaupo ako. Kahit sa pinakalikod iyon, ay napahinga naman ako ng maluwag. Sinuklay ko na ng maayos ang buhok ko at ginamit ang ipit na iniwan sa akin ng yumao kong ina.

Pinunasan ko na din ng maayos ang buhok ko na tumatagaktak pa sa tubig pati na ang mukha at leeg ko na basa ng pawis na hinaluan din ng tubig. Para akong basang sisiw sa lagay ko ngayon. Pero iintindihin ko pa ba 'yun gayung nagmamadali ako?

Natanaw ko na din ang babaan ng malapit sa campus kaya nagpara na 'ko kaagad. Bago bumaba ay kinuha ko muna ang wallet ko para makapagbayad ng pamasahe. Sana lang talaga may barya ako para 'di na ko matalagan pa at..

Wala.

"Wala 'yung wallet ko." 'di makapaniwalang nausal ko ng ilang segundong paghahanap ay wala akong nakitang pulang gamit sa bag.

"Ineng, pakibilisan at nagrereklamo na ang ibang pasahero." sita ng driver na 'di na napigilan ang pagkunot ng noo habang nakatingin sa akin.

"Uh.." bahagya akong napangiwi at napakamot ng ulo saka napatungo. "Kuya..uh..naiwan ko po kasi ang wallet ko sa bahay..kaya.."

"Wala kang pangbayad?" angil niya na ikinakagat ko ng labi. "Aba'y batang ito. Pinasakay na nga kita tapos 'di ka pa magbabayad? Hala, sige baba na. Umagang-umaga nambwebwesit, eh."

"Pasensiya na po.." mahinang wika ko at nakayukong bumaba ng sasakyan.

Nakatungo lang ako hanggang sa makaalis iyong bus kung saan nasira ata ang araw ni Kuya Driver dahil 'di ako nakapagbayad. Napabuga ako ng hangin pagkaraan at hinarap nalang ang gate ng campus namin. Subalit muli akong napatakbo ng marinig ang pagtunog ng bell hudyat ng simula ng klase sa umaga.

"Ameee! Mali-late na ako!" pagsigaw ko habang tinatakbo ang daan tungo sa building ng 4th year.

Maski ang hallway na 'di dapat pagtakbuhan ay tinakbo ko na. Wala naman kasing kahit na sino kaya wala naman sigurong maninita sa akin sa paglabag sa rule, 'di ba? Sana lang 'di ako makita ng malas ngayon dahil talagang–

Ameee! Talaga lang, ha!? Ano bang ginawa ko para gawin sa'kin 'to!?

Marahan akong tumayo mula sa pagkakadapa ng mapatid ako ng sarili kong mga paa. Napadaing pa ako sa kirot na naramdaman ko sa tuhod ko. At kung 'di ko lang mahal ang sarili ko at ayos lang sa akin ang mapahiya, baka umiyak na ako sa sunod-sunod na kamalasan ko.

At halos ikaiyak ko na talaga ng makita ang pagdating ng prof namin at pagbukas nito sa pinto ng classroom namin. At kahit nananakit ang tuhod ko ay tumayo pa din ako at tumakbo tungo roon.

"Sir! Sandali!" pagkuha ko sa atensiyon nito. Naghihikahos akong tumigil sa tabi niya at pinilit na makangiti rito. "G-good morning, po.."

"Hm. Pasalamat ka at good mood ako ngayon. Pasok na." pagsusungit nito. Good mood daw siya eh halos umabot sa bunbunan niya ang pagtaas ng kilay.

Tumango nalang ako at pumasok na. Kaagad na naupo sa pwesto ko at napabuntong-hininga pagkaraan. Akala ko talaga 'di na 'ko aabot. Mukhang pinaglalaruan ako ng malas at swerte ngayong araw na 'to pero sana tapos na 'to. 'Di ko na alam kung ano pang gagawin ko.

Pero sa tingin ko naman tapos na ang malas ko. Naging mapayapa na din kasi ang mga sumunod na minuto ng magsimula ang long quiz ni Sir. Pinagpapasalamat ko na kahit papaano ay nakapag-aral ako sa cafe kahapon bago makauwi kaya 'di ako nahirapan sa pagsagot. Mukhang nakikisama naman ang swerte sa akin, eh.

Mabilis kong natapos ang test na bahagya pang ikinataas ng kikay ng prof namin. 'Di nalang ako nagtaka dahil lagi naman yang ganyan kapag ako ang nauunang matapos sa mga quizzes niya. 'Di ko talaga alam kung ano ang problema niya sa akin.

Bumalik ako sa pwesto ko at tahimik na naupo. Naghalumbaba habang nagmamasid sa paligid ko. Tahimik ang classroom dahil isa sa mga rules ni Sir ang bawal mag-ingay kapag oras ng quiz. At kapag nag-ingay ka, palalabasin ka. Bunos pa kapag nasa mood si Sir ay pupunitin ang papel mo at–

"Ameee!! Daga!!" pagpalahaw ko ng may sumulpot na nilalang sa desk ko.

Mabilis akong tumayo at naitulak pa ang mesa ko kaya tumumba iyon. Nakagawa ng malakas na kalabog dahilan para magsitigil ang mga kaklase ko sa ginagawa. Takot na umatras ako kasabay ng pagsipa ko sa upuan ko ng magtangka itong gumapang palapit sa akin.

"Gaaah! Shoo! Layo! Wag kang lalapit! Shooo!" pagtataboy ko rito. May bitbit pa talaga itong kapiranggot ng pagkain.

Ameee! Ba't nakatingin ito sa akin!?

"ALTHEA, GET OUT!" Napaigtad ako sa malakas na sigaw ni Sir ng sandaling iyon. Umalingawngaw ito sa buong silid at lahat ng mga kaklase ko ay nagsitungo.

"W-what the–Sir!?" 'di makapaniwalang angil ko pero nanliit lamang ang mata nito. 'Tong ching-chong na 'to, ako na naman nakita.

Wala na din akong nagawa pa kaya lumabas nalang ako. Pero bago ko lisanin ang classroom ay sumilip ako sa bintana at bahagya lang napahinga ng maluwag. Buti at 'di niya nakita ang test paper ko. Buti nalang talaga, 'di niya naisipang punitin iyon.

Umalis na din ako roon at nagtungo nalang sa gym. PE na din kasi ang sunod na klase ko at ilang minuto nalang din ang natitira sa klase ng masungit kong prof. Pagpasok ko ng locker room para makapagpalit ay may kung anong malakas na bugso ng hangin ang pumasok din.

Naalala ko tuloy ang mokong na iyon.

Hinanap ko ang locker ko saka iyon binuksan. Mabilis na nagpalit ng damit pang-PE at lumabas na din kaagad. Ang alam ko ay volleyball ang lalaruin namin ngayon kaya mas maiging mag-warm na muna ako. Para 'di na ako mahirapan pa mamaya. Mahirap kasi kapag nakipagsabayan ako sa iba naming kaklase sa pagwa-warm up.

Narinig ko ang tunog ng bell at ilang sandali pa'y bumukas na ang pinto ng gym at nagsipasok ang mga kaklase ko. Napuno ng ingay ang gymnasium dahil sa tawanan ng mga babae at asaran ng mga lalaki.

Wala naman akong kaibigan sa klase namin kaya walang pumapansin sa akin. Malas nga lang at sa ibang section napunta si Marylou.

Nagsimula ang laro namin at napunta ako sa unang batch. At kung talagang pinagtitripan ako ng kamalasan, 'di ko matira ng maayos ang bola. Kung hindi man lumilihis sa labas ng court, hindi naman umaabot sa kabila. Minsan pa'y sumasabit sa net. O kaya naman tumatama sa bubong ng gym.

Ameee! Ano bang ginawa ko para makatanggap ng sobrang kamalasan? Hindi naman ganito dati, eh!

"Ano bang ginagawa mo, Althea? Pinapatalo mo ang team, eh!" pagsusungit ng tumatayong team camptain namin. Nakataas-kilay pa ito.

"Kung gusto mo makakuha ng mababang score 'wag mo kaming idamay. Umayos ka nga, 'wag kang tatanga-tanga!" asik din ng isa na nakapamaywang.

Pasimple akong napaikot ng mata dahil sa inis. Kala naman talaga magagaling. Eh, 'di nga mangalahati sa court ang mga serve nila, eh. Tapos puro din naman sablay ang mga tira nila.

Heh, puro lang sila pa-ganda at pa-cute sa mga lalaki. Pagbabatuhin ko sila ng bola, eh.

At dahil naiinis na din ako sa kanila, ako na ang lumabas ng court. Nagreklamo pa ang mga ito dahil sa ginawa ko pagka't kulang sila ng tao. Kahit pa minura na ako ng isa 'di ko na pinakinggan. Padabog akong naupo sa bleacher at dinampot ang towel ko.

Napalabi pa ako nang makitang sinamaan ako nang tingin ng tumatayong team captain namin. Pero ginantihan ko lang siya ng sama nang tingin. Napairap din ako pagkaraan.

Matamaan ka sana ng bola sa mukha at mahimatay. Madala sa clinic at 'di makapasok sa susunod na mga klase. Kahit yun man lang ang magandang mangyari sa araw na ito at–

"ALTHEA!"

 

-wish11:11-

 

Marahan akong nagmulat ng mata at narakaramdam ng pananakit ng ulo. Tila ang bigat ng katawan ko na kahit igalaw ang kamay ko ay 'di ko magawa. Napatitig ako sa puting kisame at 'di naiwasang 'di mapangiwi ng sumakit ulit ang ulo ko.

Ameee, ano bang kasalanan ko para mangyari 'to? Sunod-sunod na ang 'di magandang nangyayari sa akin, ah.

"Karma is a bitch." wika ng isang tinig.

Nagpalinga-linga ako para hanapin ang may-ari ng boses na iyon, ngunit ikinakunot ng noo ko ng mapansing ako lamang mag-isa rito. 'Di ko rin nakita ang nurse na nagbabantay rito sa infirmary kaya nakapagtataka na may magsasalita sa kung saan. Hmm, baka naman guni-guni ko lamang.

Sa lakas siguro ng pagkakatama sa akin ng bola ng volleyball ay baka naalog ng kaunti ang ulo ko. O baka may natamaang muscle sa ulo ko at na-activate ang sixth sense ko. And if I'm not mistaken, it could be an inhance hearing. Yung tipong maririnig ko ang pinag-uusapan ng mga tao within a limited radius and..

Napailing ako at napatawa sa sariling kahibangan. Ameee, para namang may ganun. Hello, hindi 'to fairytale para magkaroon ng mga powers-powers na yan. Tsaka, I doubt naman kung totoo yung mga sixth sense na iyon.

Black magic pa siguro maniniwala ako. Pero inhance ability? Nah, too unbelievable.

May narinig akong katok sa pinto kaya sinipat ko iyon. Sakto naman ang pagbukas nito at pagsilip ng ulo ni Marylou. May pag-aalala sa mukha nito kaya 'di ko naiwasang ngumiti lalo na ng magtama ang mata namin at napabakas sa mukha niya ang tuwa.

"Thea!" masiglang bulalas nito saka mabilis akong nilapitan. "Ayos ka na ba? 'Di na ba masakit ang ulo mo?"

"Medyo," mahinang sagot ko. Tinulungan naman niya akong makaupo sa kama na ikinatuwa ko naman. "Teka, anong oras na ba? May klase pa ako."

"Lunch break na." nakangiwing turan nito na ikinalaki ng mata ko.

"Ameee, ‘di nga!? So absent ako sa dalawang subject?" bulalas ko na kanya lang ikinatango ng mahina.

Karma is a bitch. Damn!

Imbes na itama doon sa pesteng team captain ang bola, sa akin napunta. At talagang sa noo ko pa! 'Di pa nakuntento si kamalasan at ako talaga ang pinag-absent sa klase. Na dapat siya yun, yung pesteng captain na iyon. Bakit kailangan sa akin!?

Psh. Buti nalang 'di ako nagkasugat o bukol sa nangyari.

"Kaya mo na bang tumayo? Kain tayo sa cafeteria." pag-aaya nito na siyang ikinatango ko.

Inalalayan ako nito na makatayo at inakay palabas ng infirmary. Naglagay nalang kami ng note sa desk ng nurse na umalis na ako dahil mukhang matatagalan pa bago siya makabalik. Lunch break na din kasi kaya paniguradong nasa labas din iyon at kumakain.

Pero bago kami magpuntang cafeteria ay dumaan muna kami sa gym para makapagpalit ako. Naiwan kasi sa locker ang uniform ko, at ayaw ko namang pumasok sa mga susunod kong klase ng naka-PE. Ang awkward kaya kapag mag-isa lang akong naka-PE. Tsaka, pawis din ako kaya kailangan ko talagang magpalit.

"Naku, iha, sa 'yo ba yung damit na nakita ko rito?" wika ng taga-linis ng locker namin ng magtanong ako about sa uniform na iniwan ko sa locker. "Pasensiya na, pero pinakuha ko na sa kasama ko para malabhan. Akala ko kasi madumi na, tsaka tapos na din naman ang PE class sa araw na ito. Akala ko'y di na iyon babalikan pa."

Ameee! ‘Di nga!?

"Seryoso ba 'to?" dismayadong bulong ko sa sarili ko. Sa dami ng pwedeng mangyari, kailangang uniform pa ang pagdiskitahan ng kamalasan?

Bagsak ang balikat na nagtungo nalang kami ni Marylou sa cafeteria. Hindi gaanong puno ang cafeteria dahil 30 minutes nalang din ang natitira sa lunchbreak. At dahil ayuko ng dagdagan ang kamalasan ko ngayong araw ay naupo nalang ako sa bakanteng mesa at si Marylou na ang bumili ng pagkain.

Nakahalumbabang naupo ako at nag-intay. Nagmasid sa paligid at iniisip kung ano pa bang kamalasan ang mararanasan ko sa araw na ito. Sa sunod-sunod na kamalasang ito, sana naman matapos na ito.

Pero mukhang 'di pa tapos si kamalasan at 'di pa ako nakikita ng swerte, ayan, may nangyari na naman.

Napuno ng tawanan ang buong cafeteria matapos matapon sa damit ko mula sa likod ang pagkain na dala ng isang estudyante. Napatid siguro ng sariling mga paa kaya nawalan ng balanse. Nanatili lang naman akong nakaupo sa pwesto ko at nakatungo lamang. Iniisip kung ano ba talagang problema ng mundo sa akin.

Una, late akong nagising at kamuntikan pang 'di makasakay sa bus tungo rito. Pangalawa, naiwan ko ang wallet ko kaya napahiya ako sa bus dahil wala akong pamasahe. Kamuntikan pa akong maunahan ni sir papasok ng klase dahil napatid ako ng sarili kong paa.

Kahit nakapag-aral ako at naunang matapos sa long quiz namin, napalabas din ako dahil sa pesteng daga na sumulpot sa desk ko. Na 'di ko alam kung saan galing. Pasalamat nalang talaga ako na 'di naisipang punitin ni Sir yung papel ko.

Then, ang pangit ng laro ko kanina na 'di ko din alam kung bakit! Tinamaan ako ng bola sa ulo dahilan para mawalan ako ng malay at 'di makapasok sa dalawang klase. Tapos yung uniform ko kinuha pa ng taga-laba ng mga PE uniform kaya 'di ako nakapagpalit.

Tapos eto pa!? Magtityaga na nga ko sa PE uniform ko tapos madudumihan pa!? Buti sana kung kanin at ulam lamang dahil pwede pang punasan, pero pati ba naman juice!? At talagang spaghetti pa ang pagkain na natapos sa akin, ah!

Ano pa! Ano pa bang kamalasan ang idadagdag sa akin? Ano!!?

"O, eto. Hiramin mo nalang muna 'to." abot ni Marylou sa kanyang PE uniform saka ngumiwi. "Wala naman akong PE ngayon maski bukas. Ibalik mo nalang sa susunod."

"Pasensiya na, ah. 'Di ko talaga alam kung bakit nangyayari sa akin, 'to. Mukhang pinagtitripan ako ng kamalasan dahil mula kaninag umaga pag-gising ko ang pangit na ng mga nangyayari sa akin." mahabang paliwanag ko nang pumasok ako sa isang cubicle at magsimulang magpalit.

"Baka naman, you just woke up on the wrong side of the bed?" aniya mula sa labas na ikinaikot ko lang ng mata. "O, baka naman. May ginawa ka kaya kinakarma ka."

"Wala akong ginawa." depensa ko. Lumabas na din ako ng banyo matapos makapagpalit. "Wala naman akong ibang kakilala bukod sa inyo. Tsaka kahapon pagkauwi ko ay natulog ako kaagad at–"

"You'll pay for this, I swear!"

Naningkit ang mata ko ng maalala ang sinabi ng lalaking iyon kagabi. Kasabay din niyon ay ang pagbalik sa alaala ko ng mga nangyari din kagabi bago ako nakatulog.

Pinaghugas ko ng pinggan ang mokong na iyon. Pinagtawanan sa ayos niya na naka-apron, mask at gloves habang naghuhugas. And for the record, I called him a fucking Cinderella!

Oh, I'm starting to cuss like him.

"Mary, posible bang gumanti ang mga masasamang espirito?" pagtatanong ko pagkalabas namin ng banyo. Tungo na kami sa classroom namin na magkatabi lamang nang bigla itong tumawa.

"Kung may ginawa kang 'di nila gusto, talagang gaganti sila." natatawang wika nito bago ako sipatin. "May ginawa ka ba para isipin ang ganoon?"

"Uhm.." tumingin ako sa ibang direksiyon at bahagya lang napakunot ng noo. "Nga pala, sa kwento ba ng Lola mo about sa wish granter. Are they..uh.." nakangiwing kinamot ko ang pisngi ko at sinipat siya. "..are they nice..?"

Napalabi ito na tila nag-iisip. Bahagya lang tumingin sa itaas at nagpakawala ng mahinang tawa.

"Well, yeah," napangiwi ako. Talaga lang, ha? "Most of them." dugtong nito saka ako sinipat. "You just have to be picky on calling names. Lola said, some of them are not that nice, they can be very naugty."

"Huh, seems like I called the wrong name." wala sa sariling naibulong ko nalang kasabay ng pagsimangot ko.

Mukhang wala talagang magandang maidudulot ang pagtawag ko sa mokong na iyon. Sabi na nga ba, eh. Isa siya sa mga taong pumapatay sa dating buhay niya.

Or not? Maybe he's a big bully back then? Yung tipong pagtitripan ang sino mang estudyante na matipuhan niya.

Psh. Halata naman kasi sa nangyayari sa akin. Nakapagtataka lang kung paano niya ginagawa. Hindi ko naman siya makita at 'di ko rin maramdaman ang presensiya niya sa paligid. O baka naman, this is just pure coincidence?

Baka sadyang malas lang ako sa araw na ito kaya nangyayari 'to? Sabi nga niya 'di ba? 'Di siya makakaalis hangga't 'di niya nagagawa ang dapat niyang gawin sa taong tumawag sa kanya. Pero since tapos naman na ang utos ko, I'm sure wala siya sa paligid ko.

"Thea, ayos ka lang ba?" biglang sita sa akin ni Ms. Levi.

"Ha?" tugon ko't napakurap ako ng ilang beses. Pakiramdam ko naibalik ako sa mundong 'to matapos maputol ang malalim kong pag-iisip.

"Anong nangyayari sa 'yo? Kanina ka pa tulala d'yan. Nag-aantay ang costumer." puna nito sabay turo sa tapat ko.

Agad naman akong umayos ng tayo at pilit na nginitian ang babaeng nasa harap ko. Kasalukuyang kumukuha ng order niya ngunit nakakunot na ang noo nito. Matagal na siguromg nag-aantay.

Matapos iyon ay napabuga ako ng hangin at sunod-sunod na napailing. Kinurot ko din ang sarili ko pero mukhang wala iyong tulong. 'Di pa din ako mapakali. Pakiramdam ko kasi ano mang sandali may mangyayaring 'di maganda sa akin.

Aba'y sa dami ba naman ng kamalasan ko, tingnan ko lang kong mapanatag pa ang loob mo.

"Magpalit muna kayo ng pwesto ni Marylou. Ikaw na muna ang mag-serve ng mga order." utos nito.

Wala naman akong nagawa kundi ang mapatango nalang at tawagin si Marylou. Nasa may pinto si Manager Anne ng sandaling iyon at bumabati sa mga pumapasok na costumer. Si Ms. Levi naman ang nag-aayos ng mga order at ako naman ang nagdadala niyon sa bawat table.

Ngunit 'di pa man din ako nakakadalawang serve ng order, nakita na naman ako ni kamalasan. Napatid ako sa binti ng isang upuan kaya nadapa ako. Natapon sa sahig ang piraso ng cake na dala ko at nabasag ang baso ng juice na laman din ng tray.

"Thea!" bulalas ni Manager Anne sa may pinto.

Kagat-labing napaupo ako sa sahig at sinapo ang nananakit kong tuhod. Masakit na nga ito dahil sa pagkakadapa ko kaninang umaga, heto't nadagdagan na naman.

Dahil sa nangyari ay pinagpalit ulit kami ni Marylou ng pwesto. Pero this time hindi na ako ang sa may cashier, ako na ang nakapwesto sa paghahanda ng mga order.

Buti nalang talaga at mabait si Ms. Levi dahil hindi niya naisipang ibawas sa sweldo ko ang natapong cake at nabasag na baso. Pero kahit ganoon ay 'di ako nakaramdam ng ginhawa.

Lalo na noong sitahin ulit ako ni Ms. Levi at pandilatan pa. Nagtatakang tumitig lamang ako rito dahil 'di ko naman alam kung ano ang problema niya, dahil tahimik lang naman akong naghahanda ng order.

At the same time nag-iisip kung talaga bang coincidence lamang ito o kagagawan na ng mokong na iyon. Hindi ko na talaga alam.

"Dito ka ba matutulog sa cafe? Pauwi na kami." Ha? "Tsaka, balak mo bang maligo ng milktea sa dami niyang hinanda mo?"

Ilang beses na kumurap ang mata ko at nagtatakang tumitig sa kanya. Sa kanyang likod ay nakita ko na nakatayo na sa may pinto ang tatlo at pawang nakangiwing nakatitig sa akin. Nang muli kong tingnan si Ms. Levi, itinuro na niya ang kamay ko kaya napatungo na ako para sipatin iyon.

"Holy shit! What the hell is this!?"

 

-wish11:11-

 

Padabog kong binuksan ang pinto ng apartment ko at padabog ko din iyong isinara. Inis na inis kong inilapag sa kitchen counter ang malaking paper bag na dala ko at palihim na kinastigo ang sarili ko dahil sa sakit sa braso.

Ikaw kaya magbitbit ng apat na baso ng milktea mula sa cafe. At talagang yung pinakamalaking serving pa. 'Di ko nga alam ba't dala-dala ko yan nor 'di ko alam kung ba't ko ba inihanda ang mga iyan.

Basta nagulat nalang ako ng mapansing nakaserve na iyon nang sitahin ako ni Ms. Levi. Sabi nila 'di din daw nila alam kung bakit ako naghanda ng apat na milktea gayung pauwi na kami. Hindi daw nila maintindihan kung bakit ayaw ko tumigil gayung ilang beses na nila akong sinita.

Tsaka nagtataka din sila dahil 'di naman daw ako mahilig sa inuming iyan, kaya ba't ako magdadala ng napakarami?

Dahil tuloy rito nabawasan ang sweldo ko ngayong buwan. Kainis, ah! Ano bang gagawin ko sa mga iyan? Hindi naman ako umiinom niyan dahil di ko gusto ang lasa.

Jeez, seriously. What's with this unfortunate events? This is getting weirdly unnatural.

Pero ngayong nakatitig ako sa paper bag na naglalaman ng milktea 'di ko mapigilang isipin na may kinalaman talaga ang lalaking iyon. Hello, siya lang naman ang kilala kong ginagawang tubig ang milktea, eh.

Napabuga ako ng hangin bago naupo sa kama ko. Tanging bed lamp lang din ang nakabukas kaya medyo madilim ang paligid. Gayun pa man 'di ko na naisipan pang buksan ang ilaw. Matutulog na din naman ako maya-maya pagtapos kong makapagbihis.

Naupo akong muli sa kama ko matapos makapagbihis ng pagtulog at inilabas ang cellphone ko. Hindi pa naman ako masyadong inaantok kaya magsu-surf nalang muna ako sa internet. Manood ng cat vid sa Youtube pampatulog.

"Let see–" napasipat ako sa nakasarang bintana sa tabi ko ng makarinig ng kaluskos.

Tinitigan ko ang salamin nito at napangiwi ng unti-unting namuo ang hamog roon. Lumabo ang dating malinis na salamin ngunit unti-unting nabubura kasabay ng mga letrang namumuo roon.

Napaikot ako ng mata ng mabasa ang apat na letra sa bintana. Muli kong sinipat ang cellphone ko at 'di ko napigilan ang sariling mapasimangot na lang.

"Akio." bulong ko na lamang.

Malakas na bugso ng hangin ang pumasok sa kwarto ko na nawala din pagkaraang ng isang segundo. Naiiling na sinundan ko nang tingin ang bulto niya sa dilim na nagtungo sa kitchen counter.

At nang marinig ko ang kaluskos ng paper bag, dinampot ko ang unan ko at ibinato iyon sa kanya.

"The fuck!?" angil nito ng tamaan siya sa likuran ng ulo. Bumukas din ang ilaw kaya nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng humarap sa akin.

"Sabi na nga ba't hindi malas ang mga nangyayari sa akin, eh! Kagagawan mo lahat! You milktea monster." singhal ko sa kanya na kanyan lamang ikinatawa sabay upo sa kitchen counter.

"Took you the whole day to figure out, eh?" natatawang wika nito saka uminom. Halos ¼ din ang nabawas sa laman nito.

"Bayaran mo yan, ah! Binawas din yan sa sweldo ko." anas ko. Nawalan na din ako ng gana na manood ng cat videos kaya nahiga na lang ako sa kama. "Tsk. Kulang nalang lunurin mo sarili mo sa likido na iyan."

"FYI, this is my source of energy and life." asik nito na ikinaikot ko lang ng mata. "At wag kang mag-alala. Babayaran kita. Isasama ko na din ang inutang mong pera pamasahe pauwi. Pati na din pala ang natapon na cake at juice kahit na alam kong 'di naman iyon binawas sa sweldo mo."

"Nandun ka sa cafe?"

"Outside." bagot na sagot niya. "Since I was already finish with my business with you, I can't get inside the places you're into. But I can stick around the area."

"Ikaw din ba may kagagawan sa mga kamalasan ko sa school?" taas-kilay na tanong ko. Bahagya lang itong natawa kaya napabuga ako ng hangin. "Such a bully. I'm pretty sure you're a bully in your past life."

"And you're my target."

"Leave me alone." napahikab ako at nagkumot na din. Tinalikuran siya at pumikit. "Goodnight, Cinderella The Bully."

"Goodnight, Flat-chested dummy girl."

 

 

 

 

Related chapters

  • Made a Wish   Big Bully

    AKIO'S POV A big bully.Bahagya akong natawa ng maalala ang sinabi ng babaeng iyon. Natatawa pa din ako kapag naaalala ang sinabi niya kagabi. Psh. Para yun lang ang ginawa ko naisip agad niya ang bagay na iyon. Ang bilis naman.Pero nakakatawang inabot pa siya ng maghapon bago ma-realize na ako ang may kagagawan sa kamalasan niya. Hello, gumaganti lang naman ako. Paglinisin ba naman ako ng buong bahay niya na mukha ng tambakan ng basura. Tapos pinaghugas pa ako ng sandamakmak na hugasan.And worst; she called me a fucking Cinderella. A boy version to be exact. Not that it matters though. I still don't like that name.Hindi ko malaman kung trip niya lang bang tulugan ako lagi kapag tinatawag niya ako. Ilang beses na din kasi niyang ginagawa iyon, at hanggang ngayon ay wala pa din siyang actual wish. Lahat puro request lamang siya. At puro naman walang kwentang request.At heto nga, nangyari na naman. Tinulugan na naman ako kaya wala akong nagawa kundi ang manatil

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   Bad Guardian

    AKIO'S POV The things I hate the most is when someone or something messes up with my things. Someone sticking their noses in my business. And above all, touching what's mine.I may have live for a longer times than any normal human did. But even so, I am still me. After all the years wondering in this forsaken planet; watching how the world changes and evolve. The me before, never once change.I am territorial. I hate it when anyone comes close to what's mine. Hate it when they try to pry on my properties. It always ticks me off when they touch anything I claims or owns. It irritates me when they stalk at my prey.As I've said, I am a bully. Once a bully to be precise. And I pick out my targets meticulously. And when I did, I always calls dibs on them. When I did, they are my prey. And no one is allowed to touch them unless I gave permission to.My shoulders perks up upon hearing the ringing of the school bell. Students started to swarm the classroom, loud chatter

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   Our Wishes And Desires

    ALTHEA'S POV "This is boring." biglang reklamo niya sabay higa sa kama sa gilid ko. Inabot nito ang isang unan at mahigpit na yinakap. "I can't believe you could stay here all day without doing anything.""I'm studying." tipid na sagot ko saka ibinalik ang mata sa libro na binabasa ko. "Studying is actually fun.""Books aren't fun. Its just a bunch of words." he answered deadpanned, rolling on his side. "There isn't interesting on those. And beside, don't you have anything to do other than reading? Like, going out with your friends or dating?"Napangiwi ako sa sinabi niya sabay sandal sa headboard ng kama. Nanatiling nakabukas ang libro na hawak ko kahit pa napasipat ako sa labas ng bintana. Hindi gaanong mainit sa labas at pumapasok din ang malamig na hangin."I don't have any friends other than the people at the cafe," sagot ko saka siya muling sinipat. Nakahiga pa din ito at bahagya lang akong binalingan kaya ngumisi ako. "I don't date anyone, because none had

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   What A Heart Wants

    ALTHEA'S POV I stared vacantly at the faraway flickering lights on the faraway houses. The leaves and branches of the trees dancing along the gust of cold wind. My window was wide open, and I inhalled the cold wind that came inside.My eyes was heavy from wanting to sleep already. I felt tired. My mind was foggy from all the thoughts swarming in my head. I can't stop chewing my lower lip as my fingers tap anxiously on my knees. I can't stop.I feel giddy. And at the same time, scared. Anxious. I can't really think properly right now. The only thing thats running on my head is that, for the first time; I'll be able to talk to my mother. Finally.But what am I going to do when I'm in front of her? What should I say? How should I react? What is she like anyway? Will she be glad? Will she recognized me?I don't know anything about her. Nor my father, too. Since wala naman silang relasyon at 'di rin sila magkakilala noon, walang kaalam-alam si Papa sa kanya. Ang madala

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   Remnants Of Our Loved One’s

    ALTHEA'S POV "May exam ka bukas, hindi ba?" biglang sabi ni Marylou na ikinahinto ko. Marahan akong tumango na kanyang ikinangiti. "Sabi ni Manager Anne, umuwi ka daw ng maaga para makapag-aral. Wag ka mag-alala 'di naman daw ibabawas sa sweldo mo."Isa sa mga rules and regulations na meron ang cafe namin ay iyong pag-uwi ng maaga kapag may exam kami kinabukasan. Since 'di naman magkakapareho ang schedule namin at magkakaiba din ang course ng tatlong nasa college, hindi rin sabay-sabay ang mga exam. Kapag ganoon, talagang pinapauwi kami para may oras kami na mag-review."Ayos lang ba? Eh, wala si Ms. Levi, baka.." nahinto ako sa sinasabi ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay sinalubong ako ng mga gamit ko."Sige na, maaga din naman magsasara ang cafe." inaantok na sabi ni Kuya Mio. Halos itulak pa ako palabas ng cafe sa ginawa niya. "Pagnalaman 'to ni Levi, ako naman ang mayayari."Wala na din naman akong nagawa kundi ang umuwi na lamang lalo na nang ibiga

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   A Life For A Life

    AKIO'S POV Nakahalumbabang tinitigan ko ang malalayong kabahayan habang hawak ang litrato noong araw na iyon. Napabuga ng hangin at muling ibinaling ang mata sa sariling litrato na hawak ko. Pinakatitigan ang gilid nito kung saan ko nakita ang malabong imahe na iyon.Sobrang labo niyon kaya 'di ko nakita ang mukha niya. Ang matamis na ngiti lamang sa labi nito ang nakita ko. At hanggang ngayon, sa 'di ko malamang dahilan ay nakarehistro pa din iyon sa utak ko. 'Di maalis.Ngunit gaya noong araw na iyon, wala na ang imahe ngayon. Naglaho iyon ng sandaling mapabaling ako sa ibang direksiyon. At mula noon, 'di na iyon bumalik. 'Di ko na nakita pa.'Di ako sigurado kung sino iyon. Pero malakas ang pakiramdam kong siya nga iyon. My mother who died few months after (they thought) I died. As I said, it was already 200 years ago, and the memory was already lost. I can't remember her. Or anyone. I can barely remember my own life before I became like this.May mga kapatid b

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   Her Name’s Althea

    ALTHEA'S POV Nakakaasar talaga yung lalaking 'yun. Sabi nang 'wag iwanan yung cup ng milktea sa bedside table, eh! Ayan yuloy, may langgam na naman. Nakakainis naman, talaga!Wala naman na akong magagawa pa kaya imbes na mainis pa ako ay itinapon ko na lang iyon sa basurahan. Pinunasan yung bedside table saka inilagay sa backpack yung mga gamit ko. Nagtaka pa nga ko dahil maayos itong nakalagay sa study table ko, eh. Pero alam ko naman kung sino may gawa nun.Hmm, kahit papaano may silbi din naman pala siya. Bukod sa pagiging adik sa milktea, mapagkawang gawa din. Minsan kapag weekend na nandito yun, nagkukusa yun maglinis ng bahay at magluto ng pagkain. Kaya ako, maghapong nakatutok sa libro.Matapos makapag-ayos ay umalis na din ako ng apartment at ini-lock ang pinto. Naglakad sa gilid ng kalsada tungo sa bus station. Mas maaga ako ngayon kesa sa mga nakaraang araw, kailangan ko kasing dumaan pa sa cashier ng school para makapagbayad ng monthly tuition ko. Buti n

    Last Updated : 2021-07-12
  • Made a Wish   Save, Safe And Sound

    AKIO'S POV The cold breeze blew and snows started dancing in the air. I shoved my hands in the pocket of my winter coat and blew a tired sigh. My breath was thick, noticeable in the cold temperature.I really hate being summon in places like this. I hate the cold. The winter season to be precise. The snow is a pain in the eyes. And the snow that covers each roof and road coloring it all white, always ticks me off.Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at halos mapamura pa ako dahil sa sobrang lamig nito. Kinailangan ko pa ng makapal na gloves para mahawakan iyon ng maayos. Pero sa huli, inis ko pa din iyong ibinalik sa bulsa ng wala akong makitang kahit na ano.Ilang araw na din akong wala roon. Ilang araw ko nang 'di nakikita ang babaeng iyon. Ang huli ata ay iyong nakaraang isang linggo. Nung nakalabas siya ng ospital at nagmukmok lang sa bahay nila. Iyak lang ng iyak at 'di man lang pumasok sa school.Well, I can't blame her. The revelation of her mothe

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Made a Wish   About the Author

    About the AuthorHenry C., also known as Beniochaaaan in wattpad is a big fan of anime. In her free time, she mostly spends it at home watching anime series, listening to Avril Lavigne’s songs or reading mysteries. An incoming college student who found peace and comfort on writing and reading mystery stories. For someone who’s still new in the field of writing, she’s still exploring every genre to find the right theme for her.

  • Made a Wish   Made a Wish at 11:11

    (AFTERMATH)ALTHEA'S POV"Cinderella!!""What the–don't call me like that!""Come on, I'm already starving. Give me my food.""Ba't ba kasi nandito ka?" naiiritang wika ko sabay lapag ng pagkain sa mesa. "The hell are you barging here in my apartment?""Tambay." tipid at bagot na sagot naman ni Marlou na nakaupo sa kama ko. "At makikikain na din.""Oo nga! Tsaka, you promised to go shopping with me today." nakangising sabat ng kapatid kong si Melanie na naghahalungkat sa drawer ko. "And I know, kung hindi kita pupuntahan rito para kaladkarin papunta roon, your damn ass bitch will ditch me.""Language, please." saway ko na may pag-ikot pa ng mata. "Tsaka, kaya ayaw kong sumama mag-shopping dahil alam kong gagawin mo akong taga-dala ng mga pinamili mo.""Hindi kaya!" angil naman nito sabay nguso sa lalaking nakaupo sa kama. "Kaya nga sinama ko 'yan, eh. Para may katulong tayo.""Teka!" angil na din ni Marlou. "Akala ko ba si Thea ang Cinderella dito? Ba't ako magiging k

  • Made a Wish   Epilogue

    ALTHEA'S POV"It's almost time." mahinang wika ko bilang pukaw sa atensiyon niya.Habang palalim ng palalim ang gabi, lalong lumalamig ang paligid. Ngunit sa mga karaniwang pagkakataon, kapag ganitong magkasama kami ay madalas akong antukin. Ngunit ngayon, mukhang ayaw akong dalawin ng antok."Cinderella?" muling tawag ko nang hindi siya sumagot. "Umuwi na tayo. Baka mamaya maiwan mo 'ko rito at–""I'm not going anywhere." putol niya at mas yinakap pa ako. "I'm not leaving. So stay still.""What does that mean?""I'm starting to slip away. But don't worry, I've got plenty of time." wika niya.For some reason, that words had gave me a strange relief. A bubble of satisfaction erupted in my inside that I can't help but to smile. I feel rather light."Let me spoil myself." dugtong pa niya dahilan para mapatawa ako ng mahina."Hey, I want to take advantage of it. So, can you spoil me, too?" tumingala ako para makita ito at sinalubong naman kaagad ako ng nakangiti ni

  • Made a Wish   Our Life Memories And Wishes

    ALTHEA'S POVNapahawak ako kaagad sa dulo ng suot kong malaking sombrero nang umihip ang napakalakas na hangin. Naipikit ko pa ang mata ko't kulang nalang ay magtago ako sa likod ng kasama ko.Nang tuluyang humupa ang malakas na hangin ay saka ko naman nadinig ang hampas ng alon sa dalampaaigan kasabay ng mga ingay ng mga tao. Tawanan ng mga bata at huni ng ibon sa himpapawid.Ibinukas ko na ng tuluyan ang mga mata ko at kusang sumilay ang malapad na ngiti sa labi ko nang tuluyan kong mapagmasdan ang asul na karagatan. 'Di ko pa naiwasan ang mapatalon sa kinatatatuan dahil sa tuwa."I'm really here!" bulalas ko. "Boracay!! Here I am!!""Ingay mo." biglang reklamo ng katabi ko kahit pa halata namang natutuwa din siya sa paligid. "Baka isipin ng mga tao, eh, taong-gubat ka sa ginagawa mo."Sinipat ko siya't inirapan."Wala akong paki sa sasabihin nila. We live to express not to impress. Beside, we live in a judgemental world, kaya kunting galaw mo lang pag-iisipan

  • Made a Wish   Memories Of The Past

    AKIO'S POV"A-KI-O!"Bagot akong lumingon sa may-ari ng tinig na iyon. Sumilip naman sa may pinto ang nakangiting mukha ng isang batang babae na limang taong gulang pa lamang."May kailangan ka, Bea?" wika ko saka inilapag ang hawak kong baso ng juice. "Tsaka, ba't ka ba bumangon? Sana tinawag mo na lamang ako. Ano na naman ba ang gusto mo?"Lumapad ang ngiti nito bago lumabas sa pinagtataguan at palundag na lumapit sa akin. Nagniningning ang mga mata nito at may pagbungisngis pa bago sumampa sa kama na kinauupuan ko."Birthday ko na bukas," aniya nang nakangiti matapos maupo sa kandungan ko.Kaagad ko naman itong yinakap at hinagkan sa buhok. Humagikhik naman ito kaya napangiti nalang ako sa kabila ng pag-aalala ko."Hmm, birthday mo na pala? May wish ka ba? Pwede kong tuparin 'yun, gift ko na din." sabi ko."Talaga?" bulalas niya ngunit nasundan iyon nang malalim na paghinga hanggang sa humilig ito sa dibdib ko. "Kung ganoon, gusto kong pumunta roon sa laging

  • Made a Wish   Beyond The Boundary

    ALTHEA'S POVCinderella:For real? That's annoying.Me:Yeah. Sorry nakalimutan ko ding sabihin. It actually slipped my mind.Cinderella:Whatever.Me:Saan ka ba ngayon?Cinderella:I am currently having tea party with Queen Elizabeth.Me:Like it's going to happen.Cinderella:Truth?I am having a blast here in Palawan.Me:What!?Kainggit naman! Gusto ko ding mag-swimming sa Palawan!Cinderella:Too bad you're not with me. This could be more enjoyable.Me:Jeez..Hey, bring me something. Or else I'm not letting you in.Cinderella:I'll take you on the weekend. Promise."Thea!"Napapitlag ako sa sigaw na iyon na kamuntikan ko pang maitapon ang cellphone ko sa labis na gulat. Masama ang tinging ipinukol ko kay Marylou na siyang katabi ko rito sa bus."Naninigaw ka d'yan?" inis na tanong ko naman."Aba'y ikaw pa may ganang magalit? Kanina pa bumaba ang iba, ano, rito ka lang?" asik naman niya with matching taas-kilay pa.Napatingin naman ako sa bintana sa tabi k

  • Made a Wish   Me, You And The World

    ALTHEA'S POV"I'm really sorry, Althea. But, you know the situation, right?" pilit na ngumiti si Papa sa akin. "Pero, huli na 'to. The next time, you'll come with me.""Okay lang po." nakangiting sagot ko.It's not that it bother's me. Hindi ko naman hinahabol na kilalanin ako ng mga relatives niya, masaya na ako sa ganitong set-up. At least wala akong problema liban sa step-mom at step-sister ko."Uuwian nalang kita ng pasalubong." sabi ulit niya. "Pababantayan na din kita sa secretary ko para naman–""'Wag na po, 'Pa." mabilis na tanggi ko. "Bibisita naman po ako kay Tita Amelia. Baka din po doon muna ako ngayong sembreak."Actually, 'di 'yun totoo. Hindi ko nga ma-kontak si Tita dahil busy din ito."Ganoon ba? Mag-ingat ka, ah." tumango ako at saka naman niya ginulo ang buhok ko. "I love you."My heart swells by his sincere words that I threw myself into his arms. Me and my father has a strange father-daughter set-up. But, with this visit before leaving the c

  • Made a Wish   Cold Hands, Warm Hearts

    ALTHEA'S POV"Be sure to finish your homeworks even with this short vacation." sabi ni Ma'am pagkapalag ng kanyang memopad sa mesa. "Projects are essentials since graduating students kayo. Kaya hangga't andito pa kayo, mag-ask na kayo sa ibang teachers niyo kung may mga kulang kayo para magawan niyo ng paraan while on vacation."Bagot na tango ang isinagot ng mga kaklase ko sa mahabang paliwanag ni Ma'am. Mukhang lahat hindi gusto ang take-home activities sa gitna ng sembreak. Mas gusto kasi nilang mag-saya lang at 'wag alalahanin ang mga school works.Napabuga nalang ako ng hangin saka dinampot na ang bag ko. Tapos na din naman ang klase kaya mas maiging tumungo na ako sa cafe para makapagsimula na din ng trabaho. At para masabihan din si Manager Anne na magtatrabaho ako sa buong sembreak ko.Mas maganda na ang may kita kesa naman sa tumunganga ako sa bahay. Mahirap umasa sa allowance na binibigay ni Papa."Althea," huminto ako sa paglalakad dahil sa pagtawag na i

  • Made a Wish   In Your Embrance

    ALTHEA'S POVI stirs from my deep slumber upon hearing faint sounds in the background. Light footsteps on the floor and clanking of utensils. I even heard an annoyed huff and grumbles which was strangely familiar.I crack open an eye only to be meet by the blinding light coming from my window. I took a breath and adjust my sight before turning to my back. The noise took a halt and I felt an intense gaze towards me."Hmm.." a soft moan escape my mouth when a delicious smell fills my nostrils. My stomach followed with a loud grumbles.Nakarinig ako ng mahinnag pagtawa kaya tuluyan ko nang ibinukas ang mga mata ko. Una kong nahagip ay ang mga pagkain na nakahain sa maliit na dinig table. Umuusok pa ang mga ito, halatang bagong luto.Nakadinig ako ng mga yabag kaya hinanap ko iyon. Sakto namang nakita ko ang pamilyar na sapatos palapit sa akin na nanggaling sa kusina. Nag-angat ako ng tingin para makita siya at sinalubong naman ako ng nakakaloko niyang ngisi."Oh, the

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status