Chapter 208 Blue POV Pagkapatay ko ng ilaw, hindi pa rin mapalagay ang isip ko. Pakiramdam ko, bawat segundo ay isa nang pagdulas pababa sa isang bangin. Ivy Grace. Ang pangalan niya ngayon ay tila nakasulat sa dugo—kasama ng mga pangalang inilibing sa mga sikreto ng Black Book. Tumayo ako mula sa kama at tumingin sa labas ng bintana. Ang katahimikan ng gabi ay isang mapanlinlang na balatkayo. Sa bawat anino, bawat kaluskos, naroon ang banta ng kamatayan. Dumapi ang malamig na hangin sa aking balat, ngunit sa loob, mainit ang dugo ko—nagliliyab sa mga katanungang walang sagot. “Sinusubukan mo talagang magtago sa dilim, Ivy,” bulong ko sa sarili. “Pero mas mabilis akong gumalaw kaysa sa iniisip mo,” dagdag kong bulong sa sarili ko. Habang nag iisipin ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Si Red. S'ya ang tumawag kaya agad ko iyong sinagot. "Bro, may nakuha ako," sabi niya, halos walang ingay ang boses niya, sapat na upang alam kong seryoso ito. "Ivy Grace isn’t who she say
Chapter 209 Pagdating ko sa mansyon namin, muling bumalik ang alaala ng daan na pinagdaraanan ko kanina. Wala akong kahirap-hirap na umakyat sa bakod; sanay na akong gawin ito mula pagkabata. Ang mga alalahanin tungkol sa CCTV ay nawala, dahil alam kong si Red ang bahala sa lahat ng iyon. Ang aking kambal, may natatanging kakayahan sa pag-hack, ay lagi nang handang umalalay sa akin. Habang naglalakad ako patungo sa pinto, bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang mga sigaw, ang mga bala, at ang takot na nagtaglay sa akin. Bawat hakbang ay tila nagdadala ng magkahalong pagkabahala at excitement—isang labanan na nagiging mas kumplikado araw-araw. Bumuntong-hininga ako, nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan si Red. Palagi kaming magkasama sa aming mga gawain, at sa kanyang kawalan, pakiramdam ko'y tila kulang ang lahat. Pero alam kong sa kabila ng mga pagsubok, magagawa naming lampasan ang anumang hadlang na darating. Pagpasok ko sa loob, natanong ko ang sarili ko ku
Chapter 210 Ivy Grace POV Habang nakikinig ako sa usapan nila ni Blue at Red, tila may mga tanong na nagsimula nang bumuo sa aking isipan. Ang bawat salitang binitiwan nila ay tila may nakatagong mensahe. Napaka-importante ng Black Book—alam ko iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, may iba pang nagbabalak na makuha ito. “Spider Gang!” ang mga salitang iyon ay tila umuugong sa aking isipan. Ngayon ko lamang ito narinig, at kasabay ng pagbanggit nila, parang may nagbukas na pinto sa aking isipan. Isang mundo ng panganib at intriga na mas malalim kaysa sa aking inaasahan. Habang nakikinig, napansin ko ang pag-aalala sa mga mukha ni Blue at Red. Alam nilang hindi basta-basta ang mga kalaban na ito, at may mga lihim na kayang plano ay gumuho. Kailangan kong makuha ang impormasyong ito. “May mga tao ba tayong naka-embed sa kanila?” tanong ni Red, subalit may pag-aalinlangan. “Meron, ngunit dapat tayong mag-ingat. Hindi natin alam ang buong plano ng Spider Gang,” sagot ni Blue, ang ka
Chapter 211 Pagsapit ng uwian ay agad kong inayos ang aking mga gamit upang makaalis na agad. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang tumunog ang aking phone kaya agad ko iyong sinagot. "Hello, dad!" mahina kong sagot. "Wala ng oras, pikutin mo ang isang Santiago!" utos niyang sabi. " Kailangan makapasok ka sa kanilang angkan upang makuha mo ang pinakuha ko sayo," dagdag niyong sabi. "Pe—," hindi ko natapos ang aking sasabihin ng nagsalita ito. "Sinusuway mo naba ang aking utos, Ivy Grac Jill?" malamig nitong sabi. "Hindi dad, ang punto ko lang ay baka may ibang paraan upang makapasok sa kanilang angkan na hindi ko kailangan pikutin ito," sagot ko. Ngunit pinatayan niya ako ng phone kaya Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko alam ang aking gagawin kung susundin ko ba ang sinabi nito o hindi. Dahil wala akong makuhang sagot sa aking tanong ay napasyahan ko na lang umalis. Bago ako tuluyang umalis ay kumatok muna ako sa loob ng opisina ni Blue upang magp
Chapter 212 Takot ang nasa kanyang mata nang tanungin niya ako, pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Agad kong tinarak ang aking ballpen na nakatago sa aking buhok at tinarak ito sa kanyang dibdib. Sumuka siya ng dugo at bumagsak sa lupa. Nagmamadali akong nilinis ang mga ebidensyang maghahayag sa akin. “Hmmm, bakit hindi?” bulong ko sa sarili ko habang may ngiti sa labi. Kinuha ko ang isang bagay na ikaturo ng aking ama at ipinasok ito sa kanyang mga gamit, upang hindi ako ang maging suspek at hindi nila alam na ako ang pumatay sa lalaki na ito. Ang bawat kilos ko ay may pag-iingat. Hindi ko pwedeng hayaan na madiskubre ang ginawa ko. Sa isip ko, 'kailangan kong maging maingat, dahil sa oras na malaman ng iba, tiyak na magugulo ang lahat at mawalang ang lahat na aking plano. Agad akong umalis sa eskinita at maingat tumingin sa paligid kong may mga tao ba doon. Nang nakita kong wala ay agad akong lumabas na parang walang nangyari. Paglabas ko ay agad akong humalo
Chapter 213 Agad kong ipinaliwanag sa mga police ang nangyari, syempre dinaan ko sa pagdadrama. Buti na lang at agad kong na edit ang kuha sa CCTV para makatutuhanan ang lahat na sinabi ko. "Maraming salamat sa inyong pagbibigay impormasyon, Ms. Jill!" sabi ng police officer. "W-walang anuman, officer!" kunwaring pautal-utal pa ako upang maging makatuhanan ang aking drama. "Sige aalis na kami, kung may Kahina-hinala kang napapansin wag kang mag-atubiling tumawag sa amin!" sabi nito kaya tanging tango lang ang aking ginawa. Pagkawala sa mga police ay agad kung sinarado ang pintuan saka umakyat sa aking silid. "Kailangan kong hanap ng bagong tirahan ngayon din!" sabi ko sa aking isip. Tila napuno ng kaba ang aking dibdib habang umaakyat ako sa silid. Kailangan kong magplano ng maayos upang hindi ako maabutan sa taong nagpanggap na ama ko. Habang nag-iisip, pinasok ko ang aking laptop, ibang mga damit at mga importante kong gamitin para sa aking misyon at pagpasok sa office sak
Chapter 214Kinabukasan, agad akong kumilos para ihatid ang resignation letter ko. Gusto kong mag-resign dahil kailangan kong baguhin ang diskarte ko sa pagkuha ng Black Book. Mula sa mga nakasanayang paraan, naisip kong kailangan kong maging mas maingat at mas matalino sa susunod na hakbang.Habang naglalakad ako papunta sa opisina, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Parang ang bigat ng desisyon, lalo na’t sa loob ng mahabang buwan, nakasanayan ko na ang mga gawain dito bilang isang secretary. Hindi ko alam kung paano sila tutugon, lalo na ang boss ko. Pero wala na akong magagawa—mas malalim ang pagnanais kong makuha ang Black Book kaysa sa pagiging isang ordinaryong empleyado.Pagdating ko sa opisina, agad kong hinarap ang boss ko na abala sa mga papeles. Kumatok ako ng tatlong beses bago ako lumapit, inabot ang resignation letter ko, at sabay sabing, "Sir, gusto ko nang mag-resign." Ramdam ko ang tensyon sa hangin; nagulat siya, parang hindi niya inaasahan ang aking desisyon."Anong
PanimulaChapter 1Anastasia POVPagkarating ko sa harap ng pinto ng condo ni Dave ay pinindot ko ang mga numerong bumubuo ng password nito. May dala-dala akong isang box ng cookies.“0-4-2-7,” bigkas ko sa mga numero sabay ngiti nang bumukas ang pinto.Anniversary pa rin talaga namin ang password ni Dave at hindi niya pa rin pinapalitan, April 27. Mahal niya akong talaga.Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kusina para ilapag sa mesa ang cookies na ginawa ko para sa kanya.Dave is my boyfriend for 3 years. May plano na kaming magpakasal sa susunod na buwan. Kinikilig ako sa ideya na magiging ganap na akong Mrs. Santiago.I held my tummy. Siguradong matutuwa si Dave kapag nalaman niyang magkakaanak na kami. Ang sabi pa ng doktor ay kambal ang magiging supling namin.Matapos kong ilapag ang cookies sa mesa ay nagtungo ako sa kwarto ni Dave. Kakatok pa sana ako pero may narinig akong ungol mula sa isang babae. Nakaramdam ako ng kaba. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang b