Chapter 205 Hindi ako naniniwala. Halata ang pagsisinungaling niya; hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Sa loob ng tatlong buwan na magkasama kami, palagi kong pinapansin ang kanyang mga kilos. Para siyang isang assassin, at minsan, nasundan ko siya ng palihim. Nakita ko kung paano siya tumalon sa kabilang bakod at umakyat sa teresa ng isang gusali. Kinabukasan, nabalitaan ko ang pagkamatay ng isang lalaki sa bahay kung saan ko siya nakita. Bumalik ako sa kasalukuyan, iniisip ang mga ebidensya. Mahirap magsinungaling kapag alam ko na ang totoo. "Kung ganun, kailangan mag-iingat ka sa bawat kilos mo, Ms. Ivy Grace," babala ko sa kanya, sinadya kong gawing mabigat ang mga salita. May halong pagdududa ang aking boses—hindi ko mapigilang maghinala. Ang kilos niya ay masyadong perpekto, masyadong makinis, tulad ng isang taong bihasa sa pagtatago ng mga lihim. Tumitig siya sa akin, pero naramdaman kong nag-iingat siya sa bawat galaw. Para bang isang maling hakbang lang at mahuh
Chapter 206 Ivy Grace POV Pagkatapos tanungin ni Blue tungkol sa Black Book, naramdaman kong kailangan kong maging mas maingat. Alam kong hindi siya basta nagtatanong nang walang dahilan. Ang libro ay hindi isang ordinaryong bagay—ito'y naglalaman ng mga sikreto ng pinakamakapangyarihang tao sa mundo, mga sikreto na maaaring magdulot ng digmaan o magbagsak ng isang imperyo, kasama ang kanilang angkan. At ito ang aking misyon: kunin ito mula sa kanya. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nagagawa. Bagamat kinakabahan, hindi ko maaaring ipakita na may alam ako. Hindi siya tulad ng ibang tao sa paligid—siya'y matalino, laging nagmamasid, at hindi madaling mautakan. "Alam ko kung ano ang iniisip niya," sabi ko sa sarili habang naglalakad palabas ng kanyang opisina. "Pero hindi niya malalaman ang totoo hangga't hindi ako nagpapahuli," dagdag ko pa sa isip ko, pilit pinapakalma ang sarili. Sa loob ng tatlong buwan na kasama ko siya, pinag-aaralan ko rin si Blue. Alam kong ma
Chapter 207 Habang nakatayo ako sa gitna ng silid, hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili. Sa mga oras na ito, tila ako ay nahuhulog sa isang balon ng mga katanungan na walang kasagutan. "Anak nga ba niya ako ng totoo? O baka katulad lamang ako sa iba pang mga bata na kanilang kinidnap at ginawang anak?" Ang mga tanong na ito ay patuloy na umaabot sa aking isipan, bawat isa ay nagdadala ng takot at pagdududa. Sa bawat munting detalye na naaalala ko, ang mga alaala ng aking nakaraan ay nagiging mas malabo. Naalala ko ang mga ngiti at yakap, ngunit mayroon ding mga anino na nagtatago sa likod ng mga ito. Paano ko malalaman ang katotohanan kung ang bawat sagot ay tila nagkukubli sa likod ng isang veil ng lihim? Habang iniisip ko ito, ang puso ko ay puno ng pag-aalinlangan. Kinailangan kong malaman ang katotohanan, kahit gaano pa ito kasakit. Ang pagkilala sa aking tunay na pagkatao ay tila isang mahalagang hakbang upang mapanumbalik ang aking mga alaala at matutunan kung sin
Chapter 208 Blue POV Pagkapatay ko ng ilaw, hindi pa rin mapalagay ang isip ko. Pakiramdam ko, bawat segundo ay isa nang pagdulas pababa sa isang bangin. Ivy Grace. Ang pangalan niya ngayon ay tila nakasulat sa dugo—kasama ng mga pangalang inilibing sa mga sikreto ng Black Book. Tumayo ako mula sa kama at tumingin sa labas ng bintana. Ang katahimikan ng gabi ay isang mapanlinlang na balatkayo. Sa bawat anino, bawat kaluskos, naroon ang banta ng kamatayan. Dumapi ang malamig na hangin sa aking balat, ngunit sa loob, mainit ang dugo ko—nagliliyab sa mga katanungang walang sagot. “Sinusubukan mo talagang magtago sa dilim, Ivy,” bulong ko sa sarili. “Pero mas mabilis akong gumalaw kaysa sa iniisip mo,” dagdag kong bulong sa sarili ko. Habang nag iisipin ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Si Red. S'ya ang tumawag kaya agad ko iyong sinagot. "Bro, may nakuha ako," sabi niya, halos walang ingay ang boses niya, sapat na upang alam kong seryoso ito. "Ivy Grace isn’t who she say
Chapter 209 Pagdating ko sa mansyon namin, muling bumalik ang alaala ng daan na pinagdaraanan ko kanina. Wala akong kahirap-hirap na umakyat sa bakod; sanay na akong gawin ito mula pagkabata. Ang mga alalahanin tungkol sa CCTV ay nawala, dahil alam kong si Red ang bahala sa lahat ng iyon. Ang aking kambal, may natatanging kakayahan sa pag-hack, ay lagi nang handang umalalay sa akin. Habang naglalakad ako patungo sa pinto, bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang mga sigaw, ang mga bala, at ang takot na nagtaglay sa akin. Bawat hakbang ay tila nagdadala ng magkahalong pagkabahala at excitement—isang labanan na nagiging mas kumplikado araw-araw. Bumuntong-hininga ako, nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan si Red. Palagi kaming magkasama sa aming mga gawain, at sa kanyang kawalan, pakiramdam ko'y tila kulang ang lahat. Pero alam kong sa kabila ng mga pagsubok, magagawa naming lampasan ang anumang hadlang na darating. Pagpasok ko sa loob, natanong ko ang sarili ko ku
Chapter 210 Ivy Grace POV Habang nakikinig ako sa usapan nila ni Blue at Red, tila may mga tanong na nagsimula nang bumuo sa aking isipan. Ang bawat salitang binitiwan nila ay tila may nakatagong mensahe. Napaka-importante ng Black Book—alam ko iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, may iba pang nagbabalak na makuha ito. “Spider Gang!” ang mga salitang iyon ay tila umuugong sa aking isipan. Ngayon ko lamang ito narinig, at kasabay ng pagbanggit nila, parang may nagbukas na pinto sa aking isipan. Isang mundo ng panganib at intriga na mas malalim kaysa sa aking inaasahan. Habang nakikinig, napansin ko ang pag-aalala sa mga mukha ni Blue at Red. Alam nilang hindi basta-basta ang mga kalaban na ito, at may mga lihim na kayang plano ay gumuho. Kailangan kong makuha ang impormasyong ito. “May mga tao ba tayong naka-embed sa kanila?” tanong ni Red, subalit may pag-aalinlangan. “Meron, ngunit dapat tayong mag-ingat. Hindi natin alam ang buong plano ng Spider Gang,” sagot ni Blue, ang ka
Chapter 211 Pagsapit ng uwian ay agad kong inayos ang aking mga gamit upang makaalis na agad. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang tumunog ang aking phone kaya agad ko iyong sinagot. "Hello, dad!" mahina kong sagot. "Wala ng oras, pikutin mo ang isang Santiago!" utos niyang sabi. " Kailangan makapasok ka sa kanilang angkan upang makuha mo ang pinakuha ko sayo," dagdag niyong sabi. "Pe—," hindi ko natapos ang aking sasabihin ng nagsalita ito. "Sinusuway mo naba ang aking utos, Ivy Grac Jill?" malamig nitong sabi. "Hindi dad, ang punto ko lang ay baka may ibang paraan upang makapasok sa kanilang angkan na hindi ko kailangan pikutin ito," sagot ko. Ngunit pinatayan niya ako ng phone kaya Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko alam ang aking gagawin kung susundin ko ba ang sinabi nito o hindi. Dahil wala akong makuhang sagot sa aking tanong ay napasyahan ko na lang umalis. Bago ako tuluyang umalis ay kumatok muna ako sa loob ng opisina ni Blue upang magp
Chapter 212 Takot ang nasa kanyang mata nang tanungin niya ako, pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Agad kong tinarak ang aking ballpen na nakatago sa aking buhok at tinarak ito sa kanyang dibdib. Sumuka siya ng dugo at bumagsak sa lupa. Nagmamadali akong nilinis ang mga ebidensyang maghahayag sa akin. “Hmmm, bakit hindi?” bulong ko sa sarili ko habang may ngiti sa labi. Kinuha ko ang isang bagay na ikaturo ng aking ama at ipinasok ito sa kanyang mga gamit, upang hindi ako ang maging suspek at hindi nila alam na ako ang pumatay sa lalaki na ito. Ang bawat kilos ko ay may pag-iingat. Hindi ko pwedeng hayaan na madiskubre ang ginawa ko. Sa isip ko, 'kailangan kong maging maingat, dahil sa oras na malaman ng iba, tiyak na magugulo ang lahat at mawalang ang lahat na aking plano. Agad akong umalis sa eskinita at maingat tumingin sa paligid kong may mga tao ba doon. Nang nakita kong wala ay agad akong lumabas na parang walang nangyari. Paglabas ko ay agad akong humalo