"Jessy, don't say na walang kakayanan ang kapatid mo dahil alam nating meron, sadyang hindi pa talaga siguro napapanahon makabuo sila," saad ni Papa na may pananaway sa kambal ko.
"Papa, walang kakayanan o meron man hindi nga sila makapag-produce ng baby in natural way so what is the right term for that? Jessa can't bear Damsel's child because they aren't compatible, all I am saying is what's based on science," saad ni Jessy sabay buntong hininga.Wala talagang paligoy-ligoy kung magsalita ito kung ano ang sa tingin niyang dapat sabihin ay sinasabi niya.She is only based on facts. Napansin ko rin na she doesn't sound like she's mocking me, she sounds really concerned about my situation like a sister does. Napangiti na lang ako ng mapait."I know it's really hard for you hija, but you have to stay strong kung ano man kahinatnat ng marriage niyo, baka nga tama ang Papa mo na hindi pa lang din talaga napapanahon para makabuo kayo," pang-aalo ni Mama sa 'kin sabay hagod niya sa balikat ko."Three years na silang nagsasama hindi pa rin napapanahon? Eh, kailan pa ba dapat? Look Jessa, my intention is not to hurt your feelings but we are talking about the reality, kaya ka nandito para humingi ng payo kung ano ba dapat ang tamang gawin mo 'di ba? Ngayon I'm suggesting you to undergo surrogation dahil iyun ang last option niyo," litanya ni Jessy at hindi 'ko tuloy maiwasang hindi masaktan.Iisa sila ng sinabi ni Damsel kagabi na tatlong taon na nga kaming nagsasama ngunit wala pa rin. Wala pa rin kaming anak."Stop pressuring your sister, Jessy," saway muli ni Papa sa kanya ngunit nagpa-lipat-lipat lang ang tingin nito sa 'ming tatlo."Jessy is not pressuring me Pa, ayos lang and let her talk. Tama naman lahat ng sinabi niya, I can't bear Damsel's child because of these possibilities na baka nga our genes are not compatible to make a baby," saad ko na puno ng kalungkutan.Dapat ko na lang sigurong tanggapin na wala na talagang pag-asa ang relasyon namin ng asawa ko, gusto ni Damsel na makita na ang bunga niya pero hindi ko maibigay-bigay."Bakit parang sumusuko ka na Jessa? Are you really my sister? Hahayaan mong maghiwalay kayo ng asawa mo at ibang babae ang anakan niya? Mag-isip-isip kang mabuti Jessa at hindi ko siya ipinaubaya sa 'yo para lang ganito ang kahantungan niyo, ayokong maghiwalay kayo at makita kang umiiyak at miserable dahil sa pagiging makasarili niya!" Hindi ko inaasahan ang mga katagang lumabas sa bibig niya kahit sina Mama at Papa ay nabigla rin.Tama ba lahat ng narinig kong sinabi niya? Is she really concerned about me? Ayaw niya na makitang maghiwalay kami ng asawa ko?She looks matured now, at wala na ang imahe ng spoiled brat kong kapatid, natutunan niya nang tanggapin ang mga bagay-bagay.Naalala ko tuloy bigla ang sinabi sa 'kin kagabi ni Damsel na h'wag kong ni-la-lang lang na hindi kami makabuo dahil para sa kanya ay malaking bagay 'yon, kahit sa akin din naman ay malaking bagay rin 'yon ngunit wala akong magawa. Awa at pagkahabag na lang ang nararamdaman ko para sa sarili ko."What am I going to do Jessy? I'm losing hope, ayaw ni Damsel sa ideya ng surrogation at mahirap siyang kumbinsihin lalo na sa mga ganitong usapin," saad ko sa malamya kong boses sabay hugot ng malalim at bumuntong hininga."Let me help you to convince him," prinsinta niya na ikinagulat ko at kunot noo siyang tiningnan."What are you saying, Jessy?" Sa pagkakataong 'to ay si Mama na ang nagtanong at halatang naguguluhan din silang dalawa ni Papa kung anong ibig nitong sabihin."Help me convince him? You making me laugh Jessy, ako nga na asawa na hindi ko siya mapapayag, ikaw pa kaya?" tanong ko bilang pagtutol ko.Pinagsaklob ni Jessy ang dalawa niyang palad at yumuko na tila may malalim na natakbo sa isip niya at saka siya muling nag-angat ng tingin sa 'kin, sa amin."I said let me help you convince him hindi ko siya kakausapin ng ako lang, siyempre 'yung kaharap ka para lang mas maunawaan niya na hindi lang siya ang nahihirapan kundi ikaw rin, ewan ko lang kung hindi pa siya pumayag sa iaalok ko," saad niya kaya muli kaming nagkatinginan nina Papa at Mama.What's going on in her mind?"Anong alok? Diretsuhan mo na kami Jessy, h'wag mo na kaming pahulain pa," sabat ni Papa at saka huminga malalim si Jessy at pinakatitigan kaming mabuti. Napansin ko nagaalangan pa siya sa gusto niyang sasabihin."Willing ako maging surrogate mother ng magiging anak niyo, Jessa. I think it's not a bad idea, I guess? Siguro papayag si Damsel kung hindi ibang tao ang magdadala ng anak niya? We are twins Jessa, isipin niya na lang na sa tuwing titingnan niya 'ko ay ikaw ako," Napaawang na lang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.Nanlaki naman ang mata ng mga magulang namin at hindi agad nakapagsalita habang hindi pa rin ma-process ng utak nila ang sinabi nito at wala sa loob akong napatayo habang nakakuyom ang dalawa kong palad."JESSY!" panabay na sambit nina Mama at Papa sa pangalan ng kambal ko nang napagtanto na nila ang sinabi nito."Suggestion lang 'yon Ma, Pa. Nasa sa kanilang mag-asawa pa rin kung willing ba silang tanggapin ang offer ko para maging surrogate mother ng anak nila. Hindi naman 'yon sapilitan, naisip ko lang din kung anong makakatulong sa kanila para hindi masira ang marriage nila na matagal na nilang iniingatan," paliwanag nito habang ako hindi ko alam kung anong mararamdaman ko o kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko."Marahil kung mapapapayag mo man si Damsel pwes ako hindi," saad ko sabay nagtaas ng tingin sa kanya.Nagtama ang mga mata namin ni Jessy at kita ko na tila ba baliwala lang sa kanya ang sinabi niya. Parang hindi big deal sa kanya ang kalokohang naisip niya!Why would I allow my twin sister to carry our child? Gayong alam ko na may history sila ng asawa ko?Idagdag pa ang sinabi ni Damsel kagabi na sana si Jessy na lang ang pinakasalan niya imbis na ako kung alam niya lang na hindi pala ako mabubuntis?Her idea is insane."Well it's up to you sis, sabi ko nga walang sapilitan pero kung sakaling magbago ang isip mo, bukas ang pinto ko para sa 'yo at willing ako na makipag-negotiate sa inyo," saad nito at ngumiti.Nahagod ko ang mahaba kong buhok at muling napaupo sa silya, tumingin ako sa mga magulang ko para hingin kung anong komento nila ngunit bakas din sa mga mukha nila ang tila pagdadalawang isip."Mama, Papa baka naman meron pa kayong alam na ibang paraan?" pagsusumamong tanong ko kaya bumakas ang awa sa mga mukha nila."It's really hard to decide what we are going to do, hija, even me and your Mom can't suggest something that will help you," malungkot na sagot ni Papa na ikinalaglag ng balikat ko."Ganito lang naman 'yan Jessa, You have two last options. It either gives up your marriage with Damsel or lets us convince him to undergo surrogation; now choose." Pakiramdam ko pressured ako.Ayokong maghiwalay kami ni Damsel, mahal na mahal ko ang asawa ko at hindi ko kaya na mawala siya sa 'kin.Should I accept my twin sister's offer?"Hindi ganu'n kadaling magdesisyon Jessy," saad ko kasabay ng pagyuko at naisapo ko na lang ang palad ko sa noo habang nakatukod ang siko ko sa lamesa."If you're thinking na aagawin ko ang asawa mo sa 'yo pwes wala akong balak. I'm happy with my single life hindi na ako interesado sa lalaking pagmamay-ari na ng kakambal ko. At siyam na buwan lang naman Jessa, after no'n maghiwa-hiwalay na tayo ulit. I'm doing this for the sake of your marriage with the man na alam kong mahal na mahal mo, I'm willing to sacrifice my sexy figure para lang sa inyong mag-asawa at sa ikaliligaya niyo, kung hindi ko lang maaatim na makita kang iiwan ka ng asawa mo hindi ko 'to gagawin," mahabang litanya niya na nakapagpatigil sa 'kin.Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko hindi ko alam pero bakit ang gaan sa pakiramdam na marinig ang dahilan kung bakit niya 'ko gustong tulungan?She's willing to surrogate herself h'wag lang akong iwan ng asawa ko, is that what sister's love? I may look desperate now pero iyun naman talaga ang totoo kaya hindi ko itatanggi."I-Is that true?" nauutal kong tanong na ikinatango niya at magaang ngumiti sa 'kin.Tamayo siya at lumapit sa 'kin at naupo sa tabi ko, nagulat ako nang bigla niya na lang akong hilahin at yakapin."Hindi na tayo mga bata Jessa para lang mag-agawan sa iisang laruan na pareho nating natipuhan. I let you have him at hindi na 'ko nag-asam pang ako ang magugustuhan niya, we are now adults, gagawin ko 'to dahil alam kong ito ang kailangan mo," saad niya kaya automatiko akong gumanti ng mahigpit na yakap sa kanya.Lumamlam naman ang ekspresyon ng mga magulang namin habang pinapanuod kami dahil ito ang matagal na nilang gusto, ang magkaayos kaming dalawa ng kakambal ko.I can't imagine na sa ganitong sitwasyon ko pa ito maaasahan, she's willing to sacrifice her body. We all know Jessy, she is so very conscious when it comes to her figure pero naisipan niya maging surrogate mother para lang tulungan ako sa problemang kinakaharap ko."If I ever accept your offer, payag ba sina Mama at Papa?" tanong ko kay Jessy at bumaling sa mga magulang namin na mukang kanina pa rin nag-iisip."Ma, Pa, Jessa is asking kung payag daw ba kayo rito sa gagawin ko?" baling ni Jessy sa kanila."This is so hard to decide mga anak," sagot ni Papa habang ang kamay ay nasa kanyang mala-bigoteng baba."Kung papayag kayo, si Damsel na lang ang problema natin kung paano ba kumbinsihin ang lalaking 'yon," saad ni Jessy habang naka-ekis ang dalawa niyang braso."I think malalaki na ang mga anak natin Arthur, alam na nila ang pinapasok nila, kung ito lang ang tanging paraan para matulungan ang anak natin, I'll go with Jessy's plan tutal ay willing naman ang anak mong tulungan ang kapatid niya," pagpayag na ni Mama.Si Papa na lang ang hinihintay naming magdesisyon para makausap na namin si Damsel tungkol dito.Mas lamang ang pakiramdam ko na hindi papayag si Damsel sa ideyang 'to pero may parte din sa 'kin na kutob kong papayag siya. Ewan ko ba
"You think dahil lang sa mga sinabi mo, papayag na 'ko? That's the baddest idea I've heard," saad ni Damsel na siyang ikinabagsak naman ng balikat ko. Ewan ko ba pero maalin man ang maging desisyon niya naghahatid bigat pa rin sa kalooban ko."That's not a bad idea kung makakatulong naman sa inyo," giit ni Jessy."Tatanungin kita, bakit ba ipinagpipilitan mo? What's your purpose behind doing this?" mapanuring tanong ni Damsel habang naniningkit ang kanyang mata.Tumawa lang ng pagak si Jessy na ikinasalubong ng kilay ng asawa ko.Kahit ako nabigla rin sa tanong ni Damsel pero gusto kong marinig ang sagot ni Jessy dahil kapatid ko ito at isa ako sa mga mas nakakakilala dito."Why do you sound as if may balak akong hindi maganda eh, nagmamagandang loob lang naman ako? My purpose is to HELP YOU, nothing else," sagot nito kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay.Kahit naman noong mga bata pa kami hindi na talaga magkasundo sina Jessy at Damsel dahil sa palagi silang nagkakaroon ng iringan
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa silid namin at ini-lock ko ang pinto. Umiiyak akong dumapa sa kama habang ang mukha ko ay nasa unan."Jessa, open this damn door," kalmado ngunit bakas ang pigil na galit sa boses ni Damsel at mayamaya narinig ko na lang ang kalansing ng mga susi hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang pinto.Naramdaman kong tumayo siya sa may paanan ng kama habang nakapamaywang at mataman akong pinapanuod sa pagngawa ko."Iiyak ka na lang ba maghapon?" Para namang biglang nagpanting ang tainga ko at kaagad akong bumangon sabay pinagbababato siya ng unan."F*ck you, Damsel! F*ck you!" sigaw ko sa kanya na ikinadilim ng mukha niya."Kailan ka pa natutong magsalita sa 'kin ng ganiyan? You know it's a bad word wife," saad niya sa kalmado pa rin niyang boses. Gusto kong matawa, wife?"Talaga bang asawa, Damsel? Talaga bang asawa ang tingin mo sa 'kin o tau-tauhan mo lang dito sa bahay na anytime na gust
Gabi na ng magising ako, ginising ako ng mga mainit na halik sa 'king balikat at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ng asawa kong nakayakap sa baywang ko.Nakatalikod ako habang siya ay nasa likuran ko, isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko na naghatid kiliti sa batok ko nang tumama ang mabango niyang hininga rito."Hmmm... " ungot ko at inis akong tinabig siya ngunit nanatili pa rin siyang nakayakap sa 'kin."You still mad?" tanong niya na ikinasalubong ng kilay ko, ito ang mahirap iyung natulog ka nang malungkot at masama ang loob ngunit gigising kang badtrip.Ano bang akala nito? Paggising ko okay na 'ko? Halik-halik lang, okay na pakiramdaman ko? Kahit isang sorry niya lang sana para lang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko ngunit parang kay hirap para sa kanyang bigkasin.Isang sorry lang ang hinihingi ko Damsel, kahit isa lang. Pawiin mo naman ang sakit na idinudulot mo sa 'kin, kahit ngayon lang ibsan mo ang lahat ng bigat na dinadala ko."Ano sa tingin mo? Makayakap ka p
Habol hininga siyang nahiga sa kama sabay hagod niya sa pawisang buhok, naka-todo ang AC ngunit dahil sa labis na init ng katawan ay pinawisan pa rin kami.Tumagilid ako ng higa at niyakap siya ng mahigpit sabay inihiga ko ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.Walang imik niya lang akong binigyan ng halik sa noo at iniunan niya ang braso niya sa ulo ko dahilan para mapatingala ako sa kanya.Hindi siya sa 'kin nakatingin, kundi sa itaas ng kisame, mababasa mo pa rin na kay lalim ng iniisip niya. Nagsalubong ang mga mata namin nang tingnan niya 'ko.Bumaba ang tingin niya sa tiyan ako at marahang hinaplos ito with his free hand and he smiles sadly. Sa tuwing ganito siya ako ang mas nahihirapan."I hate seeing you with that sad smile, sana dumating ang araw na mapalitan ko 'yan ng masayang ngiti," saad ko habang mataman nakatitig sa gwapo niyang mukha."Alam mo naman kung anong ganap na makakapagpasaya sa 'kin," saad niya sabay buntong hininga. Mayamaya lang inalis niya na ang braso niya
"Kailan mo gustong makipag-usap tayo kay Jessy?" tanong ko habang kasalukayan kaming naguumagahan."Ikaw," tugon niya nang hindi ako sinusulyapan.Napabuntong hininga na lang ako, kahit kailan talaga para akong nakikipag-usap sa hangin."Damsel, nakabase ako sa mood mo, baka kasi mamaya napipilitan ka lang." Ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos at saka ng-angat ng tingin sa 'kin, nababagot niya lang akong tinapunan ng tingin."Isn't it obvious? Ikaw lang ang may gusto nang ideyang 'to, kaya don't ask me. It's up to you kung kailan mo ba gusto," saad niya buhat ng pasinghal niyang tono sabay iling at muli nang ipinagpatuloy ang pagkain.Asa ka pa Jessa na makausap mo ng matino iyang asawa mo lalo na sa ganitong bagay."Fine, tell me kapag hindi ka kapapasok sa office, then let's set a schedule with her," saad ko at ibinaling ko na lang din ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko naman naka-ugaliang makipagsabayan sa mood swings niya na dinaig pa ang babaeng may monthy period."Ngayon na
Nakarating na kami sa tapat ng condominium building na tinutuluyan ni Jessy, bumaba na kami ng sasakyan at agad na tumungo sa condo unit nito buhat ng elevator. Alam ni Damsel kung saan ang eksaktong unit ng kambal ko at duda akong nakarating na rin siya rito.Ako na ang nag-door bell, ilang saglit lang bumukas agad ang pinto at bumungad ang gulat na mukha ni Jessy na halatang hindi inaasahang makita kami. Nakasuot pa ito ng night silk pink dress at wala pa nga itong suot na bra kaya bakat na bakat ang tusok nitong n*pples at hindi man lang siya nag-abalang takpan. Bumaling naman ako kay Damsel upang tingnan ang reaksyon niya ngunit parang wala lang naman sa kanya. "Kayo pala! Akala ko, mamayang lunch pa? Nakakabigla naman kayong dalawa, pasok kayo," gulat niyang sambit kasabay nang papatuloy niya sa 'min sa loob at nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto. Sumunod kami sa kanya patungong living room.Tahimik kaming naupo sa mahabang pulang sofa at nilibot ko ng tingin ang kabuan nan
"Ano bang mga test ang kailangan isagawa?" tanong ko."You can ask your ob and gynecologists for the test lists of procedure," sagot ni Jessy."Nag-aaral ka ng medicine hindi mo alam? Imposible namang hindi ka pa nag-research tungkol sa papasukin mo," sabat ni Damsel kaya siniko ko siya upang patahimikin. "What?" baling niya sa 'kin."For your information Damsel, I'm studying as a surgeon doctor hindi ko linya ang pagiging ob o gynecologyst. Yes, nag-research na ako pero iba pa rin iyung actual na sasabihin ng doctor sa ganiyan, ikaw ang parang hindi nag-aral, sige ikaw as bussiness man na tapos ng kursong business ad. at entrep. Mag-opera ka nga?" mataray na pananalungat ni Jessy na halatang pikon na sa asawa ko.She sounds like she's mocking him.Dala pa rin nila ang ugali nilang parang aso't pusa kapag nag-usap, even though we are all adults now. Naisipan ko na lang na ibahin ang usapan."Jessy, do you have a boyfriend?" Biglaang tanong ko dahil napaisip ako, kung biglang magbuntis
Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Isang malakas na palad ang tumama sa magkabilang pisngi ni Jessy na lumikha ng tumataginting na malutong na tunog sa bawat sulok ng condo, tila wala nang pakialam ang lahat kung makunan man ito ngayon."PAANO MO ITO NAGAWA SA PAMILYA NATIN, JESSY?! AT HIGIT SA SARILI MONG KAPATID??" Nagsisidhing tanong ni Mama nang malaman nila ang nangyari at ang katotohanan sa pinaggagawa ni Jessy.Narito ang mga magulang namin ni Damsel, karapatan nilang malaman dahil hindi ito biro.Wala na silang sinayang na oras nang sabihin ko ang problema sa kanila kaya agad silang pumarito sa condo ni Jessy kung nasaan kami ni Damsel dahil sinundan namin ito hanggang makauwi para mas masinsinang makausap.Sapo ni Papa ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya at galit kay Jessy ganoon din ang mga magulang ni Damsel. Hawak ni Mommy Mabel ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at si Daddy Roderick naman ay sapo rin ang kanyang noo kagaya ni Papa na labis din ang galit at pagkadis
Hindi na kami nag-abalang umuwi pa ng bahay, diretso na kaming pumunta kay Dra Franses for Jessy's check up. Tumigil kami sa tapat ng clinic at akma sanang bubuksan ko na ang pintuan nang makitang may siwang ito at may nag-uusap sa loob kaya napahinto kami ni Damsel."Jessy, I can't take this anymore... hindi na kinakaya ng konsensya ko!" Boses iyon ni Dra Franses na tila bagabag ito at medyo tumaas ang boses."Binabayaran naman kita ng sapat na halaga higit pa sa binabayad sa iyo ng kapatid ko at ng asawa niya! Kaya anong problema mo??" Puno ng iritasyon ang boses ni Jessy.Nilingon ko si Damsel na ngayon ay tila nagdidilim ang mukha kahit hindi pa namin alam kung anong pinaguusapan nila. Anong hindi na kinakaya ng konsensya? At bakit binabayaran ni Jessy ng doble si Dra Franses? Para saan?"Aamin ako sa kanila! Sasabihin ko ang totoo!""Sige! Subukan mo? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin? Pili ka, iyung panganay mo o iyung bunso? Kambal sila pareho 'di ba?" Jessy th
"Kung ganoon, sino ang lalaking nakita ni Jarred kung hindi nga talaga ikaw iyon?" tanong ko ngunit may bakas pa rin ng duda."Maybe it was Ryke? Me and that f*cker have the same resemblance. We have the same built and height madalas napagkakamalan siyang ako," sagot niya.Napatigil ako at napaisip. Pinagmasdan ko siyang mabuti upang suriin kung nagsasabi nga siya ng totoo. Kung sa bagay unang kita ko kay Ryke malaki talaga ang hawig nila lalo na sa pangangatawan, may bahagi ang mukha nilang magkapareho.Walang hiyang Jarred! Titingin na lang mali-mali pa! Sa itsura ni Damsel ngayon mukang naninindigan talaga siyang hindi siya ang lalaking kasama ni Jessy papasok ng motel.Kung si Ryke nga iyon, ibang klase din naman talaga itong si Jessy? Ang akala ko ba ayaw niya na ro'n sa lalaki ba't siya nagpapagamit pa? Akala ko wala na sila? At higit sa lahat, buntis siya for God's sake!"Kung siya nga iyon... akala ko ba ayaw niya na kay Ryke? Ba't ngayon nagkasama pa sila sa motel?" tanong ko
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Litong-lito na ako.Damsel told me that he didn't sleep with Jessy, pero ang sabi ni Jarred he saw him with Jessy na pumasok sa isang motel? Sino ang paniniwalaan ko?Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dalian akong pumunta sa Montevial Corp. Para puntahan ang magaling kong asawa.Tumigil ako sa harap ng sekretarya niya. "Where is my husband? Nandito ba siya?""Ah nasa loob po Ma'am, may ka-meeting. Pakihintay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang dire-diretso na akong pumasok sa opisina ni Damsel at awat-awat ako ng secretary pero hinawi ko lang siya nang hinarangan niya ang dadaanan ko.Pagkapasok ko ay naabutan ko itong may kausap na matandang lalaki at agad silang napalingon sa gawi ko nang padarag akong pumasok."I'll be back some other time, Mr. Montevial. Your wife is here, I should go now mayroon din akong pupuntahan. Thanks for the deal, you're a life saver," saad ng matanda at nagpaalam nang aalis na sabay tayo
Sa guest room ako natulog, hindi rin ako sumabay sa kanya ng umagahan at maaga akong pumasok sa trabaho nang hindi siya tinapunan ng tingin kahit makalabas ako ng bahay.He tried to start a conversation with me but I refused because I didn't want talk to him dahil alam ko mauuwi lang sa away. Namumugto na naman ang mga mata ko. Parang dati lang sa tuwing gigising ko ng umaga because of my midnight cries."Ma'am, good morning! I just want to inform you po na may schedule po kayo ng lunch meeting kay Sir Jarred mamaya pong 12:00," My secretary informed me nang salubungin niya 'ko pagdating ko."Okay, thank you Sammy." Pumasok na ako sa loob ng office. Wala ako sa wisyong magtrabaho ngunit hindi ko p'wedeng dalhin dito ang problema ko I have a lot of work to do.Naalala ko hindi ko pa nga pala nakakausap si Jessy at nakakamusta simula nang makabalik siya sa condo niya. Ang hirap ng ganitong may problema ka sa isang tao tapos hindi mo alam kung paano mo ba siya pakikitunguhan o kakausapi
Natapos ang makabuluhang paguusap namin ni Ryke nang napaalam na ito dahil marami pa raw siyang kailangang gawin.Okupado ang isip ko sa mga nalaman nang nakauwi na ako ng bahay kinagabihan. Hindi pa rin mag-sync in sa akin ang lahat. Hagod ko ang buhok kong naupo sa sofa at yumuko.Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod at ang kamay palad ay nasa aking noo. Dahil sa pagod at sobrang pagiisip sumasakit ang ulo ko."Bakit ngayon ka lang?" Damsel's loud voice boomed in every corner of our living room.Sana sinundo mo 'ko kung gusto mo naman pala akong umuwi ng maaga. Bwisit. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya at nanatili ako sa posisyon ko."Anong pakialam mo?" malamig kong tanong sa kanya na hindi niya naman inaasahan.Bakas ang gulat sa kanya. "What did you say, Jessa? Ulitin mo nga?""Ang sabi ko ano bang pakialam mo?"Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinila ako patayo. Mananakit na naman ba siya? Siya pa may ganang manakit?"What's your problem, huh?" tanong
"H-How did she know—""Because they are besties?" he sounds sarcastic nang hindi niya ako pinatapos magsalita.How stupid are you, Jessa? Of course, Dra. Franses knows it because they are long time best friend! Kasasabi lang.Kukurap-kurap ako at iniisip ang sasabihin. "Kaya naman pala... kaya ganu'n na lang sila kung makitungo sa isa't isa dahil alam nila ang bawat sikreto ng isa. But I didn't really expect na ganoon siya pinagkakatiwalaan ni Jessy sa sikreto niya.""Paanong hindi eh, wala siyang choice kundi lumapit sa doctorang iyon na kasalukuyan pa lang nag-aaral noon," klaseng may ibig siyang ipabatid.Simula nang mag-usap kami nitong si Ryke kanina pa, ay binubusog niya na ang utak ko sa mga bagay na kailangan kong malaman at ibinubukas niya ang isip ko sa katotohanan sa likod ng lahat ng ito.Naningkit ang mga mata kong tiningnan siya. "Paanong wala siyang choice na lapitan ito? What do you mean by that?" tanong ko. May nagtutulak sa isipan kong alamin din ang tungkol dito.H