"If I ever accept your offer, payag ba sina Mama at Papa?" tanong ko kay Jessy at bumaling sa mga magulang namin na mukang kanina pa rin nag-iisip.
"Ma, Pa, Jessa is asking kung payag daw ba kayo rito sa gagawin ko?" baling ni Jessy sa kanila."This is so hard to decide mga anak," sagot ni Papa habang ang kamay ay nasa kanyang mala-bigoteng baba."Kung papayag kayo, si Damsel na lang ang problema natin kung paano ba kumbinsihin ang lalaking 'yon," saad ni Jessy habang naka-ekis ang dalawa niyang braso."I think malalaki na ang mga anak natin Arthur, alam na nila ang pinapasok nila, kung ito lang ang tanging paraan para matulungan ang anak natin, I'll go with Jessy's plan tutal ay willing naman ang anak mong tulungan ang kapatid niya," pagpayag na ni Mama.Si Papa na lang ang hinihintay naming magdesisyon para makausap na namin si Damsel tungkol dito.Mas lamang ang pakiramdam ko na hindi papayag si Damsel sa ideyang 'to pero may parte din sa 'kin na kutob kong papayag siya. Ewan ko ba, pero puro agam-agam lang ang nangingibabaw sa 'kin sa mga oras na 'to."Fine, kung ito lang ang tanging paraan para masolusyonan ang problema ni Jessa ay sige payag na 'ko. Ayoko namang makita ang anak ko na umiiyak dahil iniwan ng asawa, mas 'di ko ata kayang maatim," pagpayag na rin ni Papa kaya nagkatinginan kami ni Jessy.She smiled at me warmly and I smiled back ngunit tipid nga lang dahil hindi pa rin ako sigurado kung tama ba 'tong gagawin ko."WHERE IS MY WIFE??" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malagong at malakas na boses at nagulat ako nang makita ang papalapit na si Damsel, muka itong galit.Napatayo ako at gulat siyang sinalubong dahil baka magsisisigaw ito nakakahiya kina Mama at Papa, baka ang akala niya ay nilayasan ko na siya."Damsel! I just visited my parents, hindi kita nilayasan kaya h'wag ka ngang magalit diyan," pananaway ko sa kanya habang nasa matigas niyang dibdib ang dalawa kong palad."Bakit umalis ka ng hindi nagsasabi sa 'kin? Ni hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta!" saad nito na halos pabulyaw."Is that how you treat my daughter? You are shouting at her because of your selfishness?" Hindi na napigilan ni Papa ang mamagitan sa 'min."Ano naman sa 'yo Damsel kung bumisita ang kapatid ko rito sa bahay? She visited us dahil wala siyang makausap at mapaglabasan ng sama ng loob niya sa 'yo," mataray na sabat din ni Jessy.Tiningnan ko sila na tila nakikiusap akong intindihin na lang nila ang asawa ko dahil hindi naman talaga siya ganito, he is just frustrated like I do. Kaya madalas nagiging bipolar ito."What did you tell them, Jessa?" tanong sa 'kin ng asawa ko sa kalmado niya nang boses ngunit bakas pa rin ang pagka-irita."Hijo, come here maupo ka pagusapan natin ang problema niyong mag-asawa, alam namin na mabigat ang pinagdadaaanan niyo and we are here to help," malumanay ang boses na saad ni Mama kay Damsel.Napabuga na lang ng malakas na hangin ang asawa ko sabay nasapo niya ang kanyang noo habang ang mga mata ay masama pa rin ang tingin sa 'kin."Did you tell them our six month agreement?" pabulong na tanong nito na bakas ang galit kaya agad akong umiling."N-No! I didn't mention that," sagot kong pabulong din na ikinahinga niya ng maluwag at inayos niya ang suot niyang coat at saka muling binalingan ang mga magulang at kapatid ko.He stayed in the office overnight? Kagabi ay nakapantulog lang ito ngayon ay naka-suit na."I'm sorry for my sudden outburst, nagalit lang po ako dahil wala akong nadatnang asawa sa bahay," hinging paunmanhin niya sa kanila at tumungo sa silya kung saan ako nakaupo kanina.Sumenyas si Mama kay Jessy na bumalik na sa dati nitong pwesto at kaagad naman itong tumalima at saka lang ako naupo sa tabi ng asawa ko.Nakailang tikhim si Papa bago siya muling magsalita habang si Mama ay hawak ang kamay niya at si Jessy naman ay itinuon na lang ang atensyon sa pagkain."Sana lang hindi mo sinasaktan ang anak ko," biglang sambit ni Papa kaya naalarma ako sa reaksyon ni Damsel ngunit nanatili lang ito sa pormal na ekspresyon.Hindi niya ako sinasaktan ng pisikal pero emotionally, oo."I never raised a hand to your daughter, and I never hurt her like what you think," depensa ni Damsel."It's good to hear," tugon ni Papa kasabay ng sunud-sunod niyang pagtango. "I heard that you're planning to file an annulment because my daughter can't be pregnant," wala nang paligoy-ligoy pang dagdag niya.Kita ko ang pagkabigla ni Damsel ngunit hindi niya lang ipinahalata at bahagya lang siyang napayuko. Dumako ang tingin ko sa kamay niya na ngayon ay nakakuyom na."Bakit mo naman hihiwalayan ang anak namin Damsel, dahil lang hindi pa kayo magka-anak? Masakit sa 'ming mga magulang niya itong nalaman namin," saad naman ni Mama na tila nagbabadyang maging emosyonal dulot ng pamumula ng kanyang mata."You don't understand Ma," tipid na tugon ni Damsel at nasasaktan akong hindi niya man lang magawang ipaliwanag sa harap ng mga magulang ko ang iniisip niya."Pwes, ipaintindi mo sa 'min! The moment Jessa entered our home and she bursted into tears just because you want to get seperated from her dahil hindi pa kayo makabuo, kami ang mas nasasaktan para sa anak namin!" bulyaw ni Papa ngunit hindi ito natinag."I understand what you feel right now, pero sana maintindihan niyo rin ako na gusto ko nang magkaanak at makita ang taga-pagmana ko pero hindi naman po 'yon kayang punan ni Jessa, I fulfilled my duties as her husband, I want to build a happy family with her, but let me ask you, how? How can we do that if she can't bear my child?" Nasasaktan katwiran ni Damsel.Ramdam na ramdam namin ang kagustuhan niyang magbuntis na 'ko pero ayaw talaga eh, kahit anong pilit namin parang araw-araw lang kaming nabibigo."So, your option is to get seperated from her and find a woman who can give you a child? You will dispose of her afterwards na para bang walang namagitang pagsasama sa inyo bilang mag-asawa? Ganun ba?" alinsunod na tanong naman ni Mama at hindi na nga napigilan maiyak sa harapang usapan na nangyayari ngayon."Hindi ka ata aware na ang pagaasawa ay hindi lang tungkol sa pag-aanak! You chose to marry Jessa so she is your responsibility until your last breath! YOU TWO ARE MARRIED for Pete's sake!!" nangangalit na bulyaw ni Papa.Hindi na nga nagpaawat ang pag-alpas na naman ng mga luha ko, pare-pareho kaming nasasaktan pati pamilya ko ay damay na rin at siguradong kapag nalaman din ito ng side ni Damsel ay siguradong ganito rin ang magiging reaksyon nila."Calm down everybody! H'wag na kayong mag-away-away, obviously mahal na mahal nina Damsel at Jessa ang isa't-isa at anak na lang talaga ang kulang. H'wag niyo pahirapan ang mga sarili niyo kakabato ng mga salitang masasasakit," awat ni Jessy sa namuo nang tensyon.Sana nga tunay na mahal namin ang isa't isa, mahal man ako ni Damsel sa paningin nila pero kapag kami na lang dalawa, one sided love na lang ang istorya.Nilukob naman ng katahimikan ang paligid at tanging mabibigat na paghinga lang namin at panaka-nakang paghikbi ang maririnig.Mariin akong napapikit at humarap kay Damsel, kinuha ko ang kamay niya na hanggang ngayon nakakuyom pa rin."Damsel, I have to tell you something. Alam kong malabong mapapayag kita pero ito na lang ang nakikita kong paraan para h'wag mo kong iwan," lumuluhang saad ko sa kanya habang hinahaplos ang kamay niya at kita kong lumuwag ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamao."Tell me," saad nito sa malamig niyang boses."Jessy, my twin sister volunteered to surrogate herself, she's willing to be the surrogate mother of our baby, she offered to help us," saad ko na ikinatigil niya at biglang nagsalubong ang dalawa niyang kilay.Bumaling siya kay Jessy na seryosong nakikinig sa 'min habang mataman kaming pinapanuod. Nagulat ako nang biglang pagak na tumawa si Damsel kaya nagkatinginan kaming apat."I think you are out of you mind," saad ni Damsel at padaskol na tumayo at isa-isa kaming tiningnan."Damsel, please! Pilitin mong lawakan ang pagiisip mo, most of the doctors na nakausap natin ito rin ang suggestions nila, hindi natin kaya makabuo in natural way gaya ng gusto nating mangyari, hindi ko naman makakaya makitang mag-anak ka sa ibang babae," pangungumbinsi ko sa kanya na may pagsusumamo."Pero sa kapatid mo ayos lang sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Damsel sa 'kin na ikinailing ko. Hindi nito naiintindihan."Medyo mangmang ka sa part na 'yan, kaya nga surrogate mother ibig sabihin sperm at egg niyo pa ring mag-asawa ang gagamitin, not mine! Ipapagamit ko lang sa bata ang sinapupunan ko, that's it!" asar namang paliwanag ni Jessy sa asawa ko."I know that, woman. What do you think I am? I know what is surrogation is, it's just that it seems awkward na makitang ikaw pa talaga ang magdadala ng anak ko, namin, gayong mukang wala naman sa itsura mong gusto mong magdalang tao," pananalungat ni Damsel dito na may pangungutya.Kita ko ang pagdidilim ng mukha ni Jessy ngunit hindi niya na lang ipinahalata sabay huminga na lang ng malalim para ikalma ang sarili."I'm giving you a practical offer dahil alam ng lahat na hindi ka naman papayag kumuha ng ibang tao para gawin 'to, at ayaw mo sa mga artificial na method pero malaking tulong sa inyo 'to gayong nakikita kong mahal mo ang kapatid ko sadyang desperado ka lang talaga na magkaanak na kaya naiisipan mo siyang hiwalayan, and I'm here to prevent that to happen, ayokong makitang magkahiwalay kayo dahil lang sa ganu'ng rason," saad ni Jessy habang matamang nakikipagsukatan ng tingin sa asawa ko.Bumaling ako sa gawi ni Damsel na sa tingin ko ngayon ay nagdadalawang isip na, marahil napagtanto niya ang benepisyo na hatid nito sa 'ming dalawa."You think dahil lang sa mga sinabi mo, papayag na 'ko? That's the baddest idea I've heard," saad ni Damsel na siyang ikinabagsak naman ng balikat ko. Ewan ko ba pero maalin man ang maging desisyon niya naghahatid bigat pa rin sa kalooban ko."That's not a bad idea kung makakatulong naman sa inyo," giit ni Jessy."Tatanungin kita, bakit ba ipinagpipilitan mo? What's your purpose behind doing this?" mapanuring tanong ni Damsel habang naniningkit ang kanyang mata.Tumawa lang ng pagak si Jessy na ikinasalubong ng kilay ng asawa ko.Kahit ako nabigla rin sa tanong ni Damsel pero gusto kong marinig ang sagot ni Jessy dahil kapatid ko ito at isa ako sa mga mas nakakakilala dito."Why do you sound as if may balak akong hindi maganda eh, nagmamagandang loob lang naman ako? My purpose is to HELP YOU, nothing else," sagot nito kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay.Kahit naman noong mga bata pa kami hindi na talaga magkasundo sina Jessy at Damsel dahil sa palagi silang nagkakaroon ng iringan
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa silid namin at ini-lock ko ang pinto. Umiiyak akong dumapa sa kama habang ang mukha ko ay nasa unan."Jessa, open this damn door," kalmado ngunit bakas ang pigil na galit sa boses ni Damsel at mayamaya narinig ko na lang ang kalansing ng mga susi hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang pinto.Naramdaman kong tumayo siya sa may paanan ng kama habang nakapamaywang at mataman akong pinapanuod sa pagngawa ko."Iiyak ka na lang ba maghapon?" Para namang biglang nagpanting ang tainga ko at kaagad akong bumangon sabay pinagbababato siya ng unan."F*ck you, Damsel! F*ck you!" sigaw ko sa kanya na ikinadilim ng mukha niya."Kailan ka pa natutong magsalita sa 'kin ng ganiyan? You know it's a bad word wife," saad niya sa kalmado pa rin niyang boses. Gusto kong matawa, wife?"Talaga bang asawa, Damsel? Talaga bang asawa ang tingin mo sa 'kin o tau-tauhan mo lang dito sa bahay na anytime na gust
Gabi na ng magising ako, ginising ako ng mga mainit na halik sa 'king balikat at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ng asawa kong nakayakap sa baywang ko.Nakatalikod ako habang siya ay nasa likuran ko, isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko na naghatid kiliti sa batok ko nang tumama ang mabango niyang hininga rito."Hmmm... " ungot ko at inis akong tinabig siya ngunit nanatili pa rin siyang nakayakap sa 'kin."You still mad?" tanong niya na ikinasalubong ng kilay ko, ito ang mahirap iyung natulog ka nang malungkot at masama ang loob ngunit gigising kang badtrip.Ano bang akala nito? Paggising ko okay na 'ko? Halik-halik lang, okay na pakiramdaman ko? Kahit isang sorry niya lang sana para lang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko ngunit parang kay hirap para sa kanyang bigkasin.Isang sorry lang ang hinihingi ko Damsel, kahit isa lang. Pawiin mo naman ang sakit na idinudulot mo sa 'kin, kahit ngayon lang ibsan mo ang lahat ng bigat na dinadala ko."Ano sa tingin mo? Makayakap ka p
Habol hininga siyang nahiga sa kama sabay hagod niya sa pawisang buhok, naka-todo ang AC ngunit dahil sa labis na init ng katawan ay pinawisan pa rin kami.Tumagilid ako ng higa at niyakap siya ng mahigpit sabay inihiga ko ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.Walang imik niya lang akong binigyan ng halik sa noo at iniunan niya ang braso niya sa ulo ko dahilan para mapatingala ako sa kanya.Hindi siya sa 'kin nakatingin, kundi sa itaas ng kisame, mababasa mo pa rin na kay lalim ng iniisip niya. Nagsalubong ang mga mata namin nang tingnan niya 'ko.Bumaba ang tingin niya sa tiyan ako at marahang hinaplos ito with his free hand and he smiles sadly. Sa tuwing ganito siya ako ang mas nahihirapan."I hate seeing you with that sad smile, sana dumating ang araw na mapalitan ko 'yan ng masayang ngiti," saad ko habang mataman nakatitig sa gwapo niyang mukha."Alam mo naman kung anong ganap na makakapagpasaya sa 'kin," saad niya sabay buntong hininga. Mayamaya lang inalis niya na ang braso niya
"Kailan mo gustong makipag-usap tayo kay Jessy?" tanong ko habang kasalukayan kaming naguumagahan."Ikaw," tugon niya nang hindi ako sinusulyapan.Napabuntong hininga na lang ako, kahit kailan talaga para akong nakikipag-usap sa hangin."Damsel, nakabase ako sa mood mo, baka kasi mamaya napipilitan ka lang." Ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos at saka ng-angat ng tingin sa 'kin, nababagot niya lang akong tinapunan ng tingin."Isn't it obvious? Ikaw lang ang may gusto nang ideyang 'to, kaya don't ask me. It's up to you kung kailan mo ba gusto," saad niya buhat ng pasinghal niyang tono sabay iling at muli nang ipinagpatuloy ang pagkain.Asa ka pa Jessa na makausap mo ng matino iyang asawa mo lalo na sa ganitong bagay."Fine, tell me kapag hindi ka kapapasok sa office, then let's set a schedule with her," saad ko at ibinaling ko na lang din ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko naman naka-ugaliang makipagsabayan sa mood swings niya na dinaig pa ang babaeng may monthy period."Ngayon na
Nakarating na kami sa tapat ng condominium building na tinutuluyan ni Jessy, bumaba na kami ng sasakyan at agad na tumungo sa condo unit nito buhat ng elevator. Alam ni Damsel kung saan ang eksaktong unit ng kambal ko at duda akong nakarating na rin siya rito.Ako na ang nag-door bell, ilang saglit lang bumukas agad ang pinto at bumungad ang gulat na mukha ni Jessy na halatang hindi inaasahang makita kami. Nakasuot pa ito ng night silk pink dress at wala pa nga itong suot na bra kaya bakat na bakat ang tusok nitong n*pples at hindi man lang siya nag-abalang takpan. Bumaling naman ako kay Damsel upang tingnan ang reaksyon niya ngunit parang wala lang naman sa kanya. "Kayo pala! Akala ko, mamayang lunch pa? Nakakabigla naman kayong dalawa, pasok kayo," gulat niyang sambit kasabay nang papatuloy niya sa 'min sa loob at nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto. Sumunod kami sa kanya patungong living room.Tahimik kaming naupo sa mahabang pulang sofa at nilibot ko ng tingin ang kabuan nan
"Ano bang mga test ang kailangan isagawa?" tanong ko."You can ask your ob and gynecologists for the test lists of procedure," sagot ni Jessy."Nag-aaral ka ng medicine hindi mo alam? Imposible namang hindi ka pa nag-research tungkol sa papasukin mo," sabat ni Damsel kaya siniko ko siya upang patahimikin. "What?" baling niya sa 'kin."For your information Damsel, I'm studying as a surgeon doctor hindi ko linya ang pagiging ob o gynecologyst. Yes, nag-research na ako pero iba pa rin iyung actual na sasabihin ng doctor sa ganiyan, ikaw ang parang hindi nag-aral, sige ikaw as bussiness man na tapos ng kursong business ad. at entrep. Mag-opera ka nga?" mataray na pananalungat ni Jessy na halatang pikon na sa asawa ko.She sounds like she's mocking him.Dala pa rin nila ang ugali nilang parang aso't pusa kapag nag-usap, even though we are all adults now. Naisipan ko na lang na ibahin ang usapan."Jessy, do you have a boyfriend?" Biglaang tanong ko dahil napaisip ako, kung biglang magbuntis
JESSY'S POV~Gabi na at patulog na sana ako nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo unit ko, unang gabi ko pa lang ng paglipat dito at wala naman ako inaasahang bisita, bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at agad tumungo sa pinto.Laking gulat ko nang pag-bukas ko ay bumungad sa 'kin ang lasing na mukha ni Damsel, mukang lango ito sa alak, nalaman niyang kalilipat ko lang dito nang sabihin ko sa kanya kanina nang magkita kami sa isang restaurant nang hindi inaasahan."What's brought you here Damsel? Gabi na at lasing ka pa??" gulat kong tanong na ikinangisi niya lang."Can I come in? I miss your tea," saad niya buhat nang pagka-husky niyang boses at mapupungay na rin ang mga mata niyang nakatingin sa mukha ko dulot kalasingan.Napabuntong hininga na lang ako at nilawakan ko ang bukas ng pinto para papasukin siya, alangan naman kung ipagtabuyan ko siya sa lagay niyang 'to.Pumasok na siya at dire-diretsong naunang naglakad papasok sa loob patungong living room kasunod a
Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Isang malakas na palad ang tumama sa magkabilang pisngi ni Jessy na lumikha ng tumataginting na malutong na tunog sa bawat sulok ng condo, tila wala nang pakialam ang lahat kung makunan man ito ngayon."PAANO MO ITO NAGAWA SA PAMILYA NATIN, JESSY?! AT HIGIT SA SARILI MONG KAPATID??" Nagsisidhing tanong ni Mama nang malaman nila ang nangyari at ang katotohanan sa pinaggagawa ni Jessy.Narito ang mga magulang namin ni Damsel, karapatan nilang malaman dahil hindi ito biro.Wala na silang sinayang na oras nang sabihin ko ang problema sa kanila kaya agad silang pumarito sa condo ni Jessy kung nasaan kami ni Damsel dahil sinundan namin ito hanggang makauwi para mas masinsinang makausap.Sapo ni Papa ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya at galit kay Jessy ganoon din ang mga magulang ni Damsel. Hawak ni Mommy Mabel ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at si Daddy Roderick naman ay sapo rin ang kanyang noo kagaya ni Papa na labis din ang galit at pagkadis
Hindi na kami nag-abalang umuwi pa ng bahay, diretso na kaming pumunta kay Dra Franses for Jessy's check up. Tumigil kami sa tapat ng clinic at akma sanang bubuksan ko na ang pintuan nang makitang may siwang ito at may nag-uusap sa loob kaya napahinto kami ni Damsel."Jessy, I can't take this anymore... hindi na kinakaya ng konsensya ko!" Boses iyon ni Dra Franses na tila bagabag ito at medyo tumaas ang boses."Binabayaran naman kita ng sapat na halaga higit pa sa binabayad sa iyo ng kapatid ko at ng asawa niya! Kaya anong problema mo??" Puno ng iritasyon ang boses ni Jessy.Nilingon ko si Damsel na ngayon ay tila nagdidilim ang mukha kahit hindi pa namin alam kung anong pinaguusapan nila. Anong hindi na kinakaya ng konsensya? At bakit binabayaran ni Jessy ng doble si Dra Franses? Para saan?"Aamin ako sa kanila! Sasabihin ko ang totoo!""Sige! Subukan mo? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin? Pili ka, iyung panganay mo o iyung bunso? Kambal sila pareho 'di ba?" Jessy th
"Kung ganoon, sino ang lalaking nakita ni Jarred kung hindi nga talaga ikaw iyon?" tanong ko ngunit may bakas pa rin ng duda."Maybe it was Ryke? Me and that f*cker have the same resemblance. We have the same built and height madalas napagkakamalan siyang ako," sagot niya.Napatigil ako at napaisip. Pinagmasdan ko siyang mabuti upang suriin kung nagsasabi nga siya ng totoo. Kung sa bagay unang kita ko kay Ryke malaki talaga ang hawig nila lalo na sa pangangatawan, may bahagi ang mukha nilang magkapareho.Walang hiyang Jarred! Titingin na lang mali-mali pa! Sa itsura ni Damsel ngayon mukang naninindigan talaga siyang hindi siya ang lalaking kasama ni Jessy papasok ng motel.Kung si Ryke nga iyon, ibang klase din naman talaga itong si Jessy? Ang akala ko ba ayaw niya na ro'n sa lalaki ba't siya nagpapagamit pa? Akala ko wala na sila? At higit sa lahat, buntis siya for God's sake!"Kung siya nga iyon... akala ko ba ayaw niya na kay Ryke? Ba't ngayon nagkasama pa sila sa motel?" tanong ko
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Litong-lito na ako.Damsel told me that he didn't sleep with Jessy, pero ang sabi ni Jarred he saw him with Jessy na pumasok sa isang motel? Sino ang paniniwalaan ko?Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dalian akong pumunta sa Montevial Corp. Para puntahan ang magaling kong asawa.Tumigil ako sa harap ng sekretarya niya. "Where is my husband? Nandito ba siya?""Ah nasa loob po Ma'am, may ka-meeting. Pakihintay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang dire-diretso na akong pumasok sa opisina ni Damsel at awat-awat ako ng secretary pero hinawi ko lang siya nang hinarangan niya ang dadaanan ko.Pagkapasok ko ay naabutan ko itong may kausap na matandang lalaki at agad silang napalingon sa gawi ko nang padarag akong pumasok."I'll be back some other time, Mr. Montevial. Your wife is here, I should go now mayroon din akong pupuntahan. Thanks for the deal, you're a life saver," saad ng matanda at nagpaalam nang aalis na sabay tayo
Sa guest room ako natulog, hindi rin ako sumabay sa kanya ng umagahan at maaga akong pumasok sa trabaho nang hindi siya tinapunan ng tingin kahit makalabas ako ng bahay.He tried to start a conversation with me but I refused because I didn't want talk to him dahil alam ko mauuwi lang sa away. Namumugto na naman ang mga mata ko. Parang dati lang sa tuwing gigising ko ng umaga because of my midnight cries."Ma'am, good morning! I just want to inform you po na may schedule po kayo ng lunch meeting kay Sir Jarred mamaya pong 12:00," My secretary informed me nang salubungin niya 'ko pagdating ko."Okay, thank you Sammy." Pumasok na ako sa loob ng office. Wala ako sa wisyong magtrabaho ngunit hindi ko p'wedeng dalhin dito ang problema ko I have a lot of work to do.Naalala ko hindi ko pa nga pala nakakausap si Jessy at nakakamusta simula nang makabalik siya sa condo niya. Ang hirap ng ganitong may problema ka sa isang tao tapos hindi mo alam kung paano mo ba siya pakikitunguhan o kakausapi
Natapos ang makabuluhang paguusap namin ni Ryke nang napaalam na ito dahil marami pa raw siyang kailangang gawin.Okupado ang isip ko sa mga nalaman nang nakauwi na ako ng bahay kinagabihan. Hindi pa rin mag-sync in sa akin ang lahat. Hagod ko ang buhok kong naupo sa sofa at yumuko.Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod at ang kamay palad ay nasa aking noo. Dahil sa pagod at sobrang pagiisip sumasakit ang ulo ko."Bakit ngayon ka lang?" Damsel's loud voice boomed in every corner of our living room.Sana sinundo mo 'ko kung gusto mo naman pala akong umuwi ng maaga. Bwisit. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya at nanatili ako sa posisyon ko."Anong pakialam mo?" malamig kong tanong sa kanya na hindi niya naman inaasahan.Bakas ang gulat sa kanya. "What did you say, Jessa? Ulitin mo nga?""Ang sabi ko ano bang pakialam mo?"Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinila ako patayo. Mananakit na naman ba siya? Siya pa may ganang manakit?"What's your problem, huh?" tanong
"H-How did she know—""Because they are besties?" he sounds sarcastic nang hindi niya ako pinatapos magsalita.How stupid are you, Jessa? Of course, Dra. Franses knows it because they are long time best friend! Kasasabi lang.Kukurap-kurap ako at iniisip ang sasabihin. "Kaya naman pala... kaya ganu'n na lang sila kung makitungo sa isa't isa dahil alam nila ang bawat sikreto ng isa. But I didn't really expect na ganoon siya pinagkakatiwalaan ni Jessy sa sikreto niya.""Paanong hindi eh, wala siyang choice kundi lumapit sa doctorang iyon na kasalukuyan pa lang nag-aaral noon," klaseng may ibig siyang ipabatid.Simula nang mag-usap kami nitong si Ryke kanina pa, ay binubusog niya na ang utak ko sa mga bagay na kailangan kong malaman at ibinubukas niya ang isip ko sa katotohanan sa likod ng lahat ng ito.Naningkit ang mga mata kong tiningnan siya. "Paanong wala siyang choice na lapitan ito? What do you mean by that?" tanong ko. May nagtutulak sa isipan kong alamin din ang tungkol dito.H