HOWALD JACOB (HJ)...Isang linggo na s'yang nanatili sa America. Hinintay nilang magkapatid hanggang makalabas ang ama sa hospital.Isang linggo na ding gumugulo sa kan'yang isip ang tungkol sa sinabi ng kan'yang mga magulang na anak n'ya. Gulong-gulo ang kan'yang isip at hindi n'ya alam kung ano ang nararapat na gawin sa ngayon.Nahahati ang isip n'ya sa dalawa. Sa kan'yang anak at kung paano ipaalam kay Amber ang tungkol dito.Isang linggo n'ya na ring hindi tinatawagan ang kasintahan dahil naguguluhan s'ya. Kung totoo mang may anak s'ya, alam n'yang masasaktan n'ya si Amber at iyan ang iniiwasan n'yang mangyari. Ayaw n'yang masaktan ang kasintahan ng dahil sa kan'ya at mas masakit ito para sa kan'ya na nakikitang nasasaktan ang dalaga dahil sa kan'yang kagagawan."Fvck!" mariing mura n'ya at napahilamos ng palad sa mukha dahil sa sobrang frustrations. Hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang tungkol sa kan'yang mag-ina.Nakaramdam s'ya ng excitement na makita ang anak at iniisip
AMBER RIZALYN JOY...Isang linggo na ang nakaraan simula ng umalis si Howald para pumunta ng America ngunit kahit isang tawag o mensahi man lang mula sa binata ay wala s'yang natanggap.Parang nilalamukos ang kan'yang puso. Nasasaktan s'ya sa hindi pagtawag sa kan'ya ng kasintahan. Aaminin n'yang may mga araw na nag-iisip s'ya ng kung ano-ano tungkol sa binata ngunit nang maisip ang dahilan kung bakit ito napaalis ng wala sa oras ay pilit n'yang kinakalma ang sarili.Nagpasya s'yang magpaalam kay Drake para bisitahin ang anak. Miss na miss n'ya na si Joshua kaya nakapag desisyon s'ya na silipin muna ito.Lumabas s'ya ng kwarto at hinanap ang amo. Nakasalubong n'ya ang asawa nito na nakabusangot at nagmamaktol."Madam," agaw pansin n'ya sa babae dahil parang wala ito sa sarili na naglalakad."Hi Riza, may kailangan ka?" "Hinahanap ko si Drake, magpapaalam sana ako na uuwi muna," sagot n'ya rito."Go! Umuwi ka na, huwag mo ng hanapin ang busangot na yon, nilublob ko na yon sa bath tub,
HOWALD JACOB (HJ)...Nagpaalam s'ya sa kan'yang mga magulang na babalik na sa Pilipinas matapos masigurong mabuti na ang kalagayan ng kan'yang ama.Hinintay n'ya lang na maka recover ito ng husto bago nagpaalam para walang masabi ang daddy n'ya sa kan'ya, ngunit ang totoo n'yan ay matagal n'ya ng gustong umuwi simula ng malaman n'ya ang tungkol sa kan'yang anak.Hindi naman namilit pa ang mga ito na pumirmi muna sa America kasama ang mga ito at ang mga kapatid dahil sinabi n'yang may hint na sya kung nasaan ang kan'yang anak. Kita sa mukha ng kan'yang mga magulang ang excitement at napaghalataan n'ya ang mga ito na gustong-gusto ng magkaapo. Ayon sa ama matagal na nilang pinapahana ang babaeng nagngangalang Joy ngunit palaging bigo ang mga ito.Malakas ang pakiramdam ng mga magulang na may humaharang sa paghahanap ng mga ito at ayaw na matagpuan ng mga ito si Joy at Joshua.Kahit s'ya din naman ay excited ng malaman kung nasaan ang kan'yang anak. Kakausapin n'ya agad si Drake pagdat
HOWALD JACOB (HJ)..."Tatay kukunin mo na ba kami ni nanay?" tanong ni Joshua sa kan'ya. Nakaupo na sila ngayon sa sofa sa loob ng opisina ni Tobias."Yes son, iuuwi na kita sa bahay. Are you happy to be with tatay?" tanong n'ya rito kasabay ng bahagyang paggulo ng buhok ng anak."Ako lang po? Hindi ba natin isasama si nanay? Kung hindi mo po s'ya isasama tatay hindi din po ako sasama sa inyo. Malulungkot po si nanay at iiyak yon panigurado. Ayoko pong umiyak pa si nanay, naawa na po ako sa kan'ya kaya I'm sorry po pero hindi po ako sasama sa inyo," sagot ng anak.Natigilan s'ya ng ilang segundo at hindi nakahuma. Kung iuuwi n'ya si Joshua at kasama ang ina nito ay paniguradong malaking gulo sa relasyon nila ni Amber.Masasaktan n'ya lalo ang kasintahan at baka iisipin nito na may relasyon pa rin sila ng ina ni Joshua."Anak ganito kasi yon—," hindi n'ya na natapos ang gustong sabihin ng sumabat ang bata."It's ok lang naman po tatay, I understand naman po pero hindi ko po iiwan si n
AMBER RIZALYN JOY...Para s'yang binagsakan ng langit at lupa ng makita si Joshua na kasama si Howald. Kausap n'ya lang ang anak kanina tapos ngayon ay nasa mansion na ito ni Drake at kasama pa si Howald na hindi n'ya alam kung paano nito nakuha si Joshua na isinama ni Jessica sa pinagtatrabahuan nito.Hindi s'ya nakahuma kahit pa ng lumapit sa kan'ya ang anak at niyakap s'ya dahil sa tuwa. Nakatuon lang ang kan'yang paningin kay Howald na kita n'ya sa mga mata ang galit at poot para sa kan'ya.Ito na ba ang kinatatakutan n'ya na mangyari? Ito na ba ang sinasabi ni Esteban na iba kapag nagalit ang isang mafia? Bakit inagahan ng tadhana na ipaalam dito ang tungkol sa anak nila. Bakit hindi man lang s'ya hinintay nito na s'ya ang magsasabi kay Howald.Desidido na sana s'yang ipaalam kay Howald ang tungkol kay Joshua. Hinihintay n'ya na lang na makauwi ito galing sa America para masabi n'ya ang lahat sa binata ngunit mukhang hindi n'ya na kailangan pa magpaliwanag dahil nandito na ang d
AMBER RIZALYN JOY...Inayos n'ya ang sarili at sinundan si Howald sa baba. Natatakot s'ya na baka kinuha na nito si Joshua.Pababa na s'ya ng hagdan nang marinig ang sigawan sa bandang living room ng bahay ni Drake. Dali-dali s'yang pumanaog at bumungad sa kan'ya si Drake na may hawak na baril habang nakaumang ito kay Howald."Drake! " nahintakutan na tawag n'ya sa amo dahil baka makalabit nito ang baril na hawak."Tell me Rizalyn na hindi ka sinaktan ng gagong ito?" pasigaw na tanong ni Drake sa kan'ya."Don't interfere Drake! Wala kang karapatan na pigilan kami sa desisyon namin. At matanong ko nga, bakit ba ganon ka na lang ka concern kay Amber? May dapat ba akong malaman?" malakas na sigaw ni Howald kay Drake. Sobrang pula ng mukha ng kan'yang amo dahil sa galit. Igting din ang mga panga at naglabasan ang ugat sa kamay na nakahawak sa baril."Don't miss up with Rizalyn El Frio, I'm warning you!" matigas at malamig na banta ni Drake kay Howald."Drake please, ibaba mo ang baril mo
AMBER RIZALYN JOY...Hindi s'ya nakatulog ng maayos dahil sa sobrang init. Walang ibinigay na electric fan si Howald sa kan'ya kaya tiniis n'ya na lang ang sobrang init.Wala din s'yang kama o kahit kutson man lang. May ginawa s'yang higaan mula sa nakitang empty box kahapon ng linisin n'ya ito. Katabi n'ya sa pagtulog ang iba pang mga gamit na nakatambak sa bodega. Parang tinatarakan ng punyal ang kan'yang puso ngunit para sa anak ay titiisin n'ya ang lahat.Bumangon na s'ya at kumuha ng damit sa kanyang bag. May banyo sa labas ng bodega na pwede n'yang gamitin.Mabilis ang mga kilos na naligo s'ya at nagbihis. Kailangan n'yang magluto ng almusal para sa kan'yang mag-ama.Nang matapos s'yang maligo at makapag-ayos ay agad s'yang pumasok sa mansion. Naabutan n'ya sa sala ang lalaking kausap kahapon ni Howald."Ahmmm, magandang araw ho, saan banda ang kusina? Magluluto sana ako ng almusal ng ana— ng amo ko," nauutal na tanong n'ya rito."Sumunod ka sa akin," seryosong sagot nito. Wa
AMBER RIZALYN JOY...Buong araw s'yang nagtrabaho, nilinis n'ya ang buong bahay kahit hindi naman madumi. Ayaw n'yang may masabi si Howald sa kanya."Hello tatay, can you please tell nanay to stop cleaning the whole house already? She's been cleaning the whole day na po kasi," narinig n'ya ang boses ng anak. Nasa living room ito at nagsusulat o di kaya ay gumuguhit ng kung ano-ano kanina.Marami din itong libro na dinala sa living room para basahin. Hindi makulit si Joshua kahit pa noong sanggol pa lamang ito. Kaya nga nadadala n'ya ito dati sa pagtatrabaho dahil napakabait nito at hindi nangungulit sa kan'ya kapag nagtatrabaho s'ya.Siguro naintindihan ng anak na kailangan nilang kumayod para magkapera at para may pambili ng pagkain.Nagsalubong ang kan'yang kilay kung sino ang kausap nito. Hindi pa naman nakauwi si Howald. Ibinaba n'ya ang hawak na basahan at sinilip ang anak na nasa living room at nakita n'yang may hawak itong cellphone."Joshua Hades who's phone are you using?" ma