AMBER RIZALYN JOY...Buong araw s'yang nagtrabaho, nilinis n'ya ang buong bahay kahit hindi naman madumi. Ayaw n'yang may masabi si Howald sa kanya."Hello tatay, can you please tell nanay to stop cleaning the whole house already? She's been cleaning the whole day na po kasi," narinig n'ya ang boses ng anak. Nasa living room ito at nagsusulat o di kaya ay gumuguhit ng kung ano-ano kanina.Marami din itong libro na dinala sa living room para basahin. Hindi makulit si Joshua kahit pa noong sanggol pa lamang ito. Kaya nga nadadala n'ya ito dati sa pagtatrabaho dahil napakabait nito at hindi nangungulit sa kan'ya kapag nagtatrabaho s'ya.Siguro naintindihan ng anak na kailangan nilang kumayod para magkapera at para may pambili ng pagkain.Nagsalubong ang kan'yang kilay kung sino ang kausap nito. Hindi pa naman nakauwi si Howald. Ibinaba n'ya ang hawak na basahan at sinilip ang anak na nasa living room at nakita n'yang may hawak itong cellphone."Joshua Hades who's phone are you using?" ma
AMBER RIZALYN JOY...Magaan ang kan'yang pakiramdam na nagluto ng hapunan ng dalawa. Hanggang ngayon ay iniisip n'ya pa rin kung nasa kwarto n'ya pa ba si Howald.Hindi n'ya ito napansin na lumabas at hindi n'ya rin narinig ang anak na kausap ang ama nito.Nagluto s'ya ng sinigang na request ni Joshua at nag prito ng salmon fish. Dalawang ulam lang dahil dalawa lang naman ang mga ito na kakain.Magluluto na lang s'ya mamaya ng instant noodle para sa kan'yang pagkain.Nang matapos makapagluto ay inihain n'ya na ang mga pagkain sa mesa at lumabas para tawagin ang anak."Joshua nak nakaluto na si nanay, pwede ka ng kumain," tawag n'ya rito."Yeheey! Actually nay gutom na ako, kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa t'yan," sagot nito habang himas-himas ang malaking t'yan."Ang sabihin mo nak, matakaw ka lang," kantyaw n'ya na ikinasimangot ni Joshua."Si nanay talaga oh!" samabakol ang mukha na sita nito sa kan'ya na tinawanan n'ya lang."Wait! Nakita mo ba ang tatay mo na dumaan dit
HOWALD JACOB (HJ)...He was in the office, kapapasok n'ya lang sa kan'yang opisina galing sa meeting. Mr. El Frio you have a dinner meeting with Dr. Stephanie Gainer," boses ni Mr. Pascual ang narinig n'ya mula sa pintoan ng kan'yang opisina. Nakasunod pala ito sa kan'ya at hindi n'ya man lang namalayan.Sasagot na sana s'ya ngunit biglang tumunog ang kan'yang cellphone. Sinilip n'ya kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ng anak.Binigyan n'ya ito ng sariling cellphone para may magamit ito kapag gusto nitong tumawag sa kan'ya. Tinuruan n'ya din si Joshua kung paano gumamit ng naturang aparato."Hello son," bungad n'ya rito."Hello tatay, can you please tell nanay to stop cleaning the whole house already? She's been cleaning the whole day na po kasi," tunog reklamo nito. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay dahil sa sinabi ni Joshua.Maya-maya pa ay narinig n'ya ang boses ni Amber. Napaka seryoso ng boses nito at walang himig ng kahit na anong lambing sa anak na madalas n'yang
HOWALD JACOB (HJ)..."I'll be back, wait for me here," mga katagang binitawan n'ya bago umalis at iniwan ang kan'yang mag-ina.Sobrang bigat sa pakiramdam na mawalay sa mga ito ngunit kailangan. Titiisin n'ya muna sa ngayon ang lahat para pagbayaran ang mga nagawang kasalanan kay Amber at kay Joshua."Boss saan tayo?" narinig n'yang tanong ni Henry. Ang pinagkakatiwalaan n'ya sa lahat ng kan'yang mga taohan. Alam nito na hindi s'ya magpapa hospital."Dungeon!" maikling sagot n'ya rito at kinuha ang cellphone sa bulsa para tawagan si Ashton. Si Ashton ang s'yang tumatayong doctor n'ya at ito lang ang nakakaalam ng tungkol sa kan'yang kalagayan."What is it El Frio?" bungad ng sagutin nito ang kan'yang tawag."I need you Morgan! My memory is back, I remember everything now!" sagot n'ya rito."Fvck! That's a good and bad news bro. Nasaan ka ngayon pupuntahan kita," tanong nito."We're heading to the dungeon, sumunod ka na lang doon," sagot n'ya rito at pinatay ang tawag.Nakatulala lang
HOWALD JACOB (HJ)..."Ahhhhhhhh!" impit na sigaw n'ya ng tumama ang latigo sa kan'yang likoran. Ilang linggo n'ya na bang ginagawa ito?He asked Henry to cane him para parusa sa sarili n'ya dahil sa ginawang kasalanan kay Amber.Every week ay nagpapalatigo s'ya sa taohan na alangan at labag sa loob na sumunod sa utos n'ya ngunit wala ding magagawa dahil s'ya ang boss.Every Sunday ay nagpapahataw s'ya kay Henry o di kaya kay Benny. One hundred strokes na halos ikawala na ng kan'yang ulirat ngunit tinitiis n'ya at pilit na kinakaya.Kapag naghilom na ang kan'yang sugat pagkatapos ng isang linggo ay magpapahataw na naman s'ya ulit.Malapit na s'yang mag tatatlong buwan dito sa isla at sa loob ng mga panahon na yan ay hindi s'ya umuwi o tumawag man lang sa kan'yang mag-ina.Ngunit araw-araw s'yang updated sa mga ito at nakikita n'ya rin ang dalawa dahil may mga naka install na cctv sa buong mansion at naka konekta sa kan'ya sa isla.Parang sinasaksak ang kan'yang puso sa tuwing naririni
AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na parang naaamoy si Howald. Idiniin n'ya ang kan'yang ilong sa unan na gamit at ninamnam ang amoy ng binata.Ngunit ng maalala ang lalaki ay mabilis s'yang napabalikwas ng bangon at doon lang napagtanto na alas nwebe na pala ng umaga.Inilibot n'ya ang tingin sa buong silid para lang manlaki ang mga mata dahil alam n'yang nasa loob s'ya ng kwarto ni Howald."Kung ganon dito ako nakatulog?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nilingon n'ya ang kama at nakita n'yang gusot ang parte na nasa tabi n'ya na ang ibig sabihin ay doon din natulog si Howald at magkatabi sila sa higaan.Parang gusto n'yang maglaho dahil sa kahihiyan. Naitakip n'ya ang mga palad sa mukha at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Isa-isa namang dumaloy sa kan'yang isip ang nangyari pati na ang dahilan kung bakit s'ya hinimatay.Nang maisip ang bagay na iyon ay walang pasubaling tumakbo s'ya palabas ng kwarto at binaybay ang daan patungo sa hagdan.Mabilis ang mga kilos na bumaba s'ya
AMBER RIZALYN JOY..."Nak nakita mo ba ang tatay mo?" tanong n'ya kay Joshua. Nanunuod ito ng cartoons ng madaanan n'ya sa sala. Kanina n'ya pa hinahanap si Howald dahil magpapaalam s'ya rito na lalabas muna saglit dahil bibili s'ya ng vitamins at gatas ni Joshua."Oy si nanay kunyari galit kay tatay pero kapag hindi nakita hanap naman ng hanap. Sana all!" malokong tukso ng anak sa kan'ya."Joshua Hades Borris!" sita n'ya rito."El Frio nay!" dagdag pa nito. Isang buwan na silang nagsasamang tatlo simula ng bumalik si Howald at pinaayos na nito ang pagpapalit ng apelyedo ng anak.Madali lang naman para kay Howald na gawin iyon dahil may kaibigan itong abogado at malawak ang connection ng binata para sa mga ganitong bagay.At sa loob ng isang buwan na pagsasama nila ay s'ya ding panunuyo ng binata sa kan'ya ngunit hindi n'ya pa rin ito binigyan ng pagkakataon na makipag mabutihan sa kan'ya.Nakikita n'ya naman na ginagawa ni Howald ang lahat para mapatawad n'ya ito ngunit hindi pa s
AMBER RIZALYN JOY...Tinutoo ni Howald ang sinabi nitong silang tatlo ng anak ang lalabas. Kaya ito sila ngayon sakay sa sasakyan ni Howald at ito ang nagmamaneho patungo sa mall.Nakaupo sa likuran ang anak at nanunuod ng cartoons sa ipad nito samantalang silang dalawa ni Howald ay nasa unahan."Joshua not too much screen time please," saway n'ya rito. "Five minutes na lang po nanay," sagot nito."Did you know that it's bad for your eyes to use phones or ipads in the car?" sita n'ya sa anak dahil lagi na lang itong nakatunganga sa tv o di kaya ay sa ipad nito.Naramdaman n'ya ang kamay ni Howald na ginagap ang kan'yang kamay at pinisil iyon. Nilingon n'ya ito at nakita n'ya kung ano ang gustong ipahiwatig ng kasintahan."You're spoiling him Howald!" sita n'ya sa binata."Nay just let him, ngayon lang naman yan , magsasawa din yan sa kapapanuod n'ya." katwiran pa ng magaling na ama."But when? Kapag nasira na ang mata n'ya? Ikaw naman kasi binilhan mo na ng cellphone noong nakaraan n