AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang panlalambing, ewan n'ya ba kung panlalambing ang tawag doon kasi mukhang puro kalandian naman sa kan'ya ang ginawa ni Hj ay lumabas na sila ng kwarto. Nagulat pa s'ya ng umakyat sila sa rooftop at nakita ang isang helicopter na naghihintay."D-Dyan tayo sasakay?" tanong n'ya sa binata. Mahigpit na hawak nito ang kan'yang kamay na parang takot na takot na mawala s'ya."Uhuh! Wala akong kotse na dala baby, ito ang gamit ko kanina ng pumunta ako rito. Are you scared?" nag-aalalang tanong ng binata. Umiling s'ya bilang tugon."No! Ok lang naman sa akin," sagot n'ya rito. Hindi naman big deal sa kan'ya ang pagsakay sa helicopter dahil ang totoo n'yan ay bihasa na s'ya rito at may lisensya sa pagka piloto labing limang taong gulang pa lamang s'ya noon.Ten years old pa lang s'ya ng regalohan s'ya ng kan'yang mga magulang ng sariling helicopter. At sa edad na sampong taong gulang ay hinasa na s'ya ng kan'yang instructor sa pagmamaneho sa naturang sasakyan han
AMBER RIZALYN JOY...Si Howald ang ama ni Joshua..!!Para s'yang binagsakan ng langit at lupa sa natuklasan. "So hindi lang pala magkamukha ang dalawa dahil pinaglilihian n'ya si Howald dati? Totoong mag-ama ang mga ito kaya kahit ang mga traits ni Howald ay makikita din kay Joshua," lihim na pagkausap n'ya sa sarili.Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Sasabihin n'ya ba kay Howald o hahayaan na lang na itago lang lahat ng nangyari sa kanila. Nakatayo lang s'ya sa bungad ng kusina at iniisip ang dapat na gawin. Puno ng pag-alala ang kan'yang puso at sobrang takot na takot s'ya na baka malaman ni Howald ang lahat at kukunin si Joshua sa kan'ya.Hindi mahirap para sa binata ang gawin iyon dahil mayaman ito at ma impluwensya. Wala s'yang laban dito kahit pa sabihin na s'ya ang ina."Hey baby are you ok? Bakit nakatayo ka lang d'yan? At bakit ang tahimik mo?" boses ni Howald ang nagpabalik sa kan'ya sa sarili. Tumikhim s'ya at inayos ang sarili. Inalis n'ya sa mukha ang pag-alala at
HOWALD JACOB (HJ)...He's happy, sobrang saya n'ya na napapakanta pa s'ya habang nagluluto. He can sense that Amber is bothered with something that he can't figure out.Kapag tinatanong n'ya naman ito ang tanging sagot lamang ng kasintahan ay nag-aalala ito sa status nila sa buhay na ipinagkibit- balikat n'ya na lamang dahil hindi naman ito big deal sa kan'ya. For him balewala kung mahirap lamang ang dalaga, marami na s'yang pera at wala s'yang pakialam sa sasabihin ng ibang tao as long as he's happy. And Amber is his happiness, kapag kasama n'ya ang babae ay hindi n'ya kayang ipaliwanag ang saya na nararamdaman."Ang sarap mo palang magluto?" papuring sabi ng kasintahan. Ngitian n'ya ito at natutuwang pinagmamasdan ang dalaga na sinimot ang pagkain na na inilagay n'ya sa plato nito."Syempre baby dapat kapag magaling kang kumain ng sandwich, dapat ay marunong ka ding magluto ng pagkain ng may-ari ng sandwich na kinain mo," malokong sagot n'ya sabay kindat dito. Namula ang pisngi nit
HOWALD JACOB (HJ)...Nauna s'yang tumalon sa tubig dahil parang sinisilaban na ang kan'yang katawan dahil sa sobrang init.Only Amber can make him feel like this. Kahit s'ya ay hindi din maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lang s'ya kabaliw sa dalaga.Pagkatapos ng halikan nila ay agad s'yang tumayo at tumakbo sa pool at diretsong tumalon sa tubig para maibsan ang init na nararamdaman ng katawan n'ya.Lumangoy s'ya sa medyo madilim na parte ng swimming pool at sumisid. Nanatili s'ya sa ilalim ng tubig at hindi nasaksihan ang pag panic ni Amber ng hindi na s'ya nakaahon ng ilang segundo.He is a swimmer at kaya n'yang manatili sa ilalim ng tubig ng ilang minuto. Kinalma n'ya ang sarili sa sahig ng swimming pool ngunit maya-maya lang ay may mga kamay na humatak sa kanya pataas.Malalim ang parteng ito ng pool at masyadong dim ang ilaw sa bahaging ito. Iniahon s'ya ng dalaga mula sa tubig at nakita n'ya ang mukha ni Amber na puno ng pag-aalala at naiiyak. "Baby!" tawag n'ya ri
HOWALD JACOB (HJ)...Maaga s'yang nagising dahil sa tunog ng kan'yang cellphone. Nakapulopot ang kan'yang isang braso sa bewang ng kasintahan na nakaunan sa isang braso n'ya at mahimbing na natutulog.Ginawaran n'ya ito ng halik sa noo at dahan-dahan na kinuha ang pagkakaunan nito sa kan'ya. Maingat n'yang inilagay ang ulo nito sa unan at bumangon sa kama.Tinungo n'ya ang kinaroroonan ng kan'yang cellphone at sinilip kung sino ang tumatawag.It's his mom! At nagsalubong ang kan'yang mga kilay kung bakit ito tumatawag sa ganitong oras. His mother knows the time in the Philippines at never itong tumawag sa kan'ya sa ganitong oras.Nasa America ang mga ito kasama ang kan'yang ama.Kinuha n'ya ang cellphone at lumabas sa balkonahe para doon kausapin ang ina. Namatay na ang tawag nito kanina dahil hindi n'ya agad nasagot kaya s'ya na ang tumawag pabalik dito.Tatlong ring lang mula sa kabilang linya at sinagot na agad ng kan'yang mommy ang tawag."Jacob son," bungad nito ngunit alam n'y
HOWALD JACOB (HJ)...Isang linggo na s'yang nanatili sa America. Hinintay nilang magkapatid hanggang makalabas ang ama sa hospital.Isang linggo na ding gumugulo sa kan'yang isip ang tungkol sa sinabi ng kan'yang mga magulang na anak n'ya. Gulong-gulo ang kan'yang isip at hindi n'ya alam kung ano ang nararapat na gawin sa ngayon.Nahahati ang isip n'ya sa dalawa. Sa kan'yang anak at kung paano ipaalam kay Amber ang tungkol dito.Isang linggo n'ya na ring hindi tinatawagan ang kasintahan dahil naguguluhan s'ya. Kung totoo mang may anak s'ya, alam n'yang masasaktan n'ya si Amber at iyan ang iniiwasan n'yang mangyari. Ayaw n'yang masaktan ang kasintahan ng dahil sa kan'ya at mas masakit ito para sa kan'ya na nakikitang nasasaktan ang dalaga dahil sa kan'yang kagagawan."Fvck!" mariing mura n'ya at napahilamos ng palad sa mukha dahil sa sobrang frustrations. Hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang tungkol sa kan'yang mag-ina.Nakaramdam s'ya ng excitement na makita ang anak at iniisip
AMBER RIZALYN JOY...Isang linggo na ang nakaraan simula ng umalis si Howald para pumunta ng America ngunit kahit isang tawag o mensahi man lang mula sa binata ay wala s'yang natanggap.Parang nilalamukos ang kan'yang puso. Nasasaktan s'ya sa hindi pagtawag sa kan'ya ng kasintahan. Aaminin n'yang may mga araw na nag-iisip s'ya ng kung ano-ano tungkol sa binata ngunit nang maisip ang dahilan kung bakit ito napaalis ng wala sa oras ay pilit n'yang kinakalma ang sarili.Nagpasya s'yang magpaalam kay Drake para bisitahin ang anak. Miss na miss n'ya na si Joshua kaya nakapag desisyon s'ya na silipin muna ito.Lumabas s'ya ng kwarto at hinanap ang amo. Nakasalubong n'ya ang asawa nito na nakabusangot at nagmamaktol."Madam," agaw pansin n'ya sa babae dahil parang wala ito sa sarili na naglalakad."Hi Riza, may kailangan ka?" "Hinahanap ko si Drake, magpapaalam sana ako na uuwi muna," sagot n'ya rito."Go! Umuwi ka na, huwag mo ng hanapin ang busangot na yon, nilublob ko na yon sa bath tub,
HOWALD JACOB (HJ)...Nagpaalam s'ya sa kan'yang mga magulang na babalik na sa Pilipinas matapos masigurong mabuti na ang kalagayan ng kan'yang ama.Hinintay n'ya lang na maka recover ito ng husto bago nagpaalam para walang masabi ang daddy n'ya sa kan'ya, ngunit ang totoo n'yan ay matagal n'ya ng gustong umuwi simula ng malaman n'ya ang tungkol sa kan'yang anak.Hindi naman namilit pa ang mga ito na pumirmi muna sa America kasama ang mga ito at ang mga kapatid dahil sinabi n'yang may hint na sya kung nasaan ang kan'yang anak. Kita sa mukha ng kan'yang mga magulang ang excitement at napaghalataan n'ya ang mga ito na gustong-gusto ng magkaapo. Ayon sa ama matagal na nilang pinapahana ang babaeng nagngangalang Joy ngunit palaging bigo ang mga ito.Malakas ang pakiramdam ng mga magulang na may humaharang sa paghahanap ng mga ito at ayaw na matagpuan ng mga ito si Joy at Joshua.Kahit s'ya din naman ay excited ng malaman kung nasaan ang kan'yang anak. Kakausapin n'ya agad si Drake pagdat