AMBER RIZALYN JOY...Hindi mawala sa isip n'ya ang pinsan.Isang linggo na simula ng makita n'ya ito sa harapan ng eskwelahan ni Joshua.Sa tuwing hinahatid nila ang anak ay nagbabasakali s'yang makikita n'ya ito ngunit hindi n'ya na namataan pa ulit si Lucy. Ang sabi ng ni Howald ay baka guni-guni n'ya lang na nakita n'ya si Lucy at hindi naman ang pinsan ang kan'yang nakita ngunit hindi eh.Malakas ang pakiramdam n'ya na ang pinsan n'ya iyon. Hindi s'ya pwedeng magkamali.Araw ng Sabado ngayon at wala silang mga pasok. Tulog pa ang kan'yang mag-ama at s'ya naman ay bumaba para maghanda ng almusal.Kahit may mga katulong sila ay hindi n'ya inaasa sa mga ito ang pag-aasikaso sa kan'yang mag-ama lalo na sa pagkain ng mga ito.Very hands-on s'ya sa dalawang lalaki at sinisigurado palagi na maayos at masustansya ang nakakain ng kan'yang mag-ama.Tahimik s'yang naghahanda ng kanilang almusal. Iniisip n'ya na dati ay namomoroblema pa s'ya sa tuwing umaga kung saan kukuha ng ipapakain kay Jos
AMBER RIZALYN JOY..."Oh she's here," masayang turan ni Maxine habang nakatingin sa kan'ya. Lumingon sa kan'ya si Howald at matamis na ngumiti sabay lapit sa paanan ng hagdan para salubongin s'ya."Hey baby, are you ok?" tanong ng asawa. Tipid s'yang ngumiti at dahan-dahan na bumaba. Inalalayan naman s'ya ng asawa at agad na hinalikan sa labi sa harapan mismo ng kanilang bisita."Oh so sweet!" kinikilig na sabi ni Maxine. Nang balingan n'ya ito ay malapad itong nakangiti sa kanila habang ang mga kamay ay nasa baba na animo ay teenager na kinikilig."H-Hi," bati n'ya rito. Ngumiti naman ito sa kan'ya ng pagkatamis-tamis sabay baling kay Howald."Howald introduce me to your wife!" sita ni Maxine sa kan'yang asawa. Mahina namang natawa si Howald at inakbayan s'ya nito at humarap sa kaibigan."Nay this is Maxine my clingy and spoiled brat childhood friend, Max this is Amber the love of my life, my wife," pagpapakilala ni Howald. Lumapit sa kan'ya ang babae na may malapad na ngiti sa labi
AMBER RIZALYN JOY...They spend the whole day exploring the whole island. Para itong paraiso sa ganda. The whole place is still untouched at s'ya pa ang hinihintay ng asawa kung ano ang gusto n'yang gawin dito.There is only a bungalow house na s'yang nagsisilbing pangingahan. Kumpleto naman ito sa mga gamit at mayroong mag-asawa na s'yang caretaker ng kanilang bahay.Sa kabilang isla ang mga ito nakatira at pumupunta lang doon para maglinis at magtingin-tingin sa bahay nila.Napakamayaman ng isla sa mga puno na namumunga. Ang daming prutas sa paligid na pwedeng kainin at mga niyog. Sobrang dami din ng mga ligaw na bulaklak at mga orchids na nakabitay sa mga puno ng kahoy at ang iba ay sa mga malalaking bato tumutubo.Mayroon ding waterfalls sa gitna ng isla. Hindi ito kalakihan ngunit pwede nang paligoan ng halos sampong katao. Sobrang ganda ng paligid. Para kang nasa paraiso dahil sa dami ng mga bulaklak sa paligid. Iba't-ibang uri din ng ibon ang makikita na nagliliparan. Idagdag
AMBER RIZALYN JOY..."Oh my gosh! I can see the young Howald in you," bulalas ni Maxine habang nakatingin kay Joshua. Tuwang-tuwa ito na nagpalipat-lipat ng tingin kay Howald at Joshua."I am his son, so normal lang na magkamukha kami. Who are you by the way?" malamig at seryosong tanong ni Joshua rito. Iba ang awra ng anak habang nagtatanong kay Maxine.Ngayon n'ya lang nakita ang ganitong mukha ni Joshua.Sa hilatsa ng hitsura nito ay kita n'ya na ayaw nito kay Maxine."Joshua be nice, she's your tita Maxine, your tatay's bestfriend," saway n'ya sa anak sabay pakikilala kay Maxine rito."Hi Josh, it's nice to meet you," malapad ang ngiti na sabi ni Maxine sa kan'yang anak ngunit seryoso lamang ang mukha nito na tiningnan ang babae."Bestfriend my ass," sambit nito na ikinaawang ng labi n'ya. Never in her life na narinig n'ya na nagsalita ng mga ganitong kataga si Joshua.Sobra ang kan'yang gulat na napaawang pa ang kan'yang labi at hindi nakahuma ng ilang segundo dahil sa sinabi nit
AMBER RIZALYN JOY...Nagsimba sila ng kan'yang mag-ama kinahaponan. Naging ok na naman ang dalawa na nag-away kanina. Ito ang nagustohan n'ya kay Howald at Joshua. They knows how to forgive each other kapag may nagawang mali ang isa. Mag-uusap ang mga ito ng masinsinan at magkapatawaran, then ok na ulit ang mga ito.Matapos nilang magsimba ay kumain na muna sila sa labas bago umuwi. Kan'ya-kan'ya na din sila ng akyat sa kanilang kwarto para makapagpahinga ng makarating sa bahay.Kinabukasan ay lunes, maaga silang nagising ni Howald dahil mayroon silang meeting sa isang client ng kompanya ng mga Borris.Borris Travel Company is one of the biggest travel company across the globe. Maraming bansa ang naka tie up sa kompanya nila for tourism and businesses purposes. Sila ang major provider ng mga bansa ng mga tourist and business company na s'yang pumapasok at lumalabas sa lugar.Accredited company sila ng mga bansa kaya ang lahat ng gustong mag negosyo o maging tourist sa mga bansa na
AMBER RIZALYN JOY...After the call na natanggap n'ya ay ilang minuto pa s'ya munang napatulala bago hinamig at inayos ang sarili.She ignores the call dahil baka may gusto lang mang trip sa kan'ya. She only trusts her husband and her son and Yaya Dolores. Other than that ay wala na, kaya malabo ang sinasabi ng tumawag sa kan'ya na kailangan ay mag-ingat s'ya sa mga taong pinagkakatiwalaan. Howald, Joshua and yaya Dolores will never cheat her at alam n'ya ang bagay na yan.Nagsalin s'ya ng tubig sa baso at inisang lagok iyon. Medyo naginhawaan s'ya at kumalma kaya nagbihis s'ya agad para makaalis na.Ayaw n'yang mag-isip ng kung ano-ano sa araw na ito. She is supposed to relax today at hindi yong namomroblema s'ya sa mga bagay-bagay na wala namang katuturan.Nagsuot lamang s'ya ng simpling bestida at flat sandal. Sinuklay n'ya lang ang mahabang buhok at nagpahid ng lip gloss sa labi at lumabas.She has her own car to drive pero dahil magkasama sila ni Maxine ay nagpasya s'yang mag t
AMBER RIZALYN JOY..."Hey Amber you're here!" ang boses ni Maxine ang pumukaw sa kan'ya. Mabilis n'yang itinago and card sa bag at humarap sa dalaga na may matamis na ngiti sa labi."Hi Maxine, kanina ka pa ba? Sorry I'm late," hingi n'ya ng paumanhin rito."Ano ka ba, pareho lang tayong maaga. Wala pa ngang eleven oh," nakangiting sabi nito sabay pakita ng oras sa relo na suot."Nauna ka kasi kaya nahihiya ako," sagot n'ya rito."May pinuntahan kasi ako na malapit lang dito kaya dumiretso na agad ako dito pagkatapos ko kanina. Are you ready?" tanong ng dalaga."Yeah! Where to go first?" tanong n'ya rito."Let's go to the salon first. Let's have some haircut, manicure and pedicure, footspa, massage at iba pa. Basta madami," excited na sagot nito. Nakaramdam din s'ya ng excitement sa sinabi ni Maxine kaya nagpatiuna na s'ya sa pagpasok.Malakas naman itong tumawa sa kan'yang likoran ng makita ang reaction n'ya. "Hindi halatang excited ah!" kantyaw nito. "Ikaw kasi eh, ang dami mong s
AMBER RIZALYN JOY...Nang hindi na makita pa si Lucy ay nagpasya s'yang bumalik sa loob ng restaurant. Ngunit akmang papasok na s'ya ng mamataan n'ya ang driver ng taxi na sinakyan n'ya kanina. Nakatayo ito sa di kalayuan at may kausap sa cellphone ngunit ang mga tingin ay nasa kan'ya.Hindi n'ya alam ngunit iba ang nararamdaman n'ya ngayon. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at ng bumalik ang tingin n'ya sa lalaki ay wala na ito sa kinatatayuan nito kanina."Anong nangyayari sa akin?" mahinang tanong n'ya sa sarili."Totoo bang nakikita ko sila o namamalikmata lang ako?" dagdag n'ya pa."Ma'am are you ok?" naalimpungatan s'ya ng marinig ang boses ng isang babae.Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya na isa sa mga staff ng restaurant na kinainan nila ni Maxine."Ahmmm! Yeah, thank you for asking," tipid na sagot n'ya rito."You're welcome! Pasok na po kayo," nakangiting sabi nito sabay mwestra ng kamay sa kan'ya na pwede na s'yang pumasok. Tumango s'ya sa babae at ngumiti ulit bago pum