Share

Chapter 2

Author: LadySparrow
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Meet Him

Meet King Alexander Jaquez.

Devilishly handsome, wealthy and uneniebly a man to die for sa tagalay nitong karisma. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang kaniya. He is the CEO of the Great King Company. He has a lot of connection when it comes to business matter. Back then, he is known for being arrogance, cold-hearted and heartless. He wants everything to be perfect. He hates late when it comes to his company. But one thing he really hates the most? Stupidity. 

"Arrogance is in everything i do. It is in the harshess of my voice, in the glow of my gaze, in my sineway tormented face." 

Alexander Pov

"OUT!" I shouted one of the applicant who's applying in my company. Damn it! Wala na ba mas matino pa? Sa lahat ng nag-apply ngayon lahat palpak, ni isa wala 'man lang ako makita na babagay sa position na ibibigay ko. 

"P-pero po Sir kailangan ko po talaga ang trabaho parang awa niyo na po.." 

She pleaded and its irritating the hell out of me? Is she that stupid? Gano'on ba kahirap tanggapin na hindi siya karapatdapat sa company. Hindi mababang applicant ang kailangan ko. I need a suitable one for this f*cking position. 

"I said get the hell out now!" seryosong sabi kong muli. Nagmadali naman ito sa paglabas. Marunong naman pala umintindi kailangan pa ulitin. Tinawagan ko ulit ang secretary ko. 

"Is there still an applicant outside?" 

"None Sir, siya na po yung last na applicant for today" 

"I see. How about my schedule?" 

" You have a private meeting po with Mr. Silva, the ceo of market company later on seven pm" 

Mr. Silva? I already signed the paper na hindi ako approved sa shares. What he need this time? 

" Alright, you may go now" 

Pagkalabas ni Janice agad akong sumandal sa swivel chair and reach my bridge nose. Why do I need to find someone for this position? I can manage my own company without being committed to someone. F*ck. 

Lumabas muna ako ng opisina at sumakay sa sasakayan ko para bumili ng maiinom. Hindi na ako nagpa-utos pa dahil kailangan ko rin maka-isip ng paraan. 

I ordered my coffee and went outside. Sasakay na ako ng sasakyan ng biglang may nakasagi saken dahilan para ikalaglag ng hawak kong kape. Sh*t! 

"WHAT THE F*CK IS YOUR YOUR PROBLEM WOMAN!?" malamig kong sigaw sa babaeng ngayon ay titig na titig saken na tila ba pinag-aaralan ang muka ko. Damn hindi niya narinig ang sigaw ko? Baliw ba ang babae na'to? 

"H-hehe sorry po, mamaya niyo na lang ako tanungin about sa problema ko kasi as in super duper haba niya, isama niyo pa ang murder case ni Mam Ashuang pero di po ako sumang-ayom promise! Atsaka--waaa!" 

Muli itong sumigaw at tila ba biglang nataranta. What the? For pete's sake! bakit ba siya sigaw ng sigaw. 

"Damn it! Di mo ba kaya itikom 'yang bibig mo babae? What the heck is your problem?" nasasayang ang oras ko sa kaniya. 

"Waa.. andito na sila! Yung humahabol saken!" tinuro niya ang tatlong lalaki na animo'y may hinahanap. Tss 

"What did you do? Anong kailangan nila sayo?" Tch. Bakit ba ako nakikipag-usap sa babaeng 'to. Baliw pa nga ata. At kailan pa ako naging concern sa isang tao.  

"Hehe kasi naabutan ko sila parang may kinukuha 'don sa may tindahan tapos nakita nila ako ayun bigla nalang ako hinabol feeling ko tuloy nalalaro kami ng hide and seek!"  excited nitong sabi. 

Is she being serious or just stupid? Hindi ba niya alam na ikapapahamak niya kapag nakita siya ng mga gunggong nayun. Napapailing nalang ako. And what the hell am i supposed to do with this girl? Pinagmasdan ko ulit ito. She's smiling at me like an idiot. Tss 

"What do you need?" 

"Pwede mo ba ako itago pero promise mo wag mo sasabihin sa kanila ah wag ka madaya" 

Ano ba ang sinasabe ng babaeng 'to? 

"Get in" 

"Talaga!? Salamat! Promise libre kita ng icecream mamaya" tuwang tuwang nitong sabi habang nagtatalon pa papasok sa loob ng coffee shop na pinaggalingan ko. Napahampas nalang ako sa noo. Tanga talaga. 

"Where are you going?" kunot noo kong tanong. This idiot right her really? Sumasakit ang ulo ko sa kaniya. 

"Eh? Diba sabi mo get in kaya papasok na ako dito sa loob hehe" 

Damn. Seryoso ba 'to? 

"I said in my car stupid, hurry up" 

"Ay diyan ba? Hehe di mo naman kase agad sinabi" patuloy pa niya sabay pasok sa sasakyan ko. 

"Waa excited na ako! Oh ano pa tinatayo mo diyan sakay na, wag ka magalala nasubukan ko na magdrive sa need for speed sa mall kaya kering keri ko na'to" 

"Move! Alis diyan"

"Sabi mo sakay tapos ngayon papaalisin mo naman ako? May sayad ka ba?" 

"Tanga talaga, alis diyan ako ang magdadrive" seryoso kong sabi. Tila ba naintindihan naman niya kaya lumipat agad ng upo sa passenger sit saka ko pinaandar ang sasakyan.This is not me. Damn it 

___

Amie's Pov

Ang galing ko talaga. Naisahan ko 'yubg mga humahabol saken. Akala ko di na ako makakapagtago sa kanila buti na lang takaga tiulungan niya ako. Ang totoo niyan muka siya'ng angel. Gwapong angel wait-- 'di kaya angel talaga siya tapos nagkatawang tao lang? 

"Hey,"

Hindi ko alam kung sino kausap niya kaya 'di na ako lumingon. 

"Kinakausap kita babae" 

This time lumingon na ako sa kaniya syempre ako lang naman ang babae dito. 

"Bakit?" tanong ko sabay ngiti pero lalo lang kumunot nag makinis niya'ng noo. Kanina pa yan. 

"Get out" 

Eh? Kanina pa 'yang get out get out niya. Napatingin tuloy ako sa labas nakatigil na pala kami sa isang tabi. Pero waa di ako pwede lumabas kase nga dito anh nagtatko sa kotse niya. Paglumabas ako parang ipinahamak ko natjn ang sarili ko, kaya hindi ako bababa. Bahala siya diyan kaya umiling ako.

"Tss. I mean let's get out off my car beacuse we're going inside" blanko lang niyang sabi habang inaalis ang seatbealt nito. 

Ang gulo naman niya kausap, kanina lang gusto niya ako lumbas tapos ngayon biglang we're going inside naman? Pinagloloko ba ako ng isang 'to? Oh baka naman hindi niya rin naiintindihan ang sinabi niya? Hays. Pero minsan gusto ko itanong kung driver ba talaga ang work niya kase super gwapo talaga siya. Hindi bagay sa kaniya, mas bagay sa kaniya maging isang model o 'di kaya artista. 

"Alam mo ang pogi mo sana kaso slow ka lang" 

"What!?"

Kita niyo na, kita niyo na 'di lang siya slow bingi din bagay sila ni Insan magkasama. Bumaba na lang ako baka magbago pa ang isip niya tapos ikulong pa ako sa loob ng kotse. 

Wow! Ang ganda! Tapos ang taas pa ng building. Dito kaya nakatira ang mga secret agent kase same sa mga napapanood ko ang building na nasa harapan namin ngayon. 

"Are you going inside o tutunganga ka lang diyan babae?" 

Umiling ako. Bakit kami papasok dito? Don't tell me magaapply siya bilang secret agent tapos ako ang side kik niya? Aba ayos 'to! 

"Papasok syempre kaya tara na!" Excited na aya ko. Ano kaya unang misyon namin? 

Pagkapasok pa lang namin sa loob napansin ko ang marahang pag yuko ng mga taong nadaraanan namin. Kinikilig tuloy ako feeling ko super agent na ako. 

"Good afternoon Sir" bati nila ang iba ay yumuko pa bilang pag galang. Pero itong kasama ko wala man lang kaimik-imik kaya naman ako na lang ang bumati pabalik with macthing beautiful eyes pa. 

"Good afternoon din po sa inyo hehe" 

*Glare*

Napapout nalang ako at napayuko. Bakit ganon ang sama ng tingin nila saken bumabati lang naman ako. Pangit ba bati ko? Kailangan ba english dapat? Bakit 'di ko naisip 'yun. 

Sumakay kami sa elevator nang hindi parin ako kinakausap nito'ng kasama ko, wala tuloy ako magawa kundi tingnan ang gwapo niyang muka. 

"Do you know that staring is rude?" 

"Pasensiya na, hindi ko kase alam eh atsaka--" putol ko na nagpataas naman sa isang kilay niya. 

"F*ck. Can you just continue?" Inis niyang sabi. Excited pa siya pero sige na nga gusto ko rin naman malaman.

"Talaga ba nakataas ang buhok mo? Para kasi mga tinirik na pako sa sobrang tuwid hehe?" sabi ko pero sinamaan lang ako ng tingin. Tamo 'to ang bad nagtatanong lang naman ako. 

"What!?"

" Ah wala, wag mo na pansinin 'yung sinabi ko hehe" pero curious parin ako. Ang ganda kasi ng buhok niya tapos ang kintab pa nito. 

Tumunog ang elevator kaya naman lumabas na kami ng magbukas ito. Di ko alam kung saan kami pupunta o kung ano ang gagawin namin dito. 

"Ano.. magaapply ba tayo? Kasi wala man lang ako dala resume" tanong ko sa kaniya nang makalapit kami sa tapat ng isang pinto na sa tingin ko ay 'don kami papasok. Humarap siya sakin at tumingin ng seryoso. 

"Applying for?"

"Diba kaya tayo andito kasi mag-aapply tayo ng work bilang agent?" Masayang sagot ko. 

"Tss crazy" sagot lang nito bago binuksan na ang pinto. 

Ano ba 'yan hindi man lang ba siya marunong kumatok? Pano kami matatanggap niyan. Hayy. Pumasok siya sa loob at deretsong naupo sa may main desk. Waaa! Baka dahil sa ginagawa niya makasuhan pa kami. Pinagmasdan ko ang buong kwarto sobrang lawak pala nito ngayon ko lang napansin. 

"Sit" 

"Hehe sigurado ka ba pwede ako umupo? Mamaya mapagalitan pa tayo ng may ari sa ginagawa naten ah" paninigurado ko. Mahirap na, di ko pa nasosolve case ni maam Ashuang. Tumango lang siya bilang sagot. 

Naupo na ako sa couch di kalayuan sa pwesto niya. Ano ba gagawin namin dito? Bigla naman nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si insan lang pala. 

"Hello insan?" Sagot ko. 

"Hahaha kayo na ang magtanong, uy mae ikaw na magtanong kay Amie ayan na oh dali dali" 

Magkakasama sila? Parang boses ni Kim yung isa. 

"Amie andiyan ka pa?"

"Oo Mae bakit? May kailangan ka ba?"

" May tanong lang kami Amie girl"

" Sige ano ba 'yun baka kaya ko sagutin hehe" sagot ko. 

"Tanong mo na dali-- ito na nga wag ka magulo Janna-- Amie girl gusto ko lang itanong kaya mo ba tumawid sa ilaw ng flashlight?  

Di ko alam pero parang nagpipigil ng tawa 'tong sila Insan. Pero flashlight? 

"Syempre hindi hehe" sagot ko ulit. 

"Aba matino ata si Amie ngayon ahh" 

Rinig kong sabi pa ni insan. Ano kaya meron? 

"Hehe Amie girl bakit hindi ka makakatawid?" Tanong ulit ni Mae. Ano ba trip ng mga 'to? 

"Syempre hindi ako makakatawid, malay mo biglang mamatay yung ilaw ng flashlight edi nahulog naman ako!"  Ang slow talaga nila Insan. 

"WHAHAHAA SABI SA INYO EH! The best ka talaga Amie girl!" 

"Pfft" 

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tawa nila sa kabilang linya. Tapos itong kasama ko nagpipigil din ata ng tawa. Napasimangot nalang ako. Tumawag lang ba sila para pagtawanan ako? Ang bad nila 'di ko na sila kabati. 

"Amie girl andiyan ka pa? Ahhaaha ang sakit ng tiyan ko-- oh Janna ikaw naman kumausap" 

"Oo andito pa ak-- cut that call" biglang singit naman nitong kasama ko. Eh? 

"Amie sino yan? May may kasma kaba?" 

"Meron si--*toot*" hindi ko na natapos ang sasabihin ko bigla nalang pinatay ang call nitong kasama ko. Huhu lagot ako kay Insan mamaya pag-uwi. Ano na lang sasabihin ko? 

"Bakit mo pinatay? Baka pagalitan ako ni Insan pag-uwi ko mamaya" napapout tuloy ako. 

"Tss. I'll send you home later don't worry" 

Tumango na lang ako. Nakita ko ang mansanas sa gitna ng center table kaya kumuha ako ng isa. Kakagatin ko na sana ng dumulas sa kamay ko at gumulong sa ilalim ng lamesa. Gumapang ako para kunin pero napunta pala sa may dulo kaya pilit ko pa inaabot. 

Mayamaya pa ay may nairing akon mahinang pagkatok galing sa pintuan kaya umayos ako ng pwesto dito sa ilalim ng lamesa. Waa baka siya ang may ari ng room na'to lagot na! 

"Come in" 

Boses yun ng kasama ko ah. Diba siya nahihiya? Hayy. Hindi talaga siya marunong gumalang. 

"Sir pinapatawag niyo daw po ako?" 

"Yes, Buy us some food good for two." 

"Two person pero mag-isa lang naman po kayo dito sa loob Sir" 

Sino kaya 'yun? Boses ng babae. Halaa hindi kaya babae ang boss dito? Tapos kung makautos pa 'yung kasama ko wagas. 

"Where's is she?" 

"Sino po sir?" 

"Yung babaeng kasama ko" 

Bakit ba niya ako hinahanap. Idadamay niya pa talaga ako. Tumigil ang dalawang pares ng itim na sapatos sa tapat ko. Paktay na. Nahuli na ako. 

"And what are you doing down there?" 

"Hehe ano.. pinupunasan ko lang yung sahig may dumi" palusot ko habang umaayos ng tayo. 

"Crazy, come here" 

"Who is she sir?"

Napatingin ako sa babaeng nagtanong at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nahiya tuloy ako. Kasi ang ganda ganda ng suot niya tapos nakamake up pa siya inshort maganda talaga siya. Ako nakaschool uniform lang tapos nag-usot pa sa paggapang ko sa ilalim kanina. 

"You don't need to know, just bought as some food. What do you want?" tanong niya saken.

Di man lang marunong gumalang 'tong kasama ko. Konti na lang talaga babatukan ko na siya. 

"Mcdo" 

"Okay, That's it Janice you can leave now" 

"But sir?" Sabay tingin niya saken ng masama. 

Hehe nakakatakot naman makatingin si ate. Sa Mcdo lang naman siya bibili baka mas bet niya sa jabee? Dapat kase sinabi niya agad papayag naman ako. 

"Shigurado ka ba'ng ayaw mo?" Pilit kong tanong kahit na puno ng fried chicken ang bibig ko. Ang sarap talaga nito.

"Don't talk when your mouth is full."

"Hindshi pa nga full oh kasya pa limang fries"

"Shut up and just eat." 

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkaen. Sabi ni tita wag daw tumanggi sa biyaya. Hehe tama tama. Iisipin ko na lang mamaya kung ano sasabihin ko kay Janna. 

Nabusog ako sobra. Ito naman kasama ko hindi man lang kumaen, good for two daw eh sakin lang naman halos pinakain. 

"Salamat nga pala sa pagkaen" sabi ko habang inaayos ang bag ko. Nagulo ang mga laman nito dahil siguro sa pagtakbo ko kanina. 

Tiningnan ko siya dahil di man lang ako sinagot. Busy sa pagbabasa yata.

"Hehe sige magkukwento nalang ako, ay oo nga pala Amie Hera Madrigal ang name ko, alam mo ba bata pa lang ako iniwan na ako ng magulang ko sa pinsan ko, 'yung kausap ko kanina si Janna? minsan nakakatakot yun pero siya lagi ang andiyan para saken. Alam mo ba gusto pa ako isama ng prof namin sa murder case niya? Kaya tumanggi ako pero tingin ko sila insan gusto makisali, tiyak na pag-nalaman nila tito at tita baka pati ako palayasin hehe" 

Sinilip ko siya kung nakikinig pero nagulat ako nang makitang nakatingin pala siya saken. Siguro interesado siya sa kwento ko. Tapos binalik niya ulit ang tingin sa binabasa. 

"Alam mo gusto ko parin makita at makasama ang mga magulang ko. Gusto ko itanong kung anong dahilan bakit nila ako iniwan kina tita Leana at tito Julius, siguro hindi nila ako mahal. Pero ako kahit anong mangyare mahal na mahal ko sila" Hindi ko namalayan na may luha na pala tumutulo sa mga mata ko. 

Related chapters

  • MY SO-CALLED WIFE   Chapter 1

    Nakakainis naman si Janna, iniwan ako dito sa may stock room mamaya baka may multo pa dito tapos medyo may kadiliman din dito sa loob. Bakit kase di nalang ako isinama bumalik kay Ma'am Ashuang o 'di kaya pwede naman ako sa labas pinaghintay, promise 'di ako mangangalay tapos siya lang naman ang inutusan pumunta dito pati ako dadamay pa.Napalingon tuloy ako sa may pinto di kalayuan sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. May untin-unting nagbukas nito. Si janna na kaya 'yun?"Janna?" Mahinang tawag ko pero walang sumagot. Kung hindi si Janna baka multo na nga. Feeling ko tuloy ay lalabas na ang puso ko sa kaba. Hehe hindi naman siguro mumu 'yun no? Hangin lang 'yun Amie, tama tama. May pagtango pa ako niyan pero pano kung multo nga 'yun? Paano na lang ang pangarap ko? Edi hindi ko na matutupad ang promise ko kay barbie na hahanapin ko si Ken para sa kaniya, nakakalungkot naman. Siguro nga hanggang dito na lang ang precious life ko.

Latest chapter

  • MY SO-CALLED WIFE   Chapter 2

    Meet HimMeet King Alexander Jaquez.Devilishly handsome, wealthy and uneniebly a man to die for sa tagalay nitong karisma. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang kaniya. He is the CEO of the Great King Company. He has a lot of connection when it comes to business matter. Back then, he is known for being arrogance, cold-hearted and heartless. He wants everything to be perfect. He hates late when it comes to his company. But one thing he really hates the most? Stupidity."Arrogance is in everything i do. It is in the harshess of my voice, in the glow of my gaze, in my sineway tormented face."Alexander Pov"OUT!" I shouted one of the applicant who's applying in my company. Damn it! Wala na ba mas matino pa? Sa lahat ng nag-apply ngayon lahat palpak, ni isa wala 'man lang ako makita na babagay sa position na ibibigay ko."P-pero po Sir kailangan ko po t

  • MY SO-CALLED WIFE   Chapter 1

    Nakakainis naman si Janna, iniwan ako dito sa may stock room mamaya baka may multo pa dito tapos medyo may kadiliman din dito sa loob. Bakit kase di nalang ako isinama bumalik kay Ma'am Ashuang o 'di kaya pwede naman ako sa labas pinaghintay, promise 'di ako mangangalay tapos siya lang naman ang inutusan pumunta dito pati ako dadamay pa.Napalingon tuloy ako sa may pinto di kalayuan sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. May untin-unting nagbukas nito. Si janna na kaya 'yun?"Janna?" Mahinang tawag ko pero walang sumagot. Kung hindi si Janna baka multo na nga. Feeling ko tuloy ay lalabas na ang puso ko sa kaba. Hehe hindi naman siguro mumu 'yun no? Hangin lang 'yun Amie, tama tama. May pagtango pa ako niyan pero pano kung multo nga 'yun? Paano na lang ang pangarap ko? Edi hindi ko na matutupad ang promise ko kay barbie na hahanapin ko si Ken para sa kaniya, nakakalungkot naman. Siguro nga hanggang dito na lang ang precious life ko.

DMCA.com Protection Status