Nakakainis naman si Janna, iniwan ako dito sa may stock room mamaya baka may multo pa dito tapos medyo may kadiliman din dito sa loob. Bakit kase di nalang ako isinama bumalik kay Ma'am Ashuang o 'di kaya pwede naman ako sa labas pinaghintay, promise 'di ako mangangalay tapos siya lang naman ang inutusan pumunta dito pati ako dadamay pa.
Napalingon tuloy ako sa may pinto di kalayuan sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. May untin-unting nagbukas nito. Si janna na kaya 'yun?
"Janna?" Mahinang tawag ko pero walang sumagot. Kung hindi si Janna baka multo na nga. Feeling ko tuloy ay lalabas na ang puso ko sa kaba. Hehe hindi naman siguro mumu 'yun no? Hangin lang 'yun Amie, tama tama. May pagtango pa ako niyan pero pano kung multo nga 'yun? Paano na lang ang pangarap ko? Edi hindi ko na matutupad ang promise ko kay barbie na hahanapin ko si Ken para sa kaniya, nakakalungkot naman. Siguro nga hanggang dito na lang ang precious life ko. Goodbye barbie and insan.
"Hey."
"Sino yan? Wag niyo po ako kainin hindi po ako masarap promise! Makikipagbati pa po ako kay barbie mamaya." Sigaw ko habang takip ang mga mata ko. Pano naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko. Hindi 'nga 'to joki-joki may multo talaga dito! Huhu insan nasan kana ba.
"Pfft. Hahaha seriously?"
Sira ba 'to? Malamang seryoso ako. Ano tingin niya saken nagbibiro? Alangan naman kapag kakainin kana ng multo e masaya ka pa? Napailing na lang tuloy ako.
"Hey, are you alright?"
Sino naman si Alright? Sa pagkakatanda ko dalawa lang naman kami pumunta ni Insan dito kanina.
"Open your eyes"
Pinapabukas niya siguro 'yung eyes ni Alright. Bakit naman kase 'di pa naimik 'tong si Alright e, mamaya pati ako madamay pa. Nasaan kana ba insan baka mamaya ako na isunod niya kay Alright.
"I said open your eyes miss" sabi pa ulit nito.
Naguguluhan na tuloy ako. Ayoko na! Kanina lang si Alright tinatawag at kausap niya ngayon naman may Miss pa. Sino ba kase 'yun? Siguro takot din sila katulad ko. Sabagay kung ako 'yon hindi rin ako iimik.
"Amie nasan ka!? Nakabalik na ako"
Boses ni insan yun ah. Buti na lang bumalik na siya takot na talaga ako pero syempre di ko parin inaalis ang takip sa mata ko.
"Insan andito lang ako" sagot ko sapat lang para marinig niya.
"Ah Amie andiyan ka lang pala. Nakuha ko na 'yu--Skye ano ginagawa mo dito?"
"I was about to get some chair then I saw this lady, natakot ko siguro" -Skye
"Hoy Amie! Bakit ka ba nakapikit diyan? Buksan mo na 'yang mata mo"
Bakit ba siya nagtatanong? Hindi ba niya alam na may multo dito. Dapat nga nakita na niya kase nakapasok na siya dito sa loob. Baka nag-invisible na'yung multo, kaya nila gawin yun ah ganon kaya yung nasa mga movie na napapanood ko tapos natagos pa sila sa pader oh diba?
"May multo dito Janna, 'di mo ba nakita?" tanong ko. Nacurious tuloy ako pero syempre nakapikit parin ako.
"What?"
Eto na naman yung favorite word ni insan. Lagi niya yan sinasabi. Di ko nga alam kung bakit niya gusto yan e 'di naman maganda walang flowers.
"Sabi ko may multo dito kanina tapos kausap pa nga niya sila Alright at Miss e"
"What? Baliw walang multo dito"
Oh diba? Sabi sabi sa inyo e favorite niya talaga yan. Pero wala daw multo dito? Ako ba'y pinaglololoko netong si Janna. Kanina nga lang may tinawag siya na Sky edi meron talaga. Pauso 'din 'to si insan. Napapailing na lang ako.
"Oh ano iniiling-iling mo diyan?
"Wala hehe"
"Hays, imumulat mo ba yang mata mo o ako na mismo gagawa? Make your choice Amie?" Seryoso sabi ni insan.
Grabe naman 'tong si Janna. Hindi naman ata halata na gusto niya agad ako makain ng multo dito. Siguro trip ni insan si barbie tapos nagtatampo siya kase ako lang ang meron sa bahay. Pwede ko naman ishare eh basta ibabalik niya rin agad kaya wag na siya magalit.
"Amie Hera Madrigal oepn your damn eyes now!"
Ayan na sumigaw na si Janna. Wala tuloy ako nagawa kundi imulat ang mga mata ko kahit na kinakabahan pa ako. Eto naman kase si Insan mas nakakatakot, baka imbis na multo kumain saken si insan pa. Syempre ayoko 'nun kaya nga papahiram ko na sa kaniya si barbie.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. "Hehe saan nagpunta yung multo insan?" nakangiting tanong ko.
"Are you looking for me?"
Bigla na lang may nagsalita sa bandang likuran ni insan. Sabi ko na, sabi ko na eh may multo talaga dito. Waaa, pipikit na lang ako ulit.
"Dont you dare shut your eyes again Amie. It's Skye Vergara"
Sky daw kaya tumingala ako agad eh kisame lang naman 'yung nakikita ko wala naman sky. Baliw na ata 'tong si Janna malabo pa ang mata. Pano magkakasky dito sa loob ng stock room at bonga pa may apelyido, uso na apla 'yon bakit hindi ko alam? Mamaya nga tatanungin ko si barbie about diyan.
"Ano naman tinitingala mo diyan ha Amie?"
"Eh kase naman insan sabi mo its just sky kaya tumingala ako para tingnan pero kisame lang 'yung nakikita ko sa taas walang sky" sagot ko kay Janna.
"Ay tanga! Hahaha ang sinasabi ko siya, si Skye Vergara na taga room 3-B sa kabilang section"
Grabe naman makatanga 'tong si Janna. Siya nga sky ng sky eh kisame lang naman yun. Sinundan ko na lang ng tingin 'yung tinuro niya na lalaking nakaupo 'di kalayuan sa pwesto ko kaya naman sinuri ko agad ito ng tingin.
"Ikaw si sky?" tanong ko. Kasi pinagloloko talaga ako ni Insan eh.
"Oo"
"Eh bakit andito ka sa bababa? Diba dapat nasa taas ka?" takang tanong ko.
"Huh?"
Ay ang slow din pala niya kausap katulad ni Janna. Kase minsan hirap din talaga kausap si Insan. Hindi na siya sumagot pa. Napansin ko naman ang paghampas ni Janna sa noo. May lamok siguro, malamok talaga dito kase stock room 'to.
"Napatay mo ba insan?"
"What? Anong napatay ang sinasabi mo Amie?"
"Yung lamok na dumapo sa noo mo? Hinampas mo pa nga eh nahuli mo ba?" tanong ko ulit kay insan pero ang sama ng tingin niya saken. May sinabi ba akong mali? Minsan talaga ang hirap intindihan nitong si Insan.
"Hay naku Amie lika na nga para makauwi na tayo" sagot lang ni insan sabay hila sa kamay ko.
Tingnan mo 'to basta basta na lang naghihila 'di pa sinagot yuung tanong ko. Kawawa tuloy 'yung lamok o baka naman hindi niya nahuli kaya siya nagagalit? Hmm tama yun nga!
"T-teka lang naman Janna, grabe ka naman makahatak nagmamadali lang? May lakad?"
"Isa pa Amie ah, wag kana magsalita at kunin mo na'yung mga gamit mo. Uuwi na tayo"
Sabi sa inyo eh ang bad talaga ni insan pati ako ayaw niya narin magsalita. Napasimangot tuloy ako.
"Oh bakit nakasimangot ka?"
Kita mo na! Magtatanong pa eh ikaw kaya ang hindi na magsasalita matutuwa ka ba?
"Amie tinatanong kita" ulit pa ni Janna sabay tingin ulit ng masama saken. May problema na ata si Insan sa mata kanina pa yan eh.
"Eh kase naman insan sabi mo wag na ako magsasalita kaya sinusunod lang kita" malungkot kong sagot.
*Glare*
*Pout*
"Oh god please give Amie kahit konting common sense lang po"
Minsan talaga ang hirap intindihin ni Insan.
____
Janna's Pov
Oh god. Malala na talaga ang sakit ni pinsan Amie. Kinarir na ang pagiging tanga, aba inaraw-araw na eh. Pero hindi makukumpleto ang araw namin kapag hindi niya kami napapatawa. Natural na yan kay Amie, inborn na kumbaga. But she's too kind and do care for everyone around her. Kahit na ganiyan yang si Amie, we love her despite of not having a family. Kaya dalawa tuloy kaming kakalog-kalog dito sa bahay. Buti nga 'di pa ako nahahawa sa mga kalokohan niya.
Hindi ko alam ang buong story about sa family ni Amie. Ang natatandaan ko bata pa lang siya nung hinabilin siya ni tito Manuel and tita Maria sa puder namin without even saying the reason why they need to left Amie. Masama ang loob ko that time kase naawa ako para kay Amie. Lumaki siya na kasama lang ang pamilya ko. Alam ko hindi pa niya naiintindihan ang mga bagay-bagay sa panahon nayun. Up until now magkasama kami naninirahan sa iisang bahay na binili ng parent ko para samin dalawa ni Amie. May sariling pera si Insan sa bangko pero ayaw niya gamitin kase may mas mahalaga daw siya paglalaanan, wala naman ako ideya kung ano 'yon. Masipag siya sa lahat ng bagay at ayaw niya maging pabigat.
____
Amie's Pov
Hindi 'man lang ako ginising ni Insan pass seven am na pala. Patay! Malalagot na ako sa Prof namin, si Ma'am Ashuang ang teacher namin ngayon. Lagot na! Minsan nagtataka rin ako dito sa Prof namin eh, ano kaya itsura niya kapag nagtatransform? Ano sa tingin niyo? Hehe Pm niyo nalang saken ah.
Tinakbo ko na ang sakayan ng jeep, atlast nakasakay din ako. Ilang minuto pa ay malapit na ako sa school namin kaya naman pumara na ako.
"Manong para po!"
"Bababa?" tanong ni manong driver.
"Ay manong hindi aakyat po may second floor po ba itong jeep niyo? Dapat sinabi niyo po agad para 'don po ako naupo hehe" kase naman 'di agad sinabi ni Manong na meron pala sa taas, sikip na kaya dito sa baba.
"Niloloko mo ba ako iha?" Nakakunot pa ang noong tanong sakin ni manong.
"Hindi po, seryoso ako 'don manong hehe" sagot ko at ngumiti. Pero bigla na lang nagtawanan ibang pasahero dito sa loob. Wala naman nagjojoke pero wagas makatawa. Makababa na nga lang.
Palapit na ako ng palapit sa room namin kaya ilang dasal na ang ginawa ko, baka effective hehe. Nasa tapat na ako ng pinto at marahang sumilip muna, at kapag minamalas ka nga naman Amie.
"You're late Miss Madrigal! Anong oras na!?" palatak ni Mam Ashuang.
Si manong kase eh yan tuloy nalate ako.
"Hehe naiwanan ko po relo ko sa bahay maam eh di ko po alam ano oras na" sagot sabay piece sign. Siguro kulang pa ang dasal ko kanina, nextime aayusin ko na talaga. Tapos sakin pa naisipan magtanong ng oras di ko naman suot ang relo ko kaya nga nalate pa ako.
"Take your sit. Alright class as you can see about sa mga murder cases naman ang ididiscuss ko today, and ofcourse you are familiar about that. At dahil ikaw ay late Miss Madrigal pwede mo ba samin ipaliwanag what's murder is?"
Eh? Bakit ako ang sasagot? Eto na ba 'yung aakuin ko ang kasalanan na hindi ko naman ginawa? Hindi pwede! Inosente kaya ako! Kalma Amie kalma. Waaa pero wala talaga ako kasalana ehh.
" Waa.. Mam promise hindi po ako! Hindi po ako ang pumatay at inosente ako. Wala din po akong alam sa murder niyo dahil hindi ko naman po nakita kung gusto niyo po pwede ko naman ipatawag si detective conan para siya na lang magsolved ng kaso niyo, promise maam magaling po siya di kayo magsisisi!" pagtanggi ko. Hindi naman talaga ako ang pumatay tapos isasali pa ako ni maam sa murder niya. Nagdadamay pa inosente kaya ako kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko. Tama!
"HAHAHA GRABE DA BEST KA TALAGA AMIE!"
"NAISIP MO 'YUN HAHAHAHA"
"ANG LAWAK TALAGA NG IMAHINASYON MO AMIE!"
Lahat sila wagas makatawa na ikinasimangot ko. Ibig ba nito sabihin payag sila madamay sa kaso ni Mam Asuang tapos ako nalang yung hindi pa? Hindi ba nia naiisip ang future nila kapag nakulong sila? Pano na lang ang pagaaral at pamilya nila? Basta ako hinding-hindi ako makapapayag. Peksman!
"Detention room now Miss Madrigal!"
"Okay lang yan Amie maganda ka parin hahaha"
Galit na palatak ni mam Ashuang saken kaya naman sinamaan ko ng tingin mga kaklase kong patuloy parin sa pagtawa. Bahala sila kung gusto nila masira buhay nila kung ako sa kanila hindi ko susundin si Mam. Tumayo na ako at naglakad na palabas pero bago ako tuluyang umalis nilingon ko muli ang mga kaklase ko at nagsalita.
"Bahala kayo kung gusto niyo samahan sa murder case si Mam Ashuang pero kung ako sa inyo pag-iisipan ko muna ng mabuti. Wag niyo hayaan na masira ang kinabukasan niyo!" Pahabol ko pa.
"HAHAHA SHETT IKAW NA TALAGA AMIE!"
"AMIE HERA MADRIGAL GET THE HELL OUT NOW!"
Wala na ako nagawa kundi tuluyang lumabas dahil konti na lang uusok na ang ilong ni Mam sa galit. Hays buhay parang life.
Pagkagaling ko sa detention room tinungo ko na ang cafeteria. Tinext ko na sila Insan at May pero wala parin sila dito. Bakit ang tagal naman nila nagugutom na ako.
"Yohoo insan! Hello Mae!" bati ko ng makalapit sila saken. Pero itong si Janna masama ang ang tingin saken.
"Hi girl!" -Mae
"Bakit ka nagditch ng klase Amie?" palatak agad ni insan bago naupo sa bandang harap ko.
"Omg nagditch ka ng klase Amie girl? Why naman?" paguulit ni Mae.
Sasabihin ko ba sa kanila o dapat ako lang nakakaalam kase baka pati sila idamay ni Mam. Ayoko 'din masira kinabukasan ni Mae lalo na si insan.
"T-teka lang naman insan hehe di ba pwede umorder muna tayo ng pagkaen?" pag-iiba ko kasi naman gutom na talaga ako. Tagal ko kaya sa detention room kanina.
"Magkukwento ka o 'di kita ioorder ng pagkaen?"
"Oo na! Sasabihan ko na nga pero 'di niyo pwede sabihin 'to sa iba ah, tayo lang dapat ang makakaalam" bulong ko. Tumango lang si insan at Mae. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Kase si mam Ashuang gusto ako isali sa murder case niya.." pag-uumpisa habang seryoso parin nakatitig saken si Insan tapos si Mae naman di ko alam parang nagpipigil ng tawa eh seryoso kaya ako.
"Then?"
"Syempre sabi ko hindi ako sasali kase bad yun, masisira ang kinabukasan ko tapos sabi ko tatawagin ko na lang si detective conan para tulungan si maam masolved 'yung kaso niya tapo--" paliwanag ko pero hindi ko na natapos kwento ko dahil biglang humagalpak ng tawa silang dalawa.
"HAHAHAHA seryoso Amie girl sinabi mo 'yon?" -May
"Ang tanga talaga hahaha oh siya ano orderin mo?"
Tumango na lang ako. Pati ba naman sila tinatawanan ako sabi na seryoso nga ako. Hindi nagbibiro si Mam Ashuang sa mga sinabi niya kaya bakit ba sila masaya. Isusumbong ko talaga sila kay detective conan. Baka gusto rin nila Insan at Mae makisali kay Mam Ashuang? Hala! Ano na lang ipapaliwang ko sa daddy ni Insan? Tito Julius makukulong po si Janna, Sinubukan ko naman po pigilan pero talagang gusto nila sumama sa murder case ng prof namin. pwede na kaya ito?
Sana lang magbago pa ang isip nila Insan at Mae dahil kapag nalaman ito ng daddy ni insan baka pati ako palayasin huhu wala na ako iba pa pwede puntahan. Laban lang Amie!
Meet HimMeet King Alexander Jaquez.Devilishly handsome, wealthy and uneniebly a man to die for sa tagalay nitong karisma. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang kaniya. He is the CEO of the Great King Company. He has a lot of connection when it comes to business matter. Back then, he is known for being arrogance, cold-hearted and heartless. He wants everything to be perfect. He hates late when it comes to his company. But one thing he really hates the most? Stupidity."Arrogance is in everything i do. It is in the harshess of my voice, in the glow of my gaze, in my sineway tormented face."Alexander Pov"OUT!" I shouted one of the applicant who's applying in my company. Damn it! Wala na ba mas matino pa? Sa lahat ng nag-apply ngayon lahat palpak, ni isa wala 'man lang ako makita na babagay sa position na ibibigay ko."P-pero po Sir kailangan ko po t
Meet HimMeet King Alexander Jaquez.Devilishly handsome, wealthy and uneniebly a man to die for sa tagalay nitong karisma. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang kaniya. He is the CEO of the Great King Company. He has a lot of connection when it comes to business matter. Back then, he is known for being arrogance, cold-hearted and heartless. He wants everything to be perfect. He hates late when it comes to his company. But one thing he really hates the most? Stupidity."Arrogance is in everything i do. It is in the harshess of my voice, in the glow of my gaze, in my sineway tormented face."Alexander Pov"OUT!" I shouted one of the applicant who's applying in my company. Damn it! Wala na ba mas matino pa? Sa lahat ng nag-apply ngayon lahat palpak, ni isa wala 'man lang ako makita na babagay sa position na ibibigay ko."P-pero po Sir kailangan ko po t
Nakakainis naman si Janna, iniwan ako dito sa may stock room mamaya baka may multo pa dito tapos medyo may kadiliman din dito sa loob. Bakit kase di nalang ako isinama bumalik kay Ma'am Ashuang o 'di kaya pwede naman ako sa labas pinaghintay, promise 'di ako mangangalay tapos siya lang naman ang inutusan pumunta dito pati ako dadamay pa.Napalingon tuloy ako sa may pinto di kalayuan sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. May untin-unting nagbukas nito. Si janna na kaya 'yun?"Janna?" Mahinang tawag ko pero walang sumagot. Kung hindi si Janna baka multo na nga. Feeling ko tuloy ay lalabas na ang puso ko sa kaba. Hehe hindi naman siguro mumu 'yun no? Hangin lang 'yun Amie, tama tama. May pagtango pa ako niyan pero pano kung multo nga 'yun? Paano na lang ang pangarap ko? Edi hindi ko na matutupad ang promise ko kay barbie na hahanapin ko si Ken para sa kaniya, nakakalungkot naman. Siguro nga hanggang dito na lang ang precious life ko.