Akira's POV.
Minulat ko ng dahan-dahan ang paningin ko. Laking pasalamat ko ng pamilyar na lugar ang kinagisingan ko, alam kong nasa ospital ako.
Naramdaman ko ang matinding pagkirot ng tagiliran ko. I was stabbed there. Walanghiyang magnanakaw, sya na nga tong nagnanakaw sya pa tong may lakas ng loob manaksak.Inikot ko ang paningin ko. Wala akong nakitang tao, nalaman kaya nila mommy ang nangyari sakin? Bakit wala akong bantay? Ano ba yan? Hindi ba alam ni Thunder na napahamak ako?
Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko at laking gulat ko nung iluwa nun si Thunder. Dahan-dahan syang pumasok. Nang makapasok sya ay doon ko lang nakita ang kabuuan nya, dala dala nya ang isa sa mga bag ko.
Nakakatawang luxury bag ang dala nya pero lalaking-lalaki pa din syang tingnan.
"It's good that you're awake" he said. He sat down beside me. Marahan nya ding nilapag ang bag sa gilid ko. "How are you feeling?" pero imbis na sumagot ay tinitigan ko lang sya ng nakangiti. "Yan ba ang epekto ng pagkakasaksak sayo?"
"Grabe ka naman! Sino bang matutuwa ng nasaksak? Natutuwa lang ako dahil nandito ka" sabi ko. Pi-noke nya ng marahan ang noo ko.
"You're crazy. Why wouldn't I be here, dinalhan pala kita ng damit just in case uncomfortable ka sa hospital gown mo"
"Kumuha ka ng damit ko? Including-"
"Including what?"
"Alam mo na yun!"
"Underwear?" cool nyang sagot.
"Sshhhh! Ang lakas ng boses mo, pinakielaman mo ba yun?"
"Yes, what's the big deal?" naka kunot ang noo nyang sagot.
"Nakakahiya kaya!" namumula kong sabi pero di nagbago ang tingin nya "Sige na nga, salamat talaga Thunder"
Tiningnan nya ko ng diretso sa mata na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig nya.
"Are you really okay now?" sincere nyang tanong.
"Masakit ang masaksak pero okay na ko" I smiled to show him I'm fine.
"Do you know na wala kang malay for the past two days?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Talaga? Bakit naman ganun? Nasaksak lang naman ako"
"You loss too much blood kaya ganun buti na lang at naging okay ka at isa pa" lumapit sya at pinoke ulit ang noo ko. "Why would you fight a criminal for a ring?"
"Anong for a ring ka dyan?! Hindi lang basta-bastang ring yun. Wedding ring natin yun. Akala ko nga tinapon mo na yun but I'm so glad na itinabi mo pala. Alam kong hindi mo talaga ako gustong makasama pang habang buhay pero para sakin kasi wala na kong gusto pang makasama bukod sayo kaya I value that ring that much because it symbolize that I am married to you"
Natahimik sya at tila nag isip. Maya maya tumayo na sya at parang lalabas na.
Pero bago pa man sya tuluyang lumabas ay may sinabi sya.
"Lalabas lang ako to talk to your doctor and also to get you some food"
Tumango naman ako.
"Akira" he called me.
Napatingin ako ulit sa kanya dahil akala ko tuluyan na syang lumabas.
"I know the ring is important for you but it is not right to risk your life. I might not be a good husband but know that I do care for you" he said bago tuluyang lumabas.
Ako? naiwan lang naman akong nag uumapaw ang kilig sa katawan. Gusto kong magsisigaw. Nag aalala na si Thunder sakin? Does it mean I'm important to him? Hindi ko alam pero napakasaya ko.
In less than a week ay pinayagan na din naman ako umuwi ng doktor ko dahil mabilis ang naging recovery ko. Hindi na namin pinaalam sa magulang ko ang nangyaring insidente dahil ayaw kong mag alala sila habang nagpapagamot si daddy sa abroad.
Binisita ako ni Sanya habang nasa hospital ako, laking gulat nya nga ng malaman na inaasikaso ako ni Thunder. Mas nagulat ako kasi nalaman kong di rin pala pumapasok si Thunder pero umaalis sya pag umaga.
Naisip ko baka dahil sa business na mina-manage nya.
I did ask him and he told me na inasikaso nya ang bahay para mas mapa secure ito.
"Thunder, anong gusto mong lutuin ko para makakain na tayo ng dinner?" tanong ko sa kanya habang nanonood sya ng TV sa sala.
Nanlaki naman ang mata nya ng makita ako.
"How did you get down here? I told you na magpahinga ka na lang sa kwarto mo diba? Pano na lang kung bumuka yang tahi mo?" natuwa naman ako kasi nakakita ako ng nag uumapaw na concern mula sa kanya.
Kung ganito lang din naman si Thunder sakin, ayos lang sakin kahit ilang beses akong magpasaksak, joke lang! Jusko napaka gwapo nya lalo na kapag di naka salamin.
Napabalik naman ako sa realidad ng pumitik sya sa harapan ko.
"Hindi ka na magluluto, magpapa deliver na lang ako. Sige na maupo ka na lang dito sa couch" sabi nya at Inalalayan nya pa kong makaupo ng maayos bago sya umalis para tumawag.
Napaka caring palang tao ni Thunder, kanina din kasi nung pag uwi namin, inalalayan nya ko paakyat hanggang makahiga ako para magpahinga.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang busog. Whoo! Ang sarap talaga ng Berrie Royal ng McDonald's.
Tatayo na sana ako para magligpit pero pinigilan ako ni Thunder and he told me to just go to my room at magpahinga na. Gusto ko pa sanang tumanggi pero wala din akong magagawa. Nakakatakot kayang magalit ang isang yun.
Nakahiga na ko sa kama at magpapahinga na sana ng biglang mamatay ang ilaw.
"Thunder!" sigaw ko dahil bigla na lang nawalan ng kuryente.
Nakakatakot at naiiyak ako. Takot pa naman ako sa madilim dahil naranasan ko ng makidnap nung bata ako.
Business tycoon ang parents ko kaya naman napagdiskitahan akong kidnappin. Tinali nila ako sa isang masikip at napakadilim na kwarto kung saan nararamdaman ko ang mga insektong gumagapang sa paligid na kung saan ay kinakagat ako.
Bumaba ako ng kama ko at pilit na pinagsisiksikan ang sarili ko sa pagitan ng kama at side table ko.
Parang sa iba ay kaartehan iyon pero sobrang na-trauma ako dahil sa pangyayaring yun, pinipigilan ko mang umiyak pero hindi ko mapigilan.
Mas lumala ito dahil kailan lang ay napasok ang bahay namin at muntik na kong mamatay.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto since hindi ko pa nasasarado ang kurtina ng kwarto, nagsisilbing liwanag ang buwan para makita ko ang humahangos na itsura ni Thunder.
"Akira, what happened? Are you alright?" lumapit sya sakin at sinipat ako kung may nangyari bang masama sakin.
"I'm fine, Natatakot lang ako Thunder, parang kailan lang nangyari ang lahat" umiiyak kong sabi sa kanya. He gave me a worried look.
"Sssh tahan na" He hushed me at naramdaman ko ang pagtapik nya ng balikat ko. "Wag ka ng matakot, as long as I'm here, I will protect you" napatingin ako sa mata nya.
Napakaganda ng mata ng asawa ko, pakiramdam ko malulunod ako sa titig nya.
"Really? Why would you protect me? Akala ko ba ayaw mo sakin?" medyo humuhupa na ang luha ko. Ang simple-simple lang ng sinabi nya pero nababawasan agad yung takot ko.
"Fine, let's say I do hate you pero gaya ng sabi ko sayo nung nakaraan, I am your husband and I am here to take care of you. So you can stop crying. I'll stay with you tonight"
Tumango ako at mabilis na yumakap sa kanya. Akala ko ay magagalit sya pero hinayaan nya lang ako.
Napakasarap pala sa pakiramdam na nasa bisig ka ng taong pinakamamahal mo, lahat ng takot at lungkot biglang mawawala. Pakiramdam ko may nagkakarera sa puso ko.
Nagising ako dahil tinatamaan na ng sinag ng araw ang mukha ko. Hindi ko nga pala sinarado ang kurtina kagabi. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at laking gulat ko ng makitang may nakatabi saking gwapong nilalang.
Mala greek god naman ang itsura nitong asawa ko. Humarap ako sa kanya. Tulog na tulog sya. Napaka peaceful ng pagkakatulog nya, marahil ay sobrang napagod at napuyat sya sa pagbabantay sakin kagabi.
I touched his face gently.
"I am so lucky to be your wife and I just love you so much" I said in a very low tone voice.
Sana lagi na lang kaming ganito.
Sana matutuhan na talaga akong mahalin ng nag iisang lalaking mahal ko. I hope my professor which is my husband will really be lifetime partner.I love you so much Thunder Rein.
Cloud's POV."How do I look bro?" tanong ko kay Josh.Ito kasi yung araw na nagkalakas na ko ng loob para magpakita at mas makilagkilala kay Akira.Dapat ay noong nakaraang linggo pa ito pero may nangyaring masama sa kanya, kaya mas gusto ko syang makita ngayon, I wanna check and see personally na ayos na sya. Sobra kasi akong nag-aalala para sa kanya."Ano ka ba naman tol? Ang OA mo na, don't worry dahil hindi nadadala ng pogi lang si Akira. Sabi naman ni Sanya sakin, NBSB daw si Aki kaya kung liligawan mo sya at malinis ang intensyon mo, we will support you" assurance sakin ni Josh. "Ayan na pala sila"Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makitang bumaba na ng sasakyan nya si Akira at mula sa passenger seat nito ay lumabas si Sanya."Good morning babe!" bati ni Sanya kay Josh, bago pumunta at yumakap dito."Tss umagang-umaga ang aga ng landian, di pa ko nakapag breakfast pwede bang kumain muna tayo sa cafeteria?" pagyaya ni Akira.Tila nabagabag naman ko ng marinig kong hindi pa sy
Akira's POV.Weekend ngayon, meaning walang pasok. It's already 10 in the morning at ito ako, nakatunganga sa kisame ko. Halata naman sigurong hindi pa ko bumabangon.Pinaka ayaw ko na atang araw ang saturday and sunday, dahil buryong na buryong ako sa bahay. Pakiramdam ko pumapatay ako ng oras for nonsense reason.I sighed. If only my marriage worked the way I dreamt in to be, maybe my weekends wouldn't be this lonely. Maybe Thunder and I are cuddling or watching a movie together or talking about the things that we want to do or talk about the future.I smile of that thought, grabe naman ang imahinasyon ko.Hindi nga pala ako mahal ng asawa ko, ilang beses nya na bang ipina mukha sakin yun. Hindi ko na yata mabilang.Kasi kung mahal nya ko, dapat sakin sya umuuwi gabi-gabi pero katulad nga ng sabi ko hindi. Hindi ako mahal ni Thunder kaya madalas syang wala katulad ngayon.Naputol ang pagmu-muni-muni ko ng mag ring ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko. Dinampot ko yun at na
Akira's POV.Pakiramdam ko sobrang lutang ko ngayon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sama ng loob dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Thunder kagabi. Pakiramdam ko nga iiyak pa din ako anytime.Nasa parking lot na ko ng school. Kaka park ko lang ng kotse ko pero parang gusto ko ng umuwi. Ayoko na munang makita si Thunder kahit sa klase mamaya.But in the end, lumabas pa din ako ng sasakyan ko. Nagulat pa nga ako ng salubungin ako ni Cloud."Are you okay?" tanong sakin ni Cloud ng magsalubong ang mata namin."I'm just not feeling well, that's all" pagsisinungaling ko pero partially true medyo masama talaga ang pakiramdam ko dahil siguro sa puyat at emotional stress."Can we talk Aki?" nakita ko ang seryosong mukha ni Cloud at totoong nakakapanibago iyon, buti na lang ngumiti sya kaya napangiti na din ako."Oo naman, about san ba? Sa cafeteria na lang ba or saan tayo? Balak ko din sanang mag skip ng class dahil hindi ganoon kaganda ang pakiramdam ko" sagot ko.Hindi na sya nagsalit
Akira's POV."Grabe napakadami kong nireview kagabi, halos hindi na nga ako nakatulog" sabi ni Sanya na hanggang ngayon ay nagbabasa pa din ng libro. Nagka cramming sya ngayon.Midterm examination namin ngayon kaya halos lahat ng estudyante dito puspusan ang pag aaral at pagrereview.Maraming student ang nagkalat. Trying to catch up sa iba't ibang deadlines.Students palang kami pero grabe na ang pressure.I looked at the three of them na sobrang busy, nakita kong may tinatapos na computations and reports si Cloud, si Josh naman ay may tinatapos na sketch dahil engineering sya, while si Sanya ay busy sa mga ilang tasks na binigay ng profs namin.Nandito kami sa cafeteria ngayon, at every now and then ay may bumabati kay Josh at Cloud, parehas kasi silang varsity player at kada may babati kay Josh, natatawa ako sa mukha ni Sanya, mukhang makakapatay na."Bakit di ka nagre review Aki?" tanong sakin ni Cloud. Nasa akin na pala ang atensyon nya. "Masama ba ang pakiramdam mo?" worried all
Akira's POV."Class, you can go now. Class dismissed!" anunsyo samin ng professor namin sa Math.I yawned dahil antok na antok ako na ko.Isang buwan mahigit na naman ang lumipas at ito pa rin ako nasa university pa din ng asawa ko.Pathetic? Ang bobo no? I kept telling that to myself.I know I said that I would quit pero heto ako at nagpapakatanga na naman. Natakot ako kay Thunder at oo na sige na, umaasa na naman ako na nagwo work tong pesteng relasyon na ito. Malapit na rin namam kaming maghiwalay, bakit hindi ko pa i-all out diba?"Tara na Aki, kain na muna tayo sa labas bago umuwi. Birthday mo pa naman" sabi sakin ni Sanya."I told you Sans, wala akong ganang mag celebrate. Matutulog na lang ako""Porket hindi naalala ng magaling mong asawa yung birthday mo, wala ka ng gana? C'mon cheer up! Sige na, tara na!" sabi ni Sanya habang nginingitian ako ng malaki at hinahawakan ng pilit ang mukha ko."Oo na sige na, kakain na tayo, mauna na kayo sa parking lot at pakidala na din to" tur
Akira's POV.Minulat ko ang mata ko dahil may tumutunog na alarm clock sa tabi ko.Dinilat ko ang mata ko at pinatay yun.Kelan pa ko nagkaroon ng alarm clock?Si Yaya Minda ang madalas na gumigising sakin. Tiningnan ko ang oras at mas nangunot ang noo ko. Fvck! 7 AM pa lang nagising na ko dahil sa alarm na to, 12 PM pa ang class ko today.Napaupo ako sa inis at mabilis kong nasapo ang ulo ko dahil biglang kumirot iyon.At dahan-dahan ng nag sink in sakin ang lahat ng mapansin ko ang kamang hinihigaan ko.Wala ako sa kwarto ko! Yun agad ang naisip ko kaya mabilis akong tumingin sa paligid at doon ko na nakita ang naka crossed arms na si Thunder na nakasandal sa hamba ng pintuan.Bakit naman dito ako natulog sa kwarto nito! Yari na naman ako."Morning, it looks like na may hangover ka pa" seryoso nyang sabi sakin.Ganun ba ko kalasing kagabi? Pano ako nakauwi? At bakit nasa kwarto ako ni Thunder?"Ouch" naramdaman ko na naman ang pagkirot ng ulo ko."Drink the medicine beside you, it'l
Akira's POV."Aki, ito yung juice mo" sabi sakin ni Yaya Minda sabay lapag ng isang baso ng orange juice."Thank you Yaya" sabi ko. I smiled at her. I looked at my juice and circle my finger on its rim. I heaved a sigh."Mukhang bored na bored ka na anak" pagpuna sakin ni Yaya Minda."Sobra yaya, inggit na inggit ako kay Sanya, parang ang saya-saya sa pinag-babakasyunan nya kasama si Josh. Gosh! Bakit pa kasi naimbento yang instagram na yan! Panay tuloy ang share ng maldita, iniinggit talaga ako. I wanted to go out pero ayoko namang mag isang magbakasyon. Gusto mo bang magbakasyon kasama ako ya?" tanong ko habang nagpa puppy eyes sa kanya."Aba'y bakit ako ang niyayaya mo? Bakit di mo na lang yayain si Thunder na lumabas? Magbakasyon din kayong dalawa" suggest ni Yaya."As if Yaya, parang di mo kilala si Thunder. Ang tagal ka na naming kasama at alam mong imposible pa sa imposible yan. Isa pa, may teacher's conference sya kaya baka magalit lang iyon kapag nagyaya ako ng bakasyon, buti
Akira's POV.Nakailang check na ko sa bag na dadalhin ko, actually isang maleta at may backpack pa ko pero feeling ko nga kulang pa ito. Kaya check ako ng check kung may kulang pa at nakalimutan ako.Buti na lang, marami-rami akong swimsuit at sunblock na binaon. Sobrang ready at excited na ko sa araw na ito.Sinilip ko ang relo ko at nakita kong ilang oras na lang pala ay dapat nasa airline na kami.Napahinto ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ko at walang sabing binuksan yun. Sino pa ba? E di ang magaling na mister ko."Don't tell me you're not done yet?" tanong nya."Chinicheck ko lang naman kung may kulang pa" sagot ko sabay pout."What? May kulang pa dyan? That's two bag already Akira, hindi tayo doon titira!" ramdam na ramdam ko ang pagka-iritable sa boses nya. "Akin na nga tong mga to" nagulat ako ng bitbitin ni Thunder ang mga bagahe ko.Napansin ko din na naka backpack sya pero yung kanya di hamak na maliit lang kesa sakin at isa lang."Ako na maglalagay nito sa kotse
Third Person's POV."Okay lang ba sya? Bakit ang tagal naman kasi?" tanong ni Thunder na hindi mapakali. Kanina pa to lakad ng lakad sa may harap ng emergency room.Nag roll eyes lang si Sanya at Luna dito. Maya maya pa ay dumating na si Cloud at Josh."Napatulog mo ba muna si Brent?" tanong ni Sanya sa asawa.Josh sighed."You spoiled that kid too much! Alam mo bang ayaw matulog habang hindi karga! He's 4 years old na kaya, ang bigat!" sabi ni Josh na hinihilot pa ang mga braso at balikat nya.Natawa naman si Sanya."Ewan ko sayo. Wag kang maarte. Isa pa lang yan kung makapag reklamo ka" sabi ni Sanya."How about Leo?" tanong naman ni Luna.Leo is their one year old baby boy. A photocopy of Cloud pero mukhang kaugali ni Luna."Doon ko na sya pinatulog kila Thunder. Alam mo naman na close yun kay Ate Celestine nya. Nung umalis ako. Parehas naman na silang tulog. How's Aki?" tanong ni Cloud.Tiningnan ni Cloud ang kapatid na akala mo ay baliw dahil ayaw huminto sa paglalakad."Tumigil
Akira's POV.Iyak pa din ako ng iyak kahit ilang minuto na nung makaalis si Thunder.I am so confused.Pumasok ang nagmi make up sakin.Kilala syang make up artist sa pinas at sya ang kinuha ni Dmitri para mag make up ngayon.Today is our wedding day.Funny isn't it?Diba kapag kinakasal dapat sobrang saya? Then why do I feel like I'm dying.Lalo na nung binitawan ni Thunder ang mga kamay ko at tuluyan ng umalis."Look at you! You're a mess! Naku, siguraduhin lang ni Dmitri na malaki ang ibabayad nya sakin. Although maganda ka na pero your eyes! Nakakaloka bakit ka naman kasi umiyak?" sabi nung make up artist ko.Nahiya naman ako kaya pinunasan ko na ang mga luha ko.Tiningnan ko ang singsing sa palad ko. I feel so stuffy.I wanted to follow him pero ano?I'm a coward.Isa pa, iniisip ko si Dmitri. All his sacrifices for meI can't hurt him.I just can'tI know I will regret this forever.I will lose Thunder.Wala akong maaalala pero ramdam na ramdam ng puso ko kung gano sya kahalaga
Thunder's POV."The wedding of the year happened yesterday at The Duomo Milan Church. Mr. Dmitri Willford and his-Pinatay ko na ang TV sa loob ng jet.I had enough.Ayoko ng makarinig pa ng kahit na anong balita tungkol sa pagpapakasal ni Akira at Dmitri dahil pakiramdam ko mababaliw na ko."Are you okay Thunder?" tanong ni Sanya.Napahilamos ako sa mukha ko. I feel worst. Akala ko madali ang magpalaya pero hindi."Do I look like I'm okay?" tanong ko.Umiling sya."Friendship over na talaga kami, kahit na ba nawalan sya ng alaala. How can she do this to you and Celestine" saad ni Sanya."Please, Sans. I don't want to talk about her" sabi ko."Relax bro, magiging okay din ang lahat. Makaka move on ka din" sabi ni Josh. "Kunin mo" inilahad nya sakin ang red wine.Kinuha ko iyon at inisang lagok."Wag ka ng malungkot bro, napaka gwapo kaya natin kaso parang mas gwapo ako sayo pero pwede ka na, maghanap ka na lang ng iba. Nasa 30 ka na pero isa ka pa din sa mga dream guy ng babae. I'm su
Thunder's POV."Thunder, tulungan mo kong makalaya dito. Pupuntahan ako ni Maxwell dito at isasama nya ko. Hindi pwede yun dahil ikakasal na tayo diba?"Napailing ako. She totally lost it."Hailey, this would be my last visit to you" sabi ko."Hindi! Sasama ako sayo, makakatakas ako dito. Marami akong tauhan" sabi nya at luminga linga sa paligid nya. "Narinig mo ba yun? Tinatawag ako ni Maxwell!""Wala ka ng mga tauhan Hailey. Naubos na silang lahat" tumayo ako. "I wish you well""Thunder, don't leave me" sabi nya na akmang tatayo pero napaupo ulit dahil naka handcuffs sya. "Thunder! Bumalik ka!"Sigaw ng sigaw si Hailey habang papalabas ako ng kwarto kung saan ko sya binisita.Nasa mental hospital sya. Nabaliw na sya ng tuluyan.After nung insidenteng sinalo ni Dmitri ang bala para kay Akira.Ni raid ng mga tauhan namin ni Cloud ang underground organization ni Hailey. Nung mahuli sya ay tuluyan na syang nawala sa sarili.Hindi nya matanggap na wala na syang mga galamay at hindi nya t
Thunder's POV."I can't get a hold on Akira, pati yata ako iniiwasan nya na simula nung maging okay kami ni Cloud" sabi ni Luna.Napahilamos ako sa mukha ko.I am so damn frustrated."Fck hindi pa nakikisama tong si Dmitri!" galit kong sabi dahil dine decline ng lalaking yun ang tawag ko."Of course hindi sya sasagot, malaking threat ka sa kanya at alam nya yun" Josh."Hindi ko maintindihan yang si Aki, sabi nya nakakaaalala sya pero hindi naman daw bumalik ang feelings nya kay Thunder. I don't believe her, ako ang bestfriend nya. Alam ko kung gano ka nya kagusto. Hindi pa sya nakakaalala kaya she's pushing you away dahil nakokonsensya sya kay Dmitri" sabi ni Sanya."Or maybe mahal nya na talaga yung lalaking yun. Sorry to say that bro" sabi ni Cloud.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Pakiramdam ko ay may pumigil sa paghinga ko.Tama si Cloud, napakalaki ng posibilidad na mahalin ni Akira si Dmitri dahil hindi nya naman naaalala kung anong meron kami at kung maaalala nya man, maka
Thunder's POV.Pakiramdam ko ay biglang nawala ang sakit ng ulo ko na dulot ng hangover. Ang tanging nananaig na lang sakin ay ang galit ko kay Hailey.I trusted her and even thought na maaari syang maging kapalit ni Akira bilang ina ni Celestine nung inakala kong patay na to.I never knew she planned it all.She's a monster hiding behind that innocent face.Ring ng ring ang cellphone ko at si Sanya ang tumatawag dun.Mabilis kong narating ang hotel kung saan ako tumutuloy at ang traydor na babaeng yun.Umakyat ako sa floor kung saan kami nag i stay. Mabilis na tinahak ng paa ko ang kwarto nya at walang sabi sabing binuksan yun.Wala sya sala kaya mabilis akong naglakad papasok sa kwarto nya. Dahan-dahan ang ginawa kong pagpasok dahil narinig kong may kausap sya."You guys are so useless! Bakit ba hindi nyo malapitan yang si Akira, ganun ba katindi ang pagbabantay ni Dmitri?! Dapat kasi namatay na yan noon pa!"Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang galit.Totoo nga! Sya
Akira's POV."C'mon hon, take a rest" sabi sakin ni Dmitri habant nagsusuot na ko ng heels ko."No hon, may photoshoot ako at magazine launching today" I said."Yes I know pero masyado ka ng napapagod. You've been like this for a week. Masyado mong ginugugol ang oras mo sa trabaho" humarang sya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napaangat ako ng tingin. "Is there something bothering you?" he added.Saglit akong natigilan."W-wala. Ayos lang ako. Gusto ko lang talaga yung trabaho ko. That's why I'm doing this. Sige na hon. Aalis na ko, male late na ko" sabi ko."I'll drive you" sabi nya."Wag na. Ako na magda drive sa sarili ko. Magpahinga ka na lang okay?" sabi ko.He sighed."Okay, call me when you get there" sabi nya bago ako hinalikan sa noo.Habang nagmamaneho ako ay may nadaanan akong mag asawa. Nakaalalay yung lalaking asawa nya sa asawa nyang buntis.I smiled bitterly.Kung hindi siguro nawala ang alaala ko at wala itong gustong pumatay sakin ay napainganak
Akira's POV."Akira" napalingon ako sa tumawag sakin. Her smile is beautiful just like her. Si Sanya. She's my bestfriend since childhood daw. Sa tingin ko naman totoo. Although natarayan ko sya nung una kaming nagkita hindi sya nagalit at nagkapalagayan kami ng loob."Yes?" tanong ko."Kumain ka na, kagabi ka pa daw hindi kumakain" sabi nito sakin.I tried to fake a smile."Hindi ako nagugutom. Isa pa diet ako, mahirap ang mag gain ng weight para sa isang tulad kong model" sagot ko.Hindi talaga ako nagugutom dahil pakiramdam ko busog na busog ako sa mga nalaman at sinabi sakin ni Hailey.Flashback"Buntis ka?" pagka klaro ko. I was shaking and I wanted to cry but I held firmly to myself.Tumango sya at ngumiti.Umupo sya sa bar counter dito sa sala ng suite."C-congratulations then" sabi ko."Isa pa pala Akira, natatakot kasi ako na sa tuwing dumidikit ka kay Thunder ay baka mapahamak sya. We all know na may gustong pumatay sayo. Do you want to go back to the Philippines when someon
Akira's POV.Humahangos akong napabangon.Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko.Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko."It's just a dream Akira. Gising na gising na" sabi ko habang patuloy na tinatapik ang pisngi ko.Pero hindi ko napigilang maluha ng maalala ko ang panaginip ko.I know I haven't seen or met Damon pero alam na alam kong sya yung tumatawag sakin. He kep calling me mommy pero napakadilim ng paligid. I can't find him at nung lumiwanag ay ang una kong nakita ay ang pagsabog ng private jet.Takot na takot ako kaya napabangon ako."Sorry Damon, sorry I lost you" mahina kong sabi.Nung mapakalma ko ang sarili ko, doon ko lang na realize na wala ako sa condo ko. Wala din ako sa bahay ni Dmitri. Nilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napansin ang lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko. Mahimbing syang natutulog.Si Thunder.Hindi ko napigilan ang sarii kong hawakan ang mukha nya medyo napakislot sya nung dumampi ang kamay koNatakot ako kaya mabilis kong binawi ang kam