MARY LYNELLENaramdaman ko na para akong nakalutang sa pagkakahiga. Pinilit ko na magmulat ng mata, mukha ni Henry ang bumungad sa 'kin. Buhat pala ako nito paakyat sa hagdan."Uhm...anong oras na love?" paos kong tanong sa kanya."Five o'clock, love! matulog ka pa at madilim pa." wika ni Henry.Dahil sa inaantok pa talaga ako ay siniksik ko ang mukha sa malapad niyang dibdib. Ang sarap sa pakiramdam ang amoy nito na gustong gusto ko."Tapos naman na ang paglilihi mo my love diba?" tanong niya sa 'kin. Rinig ko pa ang mahina niyang pag ngisi habang humahakbang paakyat."At bakit?" tanong ko sa kanya kahit nakapikit ako. "Pakiramdam ko sinasamantala mo ang bango ko." tukso nito. "Sobra ka naman love, antok lang ako kaya nakasubsob ako sa dibdib mo." wika ko sa kanya.Mahina siyang tumawa at bumaba ang labi sa ilong ko. "I love you. Kahit ubusin mo ang amoy ko ayos lang. Kahit nga pagsamantalahan mo ako. I'm willing to be your victim alam mo naman love, basta sayo mahina ang depensa k
JUDE HENRYNang makatulog ulit si Lynelle ay nag message ako kay Axel na magkita ulit kami ng alas-siyete ng umaga. May oras pa akong umidlip at sobrang antok ko sa magdamag na pag-aabang ng balita.Nagising ako sa tunog ng alarm na sinet ko ng thirty minutes bago sa takdang oras ng usapan namin ni Axel.Inayos ko ang kumot ni Lynelle at dahandahan na kumilos sa pag-iingat na magising ko."Antayin mo na lang ako sa baba papunta na ako." padala ko ng mensahe kay Axel. Nasa baba at nag-aantay sa 'kin.Marahang halik sa ulo ni Lynelle at dahandahan na lumabas ako ng kwarto."Mabuti naman at hindi ako nag antay nang matagal." Sabi nito na humihigop ng kape habang nakaharap sa kanyang Laptop."Tsk! Ikaw kasi twenty fours hours na hindi natutulog kaya walang problema sa'yo." sagot ko sa kanya na nginisihan lang ako."Mag-umpisa na tayo, sayang ang bayad ko sa'yo napakabagal mo." Pabiro kong wika sa kanya. "Ang sama ng ugali mo! Henry, mabuti nga at ako lang ang nag-titiyaga sa mga utos mo!
WARNING: MATURE CONTENT, READ AT YOUR OWN RISK MARY LYNELLENanginginig ako sa galit pagkatapos kong makipagusap sa dumukot kay Hendrix. Iniisip ko pa din ang kalagayan ng anak ko.Kinuha ko ang passbook ko at tiningnan ang laman nito. Nanlumo ako sa nakita hindi sapat ang laman nito, malaki ang kailangan upang makompleto ang fifty million na hinihingi niya.Manghingi kaya ako ng pera Kay Henry. Ngunit ano ang idadahilan ko pag nagtanong siya kong saan ko gagamitin ang gano'n kalaking pera.Problemado akong naupo sa gilid ng kama. Kung manghingi kaya ako ng tulong kay Tomas? Tiyak na mapera din 'yon at babayaran ko naman pag makaipon.Hindi naman malalaman ng kidnapper na may ibang nakakaalam. Tama siya lang ang tanging tinuring kong kaibigan.Tinawagan ko kaagad si Thomas. Nakailang ring ang ginawa ko ngunit hindi nito sinasagot. “Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon? Tandaan mo hindi na talaga kita ilalakad kay Nanet.” Naiinis kong sambit.Palakad-lakad ako sa buong kwarto dahil sa
MARY LYNELLENang matapos ang mainit na aming pinagsaluhan ay bigla kong naalala ang mga bata." Marupok kasi gurl!" tapik sa noon ko.Inalalayan ako ni Henry bumangon at tinulungan na magbihis. Nakangising nakatingin sa'kin. Inirapan ko pagkatapos samaan nang tingin dahil nahiya ako at kanina lang ay galit-galitan ako."Labas na tayo," wika ko dito. Naalala ko kung paano nila nakuha si Hendrix. "Love, kumusta nga pala si Eloisa? Saan siya dinala ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Kahit naman naging masama siya tiyak na may dahilan ang mga ginawa nito."Nasa custody siya ng mga pulis love, babalik ako doon at mga kaibigan ko ang pansamantalang pinaiwan ko doon para iuwi kaagad si Hendrix." Sagot nito sa 'kin."Sasama ako love, gusto kong malaman ang lahat bakit humantong sa ganito." Tinanguan ako ni Henry at sabay na kaming lumabas at nagtungo sa kwarto ng dalawang bata. Nakangiti kaming dalawa ni Henry sa naabutan dahil talagang na-miss ni Helena ang kuya niya."Kuya, did the monster
MARY LYNELLENakarating kami sa presinto kung saan naka detained si Eloisa. Kung dati ay larawan ng isang napakagandang babae. Ngayon ay isang babaeng nawalan nang pag-asang mabuhay. Sabog ang buhok at may pasa sa kabilang pisngi."Bakit andito ka!? Pumunta ka ba dito para kutyain ako? Gawin mo na pero hindi ko pagsisihan ang ginawa ko!" wika nito na bakas ang hinanakit at pagkabigo sa mukha.Napasinghap ako, kahit nakakulong ay matayog padin manalita 'to."Pumunta ako dito para sabihin sa'yo kung bakit mo hinayaan na kainin ka ng galit sa 'yong puso. Wala akong naging kasalanan sa 'yo kaya hindi kita dapat kawaan. Subalit galing sayong salita na wala kang pagsisi sayong ginawa hindi ko itatanong kung bakit? Huli na din kung pagsisihan mo ang lahat,""Kahit sobra akong nagalit dahil nilagay mo sa panganib ang anak ko. Pero tao lang tayo mayroon kahinaan bawat isa. Kahit mali ang pamamaraan ng iba sa kahinaan nila ay hindi kita huhusgahan,""Ngunit gaya ng sabi ko anak ko ang nalagay
JUDE HENRYTHREE MONTHS LATERPapunta kami ngayon sa Laguna sa resort na pag-aari ni Wyatt. Lahat kaming magkakaibigan ay pupunta. Napangiti ako ng maalala ang nakaraan namin sa resort.It has been six years mula nang pumunta kami dito. And the first time that I took her innocence, I felt so lucky that day, Fuck! Daig ko pa ang tumama sa jackpot price ng araw na 'yon.Ngunit, tulad nga ng isang kasabihan. Pagkatapos ng saya ay kaakibat nito ang lungkot. Pero sobra naman ang kapalit. 'Yon ang magtiis ng ilang taon. Halos mawalan ako ng pag-asa sa buhay, kung hindi lamang sa mga kaibigan ko na siyang umalalay sa 'kin ng mabigo ako siguro hindi ko mararanasan ang saya ngayon.Hindi niya maiwasan ang mapangiwi ang ilang beses niyang nilunod at patayin sa alak ang sarili."F*ck! Henry ano ang nangyari sa condo unit mo?" wika ni Wyatt na kararating lang. Tinawagan nito ang iba nilang barkada."Mga dude! Puntahan n'yo ako sa condo ni Henry, f*ck dude I'm serious bilisan n'yo at tulungan n'
JUDE HENRYHindi matatawaran ang saya sa 'king dibdib nang masilayan ko ang pangatlo naming anak. No, tamang sabihin ay pangatlo at pang-apat dahil kambal ulit parehong malusog na lalaki. Kamukha ko daw ulit ang mga ito kaya maraming reklamo ang aking magandang asawa. Mas gusto ko 'yon at apat na kaming lalaki na magbabantay sa nag-iisa kong prinsesa.Nang maayos na ang kalagayan ni Lynelle ay pinag-antay na lamang ako sa private room na nakalaan sa kanya. May balak pa akong kumontra ngunit mahigpit na tumutol ang doctor na nakatalaga sa kanya. Sandali lang daw ang aantayin niya at kailangan obserbahan ang asawa sa recovery room bago dalhin sa kinuha kong private room.Habang nag-aantay na ilipat siya sa kwarto, ay siyang dating ng mga maingay kong kaibigan. Ano pa nga ba ang aasahan ko kung saan may bagong balita doon sila."Congrats, dude. Ang lakas talaga! Dalawa ulit ang kasunod." wika nilang lahat. "Salamat sa inyo kahit nakakasawang tingnan ang pagmumukha n'yo ay pagtitiyaga
ThomasExcited ako habang nag-aantay sa papalapit na bride. Ngayon ang kasal namin ni Nanet ang saya ko at sa hinaba-haba ng inantay ay 'to na talaga kasal ko na ngayon. "Damn! Ang daming nangyari, ang akala ko ay hindi sila magkakaroon ng happy ending ni Nanet dahil sa naging problema namin magkapatid. Sino ba ang mag-aakala na ito ang makakatuluyan ko na noon ay si Lynelle ang una niyang natipuhan.Nadagdagan ang sayang naramdaman ko dahil nagdadalantao na 'to ngayon at tatlong buwan ng dinadala ang panganay namin. Wala kurap ang aking mata habang lumalakad ang mahal niya papalapit sa kinatatayuan ko.Palihim ang pahid ko ng luha dahil sa hindi maipaliwananag na kaba."Tsk! Hindi bagay, may nalalaman pang punas ng luha." Pang-aasar ng epal na asawa ni Lynelle."Asshole! Mind your own business Mang Henry, hindi kita inaano d'yan," wika ko sa kanya.Mas naging matibay ang pagkakaibigan namin ni Lynelle sa nakalipas na mga taon. Napakabilis ng pangyayari dati problema lang namin m