"Ito ang mahirap, 'yung sariling pamilya ko tutol sa pagpapatawad ko sa 'yo, ang bigat lang sa dibdib ang hirap huminga," sabi ni Chestine habang nasa biyahe na sila patungong Balana Hotel.Kasalukuyan nakahiga sa kanyang lap ang natutulog na si Jonas habang pinaggigitnaan nila ito ni Johan. Bakas sa mukha ng kanyang asawa ang labis na lungkot dahil sa nangyari kahit na inaasahan na nila ito."I'm sorry Chestine, this is all my fault," hingi ng tawad ni Johan habang nakatingin sa mga mata ng asawa sabay kinuha niya ang kamay nito saka pinisil."Dahil sa 'kin nahihirapan kayo ni Jonas," dagdag pa ni Johan ngunit nginitian lamang siya ni Chestine para iparating na magiging maayos din ang lahat."Don't worry, hindi magtatagal matatanggap ka rin nila ulit, just show them that you deserved the second that we gave you," sabi ni Chestine bilang pangaalo sa kanyang nalulumbay na asawa."I'm sorry for making you sad again," muling hingi ng tawad ni Johan kaya naman hindi na napigilan ni Chesti
"H'wag naman sana, dahil ayokong magbuntis ng ganito pa kagulo," sabi ni Chestine sabay nasapo niya ang kanyang sintido."Mapipigilan ba natin 'yon? Wala naman silang magagawa kung sakali," katwiran ni Johan."Ah, basta!" iritableng saway ni Chestine sa asawa kaya hindi na lang ito muling nagsalita.Hindi naman nila namalayang nasa tapat na pala sila ng Balana Hotel nang tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking building."We're here," anunsyo ni Johan at marahang ginising ang anak."Wake up, sleepy head, we're here," bulong ni Johan sa anak habang mahinang niyuyugyog ang balikat nito."Uhmmm... " ungot ni Jonas at saka nagmulat sabay pupungas-pungas siyang tiningnan ang kanyang Daddy."Doon ka na lang mag-continue ng sleep," sabi ni Chestine sa anak sabay hinagkan ang buhok nito.Bumaba na sila ng sasakyan at nang papasok na sila sa entrance ay halata ang gulat sa mga mata ng mga staffs ng hotel nang makita sila at agad din naman silang binati ng mga ito."Good evening Mr. and Mrs Se
Pagka-bangon ni Chestine ay biglang bumaliktad ang sikmura niya kaya agad siyang tumakbo sa banyo upang dumuwal.Nasapo niya ang kanyang ulo dahil biglang umikot ang kanyang paningin. Nakasunod si Johan sa kanya at nagaalala itong inalalayan siya."Chestine?? Are you okay??" nagaalalang tanong ni Johan sa kanyang asawa sabay hagod sa likuran nito."No, I'm not okay. nahihilo ako," nanlalambot na sagot ni Chestine sa asawa habang sapo niya pa rin ang kanyang ulo.Tumungo si Johan sa may cabinet at may kinuha, imbis na gamot ay isang pregnancy kit."Here, use this, para makasigurado tayo saka kita dadalhin sa doctor," utos ni Johan sabay abot niya rito ng pregnancy kit.Hindi na nagdalawang isip si Chestine at agad niya nang kinuha ito. Alam niyang may mali sa pakiramdam niya at nitong nakaraan niya pa napapansin dahil pati mood niya apektado."Labas ka muna," pagtataboy ni Chestine sa asawa ngunit hindi siya nito sinunod at nanatili lang na nakatayo."No, I want to see by my own eyes,"
Kasalukuyang nakahiga si Chestine sa para sa gagawing ultrasound habang hawak ni Johan ang kanyang kamay.Parehas silang nakatutok sa monitor at nag-umpisa na nga ang kanyang ob sa trabaho nito. "This is surprising," biglang sabi ng doctor kaya nagkatinginan bigla ang mag-asawa."Bakit po, doc?" tanong ni Johan."Two heart beats, ibig sabihin kambal ang nasa sinapupunan ni Misis," anunsyo ng doctor kaya ganu'n na lang ang gulat nila sabay nilang nasapo parehas ang kanilang mga bibig."Sigurado po ba kayo??" tanong muli ni Johan at sa pagkakataong ito labis na ang kagalakan sa kanyang boses."Hindi ako p'wedeng magkamali, look at these two," sagot ng doctora sabay may itinuro sa bandang monitor."Johan... t-twin ang magiging baby natin... " hindi makapaniwalang bulalas ni Chestine sa kanyang asawa sabay unti-unting sumilay sa kanila ang malawak na ngiti.Wala sa loob na nayakap ni Johan si Chestine, hindi na nila alintana ang presensya ng doctor dahil sa labis na saya na kanilang nara
"Bakit biglang sumagi sa isip mo si Eunice? At nagawa mo 'yang itanong?" Kunot noong usisa ni Chestine sa asawa.Napayuko lang si Johan sabay sunud-sunod na napatikhim at pilit niyang iwinawaksi sa isip niya ang naging eksena kanina."Wala naman love, naisip ko lang itanong," sagot ni Johan ngunit hindi kumbinsido si Chestine pero imbis na usisain niya pa kung bakit ay hinila niya na lang ang kamay nito."Uwi na nga tayo, baka tuluyan lang akong mainis sa 'yo dahil sa pag-banggit mo sa babaeng 'yon," yakag ni Chestine habang hila-hila niya ang kamay ng asawa.Pinagbuksan siya ni Johan ng pinto ng sasakyan sa front seat nang tuluyan na silang makarating sa parking lot at ito na rin ang nagsuot ng seatbelt niya. Pagkasara niya ay siya naman ang umikot para sumakay sa driver's seat.Binuhay niya na ang makina at agad na pinasibat ang sasakyan. Naging tahimik sa una ang kanilang biyahe pauwi nang biglang may maisipang sabihin si Chestine."About Eunice, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko
"Seriously?!" gulat na tanong ni Kayden."Yes, mabuti na lang nakatalikod ako kay Chestine kaya hindi niya nakita ang mukha nito," sagot ni Johan kaya nasapo ni Kayden ang kanyang bibig."Coincidence lang kaya o sinadya niya talaga magpakita?" muling tanong ni Kayden na may pagdududa."Sa tingin ko sinadya niya, hindi ko alam kung paano ba niya nalamang buntis si Chestine at bago siya umalis nagbabala siya," paghahayag ni Johan na ikinaawang ng bibig nito."Babala? Anong klaseng babala?" curious na muling tanong ni Kayden habang matamang nakatitig sa kanyang Kuya."Hindi pa raw 'yon ang huli naming pagkikita," tila nahihirapang sagot ni Johan sa kapatid."So, she sounds like she's going to take revenge," bulalas ni Kayden sabay napailing."Parang ganu'n na nga kaya may bahagi sa 'kin na nangangamba ako para sa mag-iina ko," sabi ni Johan sabay lagok ng alak."Malaking problema 'yan, mukang desperadang makaganti ng babaeng 'yon dahil biruin mo, limang taon na ang lumipas nang bigla si
"Masama ang loob ko sa inyong dalawa ni Kuya Kayden, because you forced me to study abroad even though I don't want to," pag-amin ni Jana sa mga nakakatanda niyang kapatid."Dahil lang do'n nagawa mo kaming tiisin ng ganu'n katagal?" hindi makapaniwalang tanong ni Johan.Napayuko na lang si Jana at sandaling nanahimik bago siya muling magsalita."Napilitan akong iwan ang nag-iisa kong matalik na kaibigan mula sa University dito sa Pilipinas dahil sa pagpupumilit niyong dalawa na mag-migrate ako sa New York at doon na lang mag-aral," paglilinaw na sagot ni Jana ngunit napailing lang ang dalawa."You're unbelievable, ang babaw ng rason mo," angil ni Kayden habang nakapamaywang sa harapan nito ngunit mariin lamang itong napapikit na tila may gusto pang sabihin."Alam ko Kuya, kaya ngayon humihingi ako ng tawad sa inyo, sa pagiging wala kong kwenta at kawalan ng pakialam sa inyo," tapat na paghingi ng tawad ni Jana habang nagsusumamo ang mga mata.Napahawak na lang sa sintido sina Johan a
Lumabas si Chestine mula sa silid ni Jonas at salubong ang kilay na tumungo sa living room dahil may nahimigan siyang mga pamilyar na boses na tila mga seryosong nagdidiskusyon.Naabutan niya ang asawang sina Johan at laking gulat niya nang makita rin sina Troy na katabi ang bunsong kapatid ni Johan na si Jana habang magkahawak kamay."What's going on here?" Kunot noong tanong ni Chestine nang tuluyan na siyang makalapit sa kanila kaya sabay-sabay silang lumingon sa gawi niya."Love," tawag ni Johan sa asawa."Chestine," tawag naman ni Troy sa kaibigan.Nagtataka namang nagpa-lipat-lipat ng tingin si Chestine sa bawat isa sa kanila at huling dumako ang tingin niya kay Jana na kaagad tumayo at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap na siyang ipinagtaka naman niya."Jana, akala ko ba next week ka pa uuwi at bakit kasama mo si Troy dito?" nagtatakang tanong ni Chestine sa kanyang sister in law."It's a very long story, ate Chestine and I'm really sorry kung ngayon lang ako nakauwi,"