Hindi pumasok si Chestine sa kanyang trabaho ngayong araw dahil pakiramdam niya ay nanlambot siya sa biglang pagpapakita ni Johan sa kanya at sa naging pagusapan nila kahapon.Kasalukuyan siyang papunta sa kusina para ipaghanda ang anak niya ng breakfast. Wala namang pasok si Jonas ngayon dahil sabado kaya naisipan niyang ipagluto ito ng masarap.Abala siya sa paghahada ng gagamitin para sa kanyang lulutin nang bigla na lang may mag-door sa labas ng kanilang bahay kaya saglit niyang hinubad ang suot niyang apron.Tumungo siya sa pinto at agad na binuksan ito at ganu'n na lang ang gulat niya na makita si Johan na seryosong ang mukang nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang maayos na ang itsura nito kumpara kahapon, naka-clean cut na ito kagaya ng parati nitong gupit noon at wala na rin ang mahaba nitong bigote kaya lumitaw na muli ang taglay nitong kakisigan.Samantala, pinasadahan siya ng tingin ni Johan at kunot noo siyang pinakatitigan nito."What are you doing here?? Pati bahay k
"Saan mo balak dalhin ang anak ko Johan?!" gulat na tanong ni Chestine habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga lalaking tauhan nito bitbit ang mga gamit ng anak."Kinukuha ko lang ang karapatan ko Chestine," matigas ang boses na sabi ni Johan habang walang emosyong nakatingin sa asawa."Asshole!! Give my son back!" sigaw ni Chestine at akmang kukunin niya si Jonas mula sa loob ng kotse nito nang maagap siyang pigilan ni Johan."Maayos akong nakiusap sa 'yo, nagmakaawa ako, at lumuhod ako ng paulit-ulit sa harapan mo pero matigas ka pa rin, hindi kita nakuha sa pakiusap kaya pasensyahan na lang tayo," sabi ni Johan na sunud-sunod na ikinailing ni Chestine."H'wag mong kunin sa 'kin ang anak ko!" muling sigaw ni Chestine hanggang sa tumulo na ang kanyang mga luha dahil sa takot niyang baka hindi niya na makita ang anak."If you want to see him, then please me," makahulugang sabi ni Johan kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."A-Anong sabi mo? P-Please you? Napaka-kapal
"Kailan ako uuwi kay Mommy, Daddy?" tanong ni Jonas kay Johan habang nakasakay sila sa elevator patungong sa hotel suite."Ngayon na nga lang tayo ulit nagkasama tapos gusto mo na agad umuwi?" tanong ni Johan sa anak na kunwari ay magtatampo na ikinahagikgik nito.Pasalamat si Johan dahil hindi nasaksihan ng kanilang anak ang eksena sa pagitan nila ni Chestine dahil naka-tinted mula sa loob ang bintana ng sasakyan at saktong nakasuot ito ng headseat at abala sa paglalaro ng online games kaya naman walang kaide-ideya ang bata na wala nang balak ang Daddy niya na ibalik siya sa bahay ng ina."I'm just asking Daddy," sagot ni Jonas at pinisil lang nito ang pisngi niya sabay tunog ng elevator hudyat na nasa tamang palagpag na sila.Nakakailang hakbang pa lang sila nang bigla silang mapahinto nang tumigil sa harap nila ni Jonas ang isang babae na parang pamilyar sa kanya."Johan??" gulat na bungad ng babae sabay hubad ng suot nitong shades na tila sinisino pa siyang mabuti.Ngayon lang nap
(WARNING: SPG ALERT)Tuloy-tuloy lang sa pagpasok si Chestine sa loob patungong living room at pasalampak na naupo sa sofa na kaninang inupuan ni Jonas.Tinanggal na niya ang suot niyang cap sabay hagod ng kanyang buhok at nag-crossed legs. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid ng suite sabay napairap sa hangin."What do you want to drink?" tanong ni Johan habang nakatayo siya sa harapan ng asawa."Wala, maupo ka na at pag-usapan natin kung anong ipinunta ko rito," walang paligoy-ligoy na sagot ni Chestine."Kadarating mo lang ang init agad ng ulo mo," nangaasar na sabi ni Johan kaya sinamaan siya ng tingin nito."Anong gusto mo? Yakapin at halikan kita? Kapal ng mukha mo, anak ko ang pinunta ko rito hindi ikaw," mataray na sabi ni Chestine."Natutulog ngayon si Jonas kaya meron na tayong oras para makapagsarilinan," sabi ni Johan na tila hindi naman nito nagustuhan dahil kutob nitong may iba siyang ibig iparating.Sinundan ng tingin ni Chestine si Johan nang maglakad ito patungong
"Mom, Dad?" tawag ng kagigising lang na si Jonas sa kanyang mga magulang habang pupungas-pungas.Sabay namang napalingon at nag-angat ng sina Johan at Chestine habang abala sila sa pagaayos ng pagkain sa lamesa para sa hapunan."Jonas! You're awake, come here let's eat," good mood na bati ni Johan sa anak ngunit tiningnan lamang sila nito ng may pagtataka sa mukha."What's going on here?" naguguluhang tanong ng bata habang nagpa-lipat-lipat siya ng tingin sa kanilang dalawa.Nagkatinginan naman sina Johan at Chestine sabay parehas napatikhim at napahawak sa sariling batok na tila hindi nila alam kung paano nila ipapaliwanag sa anak ang nangyayari."Ah, Jonas maupo ka na muna. We will explain it to you." Sa pagkakataong ito si Chestine ang sumagot at niyakag ang anak para maupo.Nang nakaupo na silang lahat ay gulat na napadako ang tingin ni Jonas sa kamay ng mga magulang nang bigla na lang hawakan ni Johan ang kamay ng kanyang Mommy kaya mas lalo siyang naguluhan."There's a comeback?
"Johan, lapit ka nga," utos ni Chestine sa asawa at kaagad din naman siyang sinunod nito.Nagulat si Johan nang pingutin ni Chestine ang tainga niya kaya bigla siyang napasigaw."Aww! Ches! Aray!" inda ni Johan habang sapo niya ang kamay ng asawa na nakapingot pa rin sa kanyang tainga sabay bitaw na ni Chestine."Para saan ba 'yon??" inis tanong ni Johan habang sapo pa rin ang namumula niyang tainga."Nagagawa mo pa 'kong tanungin ng mga ganoong klase ng bagay?? Nagpaubaya na nga ako ulit sa 'yo matapos ng limang taon tapos tatanungin mo pa 'ko kung labag sa loob ko at kung wala lang akong choice??" nauuyam na tanong ni Chestine."Natanong ko lang naman eh, ano bang masama doon? Sasabihin mo lang na hindi, bakit kailangan mo pang manakit," reklamo ni Johan na animo'y isang bata."Akala ko ba malinaw na sa 'yo? Ayoko na magpaliwanag pa Johan," iritableng sabi ni Chestine at nag-umpisa nang kumain at hindi na ito pinansin."Sorry love, ikaw kasi nakaka-bothered ang bawat lumalabas diyan
Someone's Third POV---"Here, drink this," sabi ni Troy sa girlfriend niyang si Franzelle na walang niisang suot na saplot sa katawan sabay abot niya ng isang kopita na may lamang red wine at agad din naman nitong inabot."Thanks babe," sabi ni Franzelle na hindi man lang nagabalang takpan ang sarili habang nakasandal sa head rest ng kama."Cover yourself, gusto mo pa atang maka-isa pa tayo?" utos ni Troy na may halong tanong ngunit tinawanan lang siya nito."I'm feeling hot right now, kaya hayaan mo na 'ko," pilyang sagot ni Franzelle sabay tungga ng ang hawak niyang wine.Lumapit si Troy na naka-tapis lang at naupo sa ibabaw ng kama katabi nito sabay haplos niya ng mukha at buhok ng nobya."Don't flirt with other men or I will kill you," sabi ni Troy na may pagbabanta sa boses sabay biglang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito na ikinabigla ni Franzelle."N-Nasasaktan ako Troy," inda ni Franzelle habang nakatingala sa mukha ng nobyo at sapo ang kamay nitong nakasabunot sa kany
Pagkalabas ni Chestine mula sa banyo ay naabutan niyang nakaupo si Johan sa ibabaw ng kama at mataman lamang na nakatingin sa kanya habang ang tanging suot niya lang ay bathrobe."Kanino 'yang mga 'yan?" tanong ni Chestine na may pagtataka sa mukha nang mapansin niya ang mga paper bags na nakapatong sa sahig."Kanino pa ba? Edi, sa 'yo," patanong na sagot ni Johan kaya naman naglakad si Chestine papalapit dito at agad niyang binuklat ang laman ng mga paper bag sabay napaawang siya ng kanyang bibig."Ang dami naman ata nito? Isang pares na damit at panloob lang naman ang kailangan ko, ginawa mo namang pang-isang linggo. Hindi ba sinabi ko na sa 'yong uuwi ako?" Kunot noong reklamo ni Chestine."Tsk, you're not going home, dito ka lang," pinal na sabi ni Johan kaya napamewang bigla si Chestine at hinarap ito."Ipapaalala ko lang po sa 'yo na may bahay at bussiness ako rito na na kailangan ko pong aasikasuhin," sabi ni Chestine na may pagkasarkastiko sa boses."Wala ka namang aasikasuhin
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"