Someone's Third POV---"Here, drink this," sabi ni Troy sa girlfriend niyang si Franzelle na walang niisang suot na saplot sa katawan sabay abot niya ng isang kopita na may lamang red wine at agad din naman nitong inabot."Thanks babe," sabi ni Franzelle na hindi man lang nagabalang takpan ang sarili habang nakasandal sa head rest ng kama."Cover yourself, gusto mo pa atang maka-isa pa tayo?" utos ni Troy na may halong tanong ngunit tinawanan lang siya nito."I'm feeling hot right now, kaya hayaan mo na 'ko," pilyang sagot ni Franzelle sabay tungga ng ang hawak niyang wine.Lumapit si Troy na naka-tapis lang at naupo sa ibabaw ng kama katabi nito sabay haplos niya ng mukha at buhok ng nobya."Don't flirt with other men or I will kill you," sabi ni Troy na may pagbabanta sa boses sabay biglang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito na ikinabigla ni Franzelle."N-Nasasaktan ako Troy," inda ni Franzelle habang nakatingala sa mukha ng nobyo at sapo ang kamay nitong nakasabunot sa kany
Pagkalabas ni Chestine mula sa banyo ay naabutan niyang nakaupo si Johan sa ibabaw ng kama at mataman lamang na nakatingin sa kanya habang ang tanging suot niya lang ay bathrobe."Kanino 'yang mga 'yan?" tanong ni Chestine na may pagtataka sa mukha nang mapansin niya ang mga paper bags na nakapatong sa sahig."Kanino pa ba? Edi, sa 'yo," patanong na sagot ni Johan kaya naman naglakad si Chestine papalapit dito at agad niyang binuklat ang laman ng mga paper bag sabay napaawang siya ng kanyang bibig."Ang dami naman ata nito? Isang pares na damit at panloob lang naman ang kailangan ko, ginawa mo namang pang-isang linggo. Hindi ba sinabi ko na sa 'yong uuwi ako?" Kunot noong reklamo ni Chestine."Tsk, you're not going home, dito ka lang," pinal na sabi ni Johan kaya napamewang bigla si Chestine at hinarap ito."Ipapaalala ko lang po sa 'yo na may bahay at bussiness ako rito na na kailangan ko pong aasikasuhin," sabi ni Chestine na may pagkasarkastiko sa boses."Wala ka namang aasikasuhin
"Jonas, baby, ayos lang ba kung na iwan ka na muna namin ng Daddy mo sandali? Big boy ka naman na hindi ba? Can we leave you alone just for a while?" tanong ni Chestine sa anak na kasalukuyang abala sa online study nito."Sure Mom," sagot ni Jonas nang magtaas ito ng tingin sa ina habang may ngiti sa mukha."Babalik din kami kaagad ni Daddy, may mga important lang kaming aasikasuhin. May luto na ring pagkain na sa ref init mo na lang," sabi ni Chestine na muli lang nitong ikinatango."Take your time, don't worry about me," sabi ni Jonas upang h'wag na itong magalala sa kanya."H'wag kang magpa—" hindi na naituloy ni Chestine ang sanang sasabihin niya nang magsalita muli si Jonas."I won't allow strangers to come in," duksong ni Jonas sa sanang sasabihin ng ina kaya napangiting ginulo nito ang buhok niya."Mom, I said stop messing my hair," reklamo ni Jonas sabay inayos niyang muli ang nagulo niyang buhok."Sorry, binata na nga pala ang anak ko," malambing na sabi ni Chestine sabay pinu
Pansamantalang isang araw na isinara na muna ni Chestine ang kanyang restaurant para makausap niya ng masinsinan ang kanyang mga empleyado.Kasalukuyan nasa dining ng restaurant ang lahat ng kanyang mahigit kinseng empleyado na kaharap niya kasama ang asawang si Johan.Lahat sila ay may pagtataka sa mukha habang nakatingin sa gawi ni Johan na kanilang boss. Iniisip nila kung sino ba ito."Kaya ko kayo ipinatawag lahat dito dahil may importante akong sasabihin," panimula ni Chestine sabay hinga ng malalim.Nagkatinginan naman ang lahat ng empleyado dahil sa nakikita nilang kaseryosohan ng kanyang mukha."I'm sorry to say this, but me and my son have to go back to the Philippines with my husband for good," anunsyo ni Chestine na labis na ikinagulat ng lahat."M-Ma'am, paano naman po itong restaurant?" malungkot na tanong ni Della sa isiping mawawalan na sila ng trabaho.Napadako naman ang tingin ni Chestine sa tahimik na si Johan ngunit sumenyas lamang ito na ituloy niya kung ano man a
Someone's Third POVNakatingin siya ngayon sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang dalawang pilat sa magkabila niyang pisngi. Marahan niyang hinahaplos ang mga ito dulot ng kanyang mapait na kahapon.Hindi niya nakakalimutan ang araw na 'yon na naging dahilan ng tuluyan pagkasira ng buhay niya dahil wala nang tumanggap sa kanyang kumpanya dahil napag-alaman nila na isa siyang naging kabit ng isang kilalang negosyante.Dahil din sa pilat sa kanyang magkabilang mukha ay hindi na siya makapasok sa mas disente pang trabaho dahil ang tingin na nila sa kanya ngayon ay isang babaeng wala nang gandang maipagmamalaki.Ang dati niyang maamong mukha ay nasira na dahil sa malalim na pilat, hindi niya lubos na matanggap na ganito ang kinahinatnan ng buhay niya ng dahil lang minsan siyang nagmahal sa maling pagkakataon.Mariin siyang napapikit sabay nanlilisik ang mga matang nagmulat. Makikita sa kanyang mga mata na punong-puno siya ng hinanakit at galit sa mga taong gumawa nito sa kanya.Kusa
(2) Someone's Third POV "Let's break up," sabi ni Troy sa kanyang nobya na labis naman nitong ikinagulat."You're now breaking up with me?!" gulat at galit na tanong ni Franzelle kay Troy habang nanlalaki ang kanyang mga mata."Yes," tipid na sagot ni Troy sa blangko niyang ekspresyon."Dahil lang sa mga sinabi ng babaeng 'yon makikipag-hiwalay ka na sa 'kin? How could you!" bulyaw ni Franzelle kay Troy ngunit hindi ito natinag."This is not about Chestine, this is all about your behavior at narinig mo ba ang sarili mo kanina? Proud ka pang isa ka sa naging bed warmer ng ex mo? Hindi ko lubos maisip na nagawa kitang patulan," diretsuhang sabi ni Troy na ikinaawang ng bibig nito."Nagsisisi ka na ngayon? Samantalang kagabi pinigilan mo 'kong hiwalayan ka, tapos ngayon ito ka ngayon na nakikipag-kalas??" hindi makapaniwalang sabi ni Franzelle."Nagising na 'ko, you're not worth it to be with," pinal na sabi ni Troy at akmang lalabas na siya nang suite nang pigilan siya ng nobya."Hindi
_One Month Later_Kalalapag lang nina Johan, Chestine at Jonas sa NAIA, walang kaalam-alam ang kanilang mga pamilya na ngayon ang uwi nila.Wala rin kaide-ideya ang mga ito na nagkabalikan nang muli ang mag-asawang Johan at Chestine kaya naman inaasahan na rin nilang matindi ang magiging galit ng mga magulang ni Chestine ngunit alam rin nila na wala naman nang magagawa ang mga ito dahil choice nilang magbalikang dalawa.Nag-stop over na muna sila sa isang kilalang fast food chain dahil sa biglaang pagkagutom mula sa mahabang biyahe."Ches, ako na ang pipila maupo na lang kayo ni Jonas dito," sabi ni Johan sa kanyang mag-ina ka ikinatango lang ng mga ito."Anong gusto niyong kainin?" tanong pa ni Johan."Overload cheese burger and spaghetti po, Daddy," sabi ni Jonas kaya binalingan naman ni Johan ang asawang mukang nagiisip pa."Chicken with rice na lang love, at water lang sa 'tin. No soft drinks and artificial juice," sabi ni Chestine na ikinatango lang ni Johan kaya tumungo na ito s
"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka!" sigaw ni Sebas habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin kay Johan.Samantala ang ina naman ni Chestine na si Celeste ay hindi alam kung anong magiging reaksyon sa pagbabalikan ng dalawa at sa pagkakataong ito ay si Johan naman ang nagsalita."Alam ko pong walang kapatarawan ang ginawa kong kataksilan pero sana bigyan niyo pa po ako ng pangalawang pagkakataon para patunayang hindi ko na po ulit gagawin ang bagay na 'yon sa anak niyo," mahabang lintanya ni Johan."Kag*g*hahan!" singhal ni Sebas na ikinayuko na lang ni Johan at pasimple niyang sinulyapan ang seryosong mukha ng kanyang asawa.Pare-parehas nahihirapan ang kanilang mga kalooban dahil sa nangyayari. Hindi magawang matanggap ng mga magulang ni Chestine ang pakikipagbalikan niya sa asawa niyang si Johan. Samantala, nahihirapan din naman ang mag-asawang sina Johan at Chestine kung paano ba nila ipapaliwanag sa mga ito kung bakit mas pinili nilang ayusin ang relasyon nila."Tumung
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"