Hello readers! Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-UD, super busy lang po si Author! here's chapter 32, happy reading!
Tahimik lang ang naging buong biyahe nila patungong Isabella sakay ng private car nang biglang magsalita si Celeste upang basagin ang nakakabinging katahimikan."Are you okay anak?" tanong ni Celeste kay Chestine habang nasa kandungan niya ang natutulog niyang apong si Jonas."I don't know Mom, I don't know," malungkot na sagot ni Chestine habang malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa malayo mula sa bintana ng sasakyan.Hinawakan ni Celeste ang kamay ni Chestine at marahan itong pinisil para ibig iparating na siya nandito lang siya palagi sa para sa kanilang mag-ina."Alam kong napakahirap nito para sa 'yo, pero alam kong magiging maayos rin ang lahat sa tamang panahon," sabi ni Celeste para aluin ito."Paano pa ba magiging maayos ang lahat kung para akong unti-unting dinudurog?" nasasaktang tanong ni Chestine.Muling dumaloy ang mga butil ng luha na ayaw magpapigil mula sa kanyang mga mata kaya kaagad niya itong pinunasan at nag-iwas na lang ng tingin."Just cry and let it out an
"Walang hiyang lalaki 'yan!" galit na sabi ni Sebas matapos ipaliwanag ni Chestine ang kabuuang nangyari sa pagitan nila ni Johan."Sebas! Huminahon ka nga! Kahit na magalit ka pa ng husto hindi na mababago niyan ang nangyari sa anak mo," saway ni Celeste sa asawa."Tama si Mama, Pa. Walang magandang maidudulot kung magpapakagalit pa kayo tutal wala naman na kami ni Johan," sabi ni Chestine bilang pagsangayon sa kanyang ina."Hindi ko lang lubos maisip na magagawa sa 'yo 'yon ni Johan, hinahangaan ko pa man din siya noon dahil napaka-responsable niyang asawa at ama sa inyo ng apo ko tapos ganito lang ang gagawin niya!" sabi ni Sebas na may gigil sa boses."Magpahinga na kaya kayo Papa, h'wag na kayong mag-aalala sa 'min, kayang-kaya ko 'to," lakas-lakasang sabi ni Chestine ngunit ang totoo para nang kakalas ang utak niya dahil sa labis na pag-iisip.Pagkasabi niya ay sakto namang pasok nang caregiver habang kalong ang natutulog niyang anak sa mga bisig nito."Naku, pasensya ka na naka
Alam ni Chestine na malaki ang gusto sa kanya ng kaibigan niyang si Troy simula pa noon ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya rito, wala nang mas hihigit pa doon."Tsss. H'wag mo na ngang ungkatin ang nakalipas na basta ako masayang-masaya akong makita ka ulit matapos nang sampung taon," sabi ni Chestine na may kagalakan sa boses."Masaya... sus! Tinaray-tarayan mo nga 'ko kanina," sabi ni Troy na may himig pa rin ng pagtatampo."Isip bata ka pa rin talaga ano? Sabi nang hindi nga kita nakilala." Naiiling na sabi ni Chestine."Maiba nga tayo, kamusta naman kayo ng asawa mo? May anak na ba kayo?" pag-iiba ni Troy."Yes, may anak na kami. Nasa loob nga siya ngayon natutulog katabi ni Mama," sagot ni Chestine.Sinadya niyang hindi sagutin ang tanong nito tungkol sa kanila ni Johan dahil ayaw niya na itong pag-usapan pa."Eh, ang asawa mo? Kasama niyo ba siya rito?" tanong muli ni Troy na ikinatikhim ni Chestine."Let's not talk about him," matamlay na sabi ni Chestine na ip
Akmang papasok na sana si Chestine sa loob ngunit maagap siyang pinigilan ni Troy nang hawakan nito ang braso niya kaya napatigil siya."Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Troy.Tila bigla siyang nalungkot dahil kung kailan naman nagkita na silang muli saka ito naman ang aalis. Ang akala niya ay may pagkakataon na siyang muling mapalapit dito."Sa US na kami maninirahan ng anak ko," sagot ni Cally na ikinatigil naman ni Troy.Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid nang hindi ito agad nakapagsalita."Ngayon na lang tayo ulit nagkita ikaw naman ang lalayo," sabi ni Troy na may himig ng lungkot sa boses."This is not about you, this is about my peace of mind. Gusto kong magpakalayo-layo dahil hangga't malapit kami kay Johan siguradong hindi niya 'ko tatantanan," seryosong sabi ni Chestine na ikinatigil ni Troy."At isa pa, tama na. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa 'yo at h'wag mo nang subukang i-involve ang sarili mo sa problema ko," dagdag pa ni Chestine na mas lalon
_Five Years Later_"Ma'am Chestine, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng isang staff ni Chestine na si Della."Mauna ka na, may tatapusin lang ako," sagot ni Chestine na ikinatango lang nito at lumabas na ng kanyang office.Naisipan ni Chestine na magtayo ng sarili niyang restaurant na pinangalanan niyang CJ's Cuisine gamit ang initials nila ni Jonas.Noong una ay gusto niya na lang sanang bumalik sa pagiging flight attendant ngunit naisip niya na mapapalayo siya kay Jonas at mawawalan siya ng oras dito dahil dadalawa na nga lang sila at saktong malayo pa sila sa kanilang pamilya. Kaya naisipan niya na lang magtayo ng bussiness at least hindi niya mapababayaan ang kanyang anak.Napa-angat siya nang tingin sa may pintuan nang may biglang kumatok dito kaya sandali niyang itinigil ang kanyang ginagawa."Come in," sabi ni Chestine mula sa tao sa labas kaya agad na nag-bukas ang pinto.Bumungad sa kanya ang kanilang cook na si Mauris na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha kaya
"Sir, nalaman na po namin kung nasaan ang exact location ng mag-ina niyo," sabi ng isa sa inatasang tauhan ni Johan para hanapin sila."Ipadala mo sa 'kin lahat ng nakalap mong impormasyon ngayon na mismo," utos ni Johan mula sa kabilang linya sabay binababaan niya na ito ng tawag.Kasalukuyan siyang mag-isang umiinom ng beer sa living room ng kanyang condo unit. Simula nang magkahiwalay sila ni Chestine at nalaman niyang umalis pala ng bansa ang mga ito doon niya na napabayaan ang kanyang sarili.Kahit ultimo pag-aahit ng balbas hindi niya na magawa dahil sa labis na depresyon at stress dulot nang pag-iwan sa kanya ng kanyang mag-ina.Sa loob ng nakalipas na limang taon tanging kina Chestine at Jonas niya lang ginugol ang oras niya para mahanap ang mga ito ngunit kay galing din talaga magtago ni Chestine dahil sa tinagal-tagal ng paghahanap niya ngayon niya lang sila natagpuan.Sa US lang pala ito naglalagi at nag-tayo ng sariling negosyo doon. Kung iisipin mukang hindi na talaga siy
Patungo Chestine sa kusina ng restaurant para mag-check and observe ng galawan ng kanyang mga staff sa loob nito. At naabutan niyang abala sila sa kani-kanilang ginagawa. Hindi agad napansin ng mga ito ang presensya niya kaya dire-diretso lang siya habang pinagmamasdan kung paano sila kumilos at magtrabaho. Karamihan sa mga empleyado niya ay filipino mayroon din mga ibang lahi na marunong umintindi ng tagalog. Minsan lang siya bumaba rito kaya ganu'n na lang ang gulat nila nang mapansin na siya ng mga ito at sabay-sabay bumati. Nginitian niya lamang ang mga ito bilang pagtugon."Isipin niyo wala ako rito, para hindi kayo mailang, it's just an inspection day," sabi ni Chestine ngunit mas lalo lang atang nailang ang mga ito."Biglaan naman po ata ang inspection day niyo Ma'am," biro ng isang staff kay Chestine."Naisipan ko lang kayong bisitahin dito after what happened yesterday," sabi ni Chestine na nakapagpatahimik na sa lahat at wala nang nagsalita pa.Nilibot ni Chestine ang bawa
"Chestine," muling tawag ni Johan sa pangalan ng asawang na kanyang kinasasabikang makita.Kahit nakatalikod ito mula sa kanya ay kilalang-kilala niya ang pigura nito kaya hindi siya p'wedeng magkamaling si Chestine nga ito.Naglakad si Johan papalapit dito nang bigla itong tumayo at marahas siya nitong hinarap at kita pa rin sa mga mata nito ang labis na poot."What are you doing here?" galit na tanong ni Chestine gamit ang kalmado niyang boses."I'm here to take my family back," diretsuhang sagot ni Johan habang nakatingin sa mukha ng asawa.Ngayon siya mas lalong nakaramdaman ng pananabik nang makita itong muli matapos ang mahabang panahon ng paghahanap niya. Napansin niya na mas lalong nag-glow ang asawa niya at muli itong nag-mukang dalaga sa paningin niya.Samantala, napahagalpak naman ng tawa si Chestine matapos niyang marinig ang sinabi nito hanggang sa unti-unting naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya."Doon tayo sa office ko mag-usap, baka ma-istorbo mo pa ang mga cust
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"