Share

CHAPTER 158-SULKING

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2025-01-07 23:25:30
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa.

Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi.

Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit?

Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe.

[Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.]

[And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i
Leigh Obrien

Aguy nagseselos na ang Disney princess nating si Roxanne 🤣

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Eileen Castillo Puson
hay nako demon dapat senabi mo ang toto i hay nako mga lalaki ngq naman mga senongaling ende ng eesep nq mabuking den
goodnovel comment avatar
Leigh Obrien
HHAHAHAHAHAHAHAHA
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Trust issue malala. Naku Devon alam mo ang pinagdaanan ni Rox kay Jameson tapos gagaya ka din. Buti na lang di ka talaga mahal ni Rox anytime pwede ka din niyang iwan hahahahahaaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 159-MEET

    "Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala

    Last Updated : 2025-01-09
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 160-IRRITATE

    Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani

    Last Updated : 2025-01-09
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 161-TURN AROUND

    Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all

    Last Updated : 2025-01-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 162-BAD MOOD

    Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na

    Last Updated : 2025-01-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 163-COLD

    Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan

    Last Updated : 2025-01-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 164-TENSION

    Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa

    Last Updated : 2025-01-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 165-FIRE

    Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para

    Last Updated : 2025-01-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 166-CHASING

    Sa wakas, inalis ni Devon ang malamig niyang tingin kay Roxanne at tumingin kay Miles na nasa tabi niya. "Umalis na tayo." Tumango si Miles, lumingon, at dinala si Devon papunta sa opisina. Hindi sumunod si Secretary Kenneth. Matapos pumasok ang dalawa sa opisina, tumingin siya kay Roxanne. "Roxanne, huwag mong dibdibin ang sinabi ni Sir Devon kanina. Sa totoo lang—" Bago pa niya matapos ang sasabihin, pinutol na siya ni Roxanne. "Secretary Kenneth, hindi ko iyon dinibdib, pero nagtatrabaho lang ako sa kompanya, hindi ako empleyado nito. Hangga't wala akong ginagawang mali sa trabaho, wala siyang karapatang diktahan ang gagawin ko." Napabuntong-hininga na lang si Secretary Kenneth, hindi alam kung ano pa ang dapat sabihin. Makalipas ang mahigit sampung minuto, lumabas ng opisina sina Miles at Devon. Tumingin lang si Roxanne sa kanila saglit bago lumakad papasok sa opisina, na parang hindi niya sila nakita. Nagdilim ang mga mata ni Devon pero sa huli, wala siyang sinabi. Matapos

    Last Updated : 2025-03-01

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 2

    Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2. C.1

    "Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 256-HYPNOSIS

    Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 255-FEELS

    Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 254-BLINDED

    Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 253-RECKLESS

    Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 252-DIDN'T NOTIFY

    Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 251-TIRED

    Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 250-CRUEL FATE

    "Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status