HAPPPY NEWW YEARR! namiss ko kayo, nababalik na si author. I'm very sorr mayroon lang inasikaso🥺🥳 but I'm back now. 🥳
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene.Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore."Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya.Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin ni Ire
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya tungko
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa.
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Nakahiga ngayon sa malambot na kama si Roxanne habang naghihintay sa kanyang asawang si Jameson na naliligo pa sa banyo. "Magugustuhan niya kaya ito?" Nakasuot siya ng isang sexy outfit para akitin ang asawa na makipagtalik. Sa kanyang paghihintay, narinig niya ang pagtunog ng phone ni Jameson sa mesa kaya kinuha niya ito. Binuksan niya ang messaging app at nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng nakita. [Come here, daddy. Treat me like your one and only whore.] Kasama ng mensahe ay malaswang litrato ng babae. Namumukhaan niya naman na ito ay ang sekretarya ng kanyang asawa. Si Savannah Gomez. Nagulat naman si Roxanne nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Jameson mula sa likuran at nakikiliti siya sa pagkagat nito sa kanyang taenga. "Come on, honey. Hindi na ako makapag-hintay na magka-anak tayo." Bulong nito at patuloy siyang hinahalikan pababa sa kaniyang leeg. Hindi magawa ni Roxanne na umiwas dahil bigla siya nitong binuhat pabalik sa kama. "Wow. Ang sexy ng
Dumaan ang kalahating oras, nalunod na sa kalasingan si Roxanne at pinalibutan siya ng mga lalaking pinipilit siyang isama pero mabuting bumalik si Grace na na-busy saglit sa counter. "Excuse me! Magsi-alis nga kayo!" Itinaboy niya ang mga lalaki. "Besh? Baka gusto mo ng umuwi. Ihahatid na kita." Umiiling si Roxanne at umakbay sa kaibigan, "Ayaw kong umuwi doon. Baka mandilim ang paningin ko 'pag nakita ang pagmumukha ni Jameson." Kahit lasing na ay hindi pa rin maalis sa isipan ang nakita niyang kababuyan ng asawa. "Oo nga naman. Baka mabalitaan kong nakakulong ka na bukas. Hay nako! Ako na nga bahala sayo." Iniwan muna ni Grace ang trabaho para tulungan ang wasak na kaibigan dahil noong mga panahong siya rin ang sawi ay sinamahan siya ni Roxanne. Nag-book siya ng ticket sa isang five star hotel na ilang kanto lang ang layo. Idinala niya doon ang lasing na babae na nagsusuka sa loob ng kanyang sasakyan. "Kadiri naman to!" Reklamo ni Grace. Nang maibaba niya ito doon
Pagsapit ng alas sais ng umaga, naisipan ni Roxanne na bumalik sa mansyon kahit hindi niya gustong makita ang asawa. Tinatawagan din siya nito pero hindi niya sinasagot dahil baka makabitaw siya ng masasamang salita. Naglalakad siya papalabas ng hotel pero bigla siyang napatago sa pader nang makita si Devon na naglalakad papalabas din at patungo ito sa parking lot para kunin ang sasakyan. "Jusko. Muntik na talaga 'yun." Usal niya, hindi pa rin makalimot sa kabaliwang nangyari kagabi. Sumakay si Roxanne ng taxi na nakaparada sa labas at nagpahatid pabalik sa Orange Groove village. Nag-ring ulit ang kanyang phone dahil sa katatawag ng asawa pero pinatayan niya ito pero sinagot niya ang tawag na nagmumula kay Grace. "Kamusta besh? Umuwi ka na ba sa asawa mo. Este sa soon to be ex-husband mo?" Tanong ni Grace. "No choice, besh. Uuwi ako sa ngayon pero aalis din ako doon kapag hiwalay na kami. Tsaka nga pala, may nakakaloka akong ikukuwento sayo next time. Tungkol sa kapatid n
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa.
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya tungko
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene.Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore."Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya.Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin ni Ire
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha.Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka."Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagkasabik m
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m