Good eves! Nag-eenjoy pa ba kayo dyan? Sana hindi kayo magsawa kasi magiging mahaba ang ating storya may iba pang darating na mga karakteeð¥³
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha. Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka." Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagka
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. âMr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?â tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. âMs. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. âWhat??â gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germanyâ" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dah
Medyo natatawa si Roxanne na tingnan si Madame Julie na halatang naiinis sa kanyang reaksyon. "Madame Julie, noong sinasabi mo sa lahat na minaltrato kita, hindi mo siguro naisip na aabot sa puntong hihingi ka sa akin ng pabor para lang iurong ang demanda, tama ba?" Namutla ang mukha ni Madame Julie. Kumuyom ang mga kamao niya at namulat na ang kanyang palad dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko. "Roxanne, inaamin kong nagkamali ako sayo kaya humihingi ako ng tawad. Huwag mo na sana akong pahirapan, okay?" "Okay," tumango si Roxanne. "Maglabas ka ng pahayag na nilinaw mong hindi kita sinaktan. Ikaw ang nagpakalat ng maling balita para sirain ang pangalan ko. If you can do that then ipapaurong ko ang demanda." Hindi makapaniwala si Madame Julie. Kung maglalabas siya ng pahayag ngayon, malalaman ng lahat na pagdadrama niya lang lahat at isa siyang sinungaling. "Roxanne, baka naman may iba tayong pwedeng pag-usapan. Maaari nating idaan ito sa usapan." "Oh? Akala ko ba
"Sige, naiintindihan ko." Pagkababa ng telepono, naupo si Roxanne sa sofa, iniisip kung sino ang maaaring nasa likod nito. Alam ng taong iyon ang tungkol sa aksidente sa Guevarra Pharmaceutical at nagawa siyang hanapin upang gamitin laban sa kanya. Ibig sabihin, hindi basta-basta ang kanyang katayuan. Lumabas si Grace mula sa banyo matapos maligo at nakita si Roxanne na nakatulala sa sofa. Lumapit siya at iwinagayway ang kamay sa harap ng mukha nito. "Ano ang iniisip mo? Parang ang lalim." Bumalik si Roxanne sa huwisyo, umiling, at tumayo. "Wala, tara na." Samantala, galit na galit si Vincent nang malaman niyang nahuli si Antonio habang sinusundan si Roxanne. "Ano bang ginagawa niya? Kakasimula pa lang niyang sumunod, nahuli na agad. Walang silbi!" Nakatungo lang ang secretary, hindi naglakas-loob magsalita. Nang matapos ang galit ni Vincent, maingat itong nagsalita. "Boss Vincent, sa tingin ko, mas mabuting huwag na nating ipasunod si Antonio kay Roxanne. Baka matunton tayo k
Hindi pa gaanong nakakalayo ang sasakyan sa kalsada nang mapansin ni Roxanne na may mali. Sinadya niyang magpalit ng direksyon ng ilang beses at napansin niyang sinusundan pa rin siya ng itim na sasakyan. Kumunot ang noo niya. Walang duda, ang sasakyang iyon na walang plaka ay matagal nang sumusunod sa kanya. Matapos mag-isip sandali, pinaharurot ni Roxanne ang sasakyan pabalik at dumiretso sa kabaligtaran ng direksyon patungo sa kanyang bahay. Sampung minuto ang lumipas at huminto ang sasakyan ni Roxanne sa harap ng istasyon ng pulisya. Napansin ng sasakyang sumusunod sa kanya na may mali at nagtangkang umalis, ngunit agad itong hinarang ng mga pulis. Bumaba ang nasa loob ng sasakyan at agad siyang dinakip ng mga pulis. Nang makumpirma na ligtas na ang paligid, bumaba si Roxanne mula sa kanyang sasakyan. "Miss Roxanne, sumama kayo sa amin para sa isang pahayag." Tumango siya at tumingin sa lalaking dinala ng mga pulis papasok sa istasyon. Tinatayang nasa dalawampung taong gulan
Lumapit si Roxanne sa pinto at sumilip sa peephole. Nakita niya si Miles, at bahagyang nagulat. Habang nag-aalangan pa si Roxanne kung bubuksan ang pinto, narinig niya ang mababang tinig ni Miles sa labas. "Roxanne, pag-uwi ko kanina, bigla kong naisip ang isang detalye na maaaring may kinalaman sa pagtagas ng experimental data." Nanigas ang ekspresyon ni Roxanne sa narinig at agad niyang binuksan ang pinto. "Anong detalye?" Napansin ni Miles na bahagya lang niyang binuksan ang pinto at wala siyang balak papasukin ito. Dumilim ang tingin niya. "Minsan kaming naghapunan noon. Habang kumakain, nakatanggap siya ng tawag at sinabing may naiwan siyang gamit sa laboratoryo. Agad siyang umalis. Naisip ko lang ngayonâmay pasok naman siya kinabukasan. Ano ang mahalagang bagay na kailangan niyang balikan sa ganoong oras?" Sumilay ang pagtataka sa mga mata ni Roxanne. "Kung babalik siya para kopyahin ang experimental data at ipasa sa NEUROVEX, hindi ba dapat hindi na lang niya sinabi sa'yo
"Isa âyon sa mga dahilan, pero ang pangunahing dahilan ay may mas mahalaga akong kailangang gawin." Medyo nadismaya si Frizza. "Hindi ko alam kung mabait ang bagong papalit sayo kapag umalis ka na, Ate Roxy." Ngumiti si Roxanne at marahang pinakalma ito. "Magkasundo man kayo o hindi, gawin mo lang nang maayos ang trabaho mo." "Iyon na lang ang magagawa ko." Sa hapon, pumunta si Roxanne sa PharmaNova upang mag-impake. Hindi pa dumarating ang bagong tagapag-develop ng gamot, kaya't itinigil muna ni Frizza ang eksperimento at nagbasa ng mga pananaliksik sa opisina. Nang matapos mag-impake at handa nang umalis si Roxanne, hindi napigilan ni Frizza na yakapin siya. "Ate Roxanne, kahit nag-resign ka na, dapat manatili tayong magkausap!" Nakita ni Roxanne ang pag-aatubili ni Frizza kaya tumango siya. "Sige, pero sa tingin ko hindi kita matutulungan sa paghahabol kay Miles, kaya gawin mo na lang ang lahat ng makakaya mo." "Sige." Matapos magpaalam kay Frizza, patungo na si Roxanne sa p
Kung hindi lang siya na-in love kay Roxanne, malamang ay sinamahan pa niya si Daphne sa loob ng tatlong buwan. Pero ngayon, hindi na makapaghintay si Roxanne, at ayaw na rin niyang biguin ito. "Hindi ko masyadong pinag-isipan nang ipangako kong sasamahan kita sa huling tatlong buwan bilang nobyo mo. Maliban dito, maaari kang humiling ng ibang bagay. Hanggaât kaya kong gawin, gagawin ko." "Ano pa ang maibibigay mo sa akin maliban sa pera at bahay?? Devon, baka nakakalimutan mo, iniligtas kita noon. Ngayon, pagkatapos ng lahat ng iyon, tatlong buwan lang ang hinihingi ko, at hindi mo pa magawa? Gusto mo ba talagang mapahiya ako nang ganito?" Sandaling natahimik si Devon at saka tumango sa harap ng hindi makapaniwalang tingin ni Daphne. "Oo. Alam kong iniligtas mo ako, at hindi ko kailanman kinalimutan iyon, pero hindi kita kayang suklian ng pagmamahal. Patawad." Ang patuloy na pananatili niya kay Daphne ay magdudulot lang ng mas matinding sakit kay Roxanne at lalo nitong itutulak p
Humarap siya sa malamig na titig ni Roxanne, at anumang paliwanag ay tila walang halaga. Ibinaba ni Devon ang kanyang tingin at mahina ngunit seryosong sinabi, "Hindi mo na kailangang mag-alala sa bagay na ito, ako na ang bahala." "Wala akong pakialam kung paano mo ito haharapin, magre-resign na ako." Sumilay ang lamig sa mga mata ni Devon. "Roxanne, sinabi ko na noon na hindi kita papayagang magbitiw." "Hindi mo ako pag-aari, at wala kang karapatang pakialaman ang mga desisyon ko. Sinasabi ko lang ito para bigyan ka ng sapat na oras na maghanap ng papalit sa akin, hindi para hingin ang opinyon mo." Nababalot ng katahimikan ang silid, isang nakakapasong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Matapos ang hindi malamang haba ng panahon, muling nagsalita si Devon, mababa at paos ang boses, "Ganyan mo na ba ako kinasusuklaman ngayon? Hanggang sa punto na mas pipiliin mong umalis kaysa manatili sa kumpanya?" Bahagyang kumunot ang noo ni Roxanne. Balak talaga niyang magbitiw, hindi lan
"Oo! Minahal ko siya sa loob ng maraming taon, at tatlong buwan na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi ko kayang sumuko!" Napangiti si Vincent nang mapait. "Paano naman ako? Minahal din kita sa loob ng maraming taon. Bakit hindi mo man lang ako tignan?" Akala niya noon, basta't masaya si Daphne, sapat na iyon. Pero ngayong nakikita niya itong nasasaktan para kay Devon, parang may humigpit na kamay sa kanyang dibdib, pinipigilan siyang huminga. Kung tatlong buwan na lang ang natitira sa buhay nito... bakit hindi siya lumaban para sa sarili niya? Natigilan si Daphne at tila hindi agad naka-react. Makalipas ang ilang sandali, mahina siyang nagsalita. "Vincent, itinuring lang kitang kaibigan." "Pero ayaw kong maging kaibigan mo lang." Kinagat ni Daphne ang kanyang ibabang labi, halatang naiinis. "Ako ang kasintahan ng matalik mong kaibigan, hindi puwedeâ" Bago pa niya matapos ang sasabihin, biglang may lumapit na anino mula sa itaas. Bago pa siya makaiwas, bumaba ang labi ni Vinc
Dahil sa ginawa ni Devon, lahat ng tao sa paligid ay napatingin sa kanilang dalawa. Si Daphne ay mariing kinagat ang kanyang ibabang labi, puno ng panghihinayang at galit ang kanyang mga mata. Ipinakita ni Devon sa harap ng lahat na ibinigay niya ang Hope Diamond kay Roxanne. Ngayon pa lang ay naiisip na niya kung paano siya pagtatawanan ng mga tao sa paligid. Habang iniisip niya ito, lalong lumalim ang galit niya kay Roxanne. Sandaling nanahimik ang paligid bago nagsimula ang usapan ng mga tao. "Ano'ng nangyayari? Bakit ibinigay ni Devon ang Hope Diamond kay Roxanne? Hindi ba sila nagkabalikan ni Daphne?" "At kung tama ang pagkakaalala ko, si Roxanne ay dating manugang niya, hindi ba? Napakawalanghiya ng pamilya ni Devon!" "Kasuka-suka! Hindi pa ba kakakahiwalay lang nina Roxanne at Jameson? Malamang may namamagitan na sa kanila bago pa ang diborsyo!" Sa narinig na panlalait at pangungutya, namutla si Grace sa sobrang galit at matalim na sumagot. "Ano'ng pinagsasasabi niyo?! Nagh
Lahat ng tao sa paligid ay nagulat sa nagsalita. At napatingin sa lalaking iyon. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng lugar.Si Frizza, na nasa tabi ni Miles, ay nagulat nang husto kaya nalaglag ang kanyang cellphone sa sahig. Binabaan niya ang kanyang boses at sinabing, "Kuya Miles, nasisiraan ka na ba ng bait? Paano mo mababayaran ang ganyang kalaking halaga?" "Huwag kang mag-alala. Kung kaya kong magbid, kaya ko ring bayaran." Tumingin si Devon kay Miles at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata, may bahagyang nagbabantang kislap sa kanyang tingin. Napanganga rin si Grace at agad na lumingon kay Roxanne. "Roxanne, ilang taon lang namang nasa ibang bansa ang pinsan mo, paano siya biglang naging mayaman? Kung alam ko lang, sana nag-abroad na rin ako." Hindi nakaimik si Roxanne. Maging siya ay nagulat sa biglaang bid ni Miles. Posible kayang ginagawa niya ito para gumanti kay Devon dahil iniwan siya nito? Pero paano kung hindi na nagpatuloy sa pag-bid si Devon? Siguradong siya ang k