NAPA-ANGAT ang mukha ni Miara sa pagkayuko nang siniko siya ng kaibigan niyang si Erin.
"Bakit?" walang buhay na tanong niya.Gumiwi ito. "Hayy, para kang nalantang gulay diyan, ano ba kasi pinag gagawa mo at parang pagod na pagod ka?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa kanya.Bumuntonghininga siya. Paano ba kasi, malapit na ang finals nila, kaya tambak na ang mga projects, outputs at kaliwa't-kanan rin ang quizzes at exam kaya heto siya ubos na ubos ang lakas pero hindi siya pwede mag-absent sa trabaho niya bilang janitress sa isang malaking company. Ang sweldo pa naman niya ang pamgamit niyang allowance at bayad sa tuition fee niya. Napabalik siya sa katawang lupa niya ng niyugyog siya ni Erin."Miara! Miara! Jusko ginoo! Ano nangyari sa iyo? Bakit tulala ka riyan?" natarantang bulalas nito.Bago pa man siya makasagot na okay lang siya 'e binitiwan na siya ng bruha kaya't muntik na siya matumba buti na lang nakasandal siya sa pader."Naku! Naku! Baka sinapian ka ng masamang espirito!" parang ewan na sabi nito at ng sign of cross pa sa harap niya gamit ang kamay nito.Napatampal siya sa kanyang noo. Ito ata ang sinapian sa kanilang dalawa 'e. Napailing siya, hindi na siya nasanay sa kabaliwan ni Erin. Ganiyan talaga iyan lagi, parang akala mo nakainom ng sangkatutak na energy drink."Ewan ko sa iyo, Erin, padaan nga may lilinis pa ako roon sa baba," aniya at akmang lalagpasan ang babae pero hinawakan siya nito sa may siko."Teka lang naman, ito naman pikon agad, gusto ko lang naman mapangiti ka, mukha ka kasing namatayan sa itsura mo," giit nito.Bumuntonghininga siya muli. "Pasesnya na marami lang talaga ako ginagawa ngayon kaya pagod na pagod ako.""Hay naku, lagi ka naman busy 'e." Umirap pa ito.Hindi siya umimik kasi totoo naman iyon, maliban kasi sa pagiging estudyante at janitress ay isa din siyang Student Council President. Hindi naman kasi magawang tanggihan kasi half ng tuition fee niya'y magiging libre kapag isa siyang student officers."Pero mare, hindi iyan ang concern ko ngayon."Napatingin siya sa babae. Lumawak ang ngiti nito at kumikinang ang mga mata na animo'y may naiisip na kalokohan at sigurado siyang kalokohan nga ang iniisip nito."Hay naku, Erin. Papagalitan tayo sa ginawa mo 'e. Kung walang kabuluhan rin lang ang chismis na iyan, keep it to yourself na lang at ako'y aalis na dahil may trabaho pa ako–""Teka naman, panigurado matutuwa ka rito," hirit pa nito at hinila siya papunta sa gilid.Bumuntonghininga siya, katatlong beses na niya ginagawa iyon dahil sa babaeng ito."Ano ba kasi iyon?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.Ngumisi ito. "Ganito kasi iyon, nakasalubong ko kaninang umaga si sir," panimula nito."Oh, tapos?" wala kaganang-ganang tanong niya at pasimpleng nililinis ang sahig gamit ang mop."Tapos…" Tumili ito na kinagulat niya, kulang na lang 'e tumalon siya sa ginawa ng babae."Ano ka ba, Erin! Mapapagalitan talaga tayo sa ginagawa mo," aniya at tinakpan ang bibig nito.Inalis nito ang kamay niya. "Paano ba kasi nakita kong sumilip ang-ang–" Tumalon-talon ito at winaksi-waksi ang kamay na parang ewan.Hindi niya ito pinansin pero napatingin siya sa babae ng hawakan nito ang balikat niya."Bakit na naman?""Hindi pa nga ako tapos 'e. Makinig ka muna, mamaya na iyan," sabi nito at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang mop.Aagawin niya sana pero tinago nito sa likod nito kaya't bumuntonghininga na lang siya."Ano ba kasi nakita mo at bakit para kang palaka kung makatalon-talon riyan," naiinis na komento niya."Ahmm…paano ko ba sasabihin…hmmm," hindi makapali na usal nito."Aba'y lubayan mo nga ako, Erin–""Nakita ko ang itlog ni sir nakahulma sa suot niyang pants!" mabilis na sabi nito na animo'y may hinahabol.Habang siya'y napatulala sa narinig. "A-ano sabi mo?""Sabi ko nakita ko itlog ni sir–""ERIN!!" tili niya.Hindi niya nakaya ang kabastusan ng bibig nito. Tumawa lang ang bruha at tapos lumapit pa sa kanya sabay akbay."At hindi lang iyon nakita ko," proud pang giit nito."Tama na, ayaw ko na–""Heto naman para ka namang birhen Maria diyan kung maka-react ka--ay teka, virgin ka nga pala. Never been kiss and never been touch."Inalis niya ang kamay ng kaibigan na naka-akbay sa kanya pero hindi siya nito pinakawalan."Alam mo chance mo makakita ng hotdog at itlog. Mamaya dadaan muli rito si sir, pwede mong silipan para naman malaman mo kung ano pakiramdam makakita ng jumbo hot at itlog," pilyang giit nito."Loka-loka!"Tumawa lang ito at binitiwan siya. "Oo pala, sasama ka ba mamaya?""Saan na naman?""Mag-b-bar kami mamaya, maghahanap ng kasing pogi at kahit hot ni sir. Matagal-tagal na rin mula noong nakatikim ako ng hotdog 'e."Umirap siya. "Ewan ko sa iyo, Erin. Puro na lang kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig mo, lumayo ka nga sa akin baka mahawa pa ako.""Baliw ito! Pero seryoso sama ka?"Umiling-iling siya. "May pasok pa ako bukas at may exam kami kaya kayo na lang."Ngumiwi ito. "Kawawa ka talaga sis, wala ka man lang sexy time, puro ka na lang aral at trabaho, tatandang dalaga sa ginagawa mo.""Anong sexy time na naman iyan?"Nanlaki ang mga mata nito. "Kita mo kahit iyon ay hindi mo alam. Sexy time, iyong labing-labing time mo sa jowa mo.""Wala naman akong jowa–""Aba'y paano ka naman kasi magkakaroon ng lalaki kung napaka-conservative mo at ang ilap mo pa."Hindi siya umimik, ang totoo ay hindi talaga siya nakadama ng atraksiyon sa lalaki kahit kailan kaya siguro wala siyang interest sa pinagsasabi ng kaibigan niya."Hay, sige maiwan na kita."Tumango lang siya bilang sang-ayon. Walang imik na pinagpatuloy na lang niya ang paglilinis sa sahig.NAKATAYO na siya ngayon sa harap ng elevator. Tapos na niyang linisan ang buong floor kung saan siya naka-assign kaya't nag-desisyon siyang umuwi na para makapahinga siya. Napa-angat siya ng tingin nang may tumabi sa kanya. Napapikit siya ng manuot sa ilong niya ang panlalaking amoy na ngayon niya lang na-amoy parang kay sarap iyon singhutin.Pagkatingin niya sa taong tumabi sa kanya ay napatulala siya kasi ang gwapo nito hindi, mali hindi sapat ang salitang gwapo sa angking gandang lalaki ng lalaking nasa harap niya. Ngayon niya lang nadarama ang ganitong paghanga sa lalaki na halos manlambot ang tuhod niya sa kaba. Nang lumingon ito sa gawi niya'y parang tumalon ata puso niya."Miss? Sasakay ka ba?"Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng lalaki. Grabe ang sarap pakinggan ang boses nito."Huh?" nalilitong bulalas niya.Minasdan siya ng lalaki. "I said, sasakay ka ba?""Saan? Sa iyo, pwede rin–" Napailing siya kaagad. Pilit inaalis ang pumasok na kabastusan sa utak niya."Naku baka nahawa na ako kay Erin!" sa isip-isip niya."Excuse me."Napatingin siya muli sa lalaki at namula siya nang mapansin niyang ilang hibla na lang layo ng mukha nito sa mukha niya dahil papasok na ito sa elevator."Sasakay ka ba o hindi?" seryosong tanong nito."S-sasakay," nauutal na sagot niya at mabilis na pumasok sa elevator na kanina pa pala bukas.Walang imik na sumiksik siya sa gilid at palihim na sinusulyapan ang lalaki. Sino kaya ito? Hindi kaya ito ang sinasabi ni Erin na boss nila? Ang totoo kasi ay hindi pa niya nakikita ang boss nila. Hindi naman kasi ito lumalabas sa office nito at malayo sa floor kung saan siya naka-assign maglinis ang opisina ng lalaki at saka wala naman siyang pakialam rito pero iba ngayon. Sumulyap siya muli sa lalaki."Do you need anything?"Napakurap-kurap siya nang marinig niya muli ang boses nito. Hindi niya inaasahan ang tanong nito."Hindi ka na naman umimik," may bahid ng inis na turan nito.Bago pa man siya makapagsalita ay humarap na ito sa kanya sa gulat niya'y napasandal siya sa elevator."A-ano po ginagawa niyo?" nauutal na tanong niya. Lumapit kasi ito sa kanya at walang sabi-sabing kinuha ang id niya."So, you are working here?"Obvious naman sa suot niya pero bakit nagtanong pa ito? Pero para hindi ito mapahiya ay tumango siya. "O-opo."Binitiwan nito ID niya at nagpamulsa. "Ikaw ba ang naglilinis sa floor na pinaggalingan natin kanina?"Napalunok siya ng kanyang laway, hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan."Ako nga po," mahinang sagot niya."I see," sabi nito at kinuha muli ID niya at tinignan iyon ng matagal."Miss Miara Christ Quinto, starting tommorow, you will be assigned to clean my office," walang kurap-kurap na turan nito."Po?" gulat na bulalas niya."I'm Dion by the way, your boss."Napatulala siya, hindi kinaya ng utak niya ang nalaman. Hindi niya tuloy maiwasang mapababa ng tingin at napatigil ang kanyang mga mata sa gitnang hita ng lalaki at halos mapasinghap siya sa nakita.Nakasilip at nakahulma nga ang jumbo hotdog at itlog nito. Nanlalaki mga mata niya, hindi niya kalain na makakita siya ng jumbo hotdog ng live kahit pa sabihing nakabalot pa rin naman ito ng pants at brief ng lalaki pero kasi talagang humulma ang hugis at haba nito."Jusmiyo marimar! Ang inosenteng mata ko!" hiyaw ng utak niya.Gusto niya iiwas ang mata niya pero may pumipigil sa kanya."K-kung ganiyan na iyan kalaki hindi pa tumitigas paano pa kaya kapag tumigas na? Jusko! Kasing laki na ata ng jumbo hotdog at ng titi ng kabayo," bulalas ng utak niya habang titig na titig sa jumbo hotdog ng kanyang amo.Parang gusto niyang mahimatay sa gulat at takot nang tila lumalaki pa ito habang tinitigan niya. Walang duda ito nga boss niya, tama nga ang explanation ni Erin kanina at naiintindihan na niya ngayon kung bakit ganun na lang ang reaction nito dahil maging siya'y tila himatayin rin sa nakita. Kung wala lang ang lalaki sa harap niya baka mapapa-sign of the cross siya.…Binibining Mary"DID you hear what l said, Ms Quinto?" Napabalik siya sa katawang lupa niya nang marinig niya ang boses ng boss niya."And stop staring in my buddy as if you want to see it bare."Sa huling turan ng lalaki ay hindi niya maiwasang mamula at parang gusto niya na lamang magpalamon sa lupa. "Ano ka ba naman, Miara! Nagiging manyakis ka na rin!" kastigo niya sa kanyang sarili. "Tigil-tigilan mo na iyang pagtingin mo sa ahas niyang malaki at baka kagatin ka!" dagdag pa ng utak niya. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin at binaling ang kanya mga mata sa kaharap."Done examining my body especially my dick?"Napalunok siya sa sinabi ng lalaki, hindi lang dahil sa hiya siya namumula kunti dahil na rin sa inis. Kailangan talaga sabihin nito ang salitang "Dick" pwede naman hotdog o di kaya titi--teka mas panget pakinggan kapag titi, ay basta dapat hindi nito iyon sinabi."Hanggang kailan mo plano, matulala riyan?"Tumingin siya sa mga mata ng lalaki at hindi niya maiwasang mapahanga sa ganda ng
HUMINGA ng malalim si Miara bago niya tinulak ang glass door ng opisina ng kanyang boss. Pilit niya ring huwag alalahanin ang nasaksihan niya kanina kasi sa tuwing bumabalik iyon sa isipan niya parang gusto niya umuwi na lang.“G-goodevening, sir. I’m here to clean your office,” mahinang aniya habang nakayuko.Napa-angat ang tingin niya nang marinig niya ang yapak ng lalaki at napa-atras siya nang maramdaman niya ang presence nito sa harap niya at hindi nga niya siya nagkamali nasa harap nga niya ang lalaki, seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya ng malalim.“S-sir?” kinakabahang bulalas niya dahil naiilang siya sa bigat ng tingin nito tila ba hinuhubaran siya ng lalaki.“Nakita mo ba?”Napakurap-kurap siya sa tanong nito at namula siya nang maalala niya ang nakita niya kanina. Nakita ba nitong sumilip siya? Ano na ngayon ang gagawin niya kung alam nito ang ginawa niyang pagsilip? Bigla siyang kinabahan, paano kung may gawin itong masama sa kanya, lalo na’t sa mga oras na it
MUNTIK nang mapatalon sa gulat si Miara nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya ang kaibigan niyang si Erin. Nakasimangot ito at nakapamewang tila ba meron siyang nagawang kasalanan rito at kung makatingin ito sa kanya tila ba gusto siyang lamunin ng kaibigan. “HOY, MIARA!” sigaw nito sa mukha niya sa gulat ay napatalon siya.“AY MIARA!” gulat na bulalas niya sabay hawak sa dibdib. Natawa naman ng mahina si Erin sa naging reaksiyon niya.“Hindi ko alam na magugulatin ka pala,” natatawang pangsabi nito at tapos pinagmasdan siya. Nanlaki mga mata niya ng hinila siya ng kaibigan at binitbit siya nito patungo sa may gilid kung saan sila lang dalawa.“Ano ka ba naman, Erin! Ano naman trip mong babae ka?” reklamo niya sabay bawi ng kamay niya rito.Ginulo nito ang buhok na parang ewan. “Ikaw kasi ‘e!” Tinuro-turo pa siya nito.“Anong ako? Ano ginagawa ko?”Pinagkrus nito ang dalawang braso sa dibdib at tinaasan siya ng kilay. “Aba, aba, makalimutin ang ale. Pa-inosente epek pa kunwar
PAGOD na sumandal si Miara sa dingding ng kwarto kung saan sila nag-aayos bago umakyat sa naka-aasigned na gawain sa kanila. Wala siyang maayos na tulog dahil na nga rin sa trabaho niyang ito, ngunit mas malala ngayon dahil kapag umuuwi siya kinakailangan niya pa ayusin at sagutan ang mga gawain at proyektong nakatalagang gagawin niya. Finals na kasi nila next week, kaliwa't-kanan tuloy ang mga proyekto at aralin na binibigay ng kanilang mga guro. Idagdag mo pa ang responsibilities niya bilang council president ng kanilang paaralan. Napagdesisyunan kasing mag-second semester ay magkakaroon ng acquaintance party kada department kaya iyon ay inaayos niya kasama ang mga kasamahan niya sa council. "Oh, bakit para kang nalantang gulay riyan?"Napakurap siya at nag-angat ng tingin nang marinig niya ang boses ni Erin. Bumuntonghininga siya dahil alam niyang kapag hindi niya sinagot ang kaibigan hindi siya nito titigilan. "Wala, pagod lang kasi marami ang trabaho."Napailing si Erin. "Lagi
KINAUMAGAHAN, namulat ang mga mata ni Miara nang maramdam niyang tila may masilaw na bagay na tumatama sa mukha niya, idagdag mo pa, tila may matigas at mainit na bagay siyang hinahawakan. Pagtingin niya sa may kamay niya ay napakurap-kurap siya at nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa paningin niya ang gwapong mukha ng kanyang Boss. Nakapikit ito kaya't kitang-kita niya ang mahabang pilikmata nito, matangos na ilong ang mapupulang labi. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansin niyang nag-aagaw ang dilim at ang liwanag sa labas. "Shit! Nakatulog pala ako?" bulalas niya at bumalikwas ng bangon. Nang mahagip ng ng mga mata niya ang digital clock sa mesa ng boss niya ay halos mabale ang leeg niya sa gulat at parang gusto niya lumundag. "Wtf! Umaga na!" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na bulalas niya. "Ang ingay mo." Napatingin siya sa lalaki na ngayon ay kinikusot-kusot ang mga mata. "A-ang unfair! Bakit tila parang hindi siya galing sa pagtulog, gan'yan ba talaga
MIARA never imagine this day will come, nakakain siya sa isang sikat na restaurant kasama ang kanyang gwapong boss pero heto siya nakaupo sa harap ng lalaki habang mayroong mga mamahaling pagkain nakahain sa kanilang harapan.“Shall we?” basag ni Dion sa katahimikan. Napa-angat siya ng tingin sa kanyang boss at nahihiyang tumango. Ito ang unang beses na kakain siya sa isang mamahalin na restaurant at may kasama pa siyang lalaki, hindi lang simpleng lalaki kundi ang boss niya pang babaero.“You should stop judging him, Miara. He is kind, kung hindi ay baka nawalan ka nang trabaho ngayon, na tulog ka ba naman sa oras ng trabaho. You should be grateful to him. Hindi ka na nga niya inalis sa trabaho, inaya ka pang kumain—”“Miara, are you okay? Bakit na tulala ka?”Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng kanyang boss. Mabilis siyang tumuwid ng upo at tumingin sa mga mata ng lalaki.“Ahmm, ayos lang ako, may iniisip lang,” mahinang sagot niya at tinuon ang tingin sa pagkain.Na
HINDI maiwasan ni Miara mapasulyap sa gawi ng boss niya, seryoso ang mukha nito habang nakatutok ang atensyon sa daan, kasalukuyan nila tinatahak ang daan pauwi sa kanyang bahay.“Ano kaya pumasok sa isip ng lalaking ito at naisipan akong pakainin at ihatid? Sadya bang mabait lang siya o baka naman may kapalit ang lahat ng kabutihan na pinapakita nito sa akin?”Umiling-iling siya upang alisin ang negatibong ideyang pumapasok na naman sa isipan niya. Bumuntonghininga siya at tinuon na lamang ang atensiyon sa labas.“Anong oras matatapos ang swimming class mo mamaya?”“Huh?” gulat na bulalas niya at napatingin sa gawi ng lalaki. Sumulyap ito sa kanya at bahagyang ngumiti.“Kahit saang angulo talaga ang gwapo mo. Kung hindi ka lang mayaman at babaero baka magustuhan kita pero kasi magkaiba tayo ng mundo at ayaw ko sa mga lalaking pinaglalaruan ang mga kapwa ko babae,” Sa isip-isip niya habang nakatingin sa lalaki.“I think it will end at 5, right?”Napakagat siya ng kanyang ibabang labi
NANG nasa loob na sila ng elevator ay kaagad na inalis ni Aljin Dion ang kamay ni Destiny sa kanyang braso."Hey, why?" nanlalaki ang mga matang bulalas ng babae at tumingin sa kanya.Nagpamulsa siya. "I will tell my driver to take you home–""What the fuck, Aljin! Ano problema mo? Hindi ba't sabi mo pupunta pa tayo sa hotel?" inis na turan ng dalaga."I'm not in the mood. If you want to go there then go, don't worry l'll pay for it if you want–""Jerk! No need, l can pay for myself," mabilis na giit ni Destiny at kaagad na inayos ang sarili at pagkabukas ng elevator ay dali-dali siya nitong iniwan.Napailing siya at pinindot ang close button. Hindi niya alam pero bigla na lamang nagbago ang isip niya nang mag-flash sa kanyang isipan ang mukha ni Miara."Fuck shit! Nababaliw ka na, Aljin. Ang babaeng iyon ay hindi mo dapat pinagnanasaan. Bukod sa masyado siyang bata para sa iyo ay sasaktan mo lang siya," mahinang sabi niya sa sarili.Naalala niya ang sinabi sa kanya ng dalaga kanina.
KUMAWALA si Miara mula kay Aljin at bahagyang lumayo sa lalaki. Para kasing hindi siya makahinga sa posisyon nila at sa salitang lumabas sa mga labi ng lalaki."Miara, look, this is a win-win situation for the both of us–""B-Bakit ako?" nautal na tanong ng dalaga at tinignan ng gwapong binata."I mean, marami ka namang mga babae 'a. Na kahit huwag mo nang alukin ng salapi ay kaagad na sasama at aayon sa kagustuhan mo–""But they don't need money, and they don't know their place in my life. I don't need a nagging wife, nor a dictator. I only need a wife for the sake of my parents and my peace. No more, no less and that's one of the many reasons, my others fling won't understand. They will probably demand more. But you are other, you are not them and l have something that you need," seryosong paliwanag ng lalaki. Walang salitang kumubli sa kanyang labi, she doesn't know how to say or to react. This is so sudden. All of the things happening to her life were unexpected. Hinawakan ng la
NAGISING si Miara na namamaga ang kanyang mga mata. Iyak nang iyak ba naman siya kagabi matapos niya malaman ang sitwasyon ng kanyang ama. Nagkausap din sila ng kanyang ina, imbis na gumaan ang pakiramdam niya ay mas lalo lamang bumigat."Nay naman, huwag hu naman ninyo pabayaan si tatay," naiiyak na giit niya matapos sabihin ng Ginang na magsasayang lang sila ng pera kung i-push pa nilang pagalingin ang kanyang ama."Nagiging practical lang ako anak. Hindi biro ang hiningi ng mga doktor na pera. Sa tingin mo ba ay makakaya natin iyon bayarin? Kahit tumanda na ako sa kakatrabaho dito sa ibang bansa hindi ko iyan makukuha." "So, ganun na lang iyon, nay? Pababayaan naman natin mamatay si tatay ganun hu ba?" "Pano ba naman kasi, ang tigas ng ulo ng magaling mong ama, kung nakikig sana siya sa akin edi sana hindi iyan mangyayari–""Nay, huwag na po tayo magsisihan dito. Gumawa na lang po tayo ng paraan–""Miara, wala na tayo magagawa. Hindi tayo mayaman para isustensiyunan ang ama mo. S
HABANG nakaupo si Aljin Dion sa harapan ng kanyang mga board member ay hindi niya maiwasang lumalakbay ang kanyang utak sa problemang kinakaharap niya ng araw na iyon. "How could l explain this madness to her?" he silently asks himself. "This is all my fault, l should not involve her but when l will confess to my parents they will probably be disappointed in me. I don't want their special moment to turn into a nightmare." He let out a heavy sigh and firmly closed his eyes. "Is there something wrong Mr Savadra?" Napamulat siya ng kanyang mga mata at napaayos ng upo ng marinig niya ang tanong na iyon mula kay Mr Lam, isa sa mga investor niya. "No, nothing," mabilis na sagot niya. "But you look bothered. Don't you like the concept? For our new project?" tanong ng isa mga major stockholder niya. Tumingin muna siya sa presentation na nasa monitor tapos mabilis na tumingin siya sa papel nasa may lamesa niya. "I do like the concept but, l need to study this again before l can com
MARIING pinikit ni Aljin Dion ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanyang ina. Gusto lang naman nitong mag-asawa na siya.“Mom, please, l’m too young for that shit,” mariing giit niya at umupo sa kanyang swivel chair.“Anak, paalala ko lang sa iyo, hindi ka na bumabata at mabilis lang panahon, ilang taon na lang ay mawawala ka na sa calendaryo, maging ako ay baka mawala na din rito sa mundo. Kaya’t nakikiusap ako sa iyong magtino ka at maghanap ng tamang babae para sa iyo, hindi iyong kung sino-sino lang na babae ang patulan mo–”“Mom, asan mo naman nakuha ang chismis na iyan?” Bumuntonghininga siya at hinilot ang kanyang noo.Sumasakit ang ulo at tenga niya sa paulit-ulit na usapan nilang dalawa ng kanyang ina.“Iho, hindi na iyon mahalaga, mas atupagin mo na lamang maghanap ng maayos na babae, o tinatamad ka ‘e, sabihin mo lang at ako ang bahalang maghanap para sa iyo.”Hindi siya umiimik sapagkat kilala niya ang kanyang ina kapag patuloy niya itong tinatangihan ‘e mas lalo itong nagi
PABALIK-balik siya ng kanyang lakad, nasa loob siya ng mga sandaling iyon ng kanilang locker room sa kumpanyang tinatrabahuhan niya. "Ay palakang hindi maka-eri!" gulat na bulalas niya nang may humampas sa kanyang pwet."Hahahaha, magugulatin ka pala, Miara? Epic ang reaction mo 'e," natatawang giit ng baliw niyang kaibigan na si Erin. Napailing na lamang siya at hindi pinansin ang kaibigan may mas malaki pa siyang pinoproblema rito. "Ano ba kasi ang trip mo't kanina ka pabalik-balik ng lakad at para bang kakatayin ka dahil hindi ka mapakali at namumutla ka pa," giit ni Erin at nameywang pa sa kanyang harapan."Hala! Huwag mong sabihing may nangyari na hindi ko alam?" taas ang kilay na tanong ni Erin sa kanya. Mabilis siyang umiling. "W-Wala kuni-kuni mo lang iyan, mauuna na ako," pagsisinungaling niya at dali-dali kinuha ang mga cleaning tools na kakailanganin niya.Ayaw niyang tumagal pa roon kasama si Erin baka hindi niya mapigilan ang bibig at masabi niya dito ang nangyari. Sa