“SA akin sasama sina Catherine at Miggy, Monteiro,” sabi ni David na hinihimas ang panga nito na tinamaan ng suntok ni Travis.“Damn it!” bulyaw ni Travis. “Umalis ka na Dela cuesta.”“P’wede ba tumigil na kayong dalawa. Parang mga bata kayo,” nanggigil sa inis sabi ni Catherine. Humarap siya kay David. “Umalis ka na David, please,” pakiusap niya sa lalaki. Sana nga lang umalis na si David para iwasan na lang si Travis.“Hindi ako, aalis dito na hindi ko kayo kasama ni Miggy. Hindi ko hahayaan na muling saktan ka ni Monteiro,” pagmamatigas pa rin sambit ni David. Talagang walang balak na umalis ito.Huminga ng malalim si Catherine. Malapit na malapit ng maubos ang pasensiya sa dalawang lalaking ito. “Sorry, David hindi kami sasama sa ‘yo ni Miggy.” Bumontong-hininga siya baga nagpatuloy na magsalita. “Aalis kami ni Miggy dito pero kaming dalawa lang at hindi kami sasama sa ‘yo. Gusto ko ng tahimik na buhay…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng sumabad si Travis.“Hindi ako mak
NANG narating ng ambulansya ang hospital ay agad pinasok ng emergency room si Travis. Samantala si Miggy naman ay dinala sa trauma room. Hindi alam ni Catherine kung sino ang mas-uunahin niya sa mag-ama niya.Nang nakatulog na si Miggy ay hinabilin niya muna sa on duty nurse. Kailangan niya rin puntahan si Travis, para alamin ang kalagayan ng lalaki.Sa labas ng emergency room ay nakikita niya si David na nakasandal sa may pader. Habang nakahalukipkip ito na nakatingin doon sa nakasarang pinto ng emergency room. Kaya naman ay hindi nito agad napansin ang presensiya niya.“David, kumusta na siya?” tanong ni Catherine sa garalgal niyang boses na nakatingin na rin roon sa naka saradong pintuan.“Hindi pa lumabas ang doctor, simula pa kanina,” sagot ni David, saglit sinulyapan si Catherine na nakatayo sa tabi nito. Hinawakan nito ang kamay ni Catherine. “Don’t worry, he’s be fine. Si Monteiro pa eh, gago ‘yon at hindi ‘yon basta-bastang mamatay.”“Talaga lang David? Nagawa mo pang magbi
Nang nailipat na si Travis sa private ward nito ay nagpaalam na rin si David na uuwi muna. Kailangan din kasi ni David maligo at magpalit ng damit dahil sa may mantsa ng dugo ang tshirts na suot nito.Nagpaiwan na lamang si Catherine dahil mamaya kapag nagising na si Miggy, tiyak hahanapin siya ng anak.Iniwan niya muna si Travis. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay epekto pa rin ng gamot. Bumalik na lang muna siya roon sa may trauma room para tingnan kung gising na rin si Miggy. Mabilis ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Miggy na umiiyak.Nang nakita siya ng on duty nurse ay ningitian siya nito. “Nandito na ang mommy mo,” nakangiti sabi ng nurse, pinapatahan nito sa pag-iyak si Miggy.Nag-angat ng mukha si Miggy, at saka tumingin sa direksyon niya na naglalakad palapit dito.“M-mommy,” sabi ni Miggy sa garalgal na boses. Mas lalong nilakasan ang pag-iyak.Biglang nataranta si Catherinr kung kaya ay tinakbo niya na lamang ang distansiya sa
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
KANINA pa nakaalis si Daisy. Hindi nagtagal nagpaalam si Bella na aalis na rin. Napabuntong-hininga na lamang si Travis na nakatingin doon sa nakasarang pintuan.Binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.Tumikhim si Travis, uoang tanggalin ang tila nakabara sa lalamunan nito bago magsalita. “Cath…”“Travis…”Halos magkasabay sambit ng pangalan ng isa’t isa. “May sasabihin ka?” Tanong ni Catherine.“May sasabihin ka rin ba?” balik tanong ni Travis.Tumango si Catherine. “Yes, pero ikaw muna kung may sasabihin ka.”“Ladies first. I mean you’re y wife. So ikaw muna…”Bahagyang tumaas ang isag kilay ni Catherine. But deep inside kinikilig siya. Aaminin niya mman o hindi, maganda sa pandinig niya sa tuwing sinasabi ni Travis ang salitang ‘wife’, masarap iyon sa pakiramdam niya.Bahala na. Wala ng atrasan pa. Huminga ng malalim si Catherine. Inipon niyon sa kanyang dbdib, atsaka pinakawan din.“I’m sorry, kung hindi ko agad sinabi sa’yo na ikaw ang biological fa
KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka
“Ang aga-aga pero mukhang pasan mo ang buong mundo. Nakabusangot ‘yang pagmumukha mo. Atsaka bakit ka napasugod dito?” mahabang litanya ni Freda. Huminga ng malalim si Bella bago nagsalita. “Someone sent me a lot of flowers…Aching…!” Anak ng pating talagang nangangati na ang kanyang ilong. “Wait, tama ba ang narinig ko? May nagpadala ng mga bulaklak sa’yo?” Tanong ni Freda, tila ayaw pa nitong maniwala. Sumimangot si Bella. “Hindi ko alam kung bingi ka o talagang nagbibingi-bingihan ka lang.” Umupo ng tuwid si Freda, diretsong nakatingin sa kay Bella. “Tapatin mo nga ako, Arabella. May nanliligaw ba sa’yo na hindi ko alam?” “Nagpadala lang ng mga bulaklak. Nanliligaw na agad? Hindi ko nga kilala kung sino nagpapadala ng mga bulaklak na ‘yun sa office ko.” “So kaya ka napasugod dito sa office ko ng ganitong oras dahil sa mga bulaklak na pinadala sa’yo at hindi mo nagustuhan?” Nakataas ang isang kilay sabi ni Freda. Pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan niya. “Guess what?
NANG mga sumunod na araw ay nagmistulang flower shop ang loob ng office ni Bella. Nang pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa paningin niya ang napakaraming sunflower.“Agnes!” tawag niya sa pangalan ng secretary niya. Agad naman pumunta dito. “Kanino galing ang mga bulaklak na ‘yan?” Umiling si Agnes. Halatang hindi rin nito alam kung kanino galing ang mga bulaklak.“Hindi rin sinabi ng delivery boy kung kanino galing. Basta ang sabi para po kay Miss Arabella Alcantara. Kaya tinanggap ko naman ma’am.”Biglang sumakit ang ulo niya sa napakaraming bulaklak sa loob ng opisina niya. Gusto yatang gawing flower shop ang opisna niya kung sino man ang nagpapadala sa anya ng mga bulaklak.Nagsimula na rin mangati ang kanyang ilong. Allergic siya sa sunflower, iyon ang dahilan ng pangangati ng ilong niya.“Pakitanggal ang mga bulaklak na ‘yan sa loob ng office ko,” aniya nagsimula ng mairita ang ilong niya. “Saan po ilalagay” Tanong ni Agnes, palipat-lipat ang tingin nito kay Bella at sa m
HINDI nagpatinag si Bella sa boses ng babaeng tumatawag sa pangalan ni Tristan. Mas gusto pa niya na makita sila na magkasama ni Tristan. Titingnan niya lang kung ano ang gagawin ng Mavie na iyon kapag nakita nito ang gagawin niya.Lakas loob na siya na ang unang gumawa ng unang hakbang. Ibinaba niya ang kamay niya sa harap ni Tristan na tanging khaki pants ang soot nito. Kaya ramdam niya ang matigas nitong alaga na nagreregodon mortiz. Kahit na may manipis na telang sagabal sa pagitan ng kanyang palad.“Damn it!” ani Tristan, sinundan ng mahabang buntong-hininga.Lihim napangisi si Bella, alam niyang apektado si Tristan sa ginagawa niyang paghawak sa malabukol nito.“Do you like it?” aniya sa mapang-akit na boses, sabay kindat dito.“This is you want huh,” ani Tristan atsaka walang babalang sinakop ng mapusok na halik ang mga labi ni Bella. Nagsimula na rin lumikot ang kamay nito sa katawan ni Bella. Pilit pinapasok ng dila nito ang loob ng bibig niya. Nag-eespadahan ang kanilang m
NAPABUNTONG-hininga ng malalim si Bella, bago pumihit paharap dito.“Ano ang kailangan mo?” Tanong niya kahit may ideya na rin siya kung bakit ito lumapit sa kanya. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili sa mga maanghang na salita sasabihin ni Tristan.Hindi ito sumagot bagkos patuloy itong naglalakad palapit dito sa kinatatayuan niya. “May kailangan ka?” singaw sa ilong tanong niya ulit.“Lets talk,” nakatiim bagang sabi ni Tristan.“Tristan, nag-uusap na tayo,” pabalang sabi niya.“Huwag kang pelosopo Bella,” may iretasyon sa boses sabi ni Tristan.Lihim napangiti si Bella. Asar talo na naman ito sa kanya. “Bakit gusto mo akong makausap?”“Inutusan mo si Nica para ipahiya si Mavie, right?”Tumawa ng pagak si Bella. “Do you think gagawin ko iyon? Turuan ng masama ang anak ko? Atsaka but ko namann gagawin ‘yun?”“For your own interest, kaya ginamit mo si Nica.”“My own interest?” kusang nagtaas ang isang kilay sabi ni Bella. “Hindi ko gagamitin ang anak ko sa sariling interest sina
NARAMDAMAN na lamang ni Bella na may yumoyogyog sa balikat niya. Dahilan nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.“Mommy, Im hungry,” ungot ni Nica. Sabay hatak nito sa isang kamay niya para pumunta roon sa buffet table. Ngunit bigla na lamang ito napahinto sa paghakbang ng mga paa nito.“Baby why?” nagtatakang tanong niya.“Mom, look, iba na naman ang kasamang babae ni Daddy,” nakabusangot sabi ni Nica, hindi kayang ipinta ng magaling na pintor ang itsura nitto.Sinundan ni Bella ang direksyon na itinuro ni Nica. Si Tristan at ang kasama nitong babae. Magkatabi ang mga ito sa upuan ngunit magkadikit ang mga katawan ni Tristan at ng babae nito. Tila walang pakialam ang mga ito sa mga taong naroon. Hindi man lang naisip ni Tristan ang maaaring maramdaman ng kanilang anak.“Nica,” bulalas tawag niya sa anak ng mabilis itong lumakad. “Saan ka pupunta?”“Doon kay Daddy, mom.”“Bumalik ka dito…” Sundan niya sana ang anak. Ngunit natigil siya ng may humawak sa isang braso niya. “Hayaan mo na s
TRISTAN AND BELLA STORYILANG sandali pa ay hinakbang na rin ni Bella ang kanyang mga paa. Naupo siya sa upuan na katabi ng inuupuan din ni Nica. Ang unica hija niya.“Mommy.” anang ng sampung taong gulang na si Nica. Ningitian niya ang anak. “Hey, baby,” aniya sa mahinang boses. “Bakit ngayon lang kayo dumating, mommy? Late na kayo ni Tita Cath. Ang akala ko hindi na matutuloy ang kasal nila ni Daddy Travis,” mahabang litanya ni Nica, animo’y katulad sa matanda kung magsalita.“Nakalimutan ko kasi ang bridal boutique ni Tita Cath mo, kaya binalikan ko. Atsaka ang tagal kong napapayag ang Tita Cath mo na pumunta dito. Buti nga napapayag ko pa siya,” mahabang explanation niya kay Nica.Nang magsimula na ang seremonya ay parehas na silang natahimik na mag-ina. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na rin ang seremonya ng kasal. Umani iyon ng malakas na palakpakan at pagbati sa bagong kasal.“Mommy, what happened?” nagtatakang tanong ni Nica, nakatingin doon kay Travis sa sumigaw
HUMAHANGOS na tumatakbo si Bella, upang sa ganoon maabutan niya si Catherine. Ngunit bigla na lamang siya napahinto ng makita niya roon sa di kalayuan si Catherine na may kausap na lalaki. Kilalang-kilala niya ang kausap nito. Si Tristan Monteiro, ang asawa niya at ama ng kanyang anak.Napabaling ang tingin niya sa babaeng kasama ni Tristan. Animo’y katulad sa butiki nakadikit ang katawan nito sa katawan ni Tristan.Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagka concious for herself. Dahil sa kakatakbo niya ay tagatak ang kanyang pawis.Bigla siya nataranta ng ihakbang ni Catherine ang mga paa nito. Hindi p’wedeng pumasok doon sa hidden garden si Catherine na hindi nito hawak ang bridal boutique nito.Yes, its Catherine’s wedding day. Ngunit hindi nito alam na sariling kasal ang pupuntahan nila. Ang sabi kasi niya ay pupunta lang sila ng party. At kailangan niya pilitin ito kanina para lang sumama sa kanya.“Catherine!” tawag niya sa pangalan ng kaibigan, sa medyo may kalakasan boses ng sa ga
ANONG ginagawa ni Tristan dito? Tanong niya sa sarili. Naglalakad ito palapit dito sa kinatatayuan niya.“Tistan,” aniya ng tuluyan ng nakalapit dito si Tristan at ang kasama nitong babae.“Hi, Cath, I’m happy to see you again,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Attend rin ba kayo ng party?” Tanong niya. Wala pa rin siyang ideya kung anong klaseng party ang dadaluhan nila ni Bella. Ang magaling na Bella ay bigla na lamang ito nawala.“Yeah,” maikling sagot ni Tristan, tumitingin ito sa paligid. “Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang kasama mo, Cath?” Sunod-sunod tanong ni Tristan.Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib sa kaalaman makasabay niya sina Tristan. Hindi siya mapagkamalan gate-crash party. Kapag nagkataon, talagang nakakahiya. “Tristan, do you have an idea, what kind of party…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Tristan.“Wala ka pa rin bang alam Cath?” Balik tanong ni Tristan.Umiling siya. “Wala eh. Basta na lang
“MALAYO pa ba tayo?” nababagot tanong ni Catherine, nakatingin doon sa unahan nitong kotse sinasakyan niya.“We almost therea,” sagot ni Bella, habang nagmamaneho ng kotse. “Umidlip ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo roon,” suhistiyon nito.“Hindi ako inaantok,” aniya isinandal ang ulo sa may headrest ng inuupuan niya. Pero sa totoo lang wala siyang tiwala kay Bella. Mamaya kung saan siya dalhin nito.“Talagang party ba ang pupuntahan natin?” Hindi pa rin mapakali tanong niya. Napapansin niya rin na malayo na sila mula sa city. Ang kotse sinasakyan nila ay ang mataas na bahagi ng kalsada ang binabaybay niyon.“Just relax, Catherine,” mahinahon ang boses sabi ni Bella. “Don’t worry wala akong masamang gawin para sa ipapahamak mo.”“Wala akong sinabi mo.”“Pero ‘yun ang nasa isip mo.”Guilty siya sa sinabi ni Bella. Mas minabuti niya na lamang na tumahimik.Habang nasa byahe ay binalot ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan na tumatakbo.Habang bin