KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka
“Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit
ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t
BELLA, saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Catherine. Bigla lang siya hinawakan ni Bella sa kamay at hinila palabas ng social hal. Pareho silang nasa fourth year college at graduating sa kursong Fashion and arts. “Basta sumunod ka na lang sa ‘kin,” sabi ni Bella na hawak pa rin nito ang isang kamay ni Catherine. “Saglit lang.” Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Mamaya hanapin tayo,” may rehearsals kasi sila para sa nalalapit nilang graduations. “Saglit lang naman tayo, atsaka babalik din tayo agad,” ani Bella sabay hatak sa kamay ni Catherine. “Saan ba tayo pupunta?” pangungulit pa rin tanong ni Catherine. “Basta. May naghihintay na surprise sa ‘yo,” nakangiti sabi ni Bella. Kunwari sumimangot si Catherine. “Ayoko ng surprise,” aniya pero sumama na rin siya kay Bella. Ang hagdan ng alba hall paakyat ang binabaybay nila paakyat doon sa fourth floor nitong building. Nasa fourth floor na sila ay tumampad sa paningin ni Catherine ang mga petals ng red roses na
TWO YEARS LATER“TRISTAN,no!”Napabalikwas ng bangon si Catherine. Napanaginipan niya na naman si Tristan. Simula nang nangyari ang trahedyang iyon. Dalawang taon na ang nakalipas ay paminsan-minsan naging laman ng panaginip niya si Tristan.“Im sorry, Tristan,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. Pinunasan niya malapot at malamig na pawis sa kanyang noo.“Gising ka na pala,” sabi ni Lea. Kakapasok lang dito sa cottage nila.“Kagigising ko lang din,” bali-walang sagot niya.“Get-up, Catherine. Marami ng mga guwapo roon sa labas,” nakangisi turan ni Lea.Naniningkit ang mga mata pinukol niya ng tingin si Lea. “Walang laman iyang isip mo at bukang bibig ang lalaking guwapo at katakam-takam.”“Sympre naman daiza. Ako pa ba ang aayaw kung naka balandra na sa harapan ko.” Ani Lea, tila kinikilig pa.“Iwan ko sa ‘yo,” sabi ni Catherine, pumasok na rin siya roon sa loob ng banyo para mag toothbrush at maghilamos.“Kailan mo balak magkaroon ng jowa?!” Pasigaw tanong ni Lea.Tumirik ang mga
“FIFTY guests with bridesmaid's and sponsors.” She writes down her notes. Pagkatapos niyon ay discuss niya na rin ang ibang details para sa kasal ni Sheila. “Kung meron ka pang idagdag at baguhin, please tell me early,” aniya na may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi.“Maybe wala na, Cath,” naka ngiti rin sabi ni Sheila.Tiniklop niya na ang notes planner niya. “Bukas pupuntahan naman natin ang cake shop for your cake and free taste na rin,” aniya naupo ng tuwid atsaka isinandal ang likod sa backrest ng silya.“Yeah,” nakangiti pa rin sabi ni Sheila. “Sa totoo lang sobrang excited ko na para sa big day namin ni Jules,” ang tinutukoy nito ay ang lalaking mapapangasawa nito. “And thank you so much for your help, Cath.”“You’re welcome, Shie, and I am happy for you atlast ikakasal na rin kayo ni Jules.” Aniya nilaro-laro ang straw nasa basong hawak niya. Magkaibigan silang tatlo si Sheila, Jules at siya. Pareho rin classmates niya ang mga ito noong nasa secondary pa lang sila. At sin
TRAVIS MONTEIRO- A young President of Monteiro Construction firm and shipping line. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Travis. Nang namatay ang kanilang mga magulang sa plane crash. Naging automatic naisalin ang posisyon sa kanya ang pagiging presidente ng dalawang company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.Simula nawala na ang kanilang mga magulang. Naging ama’t ina na rin siya sa nag-iisang nakababatang kapatid niyang si Tristan. Tanging si Tristan na lamang ang nag-iisang pamilya meron siya. Ngunit sa pagmamahal nito sa isang babae ay nangyari ang trahedyang hindi inaasahan. Kasalukuyang nakaupo si Travis sa mataas na upuan at nakaharap sa bar counter ng mini bar niya. Nasa ikatlong palapag ng mansion na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Nilaro-laruan niya ang hawak na baso na may lamang whiskey at yelo. Naka ilang shot na rin siya ngunit hindi mawaglit-waglit sa kanyang isipan ang maganda at maamong mukha ng dalagang kinamumuhian niya. That lips… Ang mapupulang mga
KINABUKASAN masakit ang ulo ni Travis ng gumising siya. Gawa ng hangover at ramdam niya rin ang pamimigat ng kanyang ulo. Ngunit kailangan niyang pumasok ng opisina. Malapad ang ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Animo'y ramdam pa rin niya ang malambot at matamis na mga labi ni Catherine.Bumangon na rin siya mula sa malambot niyang kama, pagkatapos tumungo na rin siya ng banyo para maligo.He's wearing three pieces of business suits with self confidence. “Good morning,Sir Travis,” nakangiti wika ni Elmo. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Elmo ang bodyguard slash driver niya. Tanging tango lang ang sagot ni Travis. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.“Opisina na tayo, Sir?” Tanong ni Elmo, saglit itong tumingin sa side mirror. Sinimulan na rin nito buhayin ang makina ng kotse, atsaka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho nito.“Commonwealth muna tayo, mang Elmo,” sagot naman ni Travis na prenteng nakaupo sa passenger seat n
ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t
“Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit
KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka
KANINA pa nakaalis si Daisy. Hindi nagtagal nagpaalam si Bella na aalis na rin. Napabuntong-hininga na lamang si Travis na nakatingin doon sa nakasarang pintuan.Binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.Tumikhim si Travis, uoang tanggalin ang tila nakabara sa lalamunan nito bago magsalita. “Cath…”“Travis…”Halos magkasabay sambit ng pangalan ng isa’t isa. “May sasabihin ka?” Tanong ni Catherine.“May sasabihin ka rin ba?” balik tanong ni Travis.Tumango si Catherine. “Yes, pero ikaw muna kung may sasabihin ka.”“Ladies first. I mean you’re y wife. So ikaw muna…”Bahagyang tumaas ang isag kilay ni Catherine. But deep inside kinikilig siya. Aaminin niya mman o hindi, maganda sa pandinig niya sa tuwing sinasabi ni Travis ang salitang ‘wife’, masarap iyon sa pakiramdam niya.Bahala na. Wala ng atrasan pa. Huminga ng malalim si Catherine. Inipon niyon sa kanyang dbdib, atsaka pinakawan din.“I’m sorry, kung hindi ko agad sinabi sa’yo na ikaw ang biological fa
“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.
Nang nailipat na si Travis sa private ward nito ay nagpaalam na rin si David na uuwi muna. Kailangan din kasi ni David maligo at magpalit ng damit dahil sa may mantsa ng dugo ang tshirts na suot nito.Nagpaiwan na lamang si Catherine dahil mamaya kapag nagising na si Miggy, tiyak hahanapin siya ng anak.Iniwan niya muna si Travis. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay epekto pa rin ng gamot. Bumalik na lang muna siya roon sa may trauma room para tingnan kung gising na rin si Miggy. Mabilis ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Miggy na umiiyak.Nang nakita siya ng on duty nurse ay ningitian siya nito. “Nandito na ang mommy mo,” nakangiti sabi ng nurse, pinapatahan nito sa pag-iyak si Miggy.Nag-angat ng mukha si Miggy, at saka tumingin sa direksyon niya na naglalakad palapit dito.“M-mommy,” sabi ni Miggy sa garalgal na boses. Mas lalong nilakasan ang pag-iyak.Biglang nataranta si Catherinr kung kaya ay tinakbo niya na lamang ang distansiya sa
NANG narating ng ambulansya ang hospital ay agad pinasok ng emergency room si Travis. Samantala si Miggy naman ay dinala sa trauma room. Hindi alam ni Catherine kung sino ang mas-uunahin niya sa mag-ama niya.Nang nakatulog na si Miggy ay hinabilin niya muna sa on duty nurse. Kailangan niya rin puntahan si Travis, para alamin ang kalagayan ng lalaki.Sa labas ng emergency room ay nakikita niya si David na nakasandal sa may pader. Habang nakahalukipkip ito na nakatingin doon sa nakasarang pinto ng emergency room. Kaya naman ay hindi nito agad napansin ang presensiya niya.“David, kumusta na siya?” tanong ni Catherine sa garalgal niyang boses na nakatingin na rin roon sa naka saradong pintuan.“Hindi pa lumabas ang doctor, simula pa kanina,” sagot ni David, saglit sinulyapan si Catherine na nakatayo sa tabi nito. Hinawakan nito ang kamay ni Catherine. “Don’t worry, he’s be fine. Si Monteiro pa eh, gago ‘yon at hindi ‘yon basta-bastang mamatay.”“Talaga lang David? Nagawa mo pang magbi