Suki na ng RBR sina Nadja at Rosanna. Hindi na sila lumalapit sa counter upang umorder. “Kotse mo po ba ‘yan, Ma’am?” tanong ng manager sa kanya. “Ah, opo. Bakit po?” Umiling ang lalaki at hindi na nag-usisa. Umalis kaagad ito matapos ilapag ang madalas na ang order nilang dalawa. “Hay buhay. Para tayong mga pinagtaksilan ng mundo. Isang problemado at isa pang problemado.” Dinig ni Nadja ang buntong-hininga ni Rosanna. “Nadja, gusto mo bang sumikat?” “Sakit lang ng ulo iyan, Rosanna. Hayaan mo nang sumakit ang ulo ko sa lalaki, huwag lang nang buong mundo.” “Yeah, tama ka! Aanhin mo ba ang kasikatan kung sasakit naman ang ulo mo sa dami ng problema. Akala ko nga, okay na ako pero hindi pala. May iba naman sigurong sisikat dahil maganda talaga ang boses nila. Gusto ko rin namang sumikat pero kahit sa pagsayaw na lang.” “Anong plano mo?” “Anong plano ni Peter para sa akin?” “Uminom na lang tayo ng kape, Mare. Si Peter pa rin naman ang masusunod.” “I don’t know, I was thinking
Dumiretso sa kusina si Inigo at uminom ng malamig na tubig. Binuksan niya ang butones ng kanyang polo at inilislis ang kanyang long sleeves. Naghahanda na si Cogie sa kanyang menu for that night. “What’s our menu for tonight?” “Sweet and sour po.” Nakita ni Inigo na isda iyon. “Huwag kang magluluto ng isda sa gabi. Prepare it for lunch time. Okay lang kung boneless ang isda atleast safe sa mga bata.” “Ah, ganoon po ba?” “May chicken ba sa ref?” “May mga chicken wings po sa freezer kasi paborito po ng mga bata ang chicken.” Pareho pala sila ng paborito. Chicken din kasi ang paborito niya especially deep-fried chicken wings. “Si Kuya po ang nasa kusina kanina. Sabi po ni Sir, siya na daw po ang magluluto.” “Tandaan ninyo na hindi iyan ang trabaho ni Inigo dito.” Yumuko sa hiya ang kasambahay. “Pasensiya na po, Ma’am.” “Nasaan ang mga bata?” “Nasa loob po sila ng entertainment room.” “Bakit hindi mo sila sinamahan doon?” “Nagbaba po ako ng pinagkainan nila.” Pagdating ng o
Naistorbo na rin ang tulog ni Inigo. Hustong baba ito at paakyat na si Nadja. “Sino ba ‘yung bisita mo? Gabing-gabi na ah!” “Alam mo naman kapag artista, ugali nilang tumakas sa kanilang mga manager.” “You seemed to know a lot about artists. Artista ka rin ba?” “Mukha ba akong artista? Teka, saan ang punta mo?” “Hindi na ako makatulog.” “Bahala ka na nga diyan. Malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo.” Humiga si Nadja at napaisip sa nangyari. Talagang sinusubukan ni Rosanna si Peter. Anglakas ng loob nitong makipagkita kay Carlos. Nagawa pa niyang bumiyahe ng Cavite. Napakadelikado naman ng ginagawa niya. Posible siyang mapahamak sa daan. Sinubukan niyang makatulog ngunit kahit anong baling niya kaliwa’t kanan sa kanyang kama ay hindi siya mapalagay dahil gising pa si Inigo. Alam niyang nasa ibaba ito. Para lang makasigurado ay bumaba si Nadja upang silipin kung anong ginagawa ng binata ngunit nakita niya itong natutulog na sa sopa. “OMG! Inigo! Ano bang ginagawa mo? Bakit di
Umupo ng maayos si Nadja ng makitang umalis na si Inigo sa bakuran at hinayaan ang guro at ang mga bata. Abala ang buong kabahayan. Maging si Nessa ay abala na naghanda ng mirienda para sa mga bata at sa bisita ng kanilang amo. Si Cogie naman ay assistant cook ni Inigo sa kusina. Sumasagitsit ang mantika sa kawala at napapailing na lang ang lalaking kasambahay. Hindi siya makapaniwala na kayang pagsabay-sabayin ni Inigo ang pagluluto ng iba’t ibang putahe na parang professional chef. Pailing-iling ito habang tinutulungan ang kapatid na naglalagay ng plato sa lamesa. “Ano bang nangyayari sa iyo, Kuya?” “Grabeh, idol ko talaga itong si Sir Inigo.” “O ano, sabi ko sa iyo eh? Baka sa susunod mas higit pa diyan ang malaman natin, pustahan tayo.” “Alam mo ba ‘yung parang sa mamahaling restaurant ka kumain kapag siya na ang nagluto.” “Kahit hindi ka na magbayad ng mahal. Dito pa lang panalo na ang ulam natin.” “Gusto ko ring makapag-aral tulad niya. Balang-araw, gusto ko ring magkaroo
Sa terminal lang ng bus nagpahatid si Teacher May. Hindi sana papayag si Inigo ngunit dahil narinig nito ang tawag ni Holly ay mas nag-alala ang guro na baka hindi kaagad makatulog ang bata. “Sir Inigo, puwede po bang magtanong?” “Ano iyon, Cogie?” “Chef po ba kayo?” “I took culinary arts abroad. But I learn basic cooking from my mom. Magaling kasi siyang magluto.” “Sir, magtatagal po ba kayo sa bahay ni Ma’am Nadja? Kasi maninibago kaming lahat kapag po bigla kayong umalis.” “Masyado kasing pakipot ang boss mo eh. Ano ba sa tingin mo? Magugustuhan ba ako ni Nadja?” “Ang problema po eh, ‘yung sinabi ninyo kanina. Sabi kasi ninyo, may asawa na kayo.” “Wala akong asawa. Gusto ko lang na i-turn down si Teacher May.” “Oo nga po Sir. Halatang – halata si Ma’am sa inyo kahit noong unang araw niyang nagpunta sa atin.” Ngunit nagtaka si Cogie ng huminto ang kotse sa isang gasolinahan. “Hindi pa po ba tayo uuwi?” Pumarada muna sila doon at first time niyang nakitang nanigarilyo ang l
Nakaramdam ng kilig si Nadja sa mga bulaklak na natanggap niya ng araw na iyon. Medyo traffic na sa daan ngunit panay ang sulyap niya sa mga bulaklak na nasa frontseat. Napangiti siya sa nakasulat sa card, “My Nadja”. The person must be close to her dahil Nadja ang tawag sa kanya. “Cogie, nasaan ang Sir Inigo mo?” Nasa ospital daw sila for check-up. Ibinaba na niya ang tawag. Marami daw pasyente ng araw na iyon. She thought of surprising him. Gusto sana niyang samahan ang lalaki sa mga therapy niya noon. Sa sobrang busy niya sa kanyang mga schedule kay Rosanna at sa ilang mga extra-curricular nito ay hindi na rin niya napansin na tapos na pala ang therapy nito. Naging malaking tulong si Inigo sa kanya lalo na sa mga bata sa tuwing aalis ito. Para bang palagay na siya sa kabila ng katotohanang estranghero pa rin ang lalaki sa kanila. Si Inigo pa nga ang parang naging tagapagluto sa bahay kahit nandiyan si Cogie. Wala siyang reklamo kahit nahihirapang pakainin ni Nessa ang dalawang b
Maya-maya ay napansin niya ang papadating na lalaki. Maayos ang pananamit nito. Matikas ang lakad at naka-dark shades pa. Biglang kumaway sa kanya ngunit napalingon siya dahil baka may iba itong kinakawayan. “Sino siya?” tanong ni Nadja sa sarili. Hanggang sa makalapit ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya halos makapagsalita. “Ano? Hindi ka makapaniwalan. Ako ito, Ma’am! Inigo at your service! Kanina pa kitang tinatanong kung sino ang hinihintay mo, ni hindi mo man lang ako pinapansin.” “Let’s go!” Hindi man lang niya pinansin ang magandang gupit ng lalaki sa sobrang kaba sa posibleng mangyari pagkatapos nilang umuwi. Lumabas na sila ng grocery store at nagtig-isa sila ng pushcart na itinutulak. “Kaya mo ba?” may pag-aalala ang boses ni Inigo. “Nadja! Nadja!” sigaw ng babae sa kanya. Parehong napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng boses. “Who’s that?” Lumingon si Nadja ngunit walang pamilyar na mukha siyang nakita. “Nadja! I missed you!” Napailing siya ng lumap
Sinikap ni Inigo na maging pormal sa harapan ng mga magulang ni Nadja. Masabi man ni Inigo ang lahat ng tungkol sa kanya maliban sa kanyang tunay na pangalan ay balewala rin. Sayang ang pagkakataon. Gustuhin man niyang magpakatotoo ay hindi rin posible dahil sa isang hindi maiiwasan sitwasyon. Noon lang siya nakaramdam ng matinding kaba sa harapan ng magulang ng babae. Hindi niya kayang maipagyabang ang kanyang yaman at mataas na pinag-aralan. Hindi niya maipagyayabang na mayroon siyang mga negosyo. Ni hindi siya makakabili ng magagandang regalo para sa mag-asawa at maging kay Nadja at sa mga anak nito upang magpa-impress. Kung papayagan lang siya ni Nadja na ilantad ang sarili sa harapan niya mismo, bakit hindi? Hindi siya mangingiming ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ni Nadja at ng mga anak nito. Hindi sila titira sa lugar na iyon at sisikapin niyang maproteksyunan sila kahit kanino. Hindi nakatakas sa mapanuring mga mata nina Bob at Sophia ang bawat kilos ni Inigo. Hindi n