Umupo ng maayos si Nadja ng makitang umalis na si Inigo sa bakuran at hinayaan ang guro at ang mga bata. Abala ang buong kabahayan. Maging si Nessa ay abala na naghanda ng mirienda para sa mga bata at sa bisita ng kanilang amo. Si Cogie naman ay assistant cook ni Inigo sa kusina. Sumasagitsit ang mantika sa kawala at napapailing na lang ang lalaking kasambahay. Hindi siya makapaniwala na kayang pagsabay-sabayin ni Inigo ang pagluluto ng iba’t ibang putahe na parang professional chef. Pailing-iling ito habang tinutulungan ang kapatid na naglalagay ng plato sa lamesa. “Ano bang nangyayari sa iyo, Kuya?” “Grabeh, idol ko talaga itong si Sir Inigo.” “O ano, sabi ko sa iyo eh? Baka sa susunod mas higit pa diyan ang malaman natin, pustahan tayo.” “Alam mo ba ‘yung parang sa mamahaling restaurant ka kumain kapag siya na ang nagluto.” “Kahit hindi ka na magbayad ng mahal. Dito pa lang panalo na ang ulam natin.” “Gusto ko ring makapag-aral tulad niya. Balang-araw, gusto ko ring magkaroo
Sa terminal lang ng bus nagpahatid si Teacher May. Hindi sana papayag si Inigo ngunit dahil narinig nito ang tawag ni Holly ay mas nag-alala ang guro na baka hindi kaagad makatulog ang bata. “Sir Inigo, puwede po bang magtanong?” “Ano iyon, Cogie?” “Chef po ba kayo?” “I took culinary arts abroad. But I learn basic cooking from my mom. Magaling kasi siyang magluto.” “Sir, magtatagal po ba kayo sa bahay ni Ma’am Nadja? Kasi maninibago kaming lahat kapag po bigla kayong umalis.” “Masyado kasing pakipot ang boss mo eh. Ano ba sa tingin mo? Magugustuhan ba ako ni Nadja?” “Ang problema po eh, ‘yung sinabi ninyo kanina. Sabi kasi ninyo, may asawa na kayo.” “Wala akong asawa. Gusto ko lang na i-turn down si Teacher May.” “Oo nga po Sir. Halatang – halata si Ma’am sa inyo kahit noong unang araw niyang nagpunta sa atin.” Ngunit nagtaka si Cogie ng huminto ang kotse sa isang gasolinahan. “Hindi pa po ba tayo uuwi?” Pumarada muna sila doon at first time niyang nakitang nanigarilyo ang l
Nakaramdam ng kilig si Nadja sa mga bulaklak na natanggap niya ng araw na iyon. Medyo traffic na sa daan ngunit panay ang sulyap niya sa mga bulaklak na nasa frontseat. Napangiti siya sa nakasulat sa card, “My Nadja”. The person must be close to her dahil Nadja ang tawag sa kanya. “Cogie, nasaan ang Sir Inigo mo?” Nasa ospital daw sila for check-up. Ibinaba na niya ang tawag. Marami daw pasyente ng araw na iyon. She thought of surprising him. Gusto sana niyang samahan ang lalaki sa mga therapy niya noon. Sa sobrang busy niya sa kanyang mga schedule kay Rosanna at sa ilang mga extra-curricular nito ay hindi na rin niya napansin na tapos na pala ang therapy nito. Naging malaking tulong si Inigo sa kanya lalo na sa mga bata sa tuwing aalis ito. Para bang palagay na siya sa kabila ng katotohanang estranghero pa rin ang lalaki sa kanila. Si Inigo pa nga ang parang naging tagapagluto sa bahay kahit nandiyan si Cogie. Wala siyang reklamo kahit nahihirapang pakainin ni Nessa ang dalawang b
Maya-maya ay napansin niya ang papadating na lalaki. Maayos ang pananamit nito. Matikas ang lakad at naka-dark shades pa. Biglang kumaway sa kanya ngunit napalingon siya dahil baka may iba itong kinakawayan. “Sino siya?” tanong ni Nadja sa sarili. Hanggang sa makalapit ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya halos makapagsalita. “Ano? Hindi ka makapaniwalan. Ako ito, Ma’am! Inigo at your service! Kanina pa kitang tinatanong kung sino ang hinihintay mo, ni hindi mo man lang ako pinapansin.” “Let’s go!” Hindi man lang niya pinansin ang magandang gupit ng lalaki sa sobrang kaba sa posibleng mangyari pagkatapos nilang umuwi. Lumabas na sila ng grocery store at nagtig-isa sila ng pushcart na itinutulak. “Kaya mo ba?” may pag-aalala ang boses ni Inigo. “Nadja! Nadja!” sigaw ng babae sa kanya. Parehong napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng boses. “Who’s that?” Lumingon si Nadja ngunit walang pamilyar na mukha siyang nakita. “Nadja! I missed you!” Napailing siya ng lumap
Sinikap ni Inigo na maging pormal sa harapan ng mga magulang ni Nadja. Masabi man ni Inigo ang lahat ng tungkol sa kanya maliban sa kanyang tunay na pangalan ay balewala rin. Sayang ang pagkakataon. Gustuhin man niyang magpakatotoo ay hindi rin posible dahil sa isang hindi maiiwasan sitwasyon. Noon lang siya nakaramdam ng matinding kaba sa harapan ng magulang ng babae. Hindi niya kayang maipagyabang ang kanyang yaman at mataas na pinag-aralan. Hindi niya maipagyayabang na mayroon siyang mga negosyo. Ni hindi siya makakabili ng magagandang regalo para sa mag-asawa at maging kay Nadja at sa mga anak nito upang magpa-impress. Kung papayagan lang siya ni Nadja na ilantad ang sarili sa harapan niya mismo, bakit hindi? Hindi siya mangingiming ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ni Nadja at ng mga anak nito. Hindi sila titira sa lugar na iyon at sisikapin niyang maproteksyunan sila kahit kanino. Hindi nakatakas sa mapanuring mga mata nina Bob at Sophia ang bawat kilos ni Inigo. Hindi n
Nag-iisang bituin lang ang puwedeng magningning. Heto siya ngayon at nangangarap na balang-araw ay muli siyang magningning. Nai-imagine niya ang maraming papuri ng lahat ng mga tao sa kanya maging mga reporters at media. Muling bumalik sa kanyang alaala ng gabing iyon ng kanyang first major concert sa Global Arena. Humakbang si Nadja paakyat ng hagdan kasabay ang tila ba tilian at malakas na ugong ng palakpakan mula sa kanyang mga tagahanga. Nilingon niya ang ibaba ng hagdan. Tumambad sa kanya ang madilim na sala, ang katotohanang isa lang siyang ghost singer ngayon. Isa siyang single mom para sa kanyang kambal na anak. Napayuko siya at dumiretso sa kanyang kuwarto. Sa kabila ng malungkot na bahagi ng kanyang buhay, nag-uumapaw naman ngayon ang kanyang nararamdaman mula sa isang lalaking hindi niya kilala. Hindi rin niya napigilan ang kanyang sarili. Kahit umuulan ay napakanta siyang bigla kasama ang simpleng choreography na matagal na rin niyang natutunan. Hindi niya akalaing darat
Bantay-sarado si Inigo kay Nadja ngunit sa kabila ng lahat ay ang babae pa rin ang masusunod. “Are you sure? Inaapoy ka ng lagnat, Nadja. Mas mahalaga ba ang meeting na iyan kaysa sa kalusugan mo. I don’t care kung ghost singer ka for that Rosanna. Kung mahalaga si Rosanna, mas mahalaga ka dahil hindi siya makakakanta kung wala ka. Naiintindihan mo ba?” “Bakit ba palagi kang kontrabida sa akin? Kailangan ko ito para sa mga anak ko. Kung may asawa ako, hindi ako mahihirapan sa maraming bagay, naiintindihan mo ba iyon?” Mahirap ang nararanasan ni Nadja. Nagdiskusyon pa sila ni Nadja sa loob ng kotse. Ayaw pa siyang pababain ni Inigo. “Alam mo, ha-hunting ko ‘yang lalaki na ‘yan eh!” “Makapagsalita naman ito. Tinakasan nga ako, ikaw pa? Saka mabubuhay ko ang mga anak ko kahit wala siya. Kung nagawa niya akong takasan, hindi ko rin siya kailangan kaya huwag siyang makakaisip na magpakita sa akin balang-araw dahil hinding-hindi ko ibibigay ang mga anak ko sa kanya!” Hinampas siya ng b
Bumili ito ng mahabang buhok upang hindi siya makilala ng kahit na sinumang makasalubong nila. Mainam pa rin na nag-iingat siya. Bumaba sila ng kotse. Nadja had a scarf na puwede niyang itakip sa kanyang ulunan habang naglalakad patungo sa isang kalapit na restaurant. Hindi na nagdalawang-isip si Inigo na hawakan ang kamay ng babae habang naglalakad. Bigla siyang natatawa sa sarili. Gusto niyang pigilan at magkunwaring cold and ruthless, bully and heartless pero nalulusaw iyon sa tuwing kasama si Nadja. He was totally a different person. “Are you happy?” Sa sobrang kasiyahan ni Victor ay sinunggaban niya ng halik ang babae. Siniil niya ito ng matindi dahil sa nag-uumapaw nitong kaligayahan. “I- Inigo…” “Okay lang kung ako ang mahawa. Kahit ako na ang lagnatin, huwag ka lang.” “Tapos, ako naman ang mag-aalaga sa iyo? Ano ka, sinusuwerte?” “Nadja…” “Uhm, bakit?” “Puwede ba tayong dumaan saglit? Baka naman…” “Puro kasi kalokohan ang sumisiksik sa utak mo. Why don’t we take one s
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Pagpasok sa loob ng kotse ay saglit lang na napasandal si Nadja sa frontseat. Himbing kaagad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya at napalinga sa kanilang patutunguhan. May nadaanan silang makikipot na eskinita. “Huh! akala ko ba didiretso tayo sa bahay.” “Daan muna tayo sa mansion,” sabay kindat ng binata. Napangiti lang ang asawa. Sumunod na lang sa gusto ng binata. Inalalayan niya ito pababa ng kotse. Pagpasok ng mansion ay niyakap ng mahigpit ni Victor si Nadja. Hinalikan niya ito at inihagis ang bag na hawak sa sopa. “Na-miss kita Nadja!” “Hindi ba tayo papasok muna sa kuwarto mo?” Aakyat pa sila ng hagdan. “Puwede na ito kahit saan. Kahit dito sa carpet o sa ibabaw ng lamesa” “Victor, hmmm…. ahhh, teka. Teka lang.” “Ano? Bakit?” “Umakyat na lang muna tayo.” Ipinagpatuloy ng binata ang inumpisahan. Hinawakan niya si Nadja at mahigpit niya itong niyakap. Halos nakaliyad ang asawa habang hawak siya ni Victor sa beywang. Kumapit siya sa leeg at sinabayan ang lalaki. Kinarg
Napapaligiran na sila ng mga pulis at wala silang takas ng mga oras na iyon. Walang sinuman ang nasa lugar. Walang makakaalam ng posibleng mangyari. Walang media ang makakasaksi sa nangyayaring negosasyon. “Siguraduhin ninyong malinis at wala kayong ebidensiyang ilalabas tungkol sa pinsan ko. Sagot ko ang presinto ninyo.” Sabi ni Max sa kausap. “Kailangan na rin niyang manahimik at sundan si Maura. Mga hayop sila! Mga ulupong!” “DAMN IT! HUWAG MONG TUTUKAN ANG ANAK KO, JAYSON!” Hindi na niya naisip pang igalang ang lalaki. Humakbang papalapit si Victor. “Desperado si Jayson. Hindi siya nagbibiro.” Pinigilan siya ni Max. He is trying to negotiate his freedom. Kung may kailangan siya ay pag-uusapan nila kahit alam niyang hindi niya matatakasan ang batas. “Ano pang kailangan mo, Pinsan? Pag-usapan natin. Pakawalan mo na ang mga apo ko.” “Nasa akin na ang lahat ngunit walang halaga ang lahat ng iyon dahil sa ginawa mo kay Maura! HAYUP KA!” Tinutukan naman ni Jayson si Max ngunit nakah
“Umuwi na sina Nessa. Hindi na kita inabala. Antuk na antok ka eh.” “Yes, pinagod mo kasi ako eh.” Ngunit bumulong si Victor at kahit anong posisyon nilang dalawa ay hihirit at hihirit talaga ang lalaki. May saya ring hatid ang mga kakaibang posisyon ni Victor. Ngunit mas gusto pa rin niya ang missionary position ni Nadja. Ngunit kinabukasan ay gumuho ang mga pangarap ni Nadja. She already got her menstrustion. Hindi niya napigilan na hindi umasa. Delayed lang talaga siya. Halos walong taon na rin kasi ang mga bata. “Honey, baka stress ka lang. Let’s go back and work it out. Are you hoping?” Tumango si Nadja. Sinunod ni Nadja ang kagustuhan ni Victor. Nagpaalam sila ng maayos sa management ng JME at pinagkasunduan na sila ang magpaplano para sa unang concert ni Nadja sa Pilipinas. Pinayagan na lang nila itong umuwi. “Mama, Papa, we’re coming home with the kids.” Mensahe ni Victor sa kanyang mga magulang. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umaayon ang pagkakataon sa atin. Uuw