Chapter 38Nagpatuloy kami hanggang sa makarating kami sa isang lumang warehouse na tila walang laman. Ngunit sa loob, naroon ang mga makinaryang hindi ko inakalang makikita ko sa ganitong lugar. May mga taong armado, ang ilan ay mukhang handa sa kahit anong utos.Pagdating ko sa loob, sinalubong ako ng isang matandang lalaki na nakaupo sa isang upuan na parang trono. Siya ang lider ng Cobra group—ang matandang kaaway ni King at ng aking pamilya."Agent Black, salamat at sumama ka," bungad niya na may makahulugang ngiti."Hindi ako pumunta dito para sa inyo. Gusto kong matapos ang gulong ito para sa kaligtasan ng pamilya ko," tugon ko, diretsong tumingin sa kanyang mga mata."Ah, kaya pala. Ngunit alam mo, kahit anong pagtatago mo sa iyong asawa, darating ang araw na malalaman niya rin ang lahat," sabi niya habang ngumiti pa ng mas malalim."Alam kong may plano ka, kaya sabihin mo na. Hindi ako interesado sa mga palabok mo," matigas kong sagot.Lumapit siya at hinawakan ang aking kama
Chapter 39 Kent POV Habang nakaupo ako sa sala at kausap ang pamilya ng biktima, bigla na lamang nag-ring ang phone ko. Nang tiningnan ko ang screen, nakita kong ito ay mula sa landline ng bahay. Bigla akong kinabahan kaya mabilis ko itong sinagot. “He—!” Hindi ko pa natatapos ang pagsasalita nang biglang may sumagot mula sa kabilang linya, nanginginig at tila natataranta ito kaya kinakabahan ako kong ano ang nangyari sa kanila. "Sir— si Ma'am, may kumuha sa kanya!" sigaw ng nasa linya, halatang takot na takot ito sa mga nangyari. Agad kong nabitawan ang telepono sa aking narinig. Halos hindi ako makapaniwala sa aking malaman. Tumigil sa pag-uusap sina Leo, Steve, Asier, at Stefan, agad na nagtama ang aming mga tingin. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. "Si Sky— kinuha siya ng mga lalaki. Sinalakay ang mansyon," halos bulong ko, pero dama ang tensyon sa bawat salita. Agad akong tumayo at mabilis na lumabas ng silid, nagmamadaling makapunta sa mansyon. Tanging mura lang ang aki
Chapter 40 Third POV Habang abala sina Kent at ang kanyang mga kasama sa panonood ng CCTV footage, sa kabilang banda naman, ang mga tauhan sa mansyon ay nagmamadaling naghahanda. Alam nila na anumang oras ay maaaring magkaroon ng aksyon at kailangan nilang maging handa. Tila may malalim na tensyon sa hangin habang sinasaksihan nila ang mga pangyayari sa screen. Nang matapos mapanood ni Kent ang buong footage—mula sa paglabas ni Sky hanggang sa paraan ng pagtrato sa kanya ng mga lalaki—hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Ang mga kalalakihan, na dapat sana’y kaaway, ay tila nagbigay-galang kay Sky. Yumuko pa ang ilan sa kanila habang siya naman ay tahimik at kalmado. Pero ang mas nakapagpabagabag kay Kent ay kung paano bihasa si Sky sa paggamit ng baril—mga galaw na hindi normal para sa isang ordinaryong tao. (Continues Kent POV) "Nakita mo 'yun?" tanong ni Stefan, halatang hindi rin makapaniwala. "Oo," sagot ni Leo. "Parang pamilyar ang istilo ng paggamit niya ng bar
Chapter 41 Matapos magpasalamat ang matanda at ang anak nito ay agad silang umalis dahil aalis sila sa bansa upang malimutan sa kanyang anak ang mga masamang karanasan sa kamay ng dumukot. Kaya agad kong nag-utos sa aking mga tauhan na maghanda. Ang oras ng aksyon ay dumating na, lulusob kami sa kuta ng mga kalaban. Ang impormasyon ni Mr. Ching, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon, ay nagbigay sa amin ng pagkakataon—isang pagkakataon na hindi namin pwedeng palampasin. Kasama ko sina Stefan, Asier, Leo, at Steve. Kami ang nangunguna sa paglusob, ang mga heneral sa laban na ito. Iisa lamang ang aming layunin: wakasan ang kanilang iligal na gawain at ibalik ang kapayapaan sa aming komunidad. "Kent, handa na ang lahat!" sabi ni Leo na seryoso ang boses, ang kanyang tingin ay puno ng determinasyon. Ang tono niya ay nagbigay ng lakas sa amin, tila sinasabing wala nang atrasan. Habang ang mga huling detalye ay pinapanday, naramdaman ko ang malamig na pawis na tumatakbo sa aking noo.
Chapter 42 Hindi nagtagal ay agad kami nakarating sa kuya ng kalaban kaya agad ipinarada sa may liblib na saad ang aming sasakyan saka ito nilagyan nang mga damo upang hindi mahala kung may sasakyan bang nakahinto roon. Kampante naman kami dahil madilim na ang paligid kaya malaki ang aming kumpyansa sa laban na ito. "Magsihanda na kayo, Asier, Leo, Stefan, at Steve! Alam ko na kaya natin ito!" utos ko, puno ng awtoridad. Ang mga mata nila ay nagningning sa pag-asa at determinasyon, nagbigay ng sigla sa aking mga salita. Agad kong sininyasan ang iba kong tauhan, ang sampung kasama, na maghanda na rin. Nakita ko ang mga sandata nilang kumikislap sa liwanag, bawat isa'y may kanya-kanyang misyon sa isip. Habang ang hangin ay puno ng tensyon, bumabaon ang amoy ng lupa at damo sa aking ilong—parang isang paanyaya sa labanan na nakabukas na. "Alam natin kung ano ang nakataya," patuloy ko, habang pinapanday ang mga hakbang sa aming isasagawang plano. "Hindi lamang ang ating mga buhay
Chapter 43Isang matinding suntok ang tumama sa aking tagiliran, ngunit hindi ako bumagsak. Sa halip, ang sakit ay nagbigay sa akin ng lakas. Ang aking mga kasama ay patuloy na lumalaban, pinapagana ng galit at seryoso. Ang laban na ito ay hindi lamang tungkol sa amin, ito ay para sa lahat ng mga taong naapi at walang laban.Habang ang mga kalaban ay nagiging mas agresibo, ang aming sigla ay lumalakas. Ang mga espada at sibat ay tila nag-aalab sa ngitngit ng aming determinasyon. "Walang atrasan!" sigaw ni Asier, at ang kanyang boses ay tila apoy na nag-uudyok sa amin.Sa bawat saksak at bawat tama, nagiging mas maliwanag ang aming layunin. Ang mga iligal na gawain nila ay hindi lamang isang banta, ito ay isang labanan na dapat ipaglaban. At sa bawat hakbang, kami ay lumalapit sa tagumpay, handang ipaglaban ang mga inosenteng mga tao, kanilang inapi at ninakawan.Habang ang huli sa mga kalaban ay bumagsak sa lupa, ang mga sigaw ng tagumpay ay umabot sa mga sulok ng kuta. Ang amoy ng us
Chapter 44"Boss Kent," tawag sa isang assassin. Kung hindi ako nagkakamali si Agent P ito."Agent P, buti at dumating na kayo!" seryoso kong sabi. "Patawad kong may gagawin ako ngayon," seryoso nitong sabi. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang dumilim ang aking paningin. "Boss tapus na!" dinig kong sabi ni Agent P. Hanggang hindi ko alam kong ano na ang nangyari. "Ouch!" sabay naming bigkas ng lima at pagdilat sa aming mata ay nasa mansyon na kaming limalima kaya agad akong tumayo dahil sa pag ka-biglang. "Anong nangyari?" tanonnasa kuta tayo ng kalaban at at!" naguguluhan kong bigkas. Habang ang apat ay ganun din ang kanilang mukha. Tumingin-tingin kami sa paligid, naguguluhan sa biglang paglipat ng aming lokasyon. Ang mansyon ay pamilyar, pero hindi ko alam kung kaninong mansyon ito at ang lugar kung nasaan kami ngayon."Kaninong bahagi tayo ng mansyon tayo ngayon?" tanong ni Asier, tila nag-iisip."Sa palagay ko, nasa guests room tayo," sagot ni Stefan "Isang ligtas
Chapter 45Bago pa kami makalusob, biglang humagikgik si Agent C. “Hahaha! Bakit kadiliman? Di ba’t tayo ang kadiliman?” sabi niya, na may ningning sa mata.“Ay, oo nga! Labanan ang mga kaaway!” muling sigaw niya, na puno ng sigla.Sa isang iglap, naglaban ang apat namin laban sa anim na kalabang assassin. Namangha kami sa kanilang bilis—apat laban sa anim—at kahit na sila’y kaunti, walang takot o kahinaan sa kanilang mga galaw.Ang bilis ng kanilang mga kilos; hindi ko mahabol ang mga nangyayari. Biglang, isang malakas na sipa ang ibinigay ni Agent Black sa lider ng kalaban.Ngunit umungol ito ng malakas, dahilan upang magpigil tumawa ang mga kaibigan ko.“Putang-ina! Masakit pa pala ang ‘piyungyong’ ko!” sigaw nito, na puno ng inis.Kahit na nakikipaglaban, nag-uusap pa rin sila na parang nagkape lang.“Anong ‘piyungyong,’ Agent Black?” seryosong tanong ni Agent P habang iniiwasan ang isang suntok.“Piyungyong, yung bisyong, bilat, pik-pik! Sa madaling salita, pussy!” walang preno n
Chapter 104 Ang katawan ng lalaking iniiwasan ko ay tumagilid sa sahig, sumabog ang dugo mula sa kanyang leeg habang nangingisay ito. Ang masakit na tanawin ay hindi ko pinansin. Sa halip, nakatutok ang aking mata sa kanyang mga mata—puno ng pagkatakot at walang kasiguraduhan. Hindi ko kilala ang taong ito, ngunit alam ko na may isa pang layer ng panganib na nakatago sa ilalim ng lahat ng ito. “Hindi ka pa tapos,” mahinang boses nito habang dumudugo ang leeg. “Ang tunay na laban... hindi dito natatapos.” Habang siya'y patuloy na humihinga ng mahirap, nagtaas siya ng kamay na parang gustong magsabi ng higit pa. Tumigil ako sa paggalaw, hindi ko alam kung ano ang aasahan ko mula sa kanya. Minsan, sa mga pagkakataong tulad nito, may mga huling salita ang kalaban na nagsisilbing babala. “Sinong nagpapadala sa'yo?” tanong ko, ang tono ko’y malamig at matalim. Ang mata ng lalaki ay naglaho sa dilim ng warehouse, ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay, umabot siya ng isang ma
Chapter 103 Hindi ko na sila binigyan pa ng pagkakataon, agad akong huminto at kinuha ang basuka sa aking sasakyan saka hinarap ko sila na nakatutok ang kinuha kung basuka. Walang alinlangang pinutok ko sa kanila ng tatlong boses dahilan upang sumabog ang sasakyan ng kalaban. Agad akong bumalik pumasok sa loob ng kotse. Napalingon ako sa likuran ng upuan,walang alinlangang dinampot ko ang aking maskara saka sinuot at pinatakbo paalis sa lugar. Habang patuloy ang papatakbo ko ah ang hangin sa paligid ay mabigat, puno ng alikabok at usok mula sa mga pagsabog. Hanggang makarating ako sa warehouse ng kalaban. Agad kong binangga ang gate nito diretso-diretso sa loob ng warehouse kung saan ang ibang mga kalaban. Nagpapalitan kami ng putok, bawat kalabit sa aking baril ay siyang kinalagas ng mga kalaban. Hanggang nag-abot kami ni Victor ang pinuno nila. Agad kaming naglaban. Bawat suntok, sipa ay malakas ko itong sinalubong at ibinalik sa kanyan. Dahil sa aking galit ay agad k
Chapter 102 Hindi ko na kayang pigilan ang galit na bumabalot sa aking katawan. Ang mga kalaban na tumangka sa aming pamilya ay nagmistulang mga anino—mga walang saysay na kalaban na hindi nakakita ng tamang oras at lugar. Ngunit sa bawat hakbang ko, bawat desisyon, ramdam ko ang bigat ng mga susunod na hakbang. Habang pinagmamasdan ko si Kent, na ang mga mata ay puno ng pagkabigla at pang-unawa, alam ko na ang lahat ng ito ay hindi natatapos dito. Hindi pa tapos ang laban. Ang mga kalaban na ito ay bahagi lamang ng isang mas malaking laro, isang laro kung saan ang buhay ng pamilya ko ang taya. “Hubby,” sinabi ko habang pinipigilan ang sarili ko na magpakita ng emosyon, “hindi nila alam kung sino tayo. Hindi nila alam kung gaano kita pinoprotektahan. Hindi ko sila papayagang manakit pa sa atin, lalo na ang aking mga anak. Gagawin ko lahat para maging ligtas kayo,” dagdag kong sabi. Hindi siya sumagot agad, ngunit naramdaman ko ang tensyon sa kanyang katawan. Alam niyang may m
Chapter 101Ang akala ko ay hindi na ako babalik bilang isang assassin. Matapos ang lahat ng nangyari, ang pagiging magulang, at ang buhay ng simpleng pamilya—akala ko ay natutunan ko na ang kaligayahan at ang pagpapahalaga sa mga maliliit na sandali. Ngunit ang tadhana, tulad ng dati, ay may ibang plano.Isang gabing malamig, habang kami ni wifey Kent ay nag-aalaga sa mga anak namin sa kwarto, narinig ko ang isang hindi kanais-nais na tunog—ang mga yabag ng mga paa sa labas ng bahay. Tumigil kami ni Kent, nagkatinginan, at agad kong naramdaman ang matalim na pakiramdam ng panganib na unti-unting bumabalot sa amin.“Hubby, may narinig ka ba?” tanong ko, ang mga mata ko ay nakakapit sa pintuan ng kwarto, puno ng alerto.Tumayo si Kent, ngunit bago siya makapagsalita, isang malakas na kalabog ang nagpagising sa amin. Kasunod nito, ang sigaw ng isang babae—si Mia, ang aming katulong, na narinig ko mula sa ibaba ng hagdan.Bago pa man makagalaw si Kent, hindi ko na napigilan ang sarili ko
Chapter 100Pagkatapos ng unang kaarawan ng triplets, naging masaya kaming lahat. Ang aming bahay ay puno ng mga ngiti, tawanan, at malalambing na sandali. Hindi ko na kayang isa-isahin ang lahat ng magagandang nangyari, ngunit sa mga simpleng detalye, mas nakikita ko kung paano nabuo ang aming pamilya—sa bawat hirap, saya, at pagmamahalan.Habang ang mga triplets ay patuloy na lumalaki, mas naging abala kami sa pag-aalaga sa kanila. Ang mga maliliit na hakbang ng kanilang paglaki ay puno ng pagmumuni-muni sa aming mga magulang. Sa bawat ngiti at tunog ng kanilang mga hininga, nararamdaman namin na ang bawat sakripisyo ay may kabuntot na hindi matatawarang kaligayahan.Isang linggo pagkatapos ng birthday party, nagtakda kami ni Kent ng isang araw ng "family bonding". Nais naming mapanatili ang espesyal na koneksyon namin bilang mag-asawa at pamilya, kaya't nagplano kami ng isang simpleng lakad sa isang park. Hindi na namin inisip ang mga malalaking handaan o kahit anong kalakihang sel
Chapter 99Matapos ang masaya at makulay na birthday party ng mga triplets, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko. Ang buong mansyon ay puno ng saya, pagmamahal, at kaligayahan. Lahat ng tao ay nagtipon upang magdiwang at makita ang tatlong bagong miyembro ng aming pamilya. Ang mga kaibigan ko—mga baliw ko na mga kaibigan—ay nagbigay ng kasiyahan at kalokohan, at pati na rin si Kent na tila hindi mapigilan ang tuwa dahil sa pagpapalawak ng aming pamilya.Nang matapos ang party at nagsi-uwian na ang mga bisita, kami ni Kent ay nagtakda ng ilang sandali ng katahimikan sa aming kwarto. Hindi ko pa rin matanggap na tatlo na ang anak namin. Ang aming triplets—si Steven, Stanly, at Princess Luna—ay malusog at maayos. Ang bawat araw ay puno ng mga bagong pagsubok, ngunit hindi ko nararamdaman na mag-isa ako. Laging nandiyan si Kent, at ang mga kaibigan ko ay patuloy na nagbibigay ng lakas at suporta.Habang tinatanaw ko ang tatlong crib na puno ng maliliit na sanggol, nakaramdam ako ng l
Chapter 98.Napabuntong hininga ako. "Luna, hindi ba’t medyo overkill na to?" tanong ko, sabay tawa. "Puwede bang hindi na tayong magbihis na parang galing sa digmaan?"Wala namang pakialam si Luna. "Hindi ba’t magaan lang ito? Ito na ang modernong world of parenting!"Si Anastasia, na karaniwang tahimik pero laging may mga kakaibang ideya, ay nagbigay ng maliit na kahon na may kasamang maraming tiny knives at mga swords. "Para sa mga bata, in case may mga intruders na dumating. Kakailanganin nila ang defense skills mula sa batang edad!""Ano na nga ba to?" tanong ko na lang habang binabalewala ko na ang kakaibang mga regalo nila. Kung ito lang ang mga kalokohang dala nila, sigurado akong magiging saksi kami sa isang magulo at komedya na pagsasama.Si Kent, na hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari, ay tinitingnan ang mga kaibigan ko, tawang-tawa. "Mga baliw talaga kayo," sabi niya.Naglakad-lakad si Rose at nagdala ng mga custom-made baby diapers na may mga hidden compartments. "Pa
Chapter 96Nang magpatuloy ang kasiyahan sa kaarawan ng mga triplets, ang mga kaibigan ko—na kilala ko sa kanilang mga hindi pangkaraniwang mga hilig—ay hindi ko inaasahang darating. Akala ko hindi sila dadalo, at kung tutuusin, mas gusto ko pang hindi sila dumaan. Pero tulad ng dati, hindi ko kayang pigilan ang kanilang mga kapangahasan, at minsan pa, lumabas ang kanilang mga kabaliwan sa isang napaka-historikal na araw sa buhay ng pamilya namin.Habang abala ang lahat sa masaya at tahimik na selebrasyon, narinig namin ang tunog ng sasakyan na dumating sa driveway ng mansyon. Sa unang tingin, wala akong pakialam, ngunit nang bumukas ang pinto, at lumabas ang mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko."Hala, ito na naman sila!" bulong ko sa sarili ko, sabay tingin kay Kent.Ang mga kaibigan ko—si Luna, Angel, Rose, Anastasia, at Tanya—ay nakatayo sa pintuan na parang mga sundalo na galing sa digmaan. Ang kanilang mga kasuotan ay tila mga military fatigues na may mga bak
Chapter 96Hindi ko inaasahan na ang araw na puno ng kasiyahan at pagdiriwang para sa kaarawan ng mga triplets ay magiging kasing gulo ng mga sandaling iyon. Habang tinitingnan ko ang mga regalo para sa mga bata, nakaramdam ako ng kakaibang tensyon nang makita ko ang mga relo na ipinadala ng mga ninang nila. Nakatagilid ang aking ulo habang binuksan ni Kent ang isang kahon at nagsimulang ilabas ang mga relo—pero hindi ordinaryong mga relo ang mga ito. Lahat ng relo ay may mga intricately designed na mekanismo, at mula sa mga detalye, agad kong napansin na may mga hidden compartments sila; hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kailangang maging ganoon. Isang relo na ang mga straps ay gawa sa matibay na tela, na tila kayang mag-imbak ng mga piraso ng metal, ang isa pa ay may engraved na mga inscription na mukhang may kinalaman sa military codes. Nang makita ko iyon, napasimangot ako—alam ko na kung kanino galing ang mga regalong iyon: sa aking mga kaibigan na hindi mapigilan ang pagbibi