Huminga siya nang malalim at pinakatitigan ito. She could see her own reflection in his eyes. Lito iyon na may halong pag-aalala.“Sweetie. . .” untag ni Zach sa kaniya. Nangungunot na ang noo nito.“Alright. I want you to answer me honestly.”Tumango ito. “What is it?”“What do you know about Lira Esteban’s case? I mean, ano ang kaugnayan mo sa kaniya?” It’s now or never. Kung gusto niyang malaman ang totoo, kailangan tanungin niya mismo ang lalaki.Ito naman ang huminga nang malalim, pagkuwa’y ipinaghila siya ng upuan. Pagkaupo niya ay naupo rin ito sa tabi niya. Hindi nito binibitawan ang kamay niya.“Alright. . . Gusto mo ba talagang malaman ang lahat?” tanong nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata.Tumango siya.“Ayaw ko na sanang malaman mo pa ito pero dahil pareho kayo ni Pvt. Esteban— na humihingi ng hustisya, mainam na malaman mo na rin,” simula nito. “Pina-imbestigahan ko si Pvt. Esteban kung ano ang kaugnayan niya kay Lira. Gaya mo, iba ang pakiramdam ko sa pagpaso
“Anong nangyari sa iniutos ko sa inyo!” nanggigigil na tanong ni Brandon sa mga tauhang kaharap, habang hawak-hawak ang isang baril. “Boss, kasado na po! Sila Bigman ang dudukot sa babae,” anang kaharap niya. “Mabuti kung ganoon! Ang tauhan ni Silva? Nasaan?” Muli ay pasigaw niyang tanong. “Nasa bodega na, boss! Maayos na nakagapos para hindi makawala.”Tumawa nang malakas si Brandon. Para itong nasaniban ng demonyo sa mga sandaling iyon. “Magpakasarap ka na ngayon, Silva! Hindi mo nararamdaman, unti-unti ng nauubos ang mga tauhan mo!” At tinungga niya ang basong may lamang alak sa harapan. “Two down, next mo ang isa pang babae na kasama nila. Kailangan ko ng malinis gumawa at hindi mahahalata ng lahat!” Dumagundong ang boses niya sa kinaroroonan. “May party ngayon, ayon kay Anne. Doon ninyo dukutin at iharap sa akin ang kapatid ni Lira.” Tumalikod siya at nagsimulang umakyat sa taas nang muling mapatigil.“Bueno! May mga parating na shipment, ilusot ninyo iyon sa mga parak! Bahala
Chapter 46“Cheers!” sigaw ng mga nagkakasiyahan nilang kasamahan. Selebrasyon iyon para sa tagumpay ng operasyon ng grupo ni Captain Garcia.“Congratulations, Captain Garcia! See you to our next assignment,” bati ni Zach dito. Mailap ang mga tingin at ngiti nito kay General, pakiramdam niya may tinatago ito.Medyo dumistansiya siya kay Zach dahil ayaw niyang umagaw ng atensiyon, lalo na kay Captain Garcia. Iginalang naman iyon ng binata. Pagkatapos mag-toast bumaba ito at sinalubong ni Anne. Nakita niya ang pagkapit nito sa braso ng binata— halos yakapin ito.Pilit niyang ikinalma ang sarili. Tumingin siya kay Leigh. Nakangiti ito sa kaniya at inginuso ang eksena sa harapan. Pinandilatan niya ito ng mga mata at sumenyas siya na pupunta sa banyo.“Boss, mukhang bantay sarado ang mga target. Need back up, just in case.”Napatigil siya bigla at tiningnan kung sino ang nagsalita. Nangunot ang noo niya. Sino ito at bakit ang lakas ng loob gumawa ng hakbang dito sa loob.Alerto na hum
Chapter 47Sinanay niya ang sarili sa dilim at kinapa si Leigh sa tabi. “Leigh, kailangan nating makaalis dito,” bulong niya. “Trust the process, Katie. Pero kung kailangan nating lumaban at pumatay, gagawin natin,” matapang na ingos nito sa kaniya. Nakalabas na si Captain Garcia. Mabilis siyang tumayo at sumunod sa naka-lock na pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw pero walang kuryente na dumaloy roon. Kahit madilim, umikot siya sa gilid ng kwartong iyon hanggang may nakapa siyang isang bagay sa ibabaw ng lamesa. Isang maliit na flashlight iyon. “Katie, huwag mong bubuksan iyan!” Mabilis iyong kinuha ni Leigh na nakasunod pala sa kaniya. “Kailangan natin iyan para mahanap ang ibang daan palabas,” bulong niya. “Mamaya ko na ipaliliwanag!” Binuksan nito ang drawer at may kinuha ito sa loob. Tila alam ni Leigh ang nasa loob nito. “Katie, magtiwala ka! Yes, galit ako sa kanila pero kailangan kung lumaban ng patas.”Mas lalo siyang nalito. Hanggang may putok ng baril silang narini
Chapter 48Pawisan at luhaan niyang naitukod ang mga kamay sa naghihinang mga tuhod. Nararamdaman niya ang dugong dumadaloy sa daplis na tama sa kaniyang hita. Unti-unti niyang iniangat ang paningin. Nakita niyang naliligo sa sariling dugo sina Big Man at Anne.Paanong nangyari iyon? Isang baril lang hawak niya. Isa lang din ang kanilang pinaputukan. Bakit baliktad yata?Napapikit siya nang biglang kumirot ang sugat. Tinulungan niya ang sarili na tumayo saka dinampot ang baril. Nakita niya na nakatutok ang baril ni Zach kay Anne, at si Mavy naman kay Big Man. Ibig sabihin, ang mga ito ang bumaril sa dalawa. Pero alam niyang tumama ang bala niya kay Big Man. At kung hindi dumating ang dalawa, siguradong katapusan na niya.Tumayo siya. Mabilis naman siyang tinulungan ni Zach.Nakabulagta ang mga kalaban nila at tanging mga tauhan na lang ni Zach at Captain Garcia ang nakatayo. Si Leigh ay sugatan din at ang iba pang mga kasama niya. Palapit ang mga ito sa kanila.Sumaludo si Captain Ga
Mabilis na dumaan ang isang linggo at nakalakad na siya. Ang mga natamo niyang sugat ay naghilom na.Naroon pa rin siya sa pad ng binata at hindi pa rin siya pinag-r-report sa kampo. Kakatapos lang niyang magluto at maligo. Naka-short na cotton siya na hanggan kalahati ng hita niya. Tenernuhan niya iyon ng manipis na sando.Tumingin siya sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon. Naisipan niyang buksan ang TV. Napanood niya ang mga cliff ng video ng nangyari sa kanila. Hanggang sa mga oras na iyon ay trending pa rin iyon.Narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Tanya iyon, kaya mabilis na sinagot.“Tanya, hello!” asayang wika niya.“Ate!”Ramdam niya ang pagkabalisa sa boses nito.“Tanya, bakit?”“Gusto kang kausapin ng inay,” marahang sagot nito.Hindi pa siya nakasagot nang nagsalita na ang tiya niya.“Katie. . . kumusta ka na? Napanood namin ang balita. Aba! Ngayon lang namin napansin na ikaw at ang bodyguard mo ang nasa telebisyon. Anong nangyari at bakit sugatan ka?” su
Chaper 50Ilang araw pa ang lumipas, halos tahimik na ang lahat. Sina Big Man at Anne ay dinala na sa kanilang huling hantungan pagkatapos ng isang linggo.Bumalik na muli sa normal ang operation sa kampo. Balik-trabaho na siya pagkatapos ng isang buwan, ngunit si Brandon ay tinutugis pa rin ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan at militar. Masyado mailap ang lalaki, ngunit siniguro naman ni Zach na hindi iyon magtatagal. Mahuhuli rin ito, lalo pa at mas lumiliit ang mundo nito habang tumatagal.Si Leigh ay nakabakasyon kaya hindi pa sila nakapag-uusap simula nang nangyari ang engkwentro sa grupo ni Brandon. Hindi naman na niya ito inabala dahil kailangan naman talaga iyon ng kaniyang kaibigan.Lumabas siya ng opisina ni Zach dahil sa sobrang katahimikan doon. Nagtataka siya kung bakit wala man lang naglalakad na mga kapwa niya sundalo sa labas. Kapag ganoong umaga kasi kani-kaniya ng lakad ang mga ito, habang ang iba naman ay abala sa paggawa ng mga dokumento.Sumilip siya sa may firing
Chapter 51Inaayos ni Katie ang mga bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang habang nakangiti. Maganda ang panahon dahil nakangiti rin si haring araw nang mga oras na iyon. Napaliligiran ng magagandang bulaklak at mga kandila ang loob ng museleyo na iyon— na sadyang ipinagawa niya para secured ang mga ito at puwedeng pagtambayan kahit na maghapon.“Papa, Mama! Kumusta na po kayo? Sorry, ngayon lang ako nakadalaw ulit. And good news, he’s gone but the leader is still roaming around,” aniya na ang tinutukoy ay si Big Man. Biglang nawala ang saya sa mga mata niya. “Pero mabilis na rin mahahanap iyon dahil lumiliit na ang mundo niya. Sundalo na nga pala ako dahil sa kagustuhan kung makakuha ng hustisya para sa inyo— na nangyari naman.”Umupo siya at hinawakan ang larawan ng mga ito.“Kapag tapos na tapos na talaga ang lahat, aalis na po ako sa pagiging sundalo at itutuloy ang propesyon ko. Alam kung ito ang pangarap natin noon pa man.” Kusang tumulo ang mga luha niya habang kausap ang
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay