Chapter 51Inaayos ni Katie ang mga bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang habang nakangiti. Maganda ang panahon dahil nakangiti rin si haring araw nang mga oras na iyon. Napaliligiran ng magagandang bulaklak at mga kandila ang loob ng museleyo na iyon— na sadyang ipinagawa niya para secured ang mga ito at puwedeng pagtambayan kahit na maghapon.“Papa, Mama! Kumusta na po kayo? Sorry, ngayon lang ako nakadalaw ulit. And good news, he’s gone but the leader is still roaming around,” aniya na ang tinutukoy ay si Big Man. Biglang nawala ang saya sa mga mata niya. “Pero mabilis na rin mahahanap iyon dahil lumiliit na ang mundo niya. Sundalo na nga pala ako dahil sa kagustuhan kung makakuha ng hustisya para sa inyo— na nangyari naman.”Umupo siya at hinawakan ang larawan ng mga ito.“Kapag tapos na tapos na talaga ang lahat, aalis na po ako sa pagiging sundalo at itutuloy ang propesyon ko. Alam kung ito ang pangarap natin noon pa man.” Kusang tumulo ang mga luha niya habang kausap ang
Chapter 52“I need back up! Kailangan kong makalabas ng bansa. Ayusin ninyo ang mga papel ko. Fake everything and do it as soon as possible. Kung kinakailangang mag-rent ng isang private plane para gawin makaalis ako, gawin ninyo double time!” At mariing pinindot ni Brandon ang end button ng cell phone. Nasa isang isla siya at doon muna nagtago simula nang makatakas siya sa bakbakan laban sa grupo ni Zach Silva. Doon siya nagpapalamig. Kailangan niya munang pahupain ang lahat bago muling kumilos. Mainit na siya sa mata ng mga otoridad, kaya hindi siya puwedeng magpadalos-dalos.“Tuso ka talaga, Silva! Kaya isinusumpa ko, darating ang araw at luluhod ka sa akin. Babalikan kita!” Halos madurog ang cell phone na hawak niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng isang kamao. Balisang nagpaikot-ikot siya sa silid na kinaroroonan, kasabay ng paghithit-buga ng sigarilyong hawak sa isang kamay. Nang maubos iyon ay idinikdik niya sa ashtray, bago nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.
Chapter 53Ilang araw ring inaasikaso ni Zach ang kaso ni Brandon. Kahit tinamaan ito ng bala, mas minabuti nitong ito mismo ang mag-handle niyon. Mas mapapatag raw ang kalooban nito. Dinala si Brandon sa isang high end facility ng militar. Doon muna ito bago ilipat sa pinakamahigpit na pasilidad ng bilibid, habang hindi pa ito nahahatulan. Kahit papaano, nakahinga na nang maluwag si Katie. Sigurado naman na hindi na ito makalalabas pa ng kulungan. Militar ang binangga nito; specifically, isang heneral. He threatened the national security with those bombings in the past and bomb threats at the airport, kaya nasisiguro niyang life sentence ang ipapataw na hatol dito o mas higit pa. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga damit niya, dahil ayaw pumayag ni Zach na babalik pa siya sa condo na iyon na pinagpatuluyan sa kaniya nito. Sandali siyang tumigil at iniikot ang mga mata sa paligid. Ma-m-miss niya ang lugar na ito.Umupo siya sa kama, saka pabagsak na humiga at dahan-dahang itina
Nakaupo si Katie sa mesa niya sa loob ng opisina ni Zach, habang hinihintay ang lalaki na matapos sa meeting nito, nang may kumatok. Mabilis niyang binuksan iyon.“Leigh, pasok ka.”Dumeretso sila sa mesa niya at binigyan ito ng upuan. Pansin niyang kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Halata ang kasiyahang nadarama nito, at alam niyang dahil iyon sa pagkakalutas ng kaso ng kaniyang kapatid.Subalit, napataas ang mga kilay niya nang may iabot ito sa kaniya. Tiningnan niya iyong mabuti, saka nagtatanong ang mga matang binalingan ito.Ngumiti ito. “Open it.”Kunot ang noong walang imik na binuksan niya ang kulay puting sobre. Binasa niya ang laman niyon. Nanlaki ang mga mata niya. Napakurap pa siya nang ilang beses, pagkuwa’y nakahawak sa dibdib na nilingon si Leigh.“I-is this true?” Muli niyang binasa ang nakasulat sa kapirasong papel. Totoong pangalan nito ang nakasulat doon, pero ang isa pang ikinagulat niya, ay ang pangalan ng groom na nakalagay. It’s Sgt. Tolentino!“Leigh, ano it
Kinabukasan ihinatid siya ng binata sa mall kung saan sila magkikita ni Leigh. Hindi pumayag na hindi siya ihahatid nito.Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. “Just call me if you’re done. I’ll pick you again, hmmm?” “Yes, General!” Si Katie na ang kusang yumakap dito pero ikinabigla niya nang humalik ito sa labi niya.“See you later, sweetie.”Tumango lang siya. Bumitaw naman ito at tinungo na ang sasakyan. Habang hinihintay si Liegh, tumambay muna siya sa gilid ng mall at inikot ang mga mata sa paligid. Abala ang mga mall goers sa pag paroo’t parito, habang ang iba ay katulad niya na nakaupo sa bench at nagmumuni lang.Napatingin siya sa pedestrian lane malapit sa pwesto niya. Na-focus attention niya sa isang sasakyan na patawid. Bigla namang tumawid patakbo ang isang batang. Mabilis ang kaniyang naging reflexes, bigla siyang tumakbo palapit sa bata at niyakap ito paatras. Napaupo sila sa gilid ng kalsada. Huminto naman ang sasakyan at lumabas ang nagmamaneho.“F*ck that car!”
Chapter 56Nagising si Katie sa lagaslas ng tubig mula sa banyo. Pilit niyang binuksan ang mga mata, saka umupo sa kama at sumandal sa headboard.Bigla siyang natakam sa gatas na nasa ibabaw ng maliit na mesa. Umuusok pa iyon at may katabing toasted bread. Tumayo siya at kinuha iyon. Halos maubos niya ang laman ng tasa pero ang tinapay ay hindi naman niya kinain. Amoy pa lang kasi noon ay ayaw na niya. Eksaktong babalik na siya sa kama nang bumukas ang pinto sa banyo at iluwa roon ang mala-adonis na pangangatawan ni Zach.Napalunok siyang bigla. Pakiramdam niya nag-cr-crave siyang yakapin ito.Ipinilig niya ang ulo, habang ang lalaki ay walang pakialam na lumabas ng banyo na naka-boxer lang.“Good morning, my future wife. Explain me that gesture. . .” nang-aakit na wika nito.Tumalikod siya at inihagis ang kumot dito. “Magdamit ka na nga!” Saka siya muling humiga sa kama at binalot sa katawan ang comforter. Tumawa ito at lumapit sa kaniya. “I saw it. You’re teasing me, sweetie.”Na
Chapter 57Nauna ng umakyat sa kwarto ng binata si Katie kasabay si Zaira, dahil may flight pa ito kinabukasan para humabol sa isang fashion show. Inihatid muna siya nito sa kwarto ni Zach. “Good night, ate. Please take care of my kuya. I know he loves you so much. Ngayon lang nangyari iyon at pakiramdam ko, guguho ang mundo niya kapag nawala ka pa,” wika nito sabay beso sa kaniya. “I do,” tugon niya.Niyakap siya nito saka tuluyan siyang iniwan. Tinungo nito ang dulong bahagi sa mga nakahilerang kwarto.Humakbang siya papasok ng kawarto ni Zach at kinapa ang ilaw sa may bandang gilid. Tumambad sa kaniya ang malawak nitong silid. Iniikot niya ang mga mata sa paligid, black and white ang tema niyon. Nasasamyo pa niya ang bango ng kwarto nito na tila pumasok siya sa isang mamahaling hotel.Sinadya ba ng lalaki iyon at pati mga pampalit nilang damit ay nakahanda na sa ibabaw ng kama? Isang couple pajama iyon na cotton. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at inikot ang paligid. Napaka-f
Chapter 58Mula sa mansyon, dumeretso sila sa opisina ni Zach upang ayusin ang mga papeles na gagamitin sa pag-alis nito. May dadaluhan itong meeting kasama ang matataas na opisyal ng militar. Eksaktong pagpasok nila sa pasilyo ay nakasalubong nila ang isang pamilyar na mukha. Ang ama ng batang tinulungan niya. Gaya nila, nakasuot ito ng uniporme ng militar. Pero hindi lang basta-basta iyon, dahil agad niyang nabilang kung ilang tala ang nakadikit sa pang-itaas nitong damit.“General Santiago!” Mabilis na sumaludo si Zach sa lalaki.Ngumiti ito sa kanila at nagbigay pugay rin kay Zach, saka tumingin sa kaniya. “Nice to see you again.” Inilahad nito ang kamay sa harapan niya sa halip na sumaludo. “So, you work here?” anitong hindi inaalis ang malagkit na pagkakatingin sa kaniya.Nakaramdam siya ng pagkailang habang tinatanggap ang kamay nito. “Yes, sir!” Saka pa lang niya nagawang sumaludo rito, na malakas nitong ikinatawa. “You’re so cute, the way you do that. At ease.”Ibinaba nama
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay