Nagkagulo sa buong hospital, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ganitong pangyayari sa hospital ni Morgan.Nagsipulasan naman silang magkakaibigan na lumabas sa kwarto ni Cassy at puntahan si Tobias.Naiwan si Drake at Howald kay Cassandra at ang tatlong magkakaibigan na sina Red, Nicollai at Sebastian ay tumakbo palabas para hanapin si Tobias.Nauna nang lumabas kanina si Spike para puntahan ang kaibigan at paniguradong kasama na din ng mga ito si Morgan.Tinakbo ng mga ito ang nursery kung nasaan naroon ang bagong panganak na sanggol ni Tobias at Cassy.Pinaulanan sila ng mga bala ng mga kalaban na nakapasok na sa hospital. Tilian at takbohan ng mga tao sa buong hallway ang maririnig at makikita.Nakipagsiksikan sila sa mga tao na nagtatakbuhan para makapunta agad sa nursery.Nasa bungad na sila ng naturang kwarto ng isa-isang lumabas ang mga kalaban at inataki sila."Putang'ina ang lalakas ng loob n'yong pumasok dito," nangangalaiting sita ni Red sa mga ito, at mabilis na s
Nagising s'ya na puro puti ang nakikita. Napabalikwas s'ya ng bangon, ngunit bumalik lang din sa pagkakahiga, nang maramdaman ang sakit sa katawan at kung may anong bagay na nakakabit sa kan'ya."Fvck!" mariing mura n'ya ng maramdaman ulit ang pagsigid ng sakit sa kan'yang katawan.Nang lingunin n'ya ang paligid, doon n'ya lang napagtanto na may nakakabit pala sa kan'ya na swero.Pilit n'yang inisip kung ano ang nangyari. Nang mahimasmasan at malalala ang nangyari sa nursery bigla s'yang natataranta.Bumalikwas s'ya ng bangon para lang mapangiwi sa sakit at bumagsak ulit sa kama."Damn it! Ang anak ko," puno ng pag aalalang sabi n'ya, sabay dahan-dahan na bumangon sa kinahihigaan.Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok si Morgan."What the hell are you doing Lewis?" sita nito sa kan'ya ng makita ang pagbangon n'ya."Ilabas mo ako rito, kailangan ako ng anak ko," bulyaw n'ya sa kaibigan."Nakauwi na sila, pati na rin si Cassy. Ikaw na lang ang naiwan rito dahil hindi pa mag
Mabilis na lumipas ang mga araw. Pang apat na taon na kaarawan ngayon ni Gray at kasabay nito ang binyag ng bunso nilang anak na si Luca Maverick.Pang apat na anak na nila ito at sinabi na ng asawa n'ya sa kan'ya na last na nitong magbuntis at manganak.Namumura na s'ya ng asawa sa tuwing nabubuntis ito lalo na sa stage ng paglilihi.Masaya ang pamilya nila. Paminsan- minsan may problemang dumadating pero sa awa ng Dyos nasosolosyonan naman agad.Dumating ang mga kaibigan n'ya kasama ang mga asawa at mga anak ng mga ito. Nakasanayan na nilang, sila-sila lang ang mga bisita palagi sa mga okasyon ng bawat isa.Ayaw nilang mahaluan ng ibang tao ang pagtitipon. Hindi dahil ayaw nila but it's for everyone's safety.Hindi nila alam ang mangyayari at kung mayroon man, ayaw nilang magkakaibigan na may madamay na ibang tao."Bro!" tawag ng mga kaibigan sa kan'ya ng makapasok sa clubhouse ng kanilang village. Dito nila naisipang e-held ang kaarawan at binyag ng dalawang anak.Mag eleven year
CASSANDRA....Gumuho ang mundo n'ya nang kumpirmahin ng mga kaibigan ni Tobias na helicopter nga ng asawa ang sumabog.Halos panawan s'ya ng ulirat sa sobrang pighati. Ang mga kaibigan nito ang nag boluntaryong puntahan ang lugar at kinumpirma ng mga ito na totoong helicopter ni Tobias ang natagpuan.Kinalma n'ya muna ang sarili. Aalis s'ya, pupuntahan n'ya ang asawa. Hindi pwedeng maghintay lang s'ya rito kung kailan madala ng mga kaibigan nito ang katawan ni Tobias na halos abo na lahat.Ayaw n'yang makita ng mga anak nila na umiiyak s'ya, kung kaya hindi muna s'ya lumabas ng kwarto.Pinakuha n'ya kanina sa yaya ang bunso n'yang anak para matawagan ang mga kaibigan ni Tobias na nasa lugar kung saan bumagsak ang helicopter nito.Nandoon din si Drake na kauuwi lang mula sa Britain at doon agad dumeritso ng malaman nito ang nangyari.Ng masigurong kumalma na s'ya kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan ang mga magulang."Ma?" bungad n'ya sa ina ng sagutin nito ang tawag."Yes sweethe
Hinalughog ni Cassandra ang buong lugar pati na rin ang mga karatig bayan, ngunit walang Tobias na natagpuan.Kasama n'ya ang mga kaibigan sa ilang araw na paghahanap, ngunit hindi naman nagtagal ang mga ito dahil may mga anak itong naghihintay sa kanila sa Manila.Nagpapasalamat na lang s'ya sa mga magulang n'ya na s'yang nag aalaga ngayon sa kan'yang apat na anak.Nagpaiwan sa probinsya'ng iyon ang mga kaibigan ni Tobias para tulongan s'ya. Pinauna lang ng mga ito na pauwiin ang mga asawa dahil sa mga bata."Saan tayo magsisimula?" tanong no Sebastian sa kanila."Sa tubig tayo magsimulang maghanap. Napapaligiran ng dagat ang lugar na ito, at halughugin natin yan lahat," si Howald.Nagkalat na din ang mga taohan nila, mga taohan mula kay Drake at ng mga kaibigan ni Tobias sa buong Pilipinas, para hanapin ang katawan ni Tobias, ngunit inabot na lamang sila ng ilang buwan, wala pa ring Tobias ang nakatagpuan.Halos hindi na s'ya nagpapahinga sa paghahanap sa asawa. Malakas ang kutob
CASSANDRA...Sa tinagal-tagal ng panahon na wala ang asawa, nakasanayan n'ya na — na ang mga anak na lamang ang kasa-kasama n'ya sa araw-araw.Masakit man para sa kan'ya, ngunit panahon na siguro para mag move on at e let go si Tobias. Nasasaktan na rin s'ya sa pag-iisip na kung buhay man ito, bakit hindi man lang ito bumalik sa kanila.Bakit hindi man lang ito nagpakita o bakit hindi man lang sila naalala nito. Sampong taon na ang nakalipas at kung buhay man ito, hindi naman siguro pwede na hindi sila maisip na balikan.Masakit mang makita ang mga anak na lumaki na walang ama, ngunit wala na rin s'yang magagawa. Kung desisyon ni Tobias na pagtagoan sila then be it. She will let him pero huwag na huwag lang s'yang bumalik sa kanila at magmamakaawang tatanggapin s'ya ng mga anak.Hindi n'ya ito sinabi sa kambal o kahit kanino man pero napapanaginipan n'ya ang asawa na may ibang pamilya.Nagigising s'ya sa kalagitnaan ng gabi at lihim na umiiyak dahil sa panaginip. Malinaw na na
CASSANDRA....Mariing nakatingin sa kan'ya si Tobias ngunit malamig na ekspresyon lamang ang pinakita n'ya rito.Hindi s'ya pwedeng maglabas ng totoong nararamdaman n'ya ngayon sa asawa at baka gagamitin pa ito ng mga kalaban laban sa kan'ya."Well! It looks like everyone is having a fun Miss Founder," puna ni Manuel Siao habang inilibot ang paningin sa paligid."It's Mrs. Lewis, Mr. Siao! I'm no longer a Miss because I've been married for two decades," sagot n'ya rito habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa mga labi.Nakita n'ya ang pag-igting ng mga panga ni Tobias at ang pagkuyom ng mga kamao nito."Well..well..well.. speaking of which Mrs. Lewis, nandito pala kami para kunin na ang posisyon na kinauupoan mo ngayon. I hate chit-chat so dederistohin na kita. Tobias the founder is here to get the position that supposed to be his and not yours," nakangising sabi ng matanda.Hindi na s'ya nagulat pa sa sinabi nito. She knows it, ang matandang ito ang nasa likod ng lahat. Naalala
CASSANDRA...Halos panawan s'ya ng ulirat habang dini-defuse ni Panther at Red ang bomba na nakakabit sa anak n'ya.It has a timer and the time is almost run out. Kaya lahat ay pigil hininga habang tinatrabaho ng dalawang kaibigan ang bomba na nakakabit sa bunsong anak na si Maverick.Nakahinga lang sila ng maayos ng ten seconds bago sumabog ito ay nakuhang ma defuse ito ng dalawa.Hindi s'ya magkamayaw sa pagyakap sa bunsong anak na akala n'ya mawawala na sa kan'ya.Matapos pirmahan ang papel na na ibinigay ni Siao kanina sa kan'ya para sa pagpapatunay na si Tobias na ang bagong founder ng underworld, umalis agad ang mga ito.Ngunit bago ito umalis inactivate nito ang bomba sa katawan ng anak, para hindi sila magkakaroon ng oras na habulin ang mga ito dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa kay Maverick at sa bomba na nasa katawan ng anak.Pinaalis n'ya na rin ang lahat ng mga tao at tanging sila na lamang na magkakaibigan ang natira.Tulala naman ang anak habang yakap-yakap n'ya.