Nagpaalam ang asawa nito na tutulong sa kapatid sa pagtapos sa mga nagtatangka sa buhay ng reyna.Nakabalik na ang kan'yang hipag sa bahay ng pinsan,ngunit may plano ito sa pagbabalik at yon ang tinrabaho ng asawa lately.Hindi n'ya alam pero iba ang nararamdaman'g kaba n'ya ngayon. Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan si Orion na s'yang kasama ng asawa ngayon.Nakailang ring din bago sinagot nito ang tawag "Yes? " supladong bungad nito sa kan'ya."How's everything? " tanong n'ya sa kausap na binalewala na lamang ang pagsusungit nito."All good! Umayon lahat ng plano," sagot nito.Napabuga s'ya ng hangin dahil sa tono ng pananalita nito. Alam n'yang hindi maganda ang magiging resulta ng lahat."I will help Orion," offer n'ya dito. Matapos kasi nilang mailigtas ang Vittori queen hindi na sila pinahintulutang makialam sa problema ng mga Vitorri. Tanging si Orion na lang ang binigyan ng permiso na makialam dahil ito ang nakatalagang guard ng reyna."Don't go againts the order Chetah! Ba
Nagpasya s'yang mag stay sa hospital ng isang gabi. Kailangan n'yang sakyan ang kung ano mang binabalak ng kan'yang ina. Naka standby lang ang mga kasama n'ya sa posibleng gagawin ng babae sa kan'ya. Alam n'yang isa itong patibong ngunit ang hindi alam ng babae na nakahanda s'ya sa kung ano man ang gagawin nito.Nakaupo lang s'ya sa sofa sa loob ng kwartong iyon at nanunuod kunyari ng tv, ngunit alerto ang kan'yang pakiramdam sa paligid. Nagpaalam na lumabas saglit ang babae at naiwan s'yang mag isa kasama ang ama sa kwartong iyon.Pagod s'ya pero hindi n'ya magawang matulog. Hindi s'ya pwedeng tatanga-tanga sa ganitong sitwasyon. Kailangan n'yang maging alerto buong gabi, hindi n'ya pa matukoy kung sino ang kalaban nila, siya ba ang sadya o ang mga taong may maitim na balak sa ama n'ya.Dumagdag pa sa iisipin n'ya ang asawa. Buong araw n'ya itong tinatawagan pero naka off pa rin ang cellphone nito pati na rin ky Orion. She tried to ask Panther about Orion's whereabouts pero tanging
"Tobias noooo!" sigaw n'ya sa asawa. Kita n'ya ang galit nito sa mukha. Hindi ito ang Tobias na nakilala n'ya. Para itong sinapian ng kung anong espiritu ngayon.Nakatutok sa kan'ya ang baril nito at nanlilisik ang mga matang nakatangin sa kan'ya."I will kill you Aireen, I will kill you. You don't deserve to live. You dont deserve to live," pauulit- ulit na sigawi nito. Nagmamakaawa n'ya itong tiningnan, gusto n'yang magsalita pero napatda lang s'yang nakatingin sa galit na mukha ng asawa."T-o-bi-a-s ple-as-e lis-t-en t-o me, ple-as-e let me e-xp-l-a-in, " hirap na hirap na pagmamakaawa n'ya dito. "There's nothing to explain Aireen, there's nothing to talk. Ang gusto ko lang ang mamatay ka ngayon. Ang mawala ka sa buhay ko, " galit na galit na sambit nito kasabay ng pagkalabit sa gatilyo ng baril na nakatutok sa kan'ya. Naramdaman n'yang bumaon sa kan'yang dibdib ang bala at biglang bumulwak sa kan'yang bibig ang maraming dugo."Cassandra!" malakas na sigaw ng kung sinoman ang nari
THIRD PERSON POV"Damn it Tobias! You can't die bro, pasasabugin ko lahat ng negosyo mo pag namatay ka," si Nicollai na hawak-hawak ang kabilang dulo ng stretcher na pinaglagyan kay Tobias.Sa kabila naman ay si Howald na ngayon nakatiim bagang habang buhat-buhat ang kaibigan. Nakasunod naman ang iba nilang kaibigan kasama na ang asawa ni Drake na kapatid pala ni Tobias sa ina.Ang daming rebelasyon na lumabas kamakailan lang at pati sila gumulo din ang isip sa mga nalalaman."Hurry up Morgan, do your job as a doctor. Save our friend's life, damn it.!" narinig nilang sikmat ni Nicollai ky Ashton na ngayon s'yang tumitingin sa kalagayan ni Tobias. He is in critical condition, tumama ang bala sa maselang parte ng puso nito. "Fvck! Bro hang on, mabilisan lang to. Don't embarrass me to our friends na hayop ka. I am a high paid doctor in the country tapos kaibigan ko hindi ko magawang maisalba. Tang'ina huwag ganon Tobias, magsuntokan na lang tayo bago mo ako ipahiya sa lahat," gigil na
Nagalalakad s'ya sa isang mausok na lugar. Sobrang usok na halos hindi n'ya na makita ang dinadaanan n'ya.Patuloy lang s'ya sa paglalakad, may nakikita s'yang mga bulaklak sa dulo ng kan'yang nilalakaran."Nasaan ako? At anong lugar to?" naguguluhang tanong n'ya sa sarili. Sinusundan n'ya ang mga maliliit na paro-paro na lumilipad. Patungo ito sa direksyon kung saan ang mga bulaklak na nakita n'ya kanina.Narating n'ya ang lugar kung saan ang mga bulaklak na naaninag n'ya kanina.Palinga-linga s'ya sa paligid ,nakita n'yang may bangin na nakapagitna sa kabilang parte ng lugar kung saan s'ya nakatayo.You are my sunshine, my only sunshineYou makes me happy..... ????Narinig n'ya ang isang tinig na kumakanta, palapit ng palapit ang boses nito hanggang sa maaninag n'ya ang isang babae na masayang nakikipaghabulan sa mga paro-paro. Napapatawa pa ito sa sobrang tuwa, hindi nito sinasadya na mapaharap sa direksyon n'ya kung kaya mas naaninag n'ya ang mukha nito."Mama?" gulat na tawag n'ya
Isang buwang walang malay si Tobias sa hospital pagkatapos ng kan'yang operasyon.Isang buwan na tanging ang kapatid at mga kaibigan lamang ang bumibisita at nag aalaga sa kan'ya. Walang Cassandra na nagpakita sa kan'ya sa loob ng isang buwan at kahit na ngayong gising na s'ya. Hindi n'ya alam kung nasaan ito at kung ano ang nangyari dito. Nag aalala s'ya para sa asawa at naiinis sa sariling kinahinatnan ngayon dahil wala s'yang magawa para protektahan ang asawa n'ya kung may hindi man magandang nangyari dito.Inutusan n'ya ang kapatid na puntahan sa bahay nila at tingnan kung nandon ang asawa. Ayon sa mga kaibigan wala itong alam sa nangyari sa kan'ya. Nagbabasakali s'yang nasa bahay lang ito at naghihintay sa kan'yang pagbabalik.Nasa garden s'ya ngayon ng hospital nagpapahangin. Nakaupo s'ya sa wheelchair na itinulak ng nurse na naka assign sa kan'ya. Naalala n'ya ang mga panaginip nitong nagdaang mga gabi. Napangiti s'ya ng maalala ang mukha ng batang nakausap n'ya sa kan'yang pa
"How are you feeling today Cassandra?" baritonong boses na tanong nito sa kan'ya habang dahan-dahan na lumalapit sa kan'yang kinaroroonan. Napatulala lang s'ya dito at hindi nakapag salita hanggang sa makalapit ito."Are you ok? " nag aalalang tanong nito sa kan'ya. Hindi pa rin s'ya nakahuma sa pagkatigagal kung kaya mahina nitong pinitik ang kan'yang noo na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. "Who are you? " gulat na tanong n'ya dito ng mahimasmasan. Seryoso itong nakatingin sa buong mukha n'ya at nanayo ang kan'yang mga balahibo sa klase ng pagtitig nito sa kabuuan n'ya."Santino Lexus Giovanni mi amore, " "S-a-n-ti-no? " nauutal na tanong n'ya dito."Yeah! It's Santino Lexus Giovanni Cassandra, " pag uulit nito. Napakunot-noo s'ya sa sinabi nito dahil familiar sa kan'ya ang pangalan ng lalaki ngunit hindi n'ya matukoy kung saan n'ya ito narinig."Did we meet before?" tanong n'ya dito."Nope! Hindi mo pa ako kilala pero kilalang-kilala kita," balewalang sagot nito sabay lapit sa
Nagising si Cassy na may mga tinig na naririnig sa paligid. Dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nakitang nasa parehong kwarto pa rin s'ya dito sa bahay ni Santino.Biglang sumagi sa kan'ya ang nangyari bago nawalan ng malay. Ang video na napanuod n'ya na s'yang dahilan ng pagdilim ng lahat sa kan'ya.Biglang bumalik sa kan'yang alaala ang masakit na kahapon na hanggang ngayon sariwa at dala-dala n'ya pa rin.Tumulo ang kan'yang mga luha sa naisip. Hindi n'ya akalain na may mas masahol pa pala na ginawa ang mga walang pusong mga taong iyon. Pinahid n'ya ang mga luha, hindi s'ya dapat umiiyak, kailangan n'yang magpakatatag. Hanggang ngayon tinutugis n'ya pa rin ang lahat ng sangkot sa krimen na nangyari limang taon na ang nakaraan. Ipinangako n'ya sa sarili at sa puntod ng taong iyon na uubosin n'ya ang lahat ng involve sa karumal-dumal na krimen na nangyari sa kanila.Nasa ganon s'yang pag iisip ng bumukas ang pintoan ng kan'yang
TOBIAS...."Arghhhh!" mahinang ungol n'ya ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kanyang ulo at sa buong katawan.Gising na s'ya, ngunit hindi n'ya maibuka ang kan'yang mga mata. "He's still unconscious?" narinig n'ya ang boses ng isang lalaki at alam n'yang kay Ashton ito."Yeah! Pero nagreresponse naman ang katawan n'ya sa mga gamot at stable na rin. Ayaw n'ya lang siguro magising, kung kailan pa na tumanda si Tobias, doon pa naging tamad," boses ni Red na panay ang reklamo."Gago! Red dakmalin mo kasi ang alaga n'ya, tapos hugutin mo ng marahas para magising agad," suhestyon ni Spike."Oh di kaya bunutin natin bawat bolbol n'ya sa itlog n'ya, gamit ang tyani. Tingnan lang natin kung hindi magigising ang tukmol na to," sagot naman ni Red kay Spike.Nang marinig ang sinabi ng mga kaibigan, mabilis n'yang iminulat ang kan'yang mga mata. Nasilaw pa s'ya ng una n'yang ibuka ang kan'yang mga mata."Hmmmm!" mariing ungol n'ya ng sumigid ulit ang sakit sa kan'yang ulo. Nagsilapitan naman
CASSANDRA....Malakas na barilan ang maririnig sa buong lugar. Kasama pa rin nila ang lahat ng mga kaibigan nila ni Tobias at ilang mga taohan.Tatlong linggo matapos makalabas ng hospital si Tobias, natagpuan nila ang lugar na pinagkokotahan ni Bridgette Wilson.At nagulat pa sila ng malaman ang katayuan nito sa buhay. She is not just an ordinary doctor. She is a fvcking leader of the Morocco Cartel na s'yang isa sa napakalaking sindikato sa buong Morocco at ng mga karatig bansa nito.Ang akala nila, it was Manuel Siao, but they are wrong. Bridgette used Manuel Siao as an instrument to get the underworld dahil sa maimpuwensya nitong pangalan.But it was Bridgette who manipulated everything. Naging aso lang pala nito si Siao at hindi din alam ni Siao ang ginagawa ng babae sa kan'ya.It says that Bridgette is working with the three big syndicates in Morocco but what others doesn't know about her, is that— Bridgette is the boss among the bosses of the said three big syndicates na pina
Isang linggo matapos ang naganap na laban sa grupo nila at ni Siao iniuwi nila si Tobias sa kanilang bahay.Wala pa rin itong maalala pero mas ok na— na nasa bahay nila ito, para maalagan at mabantayan na rin.Pinag-aaralan ni Red ang kaso ni Tobias, kung totoo bang amnesia ang nangyari dito, o sinadyang burahin ang mga alaala ng asawa.They are still hunting down Bridgette Wilson, hanggang ngayon wala pa ring balita sa babae. Lahat sila ay kumikilos na para hanapin ito.Masayang-masaya ang mga bata—na sa wakas ay makakasama na nila ang kanilang ama, lalo na sa Maverick na ngayon lang binigyan ng pagkakataon na makita at makasama si Tobias.She's also happy that finally her husband is back, ngunit may parte din ng kan'yang pagkatao na nasasaktan at nalulungkot, lalo pa kapag maalala n'ya na walang matandaan ang asawa tungkol sa kanilang nakaraan.But she is thankful and greatful pa din dahil buhay ito."L-o-v-e!" nauutal na tawag ni Tobias sa kan'ya. Hanggang ngayon ramdam n'ya pa ri
CASSANDRA...Narating nila ang lugar, inilibot n'ya ang paningin sa paligid. Alam n'yang nakapwesto na ang lahat ng mga taohan nila at naghihintay na lamang ng senyales para sa pagsalakay."Guys are you ready?" narinig nilang tanong ni Red. Ito ang nakatokang maging mata nilang lahat.Kasama ang iba pang mga junior assassin na magagaling sa computer."Area D all set and ready!" anunsyo ng grupo sa hilaga sa pangunguna ng naatasan nilang assassin na si Monique. "Area B all set and ready!" si Pepper na nasa silangan."Area C all set, ready and slaying ninong Red" hagikhik na anunsyo ni Paprika na ikinatawa ng lahat. Kahit kailan talaga ang batang ito. Manang-mana sa kalokohan ng ina.Lahat ay nag deklara ng handa, kung kaya nagsihanda na rin sila. Naka ready na rin si Tati at Trina na s'yang nag escort sa ka transaction ni Siao. Ito ang haharap kay Siao at sila naman ang mag-aabang sa paligid. Sila Spike, Howald at Sebastian ang naatasang bantayan ang galaw ng mga taohan ni Siao. S
CASSANDRA....Papunta s'ya ngayon sa Olympus, nagpatawag ng meeting si Red, may mahalang sasabihin daw ito.Mabilis lang s'yang nakarating sa naturang building. Bumaba agad s'ya ng sasakyan at pumasok sa loob.Alam n'yang nandito na ang mga kaibigan nila, dahil nasa labas na ang mga kotse ng mga ito.At tama nga ang hinala n'ya, pagpasok n'ya sa conference room kompleto na ang lahat."I'm sorry, I'm late!" hingi n'ya ng paumanhin sa mga ito."It's fine Cass, have a seat and let's start the meeting," si Spike."Red!" tawag ni Nicollai sa kaibigan."Yes, let's start!" anang ni Red na binuksan ang laptop at kinonek sa projector na nasa harapan nila.Bumulaga sa kanila ang isang larawan na parang mga radio wave frequency, at maya-maya lang maririnig ang mga boses ng taong nag-uusap.It was Red's voice and the other one— is no other than her husband Tobias. Tahimik lamang silang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.TOBIAS..."Hindi naman, nararamdaman ko kasi na hindi naman ganong klaseng b
TOBIAS....Mabilis n'yang itinago ang papel at pumasok sa loob ng shower para maligo.Ngunit nagulat s'ya ng pumasok ang babae na hubot-hubad. Nakangiti itong yumakap sa hubad n'yang katawan."Fvck!" lihim na mura n'ya dahil mukhang desidido ito sa panlalandi sa kan'ya.Hindi n'ya pa alam kong asawa n'ya ba talaga ito o ano. Kailangan n'yang makausap si Pula at maitanong ang lahat. Kung kaibigan n'ya ito, malamang alam nito ang nangyari sa kan'ya bago ang aksidente."Hey sweetheart, I miss this!" malambing na sabi ni Bridgette sa kan'ya. Nakatingala ito sa mukha n'ya at namumungay ang mga mata.He can feel her naked body against his. At nararamdaman n'ya ang mga palad nito na bumaba sa kan'yang puwetan at hinimas ito."Damn it!" lihim na mura n'ya. He controlled himself bigtime but dude he is a man. He's trying his best na hindi maaapektohan sa ginagawa ng babae."Sweetheart make love to me, na miss na kita!" panlalandi pa ng dalaga sa kan'ya.Tinitigan n'ya ang mukha nito at ang ima
TOBIAS....Nag-uusap ang mag-ama at kunwari nakikinig s'ya sa mga ito. Ngunit ang hindi alam ng dalawa— ay nagmamatyag lang naman s'ya sa mga pinag-uusapan ng mga ito.Lahat ng mga sinasabi ng mga ito ay laban sa ex-wife n'ya. At medyo nabahala na s'ya, dahil mukhang delikado ang gagawin ng mga ito sa dating asawa.Buhay nito ang pinag-uusapan ng dalawa na kitilin at sinabi na sa kan'ya ni Manuel ang mga dapat n'yang gawin, para makuha ulit ang sinasabi nitong underworld.Panay lang din ang pakikisakay n'ya sa mga plano ng mga ito, pero ang hindi nila alam na may sarili din s'yang plano.Nabanggit ni Manuel na kukunin nila ang isa sa mga anak ng dating asawa at gagamitin laban sa babae. Kung dating asawa n'ya ito, malamang nagkaanak sila, at ang batang tinutukoy nito na kukunin ay paniguradong anak n'ya.Ang binatilyo sa kan'yang panaginip, may kutob s'ya na ito ang anak nila ng dating asawa n'ya.Kailangan n'yang ma protektahan ang mga ito. Hindi s'ya papayag na saktan ito ng ma
TOBIAS...Nagising s'ya na sobrang bigat ng kan'yang pakiramdam at sobrang sakit ng kan'yang ulo. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari. Wala s'yang matandaan na kahit maliit na bagay tungkol sa kan'ya."Fvck! Nasaan ako?" tanong n'ya sa sarili ng makita ang mga nakakabit na aparato sa kan'yang buong katawan."OMG! You're awake?" boses ng isang babae ang pumukaw sa kan'ya. Napakunot-noo s'ya ng masilayan ang mukha nito dahil hindi n'ya ito kilala."Who are you?" malamig na tanong n'ya rito."What? Hindi mo ako kilala?" sagot ng babae sa kan'ya. Umiling naman s'ya bilang tugon."Sino ka?" pag-uulit n'ya sa tanong n'ya rito."I am your wife sweetheart," malungkot na pagpapakilala ng babae sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa tinuran nito. Kahit anong kalkal n'ya sa kan'yang utak, wala s'yang matandaan na may asawa s'ya."W-i-f-e?" naguguluhang sambit n'ya."Relax Tobias, don't force yourself. Maaalala mo rin ang lahat. For now, mag relax ka muna, ok? Ten years kang naka-
CASSANDRA...Halos panawan s'ya ng ulirat habang dini-defuse ni Panther at Red ang bomba na nakakabit sa anak n'ya.It has a timer and the time is almost run out. Kaya lahat ay pigil hininga habang tinatrabaho ng dalawang kaibigan ang bomba na nakakabit sa bunsong anak na si Maverick.Nakahinga lang sila ng maayos ng ten seconds bago sumabog ito ay nakuhang ma defuse ito ng dalawa.Hindi s'ya magkamayaw sa pagyakap sa bunsong anak na akala n'ya mawawala na sa kan'ya.Matapos pirmahan ang papel na na ibinigay ni Siao kanina sa kan'ya para sa pagpapatunay na si Tobias na ang bagong founder ng underworld, umalis agad ang mga ito.Ngunit bago ito umalis inactivate nito ang bomba sa katawan ng anak, para hindi sila magkakaroon ng oras na habulin ang mga ito dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa kay Maverick at sa bomba na nasa katawan ng anak.Pinaalis n'ya na rin ang lahat ng mga tao at tanging sila na lamang na magkakaibigan ang natira.Tulala naman ang anak habang yakap-yakap n'ya.