Nasa bar silang lahat ngayon ni Spike.Pagkatapos ng trabaho n'ya kanina, naka receive s'ya ng tawag mula ky Nicollai na magkikita sila sa bar ni Spike para aliwin si Drake. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang kan'yang kapatid.Pero ayon kay Esteban maayos na ang kalagayan nito at gumaling na ito sa kan'yang amnesia.Panigurado isa sa mga araw na ito,babalik iyon sa kanila para tapusin ang gulong dinulot ni Pirotte sa pamilya nito."Man are you ok? " narinig n'yang tanong ni Ashton ky Drake na ngayon parang ermitanyo na ang mukha. Hindi n'ya alam kung naliligo pa ba itong kaibigan n'ya.Mahaba na ang buhok at balbas nito na halatang wala ng alaga.Malalim din ang mga mata nito at kitang walang maayos na pahinga.Hindi ito tumigil sa paghahanap sa asawa hanggang ngayon.Araw- araw pa rin itong umaalis para hanapin kung saan-saan ang kan'yang kapatid."Putang'ina ina Cole, nambudol ka na naman!" sikmat ni Chad ky Red na ngayon ay may ginagawa na nama'ng kalokohan sa mga kasama nila pa
Nagpaalam ang asawa nito na tutulong sa kapatid sa pagtapos sa mga nagtatangka sa buhay ng reyna.Nakabalik na ang kan'yang hipag sa bahay ng pinsan,ngunit may plano ito sa pagbabalik at yon ang tinrabaho ng asawa lately.Hindi n'ya alam pero iba ang nararamdaman'g kaba n'ya ngayon. Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan si Orion na s'yang kasama ng asawa ngayon.Nakailang ring din bago sinagot nito ang tawag "Yes? " supladong bungad nito sa kan'ya."How's everything? " tanong n'ya sa kausap na binalewala na lamang ang pagsusungit nito."All good! Umayon lahat ng plano," sagot nito.Napabuga s'ya ng hangin dahil sa tono ng pananalita nito. Alam n'yang hindi maganda ang magiging resulta ng lahat."I will help Orion," offer n'ya dito. Matapos kasi nilang mailigtas ang Vittori queen hindi na sila pinahintulutang makialam sa problema ng mga Vitorri. Tanging si Orion na lang ang binigyan ng permiso na makialam dahil ito ang nakatalagang guard ng reyna."Don't go againts the order Chetah! Ba
Nagpasya s'yang mag stay sa hospital ng isang gabi. Kailangan n'yang sakyan ang kung ano mang binabalak ng kan'yang ina. Naka standby lang ang mga kasama n'ya sa posibleng gagawin ng babae sa kan'ya. Alam n'yang isa itong patibong ngunit ang hindi alam ng babae na nakahanda s'ya sa kung ano man ang gagawin nito.Nakaupo lang s'ya sa sofa sa loob ng kwartong iyon at nanunuod kunyari ng tv, ngunit alerto ang kan'yang pakiramdam sa paligid. Nagpaalam na lumabas saglit ang babae at naiwan s'yang mag isa kasama ang ama sa kwartong iyon.Pagod s'ya pero hindi n'ya magawang matulog. Hindi s'ya pwedeng tatanga-tanga sa ganitong sitwasyon. Kailangan n'yang maging alerto buong gabi, hindi n'ya pa matukoy kung sino ang kalaban nila, siya ba ang sadya o ang mga taong may maitim na balak sa ama n'ya.Dumagdag pa sa iisipin n'ya ang asawa. Buong araw n'ya itong tinatawagan pero naka off pa rin ang cellphone nito pati na rin ky Orion. She tried to ask Panther about Orion's whereabouts pero tanging
"Tobias noooo!" sigaw n'ya sa asawa. Kita n'ya ang galit nito sa mukha. Hindi ito ang Tobias na nakilala n'ya. Para itong sinapian ng kung anong espiritu ngayon.Nakatutok sa kan'ya ang baril nito at nanlilisik ang mga matang nakatangin sa kan'ya."I will kill you Aireen, I will kill you. You don't deserve to live. You dont deserve to live," pauulit- ulit na sigawi nito. Nagmamakaawa n'ya itong tiningnan, gusto n'yang magsalita pero napatda lang s'yang nakatingin sa galit na mukha ng asawa."T-o-bi-a-s ple-as-e lis-t-en t-o me, ple-as-e let me e-xp-l-a-in, " hirap na hirap na pagmamakaawa n'ya dito. "There's nothing to explain Aireen, there's nothing to talk. Ang gusto ko lang ang mamatay ka ngayon. Ang mawala ka sa buhay ko, " galit na galit na sambit nito kasabay ng pagkalabit sa gatilyo ng baril na nakatutok sa kan'ya. Naramdaman n'yang bumaon sa kan'yang dibdib ang bala at biglang bumulwak sa kan'yang bibig ang maraming dugo."Cassandra!" malakas na sigaw ng kung sinoman ang nari
THIRD PERSON POV"Damn it Tobias! You can't die bro, pasasabugin ko lahat ng negosyo mo pag namatay ka," si Nicollai na hawak-hawak ang kabilang dulo ng stretcher na pinaglagyan kay Tobias.Sa kabila naman ay si Howald na ngayon nakatiim bagang habang buhat-buhat ang kaibigan. Nakasunod naman ang iba nilang kaibigan kasama na ang asawa ni Drake na kapatid pala ni Tobias sa ina.Ang daming rebelasyon na lumabas kamakailan lang at pati sila gumulo din ang isip sa mga nalalaman."Hurry up Morgan, do your job as a doctor. Save our friend's life, damn it.!" narinig nilang sikmat ni Nicollai ky Ashton na ngayon s'yang tumitingin sa kalagayan ni Tobias. He is in critical condition, tumama ang bala sa maselang parte ng puso nito. "Fvck! Bro hang on, mabilisan lang to. Don't embarrass me to our friends na hayop ka. I am a high paid doctor in the country tapos kaibigan ko hindi ko magawang maisalba. Tang'ina huwag ganon Tobias, magsuntokan na lang tayo bago mo ako ipahiya sa lahat," gigil na
Nagalalakad s'ya sa isang mausok na lugar. Sobrang usok na halos hindi n'ya na makita ang dinadaanan n'ya.Patuloy lang s'ya sa paglalakad, may nakikita s'yang mga bulaklak sa dulo ng kan'yang nilalakaran."Nasaan ako? At anong lugar to?" naguguluhang tanong n'ya sa sarili. Sinusundan n'ya ang mga maliliit na paro-paro na lumilipad. Patungo ito sa direksyon kung saan ang mga bulaklak na nakita n'ya kanina.Narating n'ya ang lugar kung saan ang mga bulaklak na naaninag n'ya kanina.Palinga-linga s'ya sa paligid ,nakita n'yang may bangin na nakapagitna sa kabilang parte ng lugar kung saan s'ya nakatayo.You are my sunshine, my only sunshineYou makes me happy..... ????Narinig n'ya ang isang tinig na kumakanta, palapit ng palapit ang boses nito hanggang sa maaninag n'ya ang isang babae na masayang nakikipaghabulan sa mga paro-paro. Napapatawa pa ito sa sobrang tuwa, hindi nito sinasadya na mapaharap sa direksyon n'ya kung kaya mas naaninag n'ya ang mukha nito."Mama?" gulat na tawag n'ya
Isang buwang walang malay si Tobias sa hospital pagkatapos ng kan'yang operasyon.Isang buwan na tanging ang kapatid at mga kaibigan lamang ang bumibisita at nag aalaga sa kan'ya. Walang Cassandra na nagpakita sa kan'ya sa loob ng isang buwan at kahit na ngayong gising na s'ya. Hindi n'ya alam kung nasaan ito at kung ano ang nangyari dito. Nag aalala s'ya para sa asawa at naiinis sa sariling kinahinatnan ngayon dahil wala s'yang magawa para protektahan ang asawa n'ya kung may hindi man magandang nangyari dito.Inutusan n'ya ang kapatid na puntahan sa bahay nila at tingnan kung nandon ang asawa. Ayon sa mga kaibigan wala itong alam sa nangyari sa kan'ya. Nagbabasakali s'yang nasa bahay lang ito at naghihintay sa kan'yang pagbabalik.Nasa garden s'ya ngayon ng hospital nagpapahangin. Nakaupo s'ya sa wheelchair na itinulak ng nurse na naka assign sa kan'ya. Naalala n'ya ang mga panaginip nitong nagdaang mga gabi. Napangiti s'ya ng maalala ang mukha ng batang nakausap n'ya sa kan'yang pa
"How are you feeling today Cassandra?" baritonong boses na tanong nito sa kan'ya habang dahan-dahan na lumalapit sa kan'yang kinaroroonan. Napatulala lang s'ya dito at hindi nakapag salita hanggang sa makalapit ito."Are you ok? " nag aalalang tanong nito sa kan'ya. Hindi pa rin s'ya nakahuma sa pagkatigagal kung kaya mahina nitong pinitik ang kan'yang noo na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. "Who are you? " gulat na tanong n'ya dito ng mahimasmasan. Seryoso itong nakatingin sa buong mukha n'ya at nanayo ang kan'yang mga balahibo sa klase ng pagtitig nito sa kabuuan n'ya."Santino Lexus Giovanni mi amore, " "S-a-n-ti-no? " nauutal na tanong n'ya dito."Yeah! It's Santino Lexus Giovanni Cassandra, " pag uulit nito. Napakunot-noo s'ya sa sinabi nito dahil familiar sa kan'ya ang pangalan ng lalaki ngunit hindi n'ya matukoy kung saan n'ya ito narinig."Did we meet before?" tanong n'ya dito."Nope! Hindi mo pa ako kilala pero kilalang-kilala kita," balewalang sagot nito sabay lapit sa