“OO nga naman, Mrs. Walton. Bakit ka naman gagawin maid nitong apo ko?” Sabay na napalingon kaming dalawa ni Maximo sa nagsalita. Hindi ako puwedeng magkamali. It’s his Grandma. Masiglang napangiti si Maximo. “Grandma!” Para itong bata na nagmadaling yakapin ang lola niya. Now, I can clearly see that he is really a lola’s boy. Isa ito sa mga side ni Maximo na gusto kong makita. Akala ko, wala syang ganitong katangian. Now, I am really surprised. “I missed you, apo. And you too, Eloisa. Can I stay here for a month?” anito pa sabay pakita ng mga dala niyang maleta. Mukhang planado na nga nito ang pagtira niya sa bahay nina Maximo ah. Mabuti na rin naman iyon nang may makasama naman kami dito sa bahay. Nakakatakot kasi rito, e. Kung puwede nga lang na sana buong pamilya na lang niya ang nandito. “Grandma naman. Sa dami ba naman ng dala mong gamit, magtatanong ka pa niyan? How can we say no if all of your things are already here?” ani Maximo nang makahiwalay sa pagkakayakap sa Lola niy
When I entered the usual bar kung saan kami nagpupunta ni Kai, sinalubong agad ako ng maingay na tugtog at disco lights na talaga namang nakakahilo kung hindi ka sanay. Nakipagsisikan ako ng kaunti dahil medyo madaming tao. Nasaan na ba ‘yon si Kai? Don’t tell me hahanapin ko pa siya sa dami ng tao dito? “Eloisa Sandoval!” Napalingon agad ako sa pataray na boses na ‘yon na galing sa boses ng isang babaeng kilalang kilala ko. Sino pa nga ba? Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako naririto sa bar. Napangiti agad ako pero may halong kaba ang mga ngiting iyon dahil for sure ay gigisahin ako nito. I’ve missed talking to this b*tch friend of mine. Masyado akong naging busy simula nang lumipat ako kina Maximo. “Kai! I missed you!” Akmang yayakap ako sa kanya pero ang bruha, tinabig ang mga kamay ko. “Tse! Don’t tell me your missed me. Naiinis ako sa ‘yo. Nagtatampo ako sa ‘yo!” nagdadabog na sagot niya sa ‘kin. “Puwede ba na maupo muna tayo ano?” When we sat down, hindi pa rin naaal
PARA akong bata na pinagalitan ng magulang at napatawag sa Principal’s office sa mukha ko. Naka-pout lang ako buong byahe. I couldn’t attempt to speak dahil kinakabahan ako na mapagalitan ni Maximo. I can see in his eyes na galit siya pero focus lang siya sa pagda-drive. It feels awkward. Pakiramdam ko, ano mang salitang lalabas sa bibig ko ay bubuga agad ito ng apoy. “Hmmm.” I started to utter. “Keep quiet.” Saway nito. Napatikom tuloy ako ng bibig ko. Sabi ko na nga ba magagalit siya, e. Huhu what to do now, Eloisa? How will you be able to talk to your husband? Wait, husband? Hay! I feel so sorry about what happened. Malay ko ba na mapupunta doon si William? Ako pa tuloy ang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni William. Parang kasalanan ko pa tuloy. Nahimasmasan naman kanina si Kai dahil sa komosyon. Buti na lang. Umuwi na lang ito dahil alam naman niya na may sundo na ako. Pagdating agad namin ng mansiyon ay kinabahan agad ako. Lalo pa, sobrang t
Hanggang ngayon ay hindi ko kayang kibuin si Maximo. I continued staring at his lamp on his bed side table. Nakatalikod ako sa kanya. I did shower though. Magkatabi kami sa kama pero hindi kami magkaharap. Ayoko nga. Baka isipin niya pa na gusto kong titigan ang mga mukha niya. “Will you stay like that forever?” He murmured. Napanguso ako agad. Anong ibig niyang sabihin? “Anong pinagsasabi mo diyan?” mataray kong sagot sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Mas lalo kong niyakap ang kumot na nakabalot sa katawan ko dahil sa tindi ng air con. Para yata akong sisipunin. “Are you just going to turn your back to me as you sleep?” he said to me with his husky voice. I felt shiver from my neck down to my spine. His voice feels soothing in my whole body. Plus the fact na sobrang lamig ngayon. What is he up to? “Bakit? Kailangan ba na nakaharap ako sa ‘yo sa pagtulog natin? Hindi naman siguro.” “Tss.” Iyon lang ang sinabi nito saka ko naramdaman
HINDI ko mahubad hubad ang robe ko dahil nariyan lang si Maximo s a tabi. He is busy reading a magazine habang ako, heto, nakaupo sa gilid ng pool. I’m not yet ready to show off my body. Like duh? Ayaw ko nga. Hindi puwede kasi baka tingnan niya ako. Ang lakas niya pa namang mang-asar. Mamaya pintasan niya lang ‘yung katawan ko. I tossed my feet on the water. Ang lamig. I like it. It compliments the heat coming from the sun. Gusto ko na talagang tumalon at ilublob ang sarili ko sa tubig. Grr if not for Maximo, kanina pa ako nakaligo, e. Binaba ni Maximo ang binabasa niyang magazine saka niya ako binigyan ng isang napakasamang tingin. What have I done again this time? Tsk. “What?” iritable kong tanong. “Are you just going to stare at the water? Akala ko ba magsu-swiming ka?” I crossed my arms. “Yes. That was before you told Grandma to watch me over. Hindi ko hahayaang makita mo ang sexy body ko ‘no.” Pagdidiin ko pa. Hindi naman sa hindi ako sexy. Balingkinitan rin naman ang kataw
NAKAIDLIP ako matapos ng nangyaring iyon sa ‘kin. Kinaumagahan ay nagising na lamang ako dahil sa sinag ng sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko. Napapikit ako at napakusot ng mga mata ko sabay bangon sa higaan. I heard Maximo’s voice outside kaya sumilip ako sa labas. I walked wearing only my satin silk terno shorts and spaghetti. Kahit todo ang aircon ay sa awa ng Diyos, hindi naman ako nilamig masyado dahil sa kapal ng comforter na nakabalot sa buo kong katawan. I saw Maximo outside, nakikipaglaro kay Tabitha. This cat is such a cutie. Parang laruan na puwede mong yakapin palagi. No wonder Maximo is so fond of him. Napaka-adorable naman kasi talaga pero mukhang ni-training din ni Maximo na masungit katulad niya. Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako habang nakatitig kay Maximo. Napabalik lang ako sa ulirat ko nang biglang tumama sa noo ko ang isang maliit na bola. Napapikit ako sabay hawak sa noo ko. “Sh*t. where the heck did it came from?” Nang mamulat ko ang mga mata ko
ELOISA’S POV PARA akong mababaliw kakahanap kay Christopher. Saan na ba ang batang ‘yon? Huhu kinakabahan na ako at baka kung saan na siya nagsusuot. Wala pa naman kaming dalang body guards nina Maximo ngayon to help me search for that kid. Ngayon parehas ko silang hinahanap. Hindi ko makita. Kapag lumapit naman ako sa announcement area, baka marinig ni Maximo at mabigyan nya ako ng award. I don’t know what to do so I just kept on searching. Kahit na medyo masakit na ang paa ko sa heels. Nararamdaman ko na kasi na napapaltusan na ‘ko. Napapikit ako ng mariin sa hapdi non. What the heck. Kapag minamalas ka nga naman. I strolled inside the mall halos paika-ika na ang lakad ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang mini playground kung saan pinag-iiwanan ang mga bata. Nagbabakasakali na naroon si Christopher. Ang bilis niya kasi talagang nawala sa paningin ko kaya alam ko na hindi pa naman siya nakakalayo. Halos lahat ng bata doon ay inisa-isa ko na but he’s not there. Napakagat na lamang
Kararating ko lang sa law firm nila Maximo dahil pinauwi niya ako ulit para kunin ang ibang mga papers na kinakailangan niya. I was taken a back dahil sa tunog ng stiletto na nagmumula sa aking likuran. Agad akong napakunot ng noo. Napakatahimik kasi ng hallway kaya ayun talaga ang maririnig mo. Hindi naman ako naka high heels ngayon dahil pinagbawalan na ako ni Maximo. May sugat pa naman kasi itong paa ko.Nilingon ko iyong babaeng paniguradong pinagmumulan ng tunog na ‘yon. Agad akong napalingon. Bagay na sana hindi ko na lang ginawa. Nagsisi ako nang makita ko si Ate Elisha na may hawak na isang brown envelope. Ano namang ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Bakit kailangang makita ko pa siya dito?Mariin akong napapikit while gritting my teeth. Nakakainis. Our eyes met!“Hi, there, dear sister,” bati ng hipokrita kong kapatid.Hindi ko na siya dapat pansinin. I continued walking without turning my back on her again. No, Eloisa. Don’t talk to her even again. She’s not worth of
Ang sakit ng katawan ko nang gumising ako kinaumagahan. Nahirapan pa akong tumayo dahil nakailang rounds kami ni Maximo kagabi. Hindi niya ako tinigilan hangga’t hindi sumuko ang katawan niya. He threw himself on the bed when we finished. Tapos humirit pa ito kinagabihan. It’s like nag-ipon lang siya ng kaunting energy saka siya sumabak ulit. My gosh. I couldn’t feel my pearl down there anymore. Everyone was so busy helping me with the opening of the botique. Dahil sa pagod ay napatulala na lang ako sa isang gilid. Maging si Maximo ay mas aligaga pa nga sa pagtawag sa ‘kin. Ang sabi niya kasi ay mali-late siya sa opening. Magtatampo na nga sana ako pero dahil work related iyon, hindi naman ako makapagtampo dahil ayaw ko naman na isipin niya na napaka-imature ko naman. Hindi na kami mga teenagers para pag-awayan ang mga ganong bagay. “Huy!” Panggugulat ni Kai dahilan para mapatalon ako sa kaba. “What the heck, Kai! Bakit ka ba nanggugulat?” high pitch kong sagot. Napahawak pa ako sa
MONTHS after our daughter has been discharged of hospital, nabalitaan namin na umusad na rin pala ang kaso laban kay Abigail. Nasa kulungan na siya ngayon at malaking tulong ang ebidensya na hawak laban sa kanya para maipakulong siya. Kung ako ang tatanungin kung mapapatawad ko ba siya? I bet not. Maybe not now, not tomorrow, hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ko matanggap ang ginawa niya sa anak ko. My daughter is suffering now. Ultimo paglalakad ay nahihirapang gawin ng anak ko. She’s not as cheerful as she was before. Iyon ang bagay na pinakana-mi-miss ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at hindi napuruhan ang buto ng anak ko. It only caused minimal damage to her foot. Pag nagkataong napuruhan siya, baka mapatay ko na lang si Abigail. Nasa balcony ako ngayon ng kwarto ni Maximo and he’s still sleeping nang huli ko siyang tingnan. Nakatanaw lang ko mula dito sa taas. Nakatanaw sa anak ko. Nasa garden siya at nakaupo lang sa wheeled chair. She’s watching her cousins play at the ga
“O-Okay po, m-mommy. What is it that y-you will say?” kunot noo at inosente nitong tanong.Napatingin ito kay Maximo sabay kunot ng noo niya. “Mr. Grumpy? Why are you crying?” nagtataka na tanong niya.Nasasaktan nat lahat pero palatanong pa rin tong anak ko.Sasagot pa sana si Maximo pero pinigilan ko na agad siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Saka ako kumapit sa braso niya.“Sweety, you want to meet your daddy right? You met him in your dreams?” I asked.“Yes po.” she answered. It’s not as cheerful as her voice always sound but at least, she’s responding well.“It turned to reality just now, my love. You want to know why?” nakangiti ko pang tanong habang nagpupunas ng luha.Mas lalong tumindi ang pagkakakunot ng noo niya. “Why mommy?”Mas lalo ko silang pinaglapit ni Maximo. I know she’s starting to wonder but alam ko rin na naghihintay rin siya na ipaliwanag ko sa kanya.“Mr. Grumpy is your daddy, anak. Meet your dad.” Pagpapakilala ko.“You’re not lying mom aren’t you?” Paninigura
Inihiga ko siya sa isang vacant bed. Hawak niya pa rin yung flowers at hindi niya talaga iyon binibitawan. Natatawa nga ako habang pinagmamasdan siya na yakap yakap ang mga bulaklak. “Eloisa, pwede mo naman ipatong muna yan sa round table. Hindi mo naman kailangang itabi sa pagtulog, e.” Saway ko sa kanya. “No, I want to. Saka, sa ‘yo galing to. I treasure everything that you give me..” nagpapa-cute pa ito habang nakahiga na. Para siyang bata but how can I resist such cuteness? “Ang ganda mo.” Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. “Gwapo mo rin, Sir. Pwde pa-kiss?” Pagbibiro niya pa. Akala niya siguro hindi ko gagawin ha? “Lumapit ka sa ‘kin at hahalikan kita. Kung gusto mo, sobra pa sa halik.” wika ko sa nang-aakit na tono. “Tsee! H’wag ka nga diyan. Hospital to okay? Hindi hotel. Saka akala ko ba ipagpapahinga mo ako? Bakit humihirit ka diyan?” Sinasabi ko na nga ba at magrereklamo siya agad. Kailan ba siya hindi nagreklamo? Sanay na rin ako kaya patawa-tawa na lang ako ngayon. An
Hindi ko inasahan na ganon kabilis ang paggising niya nang hawakan ko pa lang ang likod niya.“Wife,” usal ko.She was about to ignore me pero bago niya pa magawa iyon ay hinila ko na siya para yakapin ng mahigpit. Napatayo siya dahil sa lakas ng pagkakahila ko sa kanya. Nakataas pa nga ang kilay nito at nagsusuplada pa sa ‘kin.“Sorry na, wife. Sorry if I didn’t listen to you, okay?” mapanuyo kong bigkas.I badly want to make her feel na seryoso ako at sincere sa paghingi ko ng tawad sa kanya. If there’s a time to make up with everything, ito na ‘yon. Bawat araw ay panibagong araw para patunayan ko sa kanya na sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Na mahal ko siya more than anything else. She’s my life-- no. They’re my life. Siya at si Maxine. Ang unica hija namin.“Bakit ka pa bumalik? I told you to leave, right?”“Wife naman, I came back dahil mali ako. Okay? Mali ako na inakala ko na hindi magagawa ni Abigail ang ganon kasamang bagay. Mali ako na pinaramdam ko sa ‘yo na sa kanya ak
MAXIMO’S POVNAGMAMADALI akong umuwi para tumulong sa imbestigasyon ng kaso. As a lawyer, magagamit ko rito ang pinag-aralan ko. I know the police officers can do their job but I think, mas bibilis ang usad kapag nag-conduct rin ako ng sarili kong imbestigasyon. But before I go home, sumaglit muna ako sa bahay nina Abigail. I badly wants to hear from her. Gusto kong marinig ang panig niya kung may kinalaman ba talaga siya sa nangyari. At kapag nalaman ko lang, hindi ko alam kung anong magagawa ko.“Abigail!” sigaw ko agad kahit nasa labas pa lang ako ng gate nila. Pero nagtataka ako kung bakit bukas iyon.Isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit nandito sa labas yung sasakyan ng mga body guards ni daddy. Is he here? Kunot noo kong tanong sa isipan.Nang pumasok ako ay hindi ko akalain na makikita ko si Daddy. He seems to be having a fight with Abigail. Hawak rin ng mga body guards si Abigail sa braso nito dahilan kaya hindi ito makawala.What on earth is happening?“Dad? Anong nangyaya
Pinagsasabunutan ko na ang sarili ko.Nag-iiyakan pa rin ang mga ito.“Sis, hwag ka namang ganyan o. nasasaktan kami kapag nakikita ka naming nagkakaganyan, e. magiging okay si Maxine. She’ll wake up at ikaw ang una niyang hahanapin kaya hindi ka pwedeng humarap sa kanya na mahina, naiintindihan mo ba? Ikaw ang pagkukunan niya ng lakas.”I still cried like a river. Kahit pilitin kong tumahan, hindi ko magawa. Sinusubukan ko naman e. ang hirap lang talaga dahil pakiramdam ko tinanggalan ako ng isang paa.“Eloisa!”Napaangat agad ako ng tingin at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapatayo when I saw Maximo na hinihingal pa at kararating lang sa hospitl. He’s standing in front of me looking so worried.“Maximo.” Napatayo ako agad para yakapin siya. I need his hug more than anything else. Nanghihina na ako kaiiyak. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa pahihirapan ang buhay namin na para bang walang katapusan.“Sorry if I was late. Nag-report na ako sa police and don’t worry. Nasa
Napalunok ako ng laway. Ito na talaga ang hinihintay ko. I wonder what Maxine’s reaction will be once she finds out?Matuwa naman kaya siya kapag nalaman niya na ang daddy niya ay si Maximo? I am feeling a bit nervous. I hope everything goes well.“Sure. I will. H’wag kang mag-alala. Bukas na bukas rin ay nandyan na kami.” I assured him.“Wait. . . I will ask my men to pick you there. Don’t bother to drive on your own or commute, okay? Gusto ko sanang ako ang sumundo sa inyo, but I want to surpise that little girl kaya bukas na lang. I am excited to see her precious reaction.”Natawa ako. “Okay, okay. That will be great I guess. Sige na, ibaba ko na ang tawag--”“Wait, Eloisa.”“Why?” I asked him.“I love you,” he whispered on the line.“I-I think I can’t respond to that right now.” Naiilang kong sagot habang nakatingin kay Maxine. For sure nakikinig na naman ang batang yan e.“Bakit naman?” I can already imagine Maximo’s face na nakanguso dahil hindi napagbigyan.“Alam mong may littl
Naiiyak na naman ako. Habang sinasariwa ko kasi ang nakaraan, nasasaktan ako. Paulit ulit itong nag-iiwan ng sugat na parang hindi gumagaling.Napayuko ako “T-Tama na ho, Mr. Maximilio. Nasasaktan na ho kasi ako.” Awat ko sa kanya nang maramdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I am about to cry.“But I came here to say sorry and to welcome you to the family whole heartedly, Ms. Eloisa.”Agad kong inangat ang mga tingin ko sa kanya. “P-Po?” totoo ba ang sinasabi niya? Wala na ba iton halong pagpapanggap? Baka naman nang eechos lang ito ulit like the first time he saw me?“Hindi na ba kapani paniwala?” alanganin niyang tanong.Napakamot ako ng ulo. I guess, I need to forgive everyone now. Mahirap nga naman umusad kapag may nagho-hold back pa rin sa puso mo.“Ayos lang ho. Ang mahalaga, you came here to sincerely apologize. Mas mahirap po patawarin ang isang taong kailan man, hindi kayang humingi ng kapatawaran.”Napangiti si Mr. Maximilio. “Tama nga ang sabi ni Mama.”Napa