Malakas ang kabog ng dibdib ni Sarah habang naka- upo sa sala at matiyagang nag hihintay kay Raiver sa pag- uwi nito mula sa kung saan man ito pumunta, dahil hindi naman niya ina- alam ang mga lakad nito. Hawak nya sa palad ang resulta ng kanyang ginawang pregnancy test. At dahil sa hindi sya makapaniwala ay ilang beses pa talaga niyang ginawa iyon bago nakumbinsi ang sarili na buntis na nga talaga sya.
Kagaya ng nasabi ni Angela, kailangan niyang ipa- alam sa binata ang kanyang kondisyon ngayon.
Bagaman at alam nito ang kung ano ang namamagitan sa kanila ay buo naman ang suporta nito para sa kanya, kaya labis- labis rin ang pasasalamat niya para dito na kahit pa- paano ay may maituturing syang kaibigan- kapatid na mahihingahan nya kung oras na kailangan nya ng kausap.
Hindi sya sigurado sa mga mangyayari sa mga darating na panahon sa kanya. Ang tanging malinaw lamang sa ngayon ay d
"SHIT!"Nagulat ng husto si Raiver ng makita ang maliit na puting plastik na hugis rectangle at may guhit na dalawa sa gitna. Hindi naman na sya inosente pa para hindi malaman kung ano ito kaya sigurado sya na ginagamit ito ng mga babae kapag nag pi- pregnancy test. Marami na rin naman siyang nakikita online kapag pa tungkol sa ganito kaya sigurado na sya kung para saan ito ginamit. Naisip niya na lumabas kahapon ang dalaga para bumili sa labas kaya naisip niya na marahil ay iyon ang binili nito na hindi naman sa kanya sinabi. Dinampot nya ang bagay na iyon matapos mahulog sa sahig mula sa mga palad ni Sarah at pinaka titigan pa ng mabuti. At tama nga siya na pregnancy test kit iyon base sa hitsura nito. At alam rin niya na positive iyon kung sakaling may dalawang linya na kagaya nito. Hindi nya malaman kung ano na ang g
"BUNTIS KA BA?" Pag u- ulit ni Raiver sa sinabi nito kanina ng hindi agad naka- imik at naka sagot ang dalagang si Sarah. 'So, alam na niya?' hindi rin naiwasang ibulong ng dalaga sa kanyang sarili. Ilang beses muna itong lumunok ng sariling laway upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan bago bumuntong - hininga at sumagot. "Paano mo naman nasabi?" paniniyak ng dalaga. Nais lang niyang siguraduhin kung talagang may alam na nga ba ito sa kondisyon niya o nang huhula lamang. Ngunit isa ang sigurado sya, marahil ay nakita na nito ang resulta ng ginawa niyang sample kanina dahil wala naman ito sa kanya ng magising siya. Ang tanging alam niya ay hawak- hawak niya iyon kanina para sana personal na ipakita sa binata, kaso hindi agad ito naka- uwi, at naka tulugan na nga ni
"CONGRATULATION'S to both of you." naka ngiting bati sa kanila ng OB ni Sarah. "Paalala lang sa inyong dalawa na maselan ang kanyang first trimester. So, hanggang ma- a- ari ay iwasan muna ang ma- stress at mapagod. Sa ngayon, re- resetahan muna kita ng vitamins at pam pakapit. Iwasan mo muna mag take ng ibang gamot without prescription mula sa doctor o mag self medication. You need enough rest at nutritiuos foods. Every two weeks ang magiging check- up mo para ma monitor natin ang kondisyon ninyo ni baby." mahabang paliwanag ng doktor sa dalawa. "Ikaw naman mister, hanggat kaya pa muna na mag pigil huwag muna pa- pagurin ng husto si misis. Base sa mga sinabi ninyo kanina na sintomas, mukhang medyo may kaselanan ang magiging kondisyon niya kaya dapat na doble ingat muna. At palagi siyang may kasama para hindi naman sya napa- pagod ng husto. Iwas- iwas muna sa mabibigat na gawain lalo na ang pag bubuhat ng mabibigat na bagay." dagdag pa nito sa dala
Naging maayos at tahimik naman ang mga sumunod na mga araw para kina Sarah at Raiver. Maayos na naibi- bigay ng lalaki ang mga pangangailangan niya. Hindi na rin sya nito pina payagan na kumilos at naging mas ma- alalay ito sa kanya at palaging nasa tabi niya. Ayaw man niyang masanay na malapit ito sa kanya ngunit wala rin syang choice dahil wala rin naman siyang ibang maka kasama. Sa tuwing mawawala at a- alis pansamantala ang binata ay nililibang naman niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang mga kaibigan at lalo na kay Angela na itinuring na niyang kapatid- kaibigan. Naging supportive ito sa kanya kahit pa ng mag silang na ito ay palagi pa rin itong may time sa kanya para kausapin sya. Unti- unti ay nalibang at nawala ang isip niya sa sitwasyong mayroon sila ni Raiver. Itinuon na lamang niya ang kanyang sarili sa mga
Naka- uwi na ng yunit nila si Sarah galing sa malaking mansyon at hapon na rin ngunit walang anino ni Raiver ang naroon. Wala ring anumang bakas na umuwi ito habang wala sya. Matamlay na nag pahinga muna sya sandali bago tinungo ang kusina upang mag handa ng pagkain nila para sa hapunan. Madilim na sa labas at maliwanag na rin ang buong paligid ng mga street lights ngunit wala pa ring Raiver na umuwi para sa hapunan na dati naman ay ginagawa nito noon. 'Ganoon na ba talaga nya ka- disgusto ang mga nangyari?' piping tanong niya sa kanyang sarili at nai- himas ang isang palad sa kanyang tiyan. At bilang ina ay labis siyang nasasaktan sa nakikita at lantarang pag ayaw ng binata sa batang dinadala niya. 'Baka naguguluhan lang!' pag a- alo niya sa kanyang sarili upang maiwasan na mag- isip pa ng husto. &n
"Sarah?" tinig na nakapag palingon kay Sarah habang sya ay naka tayo sa harapan ng building na kanyang pinanggalingan at nag hi- hintay ng kanyang masasakyan. Lumabas ito mula sa isang pulang sports car at tila hindi maka paniwala na nakita sya muli. "S- sir, kayo ho pala!" alanganin na sagot niya rito. "What are you doing here outside? Hindi mo ba kasama si Raiver? At saka pwede ba Lester na lang. Ginagawa mo naman akong matanda na niyan eh" biro nito habang tila nag ta- taka pa ito at inili- libot ang tingin sa kanyang paligid. "Ah, hindi. May pinuntahan kasi sya." simpleng sagot niya. "Saan ka ba kasi pupunta? Ihahatid na lang kita at mukhang mata tagalan ka pa kung mag hihintay ka pa ng taxi na masasakyan. Bakit naman kasi hindi ka na lang na
Masakit ang ulo ni Raiver ng magising kina- umagahan. Kagaya pa rin ng dati ay nasa loob ito ng hotel at may kasamang ibang babae. Mag mula ng malaman niya ang resulta ng naging ultrasound ni Sarah ay tila nawalan na rin sya ng amor na malamang babae ang naka takda nitong isilang na sanggol. Lalaki ang tanging hangad niya na hiniling rin sa kanya ng kanyang ama. Ngayon, pa- paano pa niya mabi- bigyan ng katuparan iyon kung hindi naman sya pinag bigyan ng pagkakataon. At dahil sa naramdaman niyang pagkatalo ay tuluyang ipinag walang bahala na niya ang presensya ng babae at ipinakita rito na parang wala ng halaga pa ang kung ano man na meron sila ngayon. Muli syang nalulong kasama ang barkada at babae. At bilang patunay sa kantiyaw ng kanyang mga kaibigan na kaya niyang magkaroon ng anak na lalaki ay itinuon niya ngayon ang atensyon sa ibang babae. &
Mabilis na lumipas ang mga buwan at unti- unti na rin na nasanay sa bagong buhay at paligid niya si Sarah na malayo sa syudad at sa mga taong pansamantala muna niyang iniwan. Tahimik at kuntento na sya ngayon. Habang hindi naman sya ini- iwan at pinaba- bayaan ni Lester. Kahit na abala pa ito sa pag pa- patakbo ng mga negosyo nito ay hindi naman nito iniwan ang dalaga. Hindi lingid sa kanya ang ginagawang pag ha- hanap ng pamilya sa kanya at maging ni Raiver. Gustuhin man niyang mag sabi ng totoo sa mga ito, ngunit hindi niya magawa. Dahil alam niyang nangako sya sa dalaga at igina- galang niya ang mga naging pasya nito. Ayaw niyang saklawan ang kung ano mang mga desisyon nito. Mabuti na rin iyon dahil hindi naman lingid sa kanya ang pagiging pala barkada at babaero ng binata. Hindi rin masyadong nag kwento ang dalaga ng anuman na tungkol sa naging pag sasama nila ni Raiver, tanging ang paglayo at pag iwas lamang an