Serenity’s POV Dalawang araw na ang nakalipas. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwarto. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko makontak si Miguel. Walang phone, walang internet, walang paraan para makausap siya.Parang nababaliw na ako sa pag-aalala. Okay lang kaya siya? Nag-aalala rin kaya siya sa akin?Nakatitig ako sa picture frame sa bedside table ko. Larawan namin ni Miguel. Nakangiti kami pareho, masaya. Parang gusto kong ibalik ang lahat, parang gusto kong bumalik sa araw na una naming nagkita.Idinikit ko ang mukha ko sa malamig na salamin ng bintana ng kwarto ko. Sinusubukan kong makita kung may tao sa labas. Mabilis na tumibok ang puso ko nang makita ko ang kotse niya sa dulo ng driveway. Si Miguel.Nakatayo siya sa labas ng gate, nakatingin sa bahay. Mukhang nag-aalala siya.Parang may kung anong nag-uudyok sa akin na buksan ang pinto at lumabas, pero alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon. Grounded ako. Bawal akong lumabas.Naramdaman kong bigl
Serenity's POVMagkatabi kami ni Miguel sa upuan, magkahawak ang kamay habang nakaharap kay Uncle Azriel. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero ramdam na ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Miguel sa akin, parang sinasabi niyang hindi ako dapat mag-alala.“Azriel, humihingi ako ng pasensya kung naglihim kami sa’yo,” saad ni Miguel habang taimtim na nakatingin kay Uncle Azriel.“Ako talaga ang may gusto na ilihim ang lahat, natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo. Gustong-gusto ka ng kausapin ni Miguel pero pinipigilan ko siya,” paliwanag ko.“Papayag akong makipagrelasyon ka kay Miguel pero sa isang kondisyon,” he said kaya napatingin ako sa kaniya.“Ano yun?” usisa ko.“Gusto kong i-continue mo ang therapy mo,” he said. Napatingin naman sa akin si Miguel. Halatang nagulat si Miguel. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang tungkol doon.“Opo Uncle,” ang nasabi ko nalang.“Don’t worry Azriel, makakaasa kang tutulungan ko si Serenity.”“Kaibigan kita Miguel, pero mahal ko ang pamang
“Baby, why are you running away?” tanong niya habang hinihingal, mukhang hinabol niya ata ako.“Ah, n-napadaan lang ako para ipadala yung miryenda mo, uuwi na din ako,” pagsisinungaling ko pero bigla naman akong niyakap ni Miguel.“Baby, I am not sure kung ano ba yung iniisip mo. That girl na nakita mo sa loob ng office ko ay yung secretary na ibinigay ng agency and the reason bakit kami nag-uusap sa loob kasi I was explaining to her na ayoko ng babaeng secretary dahil ayokong bigyan ng rason ang mahal ko na magselos kaya naman she was smiling kasi 1st time daw niya maka-meet ng lalaki na ayaw magkaroon ng secretary na babae dahil ayaw magselos ang girlfriend. Yan lang yung pinag-usapan namin sa loob. I also never gave her a single glance kasi I’m not interested with her. Ikaw lang yung babaeng gusto kong tignan,” paliwanag niya.“Babe, you don’t have to explain,” i said pero ang totoo gusto ko talaga siyang mag-explain.“No baby, I want to tell you what happened. Ayokong nagagalit k
Serenity’s POV Pumunta ako sa clinic ni Kuya Dylan. Siya na kasi ang therapist ko dahil ipinilit ni Uncle Azriel na sa kanya nalang daw ako mag-undergo ng therapy. Noong una, ayaw ni Miguel dahil baka daw bigla akong mainlove kay Dylan. Well, hindi ko naman masisisi si Miguel na magselos dahil mala-artista din ang datingan ni Dylan, pero syempre sa paningin ko, si Miguel lang ang pinakagwapo. Kahit i-compare ko silang magkakaibigan, kasama na si Uncle, masasabi mong iba-iba sila ng appeal, pero lahat sila ay gwapo talaga. Si Kuya Dylan ay napakagaling talaga pagdating sa trabaho niya kaya nga mas nahahandle ko na ang trauma ko sa pagkamatay ni Mom at sa naging relasyon ko kay Kaiser. Kahit papaano, nakatulong talaga siya ng malaki para malampasan ko ‘yon. “Serenity, parang wala ata tayong schedule na session ngayon ah, may problema ba?” tanong niya. “Yes, Kuya Dylan. Actually, gusto kong ayusin ang sarili ko. Gusto kong ayusin ang insecurities ko tungkol sa relasyon namin ni Miguel
Serenity’s POV Natapos ang usapan namin kay Kuya Dylan at talagang nakatulong ang mga sinabi niya sa akin. Mas naging malinaw din sa akin yung mga dapat kong gawin. Nabanggit din ni Kuya Dylan na si Miguel has a secure attachment style that could really help me in my healing process. Lumabas na ako ng clinic ni Kuya Dylan at nakaabang naman na sa akin sa labas si Miguel gamit ang mustang niya. Nang makita niyang parating na ako, dali-dali siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. “Baby, how’s your session?” Usisa niya nung nasa loob na kami ng sasakyan. “Maayos naman babe, it helped me a lot, atsaka okay din si Kuya Dylan kasi talagang komportable ako na kausap siya and he always makes me feel na my feelings are valid.” Kwento ko. “Hmm.. Magsisimula na ba akong magselos dahil masyado mong pinupuri ang therapist mo sa harap ng boyfriend mo?” he said habang nakasimangot. “Babe naman, ikaw pa din ang pinaka-pogi, pinaka-the best and you always makes me feel na my feelings are val
Serenity’s POV Biglang nagtilian ang mga kaklase ko, halatang nagulat sila sa pag-amin ko. Nakita ko namang nagulat si Miguel dahil alam niyang ayaw ko muna sanang malaman ng iba sa school ang tungkol sa amin. Pero habang tumatagal, napagtanto kong hindi siya aalis dahil lang sa mga sasabihin ng iba. Nagsimula na akong magtiwala sa pagmamahal ni Miguel sa akin. Alam kong sapat na ang pagka-mature niya para hindi maimpluwensyahan ng mga sinasabi ng iba. Hindi na rin ako dapat mag-alala sa mga taong hindi sang-ayon sa relasyon namin dahil hindi ko naman makokontrol ang reaksyon nila. At sa huli, kami naman ni Miguel ang involved sa relasyon namin kaya kung hahayaan kong talunin ako ng mga negatibong iniisip ko tungkol sa kanila, ako rin ang matatalo. “Thank you all. Congratulations to all graduates!” pagtatapos ko ng speech at nakipagkamay sa akin ang mga professors at mga staff na nasa stage. Nang pababa na ako, sinalubong agad ako ni Miguel. “Congratulations!” Bati ni Miguel sa aki
Bumulong naman sa akin si Uncle Azriel. “Siya ang nakababatang kapatid ni Miguel,” bulong niya. So siya pala ang kapatid niya, wow, kaya pala ang ganda rin niya. Pero bakit kaya parang bad mood siya? “So, totoo pala yung narinig ko kay Ava? Talaga bang girlfriend mo siya, Kuya?” naiinis na tanong niya kaya hinawakan naman ni Miguel ang kamay ko. Tahimik lang sina Dylan and Nagi pati si Uncle. “Oo, Cassy, girlfriend ko si Serenity. May problema ba tayo dun?” seryoso namang sagot ni Miguel na dahilan para matawa ng pasarkastiko si Cassy. “Kuya, nakalimutan mo na ba? O kailangan ko bang ipaalala sa’yo? Siya ang ex-girlfriend ni Kaiser, at si Kaiser ay pamangkin mo!” Para tuloy akong nanliit sa mga sinabi ni Cassy. “Don’t talk to her like that, baka nakakalimutan mo pamangkin ko yang kausap mo!” Pagtanggol naman ni uncle sa akin. “Isa ka pa! Hinayaan mong maging sila! Kayo din Nagi and Dylan!! Kilala nyo si Kaiser di ba pamangkin na din ang turing nyo sa batang yun. He is like a fam
Serenity’s POV Nagpanggap akong walang narinig nang makabalik ako sa table namin. “Ang haba ng pila sa CR,” pagsisinungaling ko para hindi sila magtaka kung bakit antagal kong nawala. “Kaya pala ang tagal mo,” pagsusungit ni Uncle. “Okay lang baby, halika na, maupo ka na,” sabi naman ni Miguel kaya dumila ako kay Uncle para asarin siya dahil may kakampi na ako. Hindi na niya ako mabubuli pa, pero umirap lang sa akin si Uncle Azriel. Todo asikaso pa rin sa akin si Miguel. Inaabot at ibinibigay niya ang mga kailangan ko gaya ng tubig at pagkain. Napansin naman yun ni Nagi. “Mamaya na kayo maglambingan dyan. Makipagkwentuhan ka muna sa amin, Serenity,” Masayang aya ni Nagi. “Huwag mo siyang idamay sa kalokohan mo,” Saway naman ni Miguel. “Babe, it’s okay,” kontra ko naman sa kanya. “Takot ka lang eh na baka ikwento ko mga kadramahan mo,” pang-aasar uli ni Nagi. Halata namang napipikon na si Miguel, pero pinipilit niyang kumalma siguro kasi andito ako. Napakakulit talaga ni Kuya
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat