Sa lahat po ng aking mga readers. Please 🙏 leave a comment po every episode para po makahelp sa akin. Asahan nyo po na mas sisikapin ko pa pong pagandahin ang story nila Miguel and Serenity.
Serenity’s POV Biglang nagtilian ang mga kaklase ko, halatang nagulat sila sa pag-amin ko. Nakita ko namang nagulat si Miguel dahil alam niyang ayaw ko muna sanang malaman ng iba sa school ang tungkol sa amin. Pero habang tumatagal, napagtanto kong hindi siya aalis dahil lang sa mga sasabihin ng iba. Nagsimula na akong magtiwala sa pagmamahal ni Miguel sa akin. Alam kong sapat na ang pagka-mature niya para hindi maimpluwensyahan ng mga sinasabi ng iba. Hindi na rin ako dapat mag-alala sa mga taong hindi sang-ayon sa relasyon namin dahil hindi ko naman makokontrol ang reaksyon nila. At sa huli, kami naman ni Miguel ang involved sa relasyon namin kaya kung hahayaan kong talunin ako ng mga negatibong iniisip ko tungkol sa kanila, ako rin ang matatalo. “Thank you all. Congratulations to all graduates!” pagtatapos ko ng speech at nakipagkamay sa akin ang mga professors at mga staff na nasa stage. Nang pababa na ako, sinalubong agad ako ni Miguel. “Congratulations!” Bati ni Miguel sa aki
Bumulong naman sa akin si Uncle Azriel. “Siya ang nakababatang kapatid ni Miguel,” bulong niya. So siya pala ang kapatid niya, wow, kaya pala ang ganda rin niya. Pero bakit kaya parang bad mood siya? “So, totoo pala yung narinig ko kay Ava? Talaga bang girlfriend mo siya, Kuya?” naiinis na tanong niya kaya hinawakan naman ni Miguel ang kamay ko. Tahimik lang sina Dylan and Nagi pati si Uncle. “Oo, Cassy, girlfriend ko si Serenity. May problema ba tayo dun?” seryoso namang sagot ni Miguel na dahilan para matawa ng pasarkastiko si Cassy. “Kuya, nakalimutan mo na ba? O kailangan ko bang ipaalala sa’yo? Siya ang ex-girlfriend ni Kaiser, at si Kaiser ay pamangkin mo!” Para tuloy akong nanliit sa mga sinabi ni Cassy. “Don’t talk to her like that, baka nakakalimutan mo pamangkin ko yang kausap mo!” Pagtanggol naman ni uncle sa akin. “Isa ka pa! Hinayaan mong maging sila! Kayo din Nagi and Dylan!! Kilala nyo si Kaiser di ba pamangkin na din ang turing nyo sa batang yun. He is like a fam
Serenity’s POV Nagpanggap akong walang narinig nang makabalik ako sa table namin. “Ang haba ng pila sa CR,” pagsisinungaling ko para hindi sila magtaka kung bakit antagal kong nawala. “Kaya pala ang tagal mo,” pagsusungit ni Uncle. “Okay lang baby, halika na, maupo ka na,” sabi naman ni Miguel kaya dumila ako kay Uncle para asarin siya dahil may kakampi na ako. Hindi na niya ako mabubuli pa, pero umirap lang sa akin si Uncle Azriel. Todo asikaso pa rin sa akin si Miguel. Inaabot at ibinibigay niya ang mga kailangan ko gaya ng tubig at pagkain. Napansin naman yun ni Nagi. “Mamaya na kayo maglambingan dyan. Makipagkwentuhan ka muna sa amin, Serenity,” Masayang aya ni Nagi. “Huwag mo siyang idamay sa kalokohan mo,” Saway naman ni Miguel. “Babe, it’s okay,” kontra ko naman sa kanya. “Takot ka lang eh na baka ikwento ko mga kadramahan mo,” pang-aasar uli ni Nagi. Halata namang napipikon na si Miguel, pero pinipilit niyang kumalma siguro kasi andito ako. Napakakulit talaga ni Kuya
Serenity's POV “SERENITY!” Isang malalim at malakas na boses ang gumulat sa akin mula sa aking likuran kaya naman naitulak ko si Kaiser. Hinigit agad ako ni Uncle Azriel papunta sa likuran niya. “What are you doing here! At ang kapal naman ng mukha mong yakapin ang pamangkin ko pagkatapos mo siyang iwan!” galit na sabi ni Uncle. “Uncle, let me explain. The reason why—” Hindi na pinatapos ni Uncle si Kaiser magsalita dahil isinara na niya ang gate. “Umalis ka na bago pa kita ipadampot sa security guard ng village na ito!” Sigaw niya habang hila-hila ako papasok ng bahay. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay. “Are you insane? Bakit ka nakikipagyakapan sa lalaking yun? May boyfriend ka di ba?” pag-kompronta niya sa akin. “No, uncle, nabigla rin ako. Bigla niya nalang akong niyakap and natakot ako,” I explained. “Huwag ka ng makikipagkita sa lalaking yun ha. Atsaka sasabihin ko kay Miguel na nagpunta yung lokoloko niyang pamangkin!” naiinis niyang sabi. “Wag na, Uncle please.
“Baka spam lang,” sabi ko sabay tago ng phone sa bulsa ko. Bumalik naman ako sa oven at kinuha ang mga cookies na niluto ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag-lilihim sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako na magkagulo ang lahat. Nagulat ako ng biglang yumakap siya mula sa likuran ko. “Baby, I love you!” Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. “I love you too babe,” kinuha ko agad yung plato at inilapag sa lamesa para kumain. Hindi ko alam pero hindi ko na kayang maglihim kay Miguel kaya kailangan ko na talagang tapusin ito. At ako lang ang makakagawa nito. Kailangan kong makipag-usap kay Kaiser at tapusin ang bagay na kailangan naming tapusin. Serenity’s POV Nag-decide akong makipagkita kay Kaiser ng hindi ipinapaalam kay Miguel or kay Uncle. Gusto kong tapusin ang problemang ito dahil ako naman talaga ang may issue. Nang makarating na ako sa restaurant para makipag-meet kay Kaiser nakaramdam ako ng kaba at nerbyos. Sa totoo lang kinakabahan ako, after almost 7 years kasi ay mag
Serenity's POV “S-Serenity, you mean may boyfriend ka na?” he said na halatang nagulat siya. “Oo meron na, at masaya na ako ngayon sa kanya. At ngayon ko lang naramdaman yung totoong pagmamahal na hindi mo naibigay sa loob ng 5 years na mag-boyfriend tayo. Actually, hindi na nga ako interested na malaman kung bakit mo ako iniwan kasi it doesn't matter anyway kasi may boyfriend na ako,” I said. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “No Serenity, ako lang yung taong totoong nagmamahal sayo! Ako lang yung totoong makakapagpasaya sayo. I've waited for almost 7 years kasi alam kong sa huli ako pa rin ang pipiliin mo kasi alam kong mahal mo ako,” he said. Pero natawa ako sa loob ko sa sinabi niya yun. “No Kaiser, hindi lang ikaw ang pwedeng magmahal sa akin and stop being selfish na sayo pwedeng umikot ang mundo ko. Nagpapasalamat nga ako eh, kasi nakawala ako sa toxic na relasyon natin,” I said and halatang nagulat siya. Sinusubukan kong wag magpakita ng pagkatakot o ng weakness sa kanya
Kaiser’s POV Nang makita ko si Serenity na papalapit sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko. Halos isang dekada ko siyang hinintay at ngayon narito na siya sa harap ko. Kahit na hindi na siya ang dating Serenity na nakilala ko— yung dating nagmamahal sa akin ng sobra— alam kong sa huli, ako pa rin ang pipiliin niya. Inilahad ko ang pulang rosas na hawak ko, at nginitian ko siya ng matamis. “Serenity, for you.” Alam kong nagulat siya ng makita ako. Napakaganda niya pa rin, mas lalo pang gumanda. Hindi ako sigurado kung may boyfriend na siya, pero wala akong pakialam alam kong wala siyang ibang mamahalin kundi ako. Ako lang ang nakakaalam ng tunay na halaga niya. “Maupo ka, teka oorder lang ako,” sabi ko. Pero bago pa man siya maka-upo, sinabi niya na hindi siya para kumain. “Kaiser, I’m not here para kumain, actually gusto ko lang makapag-usap tayo para magkaroon tayo ng proper closure at para marinig ko na din yung dahilan mo kung bakit ka umalis,” she said. Alam ko na ang sasabih
Kaiser’s POV Napakunot ang noo ko. Napatingin ako kung sino yun. Si Uncle Miguel pala. Bakit ba siya nandito? “Ako ng bahala sa kaniya,” sabi niya at kinuha si Serenity kay Dylan. Tapos, dire-diretso siyang lumabas ng restaurant at sumakay sa sasakyan niya. Nakatulala lang ako. Hindi ko makapaniwala na kukunin niya si Serenity sa akin. Bakit ba siya nakikialam? Si Serenity ang para sa akin. Siya ang mahal ko. Bigla akong na-realize na kailangan ko siyang sundan. Pero bago pa man ako makalakad, hinawakan ni Kuya Dylan ang balikat ko. “Can we talk?” Malumanay niyang tanong. Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi ako makakatakas sa usapan na ito. Alam kong kailangan kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ni Dylan. Naupo kami sa table ni Kuya at umorder na din siya ng kape. “Kuya, hindi ko maintindihan bakit sinama ni uncle si Serenity? At bakit sumama si Serenity kay uncle?” pagtataka ko. “Miguel is Serenity’s boyfriend,” sabi ni Kuya Dylan. Natigilan ako sa sinabi niya. P
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat